chapter 5 | unknown shadow

Napatigil ako sa pagmamanicure ng bumukas ang pinto at pumasok si Ella, one of my maids habang naglalakad papalapit sa akin.

Napaayos ako ng upo at halos mapunit ang labi ko sa kangingiti ng makita kong nakasunod sa likuran ni Ella si Bea.

"Anong maipaglilingkod ko?...." Nakangiti akong nakatingin kay Bea at pinaupo siya sa katapat kong upuan.

Hindi siya nagsasalita kaya inilagay niya na lang sa table ang intrance card sa bahay ko na may nakatala na kontratang dalawang taong paninilbihan.

Kinuha ko iyon at napatingin sa kaniya, suot ko ang malademonyo kong ngiti na lumalabas lang sa tuwing may pera.

"You will not regret this... you'll be satisfied" nakangiti kong sabi at tumayo na at maarteng naglakad pabalik sa room ko.

Nang makapasok ako ay nakangiti kong pinagmasdan at pinaikot ikot ang card gamit ang isang kamay ko at pagkatapos ay nakangiting pinitik pitik pa yun.

Sa loob ng ilang buwan ay naging ganito ang buhay ko, simula nung malaman kong nauugnay ako sa pagitan ng mga buhay at sa mga patay
ay ganito na ang nakasanayan ko.

kailanman ay hindi naging madali ang araw ko sa mundong to, nung una ay gabi gabi akong binabangungot dahil sa mga kaluluwang sinusundan ako, pero sa katagalan ay napagtanto kong hindi naman pala talaga sila dapat katakutan dahil sa akin dapat sila matakot hahaha!

Bakit?

Dahil nadiskubre kong kaya ko silang ipatapon agad sa kabilang buhay nang hindi nakakapaghiganti o nadalaw man lang ang nagluluksa nilang kamag anak haha!

Nung una rin ay basta ko nalang sila dinadala sa parliament house kung saan titimbangin ang kasalan nila nung nabubuhay pa at magdedepende sa bigat ng kasalanan ang paglalakbay nila patungo sa kabilang buhay.

Taray ng author ng librong to diba? maypa hatol hatol pa.

Pero dahil napag alaman ko din na namumulaklak ng ginto ang mga flowers ko sa garden ay nag oofer ako sa mga sinusundo kong kaluluwa ng deal.

Anong klase ng deal?

Well...bago sila papasok sa bahay ko ay mag oofer ako sa kanila ng trabaho, trabahong alagaan lang nila ang ibat ibang klase ng mga bulaklak sa garden ko at kapalit nun ay ako na ang bahalang makapaghiganti sa mga pumatay at naging dahilan ng pagkamatay nila pero syempre nakadepende yun sa tagal ng pagtatrabaho nila sa akin haha.

Pinagmasdan kong mabuti yung card at unti unting nilukot yun gamit ang palad ko at mayamaya pa'y naging isa na itong abo.

' am I grim reeper? '

Biglang pumasok ang salitang yun sa isip ko kaya naman ang kaninang ngiti ay unti unting nawala sa labi ko.

hanggang ngayon ay di ko parin alam alam kung anong klase ako ng tao sa mundong ito...katulad ng mga buhay, nakikita, nahahawakan at makakausap nila ako pero katulad din ng mga patay ay diko maramdamang buhay ako,walang dugo ni pulso....

' saan ba talaga ako? Sa mga buhay...o sa mga patay? '

Napairap ako sa isiping yun at di nalang pinansin, tumuloy ako sa bathroom at naligo.

Nang matapos ay lumabas na ako at namili kung alin sa mga magagarbo kong damit ang sususotin, at the end ay pinili ko ang peach dress na hapit sa katawan ko patuhod with the brand of louis Vuitton, same with my 6 inches heels and bag with matching black hat.

Habang pumupurma sa salamin ay napagmasdan ko sandali ang sarili,napakarami ng pinagbago ko ang dating hangang balikat lang na rebonded hair ko ay naging long curly hair na ngayon na umaabot hanggang bewang, ang medyo malusog kong cheeks noon ay katamtaman na ngayon at kung dati ay bet ko ang red lipstick ngayon ay dark pink titanium lipstick na ang gamit ko.

Naging mahilig din ako sa mga branded thingy na sinusuot ko lang noon kapag may special occasion, sandali ko pang pinagmasdan ang sarili sa salamin, mula sa may kakapalang kilay ko,itim na mga mata,maliit ngunit matangos na ilong hanggang sa dark pink lips ko.

Nang makontento na ako ay maarte akong lumabas ng bahay, ultimo bahay ko ay binago ko ang kulay, ang dating puro black and red it's turn into white and Violet.

Nang makalabas ako ay naghihintay na sa labas ang black Ford Car ko, nagsuot ako ng shades at agad na umupo sa driver seat at nagmaneho papunta sa sabungan.

"Ohh!!! Laban!!"

"Sige pa!"

"Matatalo manok ko!!"

"Putangna! Laban!"

"Hahahhaha!! Mukhang ako ang magwawagi!!"

"Panalo nato! Sigurado!!"

"Puta!! TUMAYO KA!!"

