chapter 7 | images
NOTE: Kahit kakaunti lang po yung readers ko nag mumute pa rin po ako ng mga spoilers kaya sana wala pong Mang s-spoil hehe thankyou pages!
Again this is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
FOR MORE UPDATE FOLLOW ME ON:
FB: Allana Adalaide
don't forget to VOTE,FOLLOW AND COMMENT!!!and MOST of all SPREAD THE STORY!! Thankyouuu!!!
Nagising ako dahil sa kakarampot na init na nararamdaman ko sa paanan kung saan tumatama ang liwanag na nagmumula sa veranda nitong kwarto, unti unti kong iminulat ang mata ko at unang kong nakita ang malaki kong bintana na nakasarado.
' parang yung unang araw lang na nagising ako sa lugar nato '
Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa dingding at nakita kong alas nuebe na.
' napatagal ata ang pagkikwentuhan namin ni Iya '
Bumangon na ako at agad na naligo at nagbihis.
Sout ko ang black jogger ko na pinarisan ng black turtleneck croptop at pinatungan ko ng Gucci jacket ko, nagsuot din ako ng black Gucci heels.
Nakahanda na ang pagkain ng makababa ako, dumiretso ako sa dinning area at katulad ng nakasanayan ay mag isang kumain.
Halos kalahating oras din ako kumain dahil sa bagal kong sumubo at ngumuya, hindi ko rin maiwasang malungkot dahil dati rati ay kasama ko ang pamilya ko habang kumakain pero ngayon daig ko pa ang ulila at lonely girl sa sitwasiyon ko.
Napabuntong hininga ako at pinanatiling walang ekspresiyon ang mukha, kinuha ko ang glass of water at agad yung ininom bilang pagtatapos.
Bumalik ako sa kwarto ko at plano ko ng kunin ang black bag ko ng makita ko sa side table ang envelope na sinadya ni Iya kagabi.
"Tch!" Singhal ko saka pabatong inilagay ang envelope sa box na pinaglalagyan ko rin ng iba pang envelope.
Lumapit ako sa bintana at binuksan ang bintana ko nilinga linga ko pa ang paligid pero wala na akong makita ni maramdamang kakaiba.
Pumihit na ako patalikod at akto ng lalabas ng makita ko ang reflection ko sa salamin, doon ay nagtaka ako kung bakit tila umiilaw ang suot kong kwintas.
Kinapa ko ang dibdib at hinawakan ang kwintas na naroon,bago dahan dahan yung hinubad at itinapat sa liwanag para makita ko ang deperensiya, baka kasi ay nabasag pala at di ko namalayan.
Nang maitapat ko sa liwanag ang kwintas na hawak ko ay bigla uli itong umilaw at sa pagkakataong iyon ay biglang may mga emahe akong nakita sa isip ko.
Isang babaeng nakaitim at may hawak na kumpol ng bulaklak na di ko matukoy kung ano,nakatayo sa ilalim ng puno at parang may hinihintay.
' s-sinong hinihintay?..... '
Isang babaeng nakaupo sa tabi ng babaeng natutulog at may roon siyang kasamang dalawang lalaki.nakaupo sa coach ang isa habang nakatayo naman sa gilid niya ang isa pa.
' s-sino y-yung babae? Patay naba yun?! '
Ang mahinang pag ulan at pamukadkad ng punong walang ni isang dahon habang nasa ilalim nito ang isang babae at lalaking naghahalikan.
' s-sino sila?.... '
' p-paanong....umulan? '
Umiiyak na isang babae at dalawang lalaki habang hawak ang kamay ng isang babaeng nakahiga sa hospital bed.
' Teka! Anong ginagawa nila? '
Nakupo ang isang pamilyar na babae at nakatanaw sa dagat habang nagsusulat.
' s-sino? At a-anong sinusulat niya? '
"Ang pangalan mo...ay nangangahulugang ........"
"Siya ang dahilan kung bakit ako nandito...."
"You'll be able to live, without having to worry about anything"
"No matter how many times you die born again and live, you will definitely pay for what you've done..."
