chapter 6 | Dream
"Who are you?" Ang lakas ng loob mong pasukin ang bahay ko?..." Madiing tanong ko na nagpasindak sa kaniya.
Agad siyang tumayo at patakbong tumakbo sa pintuan papasok dito sa garden pero agad ko iyong tinignan dahilan para pabagsak itong sumarado at di siya makalabas.
"You enter my house without my permission....you think, you can go that eas---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang....
Naging mabilis ang pangyayari, nagulat ako ng bigla siyang bumunot ng baril mula sa likod at barilin ako.
Agad akong umiwas at matalim siyang tinignan, nanginginig ang mga kamay ko sa galit habang nakatingin sa kaniya kaya naman inilabas ko ang hawak ko na hair pieces at marahan yung pinaikot sa kamay ko, dahan dahan naman akong lumapit sa kaniya nang di na niya napapansin, nakatingin na siya sa kamay ko habang nakatutok parin sa akin ang baril niya.
(PAALALA: ang ginagawa po niya ay ang panghihipnotismo sa isang tao gamit ang isang bagay, Hindi po ako masiyado maalam sa bagay na yun pero may napanood po ako dati na naghipnotice siya gamit ang kwintas.)
Nang ilang dipa nalang ang lapit ko sa kaniya ay inihinto ko ang pagpapaikot at itinapat sa harap niya ang matulis na dulo ng hair pieces saka ako una dahan dahang humakbang na naging mabilis hanggang sa patakbo akong sumugod.
Aktong itutusok ko sa kaniya ang dulo ng hair pieces ng bigla siyang tumingin sa akin at pinigilan ang kamay ko! dahilan para mabitawan niya ang baril at magkatinginan kami.
' may iba sa mga mata niya..... '
Agad kong inalis sa isipan ang mga napansin kong yun at binigyan siya ng walang imosiyong tingin.
Itinaas ko na ang isang kamay ko at aktong susuntukin siya ng pigilan niya yun, kaya naman nagkaroon ako ng chance na mabawi ang isa ko pang kamay na agad kong isinugod sa kaniya pero dahil mabilis siya ay sinangga niya iyon ulit at pareho tuloy niyang hawak ang dalawang kamay ko.
Hindi ako nagpahalatang medyo naiinis na ako, sa halip ay nanatili akong kalmado pero matalas ang tingin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya, ramdam kong mas malakas siya kaya hindi ako makapalag.
"Aahy!" mahina kong angil ng bigla ay pinag cross niya ang kamay ko at hinila pababa dahilan para maihakbang ko ang isa kong paa para ipangtukod.
Napangisi ako sa naisip, mabilis ang naging kilos ko,patalikod akong tumalon at sa isang iglap ay di niya namalayang nas alikod na niya ako.
Pareho kaming nakatalikod sa isa't isa habang ang pareho kong kamay ay nasa may leeg ko na hawak parin niya.
' letse!!!! '
Agad kong sinipa ang likod ng tuhod niya dahilan para mailuhod niya ang isa niyang paa at mabitawan ang kamay ko.
Akto ko siyang sisipain sa tiyan ng iharang niya ang braso niya bilang panangga, pero di ko inaasahan ang susunod niyang gagawin!
' HINILA NIYA ANG PAA KO!!! '
"A-ahhhyyy! Ahhhy!" Napapikit ako sa gulat at hinintay kong bumagsak ako sa lupa pero di iyon ang sumunod na nangyari!!!
Naramdaman ko ang braso niyang sinalo ang likod ko kasunod ng mahigpit niyang paghawak sa dalawang kamay ko!!
Salubong ang kilay kong iminulat ang mata ko na deretsong tumama sa mga mata niya!!! Pero mas nabigla ako ng bigla siyang ngumiti!!
Mabilis niya akong iniayos ng tayo at gamit lang ang isang kamay niyang inipit ang dalawa kong kamay ay inikot niya ako ng tatlong beses sabay bitaw.
Medyo naduling ako sa ginawa niya at napahawak pa ako sa noo! Agad ko siyang tinanaw habang tumatakbo siya papalayo at paakyat sa bakod.
"Hoiii!!!! Gag* ka!!!" Sigaw ko na hinabol siya pero di na siya inabutan, agad akong napatingin sa pinto at nagkumahog na tumakbo papalabas at dumiretso sa pinakalikod ng bahay kung saan wala akong ibang makita kundi yung napakagandang beach na natatanaw ko mula sa bintana ng kwarto.