Naririndi ako sa kaliwat kanang sigawan at pustahan ng mga sabungero sa pangit na lugar nato dito sa sabungan, pero dahil pera ang kapalit ay maarte akong sumingit at tumabi sa taong ipinunta ko dito.

Nakatayo ako sa tabi niya habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa likod.

"Matatalo kana..." Panimula ko sa malamig na tono habang nakatingin sa manok na halos makalbo na.

"Haha...miss, sa ganda mong yan....dito ka gumagala hahaha"

Tumawa din ako saka ibinaba ang shades ko hanggang ilong at tumingin ng masama sa kaniya.

"Aba'y! Lintik ka! Bat ganiyan ka makatingin?! Ha?!" Sigaw niya at napatingin naman sa amin ang ilan, kaya ang kaninang masama kong tingin ay pinalitan ko ng malademonyong ngiti.

Malaki ang pangangatawan ng lalaking kaharap ko, malaki din ang mata at mahaba ang buhok, sa isang tingin ay mahahalata mong nag dodroga siya.

Unti unti akong humarap sa kaniya at napa cross arms na tinitigan siya sa mata, nang makita kong mukha siyang walang inuurungan ay nawala ang ngiti ko at tinalasan siya ng tingin.

"Sabihin na nating may alam ako...."seryoso kong bulong na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Nakita kong medyo nagulat siya pero di ko yun pinansin dahil nasa kamay niya ang atensiyon ko, Hindi parin ako nagpahalata at nakatingin parin ako sa kaniya.

Nang akto niyang itutusok sa akin ang injection na kanina pa niya kinukutkot mula sa likod ay agad ko siyang pinigilan at pinilipit ang kamay niya sa likuran.

"Putan*na mo!!" Sigaw niya dahilan para magkagulo at pagtinginan kami ng lahat.

"Hoiii! Anong ginagawa mo?!!"

"Hoi! Tigilan mo yan!"

"Ha!! Gago pusta ako, kawawa ang babaeng yan mamaya!!"

"Ang kapal ng mukha mong manggulo dito!!"sigaw nong isa kaya naman sinipa ko ang batong nasa paanan ko na iksaktong tumama sa paa niya.

"Aba! Matapang kang babae ka ha!!"

Agad kong sinamaan ng tingin ang taong sumigaw naman niyon, dahilan para di nila mahalatang itinusok ko sa lalaking hawak ko ang injection.

Sa loob ng ilang oras ay mababaliw ang sinumang matuturukan nun hanggang sa mamatay at yun ang ginawa niya kay Bea kaya ito pumanaw.

"A-ahh!!" Angil nito kaya pabato ko siyang binitawan habang hawak niya ang kamay niya kung saan nakatarak parin ang injection.

"Hayop ka!!"

Hindi ko siya pinansin at kalmado akong kumuha ng tissue sa bag ko at pinahid yun sa kamay kong may bahid ng pawis, pagkatapos kong magpahid ay umayos ako ng tayo na parang walang nangyari at dahan dahang lumapit sa kaniya.

"Putan*na ka!!" Galit na sigaw niya at nagkagulo ang lahat.

"Demonyo kang babae ka!!" Dagdag niya kaya pinagkukumpulan na kami ng mga tao, ngumisi naman ako at inilabas ang litrato ni Bea, pinaglaruan ko iyon sa kamay ko habang papalapit ako sa kaniya.

"Sasalubungin ka niya....bukas ng ala una" Sabi ko pa na huminto isang hakbang mula sa kaniya, at idinikit ang litrato ni Bea sa noo niya.

"Ha-ha-hahahaha!" At saka ako tumawa ng malademonyo at tinalikuran siya, siya namang dating ng mga taga purinarya bitbit ang kabaong na inorder ko kanina.

"Delivery for Rolando Santiago...from Bea Santos"

ILANG minuto rin akong nag drive mula sa sabungan hangang sa nakahanap ako ng pompous restaurant na makakainan kung saan mawawala ang stress ko sa buhay.

Nang makahanap ay agad akong pumasok at sinalubong naman ako ng waitress.

"Good afternoon ma'am...table for one?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

"This way ma'am" sumunod ako sa kaniya hanggang sa dalhin niya ako sa table na katabi ng glass wall.

"Here's our menu ma'am" abot nung waitress.

Habang nakatingin sa menu ay naalala ko ang huling dinner ko with kuya, sa past food yun nung unang sumama ako sa kaniya sa library.

Napabuntong hininga ako sa isiping yun saka walang emosyong omorder ng kung ano ano, para akong nawalan ng gana.

Mayamaya pa ay dumating na ang waitress at inilagay ang order ko, napangiti naman ako sa amoy niyon.

' mukhang bumalik ang gana ko... '

iksakto namang pagtalikod nung waitress ay tumunog ang bell na nakasabit sa ibabaw nung glass door sign na may panibagong custumer.

"Good afternoon ma'am and sir...table for two?" Tanong nung waitress kaya nakangiti akong napalingon sa intrance.