" In this lifetime,our intertwined fate ends here"
"A rain from heaven...."
"Talia"
"Celina!!...."
Tila may humila sa akin papunta sa realidad ng marinig ko ang original name ko, napasalampak ako sa sahig habang naghahabol ng hininga, hawak ko parin ang kwintas at nanginginig yung inangat.
"A-ano yung nakita ko?"mahina kong tanong habang nakatingin sa kwintas,hindi ko maintindihan ang ilan sa mga nakita ko sa isip, hindi lang malabo...sobrang labo.
"Sino yung babae...at yung lalaki?"
Naala kong napansin nga pala at nanlaki yung mata ni iya kagabi ng mahawakan ang kwintas ko.
'n-nakita kaya niya?...'
Napahilamos ako sa mga naisip at saka dahan dahang tumayo,umupo ako sa kama at pinakalma ang sarili ko, para akong hihimatayin, mas lalo tuloy akong nag aalala tungkol sa isiping nasaan ako sa reality.pero napatulala nalang ulit ako ng maalala ko ang panaginip ko kagabi kung saan nakita ko sila mommy at kuya...
Naalala ko rin ang sabi ni madam Cat na nasa loob lang ng library yung kaluluwa ko, I guess hindi kasali ang katawan ko.
Napahinga ako ng malalim at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko sa isang mata.
'i miss you mom...'
Naaalala ko rin yung paglipat ng pahina ng libro sa panaginip ko.
'ibig sabihin... chapter 6 na ito at ang pagkinang ng kwintas ko ay nangangahulugang naka usad na ako sa next chapter....'
Naguguluhan parin ako pero nang mahimasmasan ay Isinuot kong muli ang kwintas at bumaba para kumuha ng tubig,
'i need to calm my self....'
Matapos kong uminom ng halos isang pitcher ay muli kong pinakalma ang sarili at inalis lahat ng isiping yun sa utak ko.
' Kung ano man yun, sana hindi totoo '
Umayos na ako ng tayo saka dahan dahang naglakad palabas ng bahay, bago ako sumakay sa kotse ay humugot muna ako ng malalim na hininga at isinuot ang shades ko.
Habang nasa daan ako ay napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan sa unahan ko, kaya naman sinundan ko ito at iksakto namang huminto ito sa isang mall.
Pagka park ko ng sasakyan ay agad kong binuksan ang bintana at inilagay ang siko doon.
"Hey!! Iya!" Bati ko nang makababa siya sa sasakyan.
Tumingin siya sa akin at halatang medyo nagulat pa siya.
"Hey!! Ikaw pala yan akala ko kung sino!" Natatawang aniya.pinakiramdaman ko siya pero wala naman siyang pinapakitang kakaiba.
Binuksan ko na ang kotse at agad na bumaba para harapin siya.
"What are you doing here?" Tanong ko at sabay naming ni lock ang mga kotse.
"Well...Hindi lang ikaw ang pwedeng mag shopping" sagot niya at humarap sa akin.
"Ikaw? Diba may trabaho ka? What are you doing here?" Taas kilay niyang tanong kaya hindi ako nagpahuli at tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Well...as I've said,kaya kong pagsabayin"
Pareho kaming natawa ng bahagya bago sabay na naglakad.
"Well...I guess, sabay tayong mag shoshoping?" Tanong niya at nilingon ko naman siya at binigyan ng nang aasar na tingin.
"Ano pa nga ba? Ehh nandiyan kana" nagulat siya sa inasta ko at napahinto pa sa paglalakad, nagpatuloy naman ako dahilan para mapahabol siya.
"Ya!!! Your being sarcastic! Your so mean!" asik niya pero di ko na siya pinansin.
Habang namimili kami ng kung ano ano ay bahagya akong kumalma at nakalimutan ang mga bumabagabag sa akin.
Habang nakaupo ako sa sofa at hinihintay na lumabas si Iya sa fitting room ay may napansin akong kakaiba, may isang babae sa labas ng Bazar na panay ang tingin dito sa loob kaya pasimple kong ibinaba ang blackshade ko hanggang ilong at sinundan ang tinitingnan nung babae.