Nagpalinga linga ako sa paligid at inis na tinanaw ang bawat parte nung beach pero wala na akong makita.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa inis.
' p-paanong..?paanong nakapasok ang lalaking yun?!!! '
Salubong ang kilay kong bumalik sa loob ng bahay, sinipa ko pa ang isang malaking vase dahilan para mabasag ito at magkalat ang bubog sa sahig,napayuko naman ang mga kasambahay.
"Pano nakapasok yun?!!!"sigaw ko at hinampas ang kalapit na lamesa.
Naikuyom ko ang kamay ko sa inis at galit, mabilis akong naglakad at padabog na binuksan ang pinto ng garden,
Dere deretso akong naglakad palibot sa puno at sinilip bawat kanto ng ugat at kalapit na mga bulaklak.
' baka naisahan ako at napitasan ang kayamanan ko....'
Napabuntong hininga ako at tinignan ng masama ang puno.
"Ikaw kasi!! Ang pangit mo!!" Sigaw ko at sinipa ang ugat niyon.
Inis akong bumalik sa kwarto at binuksan ang bintana, natanaw ko na naman ang magandang beach.
Madilim na ang paligid tuluyan ng lumubog ang araw at naghari ang dilim, napatingala ako sa langit at nakita ang milyon milyong stars na pinapalibutan ang cresent moon, medyo gumaan na ang pakiramdam ko ng makita yun.
' anong araw na kaya ngayon?...'
Bigla ay sumagi sa isipan ko ang tanong na yun, sa loob ng mahabang panahon ay nagbibilang lang ako ng araw at sa pagkakabilang ko ilang buwan o kaya nagtaon na pala ako dito ng hindi ko alam
'22 palang ako nung mapunta ako dito....
napansin ko ring ni minsan ay hindi man lang umulan....
' tch!!! kung libro talaga tong pinasukan ko?!!! Ano na kayang chapter to? '
Mas lalo akong nainis sa isiping yun!
' baka naman nasa mars na pala ako ahh! '
Napairap ako sa isiping yun at inis yung inalis sa isip ko, ipinikit ko pa ang mata ko at sinamyo ang malamig na hangin habang nakatukod sa bintana.
Mayamaya pa'y kumuha ako ng suklay at naisipan kong sumampa sa bintana at doon maupo,nakalaylay ang isa kong paa habang nakapatong naman ang isa, medyo nahirapan pa ako dahil sa haba ng damit ko.
Dahan dahan kong sinuklay ang mahaba kong buhok at nagsimulang kumanta, sa ganoong paraan ay nababawasan ang alalahanin ko sa buhay.
Sa 'king pag-iisa~~
Alaala ka~~
Bakit hanggang ngayon~~
Ay ikaw pa rin sinta~~
Pag sa hatinggabi~~
Sa pagtulog mo~~
Hanap mo ba ako~~
Hanggang sa paggising mo~~
Kailanman ika'y inibig ng tunay~~
Wag mong limutin pag-ibig sa 'kin~~
Na iyong pinadama~~
Pintig ng puso wag mong itago~~
Sa isang kahapon sana'y magbalik~~
Nang mapawi ang pagluha~~
Ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal
Hmmmm...~~
Kusa akong napahinto sa pagkanta ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin.
Salubong ang kilay kong iniligid ang paningin sa paligid at natigilan ng mapansin kong may gumagalaw sa ilalim ng pine tree sa di kalayuan, medyo madilim sa bahaging yun kaya hindi ko masiyadong makita kung anong meron don, pero ang isiping yun ay biglang nawala ng lumabas ang kaninang nagtatago sa ilalim ng pine tree.
Kahit malayo ang pagitan naming dalawa ay di nakaligtas sa paningin ko ang itsura ng lalaki kanina! Siya rin ang nakatago sa ilalim ng pine tree at nakatingin sa akin ngayon!!!
"Anong tinitingin tingin mo?HA?!" sigaw ko, at bumaba sa pagkakasampa, mas lalo pang nag-init ang ulo ko ng bigla siyang ngumiti!!!
"Humanda ka talaga sa akin kapag naabutan kita!" Dagdag ko at padabog na isinara ang bintana.
"Ano bang sinisigaw sigaw mo diyan?!" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang pamilyar na boses ng babae sa likuran ko.