Ngunit nawala ang ngiti ko ng makita ang isang babae at lalaki na mukhang bigatin din at mag asawa, pareho silang may usok na itim sa leeg na nagpapahiwatig ng kamatayan.

Napabuntong hininga ako sa nakita saka nagsimulang kumain.

' tch!! taga sundo ako ng kaluluwa at hindi taga ligtas sa buhay ng iba...'

Maya maya pa ay na fefeel kong may nakatingin sa akin, hindi ako sigurado kung nandito ba sa loob o nasa labas ang nakatingin kaya pasimple kong inikot ang mata ko sa loob ng resto pero wala naman akong nakitang kakaiba.sandali akong tumigil sa pagkain at sumandal sa upuan lumingon din ako sa labas at nakita ko ang isang Pagani Huayra na kung di ako nagkamali ay nagkakahalaga ng 1.2 million U.S. dollars.

Nagkunwari akong nagpalingon lingon sa paligid pero ang attention ko ay nasa Pagani car na yun.sigurado akong may tao sa loob nung sasakyan.

After a few minutes narinig ko ulit yung bell dito sa loob kaya pagtingin ko ay lumabas na yung mag asawang pumasok kanina at sumakay dun sa Pagani.

'sino kaya yung nasa loob? Kung sino man yun ay siguradong gandang ganda siya sakin'

Bago umalis yung sasakyan ay tiningnan kong mabuti yung backseat at kahit di ako sigurado ay kinindatan ko yung nakatingin sa akin haha.

'im pretty yeahh...'

Halos kalahating oras din ako nag stay sa resto at kumain bago ko napagdisisyonang umuwi.

Nakangiti akong dumiretso sa underground kung saan nandoon ang sinehan at nanood ng sine habang kumakain ng pop corn mag-isa.

Simula ng mapunta ako sa mundong ito ay nakasanayan ko ng maging mapag isa, hindi nagsasalita ang mga katulong kong multo maliban doon kay Diane na siyang sumalubong sa akin nang magising akong nandito na sa mundong to.

' tch!! binigyan lang pala siya ng panandaliang kakayahan ni Iya na magsalita '

Bukod kay Iya na taga hatid ng envelope sa akin ng mga kaluluwa na susunduin ko ay wala akong ibang makausap.

Tumayo na ako matapos ang palabas at lumabas na sa underground, tinignan ko ang oras at 3:00 O'Clock na.

Umakyat na ako sa kwarto ko at saka naligo at nagbihis, paglabas ko ay suot ko na ang evening white off shoulder dress ko, tinuyo ko muna ang buhok saka iyon inipitan gamit ang mga hair pieces ko,at saka ako naglakad papunta sa likod ng bahay kung saan matatagpuan ang nagkikinangan kong kayamanan.

Pagkarating roon ay sumalubong sa akin ang samut saring bulaklak na dinidiligan ng mga kasambahay kong multo at kadalasan doon ay namumulaklak ng ginto kaya naman malawak akong napangiti.

Ngunit agad ding nawala ang ngiti ko ng makita ang pinakapangit na puno na nasa mismong gitna ng mga nagkikinang bulaklak, wala itong ni dahon man lang kaya hindi talaga ako natutuwa kapag nakikita yun.

Lumapit ako sa taniman ng daan daang white roses at saka tinignan iyon isa isa, papalubog palang ang araw kaya naman magandang tingnan ang magkahalong yellow and orange na langit.

akto kong hahawakan ang nakita kong gold roses nang biglang matanggal ang hair pieces sa buhok ko dahilan para lumantad ang mahaba kong buhok.

Agad akong yumuko at kinuha ang hair pieces ko pero sa pag angat ko ng katawan ay may nakita akong kakaibang bulto ng shadow sa likod nung puno na walang ni isang dahon.

' walang shadow ang multo...panong nagkaroon ng kakaibang bulto ng tao rito?!! '

Napakunot ang noo ko sa naisip kaya naman matalas ang tinging tumingin ako sa puno at naglakad papunta roon.

Nang marating ko ang puno ay mas tumalim ang mga mata kong makita ang isang lalaki na nakatalikod at parang may sinisilip sa kaninang pinanggalingan ko.

Nang masiguro niya sigurong wala na ako don ay unti unti siyang humarap sa gawi ko dahilan para mapaigtad siya sa gulat at madapa sa lupa.

"Who are you?" Ang lakas ng loob mong pasukin ang bahay ko?..." Madiing tanong ko na nagpasindak sa kaniya.

Agad siyang tumayo at patakbong tumakbo sa pintuan papasok dito sa garden pero agad ko iyong tinignan dahilan para pabagsak itong sumarado at di siya makalabas.

"You enter my house without my permission....you think, you can go that eas---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang....

Binaril niya ko.....

+++++++++

#Talia

A/N: Hindi ako maalam sa mga brand kaya di ko alam kung tama ba pinagsasabi ko?hahaha! Uay ukay is lyp haha! Thankyou for reading!!!

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!

FOR MORE UPDATE FOLLOW ME ON:

FB: Allana Adalaide

don't forget to VOTE,FOLLOW AND COMMENT!!!and MOST of all SPREAD THE STORY!! Thankyouuu!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2022