Medyo nagulat ako ng makitang ang tinitiganan niya ay yung dalawang lalaki na nandito din sa loob ng bazar ang isa sa kanila ay may usok sa leeg na nagpapahiwatig ng kamatayan.
Tumayo ako ng lumabas na ang dalawang lalaki.
"We're are you going?" Tanong ni Iya na kakalabas lang sa fitting room.
"A-ahhh washroom"
Tumango lang siya kaya naglakad na ako papalabas,medyo nakalayo na ang dalawang lalaki kaya naman binilisan ko ang paglalakad, nang nasa harap ko na ang babaeng sumusunod sa kanila ay binagalan ko ang paglalakad at nakisabay sa mga tao.
Eksaktong nasa parking na kami parepareho ng aktong hahawakan ng babae yung itim na usok sa leeg nung lalaki kaya agad ko yung pinigilan at hinila siya papunta sa madilim na parte.
"Sino ka?!!"sigaw niya na medyo napalakas kaya napatingin sa amin yung dalawang lalaki.
"Yow bro!" Bati ko sa kanila at malapad naman ang ngiti ng dalawa na tumingin sa akin.
"Hey miss" manyak nilang bati, plastic ko naman silang nginitian ng malapad.
Dahan dahan akong sumeryoso at tumingin ng matalas sa kanila, bat ba? Trip ko eh!
"Get lost.." nakangisi kong sabi na nagpainit ng ulo sa dalawa.
"Miss sino kaba?!" Singit nung babae at siya naman ang hinarap ko.
"Who knows...." Makahulugan kong sagot at nginisihan siya bago ibinalik ang paningin dun sa dalawang mukhang mugo mugo.
"Alam mo miss, kunwari kapa ehh gusto mo lang magpapansin" anang isa.
Tiningnan ko lang siya at bumaling sa kasama niyang may taning na haha.
"Hi! I'm death" pakilala ko na inilahad pa ang kamay para sa shake hand.
"Ha! Ginagago mo ba ako ha?!!" Sigaw niya at hindi naman ako natinag.
"Mukha ba akong nanggagago serr?" Tugon ko na nginitian siya kaya seryoso pa siyang tumingin sa akin.
"I'm I---" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla kong bawiin ang kamay ko ng akto na siyang makikipag shake hands.
"Madilim na ang langit...magkita nalang tayo bukas" Sabi ko na nakaturo sa langit na mataas ang sikat ng araw.
' Trip ko siyang asarin ehhh anong magagawa mo? '
Tumalikod ako sa kanila at hinila ang braso nung babae.
"A-anak ng!!! Hoy!! Gago ka!" Rinig kong sigaw ng isa pero di ko na sila pinansin.
"Ano ba?!! Bitiwan moko!!" Yung babaeng hinila ko.
"Wala kang gagawin..." Seryoso kong sabi na ipinagtaka niya.
"Ha?!"
"I know you can see it"
"W-wala akong alam sa sinasabi mo!"
"Well...I am"
"Baliw kaba?!"
Napa cross arms akong tumingin sa kaniya habang dahan dahang lumalapit, kinakabahan naman siyang humakbang paatras.
Nang humakbang pa ako ng isa at umatras siya ay may bigla siyang nabangga dahilan para pahiga siyang saluhin nung lalaking nabangga niya.
Naka tie and coat yung lalaki habang may suot na shades.
' Tch! '
Lumapit ako sa kanila at aktong magsasalita ng tulungan siya nung lalaki na tumayo ng maayos, pinanuod ko naman ang kabaduyan nilang dalawa.
"Miss are you okay?" Tanong nung lalaki.
"A-ahh, yes...thankyou"
"Tch!" Singit ko.
Humarap silang dalawa sa akin at ibinaba naman ng lalaki ang shades niya.
Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang hudlong na yun.
YUNG LALAKI SA BAHAY!!!!!!