"Gabing Gabi kung makasigaw ka!, Sino bang sinisigawan mo?" Tanong ni Iya na aktong bubuksan ang bintana pero agad ko siyang pinigilan.
"Wag mo ng tignan! Baka uminit din ang ulo mo!" Palusot ko nalang dahil baka kung anong sabihin niya.
Nakasuot siya ng color red na bistidang mataas ang manggas na abot pulsuhan pero hanggang tuhod lang, maganda si iya straight ang maikli niyang buhok na hanggang leeg lang matalim din kung tumingin pero mabait naman makapal din ang kilay niya at may biloy sa gilid ng ilong di gaya sa akin na sa pisngi mismo.
Agad ko siyang tinaasan ng kilay ng tumingin siya sakin.
"What do you want?" Tanong ko at binuksan ang white wine na kakahatid lang ng katulong.
"Oh!" Abot niya ng envelope, kinuha ko yun at inihagis sa kama, inabot ko sa kaniya ang isang baso ng wine at sabay namin iyong tinungga.
' Hindi na ako magtataka,kung ang kaninang mag asawa na nakita ko sa resto ay siyang susunduin ko bukas'
Napairap nalang ako at nakipag kwentuhan kay Iya.
"Wow, your necklace is nice we're did you buy it?" She ask hindi naman ako nakapagsalita dahil akala ko ay lahat kami may ganito.
"Huh?" Nagtataka kong tanong."uhmm...I didn't buy this, someone give this to me, as a gift..."I lied.ayaw ko mang magsinungaling pero hindi pa talaga ako handang sabihin sa kaniya ang totoo.
"Can I borrow it?"
"No"
"Okay...patingin nalang" Sabi niya at hinawakan ang kwintas ko.pinakatitigan niya yun at maya maya pa'y nanlaki ang mga mata niya.
"Hey..are you okay?" Tanong ko.nagulat naman siya at agad na binitawan ang kwintas ko.
"A-ahh....yes naman" ngumiti siya pagkatapos."I need to go, it's getting late"dagdag niya at umalis na.
'weird..'
Ibinaba ko na ang wine glass sa vanity table ko at inayos na ang sarili ko para magpahinga pero napadaan ako sa salamin at napansin kong umiilaw yung kwintas ko.
Lumingon ako sa door kung saan lumabas si Iya saka ibinalik ang tingin ko sa salamin.
'what's up with this?'
Nagtataka ako kung bakit umiilaw yung kwintas ko.sa araw araw na suot ko tong kwintas ay pang anim na beses na ata na nakita ko itong kumikinang.
Katulad ng dati ay binalewala ko nalang yun, feel ko kasi na hindi yun nakikita ng kung sino sino lang.
Humiga na ako sa kama at ipinikit ko na ang mata ko pero di paman ganon kalalim ang tulog ko ay may napanaginipan na akong senaryo...
asan na ba ang batang yun?" Nag aalalang tanong ni..
Mommy?
di siya mapakali at nagpaikot ikot sa kinatatayuan niya.
"Mom...relax baka parating na yun" pagpapahinahon ni..
"Kuya?" Tanong ko pero walang pumansin sa akin.parang di nila ako naririnig.
'sino ba ang hinihintay nila?!'
"Tawagan mo nga ang daddy mo! At baka nahanap niya na si Celina!!" Sigaw ni mommy.
'what?! Ako?!'
"Mom! May nagdala daw kay Celina sa ospital!" Sigaw ni kuya at sinubukan ko siyang hawakan pero diko magawa.
'what the hell?!'
Nang umalis sila mommy ay ako nalang ulit mag isa.At nung pinatay na ang ilaw ay nakita ko yung glass dome sa paanan ko kasama nung libro at napansin kong umiilaw din yung kwintas ko.aktong hahawakan ko na ang glass dome pero nagulat ako ng biglang lumipat ang pahina nung book at huminto lang nung nasa chapter 6 na at sa tabi nito ay may nakalagay na pangalan.
'Lawrence Ancielo....'
Pupulutin ko sana yung libro pero bigla akong nahilo at nung bumagsak ako ay naramdaman kong umaga na pala at ako na ulit si Talia....
++++++++
#Talia
Again this is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
FOR MORE UPDATE FOLLOW ME ON:
FB: Allana Adalaide
don't forget to VOTE,FOLLOW AND COMMENT!!!and MOST of all SPREAD THE STORY!! Thankyouuu!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top