Naibaba ko hanggang ilong ang shades na sout dahil sa gulat, nanlaki din ang mata nung lalaki ng makilala ako.
Tinuro ko siya gamit ang isang kamay ko habang bahagya akong nakanganga, gusto kong magsalita pero ayaw ng bibig ko.
"Anak ng pokwang!!!" Sa wakas at naka recover din.
"M-miss...." Kabadong sabi niya na nanlaki din ang mata na tumingin sa akin.
Tuluyan kong ibinaba ang shades ko at lumapit sa kaniya.
"Sino ka para man---hoyyy!!" Sigaw ko ng mapansing yung babae ay tumatakbo na palayo.
"Ya!!" Habol ko pero dahil mataas ang takong ko ay nahirapan akong tumakbo at tuluyang nakalayo yung babae.
"MALAS KA TALAGA!!!!" sigaw ko at nilingon yung tarantadong lalaki, hinubad ko ang mahaba kong sandal na may takong at patakbo siyang binalikan.
"Leche ka!! Letche!!!" Sigaw ko habang hinahampas siya ng sandals sa balikat, iniilagan niya naman yun at natatawa pa.
"Humanda ka talaga sa akin!" Banta ko pa at naglakad sa bench na nandoon at umupo, masama ang tingin ko sa kaniya bago tumungo at sinusuot muli yung sandals.
Wala na ang kwatog nang tumayo ako!! Nang gigil naman akong luminga sa paligid pero diko na siya makita!
' palagai niya nalang akong naiisahan!! '
Salubong ang kilay kong bumalik sa loob ng mall at dumiretso sa Bazar,wala na doon si Iya, at dahil nabadtrip ako dahil dobleng grasiya yata ang nawala ay naglakad nalang ako pabalik sa parking at balak ko ng umuwi.
Nagkasalubong ang kilay ko ng mapadaan ako sa isang pastfood at nakita ko si Iya na may kausap na lalaki at mukhang nagpapa cute pa siya.
' WTF?!! '
Dali dali akong gumilid sa pader at inilabas ko ang mamahalin kong cellphone at denial ang number niya.
(Hindi ko na lalagyan ng brand dahil hindi ako masiyadong maalam sa mamahaling gamit, kung iniisip mong mahirap ako?dahil wala ako gaanong alam aba! edi ikaw na mayaman! Haha btw thankyouuu)
[HELLO?] Si Iya.
"Hey Iya!! We're are you? I've been searching for you"
[Searching your ass!!!bitch!]
"What the hell????"
[I know you're there haha!]
Hindi ko na siya sinagot at ibinaba ko na ang phone, pumasok ako sa pastfood at naglakad papalapit sa kaniya.
"Hahahaha" malakas na tawa ni Iya kaya tinignan ko siya ng masama bago umupo sa katabi niyang upuan.
"Yeah...haha! By the way, this is boy" pakilala niya dun sa lalaki na bakla pala na kasama niya.
"Hi ganda! Taray sa porma ahh...saan ba tayo rarampa?hahaha" Sabi nung bakla kaya sinamaan ko din siya ng tingin.
' bakla!! '
"Ayan na mars! Asarin mo at magsusuper sayan na yan! Hahaha" si Iya.
Nagtawanan sila at diko naman sila inimik, tumayo si Iya at nagpaalam na oorder muna saka umalis.
"Hoy teh seryoso nato!" Biglang seryosong ani nung bakla saka tumayo at inilahad ang kamay sa akin.
"Ako si boy teh! Pero gurl" pakilala niya at maarte ko namang inabot yung kamay niya.
"Talia" pakilala ko, bigla niya namang hinila ang kamay niya kaya ibinaba ko nalang din ang kamay ko.
"Jusko mareng Talia! Hindi naman masiyadong malamig pero daig mo pang lumabas mula preezer sa lamig ng kamay mo"
Nilingon ko naman siya saka plastic na nginitian, eksakto namang balik ni Iya.
Yumuko ako at naglagay ng alcohol sa kamay bago muling nag angat ng tingin kay Iya.
"Hey...am I late?" Boses ng lalaki.
Nilingon ko ang nagsalita niyon at sabay na nanlaki ang mata namin.
YUNG LALAKI KANINA NA SIYA RING PUMASOK SA BAHAY KO!!!!!!
Pero mas lalo pang nanlaki ang mata ko ng makita kong may usok na din siya sa leeg!!!!
Nagkatinginan kami ni iya pero sabay din kaming umiwas.
"A-ah your just in time... we're is he?" Biglang nagsalita si Iya at nagtanong feel ko naman kilala niya yung tinatanong niya kaya di ko nalang din pinansin.
"He's on his way..."
"By the way...this is my friend Talia" pakilala niya.
"N-nice meeting you T-talia...I'm Law..rence A-Ancielo" pakilala niya at halatang naiilang na tumingin sa akin.Hindi ko alam pero parang familiar yung name niya...diko ko lang alam kung saan at kailan ko nakita o narinig.
Imbis na abutin ang kamay niya ay tinanguan ko siya at pasimpleng tinignan ng masama.
"Ayy!!! Taray mare, sana ol" angil nung bakla na ang tinutukoy ay ang ginawa kong pagtango nagtawanan naman sila ni Iya at mayamaya pay kumain na kami.
' humanda ka talaga sa aking kamatis ka!!! Lawrence pala ha...'
Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa.
"Aray!" Angil niya, napatingin naman si Iya at yung bakla sa kaniya.
"What Happened?" Tanong ni Iya.
Pasimple ko namang iniangat ang paningin ko at pasimple siyang nginisihan.
"W-wala...lamok Lang" sagot niya.
"Hala!!sa mall may lamok?" Yung bakla, wala namang sumagot sa kaniya.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako kay Iya na mauuna na, pero plano ko talagang abangan yung kamatis na yun sa parking.
Bakit kamatis? Simple lang dahil sa sobrang kinis niya dinaig niya pa kutis ko!
Dumiretso ako sa banyo at itinali paitaas ang buhok ko,nang makontento ay dumiretso ako sa parking at nagtago sa gilid.
Mayamaya pa ay nakita ko na si Lawrence na naglalakad mag isa, hindi ko alam kong paanong nakilala niya si Iya pero wala na akong pakialam don.
Malapit na siyang makalapit sa gawi ko ng maramdaman kong may kakaiba kaya inikot ko ang mata ko at nakita ko ang isang nakaitim na lalaki na may hawak na sniper, nasa taas siya at madilim na parte kaya hindi siya makikita.
Nang iksaktong tumapat si Lawrence sa kotse niya ay saka ako pasimpleng lumabas sa tinataguan ko at nagkunwaring walang napansin.
"Hi" bati ko sa kaniya habang naka cross arms na ikinalingon niya at halatang medyo nagulat pa siya sa akin.
"L-look miss...I didn----"
"Law.." mahinang bulong ko na kami lang ang nakakarinig saka ko siya hinila sa kwelyo at paikot ko siyang tinulak sa unahang bahagi ng sasakyan.
Sa oras na yun ay nahagip din ng balang lumipad ang tali ko sa buhok dahilan para mapayuko din ako sa kaniya at lumatad ang mahaba kong buhok sa mukha niya.sa pagkakataong yun ay nagkatitigan din kami.
' ito ang unang beses na napasuway ako sa aming patakaran bilang tagasundo...dahil sa oras na ito ay iniligtas ko ang taong dapat ay ihahatid ko sa kabilang buhay.....'
Biglang sumagi sa isipan ko ang pangalan niya at sa pagkakataong yun ay naalala ko kung saan ko unang nakita ang pangalan niya na sobrang familiar sa akin.....
'in my dreams, were I saw the commigration of pages'
'chapter 6 - Lawrence Ancielo...'
++++++++
#Talia
Again this is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
FOR MORE UPDATE FOLLOW ME ON:
FB: Allana Adalaide
don't forget to VOTE,FOLLOW AND COMMENT!!!and MOST of all SPREAD THE STORY!! Thankyouuu!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top