chapter 4 | red envelope

Nakahiga ako ngayon sa magarbong kama at nakatingin sa painting na nasa kisame nito.

Napakurap kurap ako at tinititigan iyong mabuti hindi ako makapaniwala na may ganiyan pala talagang klase ng bulaklak mistula nga talaga siyang nagdurugong puso.

Napabuntong hininga ako saka tumagilid ng higa, gabi na pero gising parin ang diwa ko hindi ako makatulog, binabagabag parin ako ng mga sinasabi ni madam Catalan, kung bakit ako nandito at kung ano ang ginagawa ko dito.

Dalawang araw na ang nakalipas at dalawang araw na rin simula nung iwan ako ni madam. dito, wala akong ibang ginawa kundi tumunganga at isipin ang mga nangyayari.

' akala ko talaga sa mga libro at tv ko lang napapanuod ang ganito pero ngayon maniniwala na talaga akong walang impossible.... '

Muli akong napabuntong hininga at inalala ang huling pag uusap namin. ng mga sandaling sinabi niya ang lahat sa akin.

"K-kung nasa...library ako...nung araw na iyon?... I-ibig sabihi--" di ko na natapos ang pabulong kong sinasabi ng biglang may magsalita sa harap ko.

"Tama ka....nasa library ka parin ngayon...."

Dahan dahan akong napalingon sa pamilyar na boses ng babaeng iyon at halos malaglag ang panga ko ng makita si madam Cat habang nakatingin sa malaking painting na iyon ng isang babae at lalaki sa ilalim ng punong may milyong bulaklak.

"M-madam C-catalan?.." gulat kong tanong at mas lalo pa akong nagulat ng unti unti siyang lumingon sa akin saka ngumiti.

"Welcome to your own world .....Talia"

Walang kurap akong tumingin kay madam at mayamaya pa ay natatawa akong iniwas ang tingin sa kaniya.

"H-hahaha.. m-madam hehe a-ano ho bang sinasabi n-niyo..?" Naguguluhan kong tanong habang napapakamot ng ulo at napayuko.

"Ahhh...siguro nakalimutan niyo po ang pangalan ko kaya Talia ang tawa---" di ko na natapos ang sinasabi ko ng mapansing malalim akong tinititigan ni madam.

"Ikaw si Talia...sa mundong ito Talia ang pangalan mo"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabing niyang yun, unti unti kong inangat ang paningin at nagtatakang tumingin sa kaniya.

"H-ho?!!" Di makapaniwalang sambit ko.

Hindi sumagot si madam at tumingin lang ulit don sa painting na iyon.

"Naalala mo ba ang huling sinabi ko sayo?..." Tanong niya.

Muli kong inalala ang last na sinabi niya kaya naman napatango ako.

"Ang paglalakbay mo ay magsisimula sa unang patak ng ulan sa unang araw rin ng pebrero..."

Napatingin ako kay madam ng ulitin niya iyon in Tagalog.

"Ito na yun..." Malumanay niyang dagdag.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya, Hindi ko siya maintindihan.

"H-hindi kita maintindihan..." Sagot ko.

"Nasa loob ka ng libro"

Gulat akong napatingin sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko dahil sa deretsong sinabi niya.

"E-ehh?" Di ako naniniwala.

"Nandito yung kaluliwa mo sa loob ng library, kaso nasa loob ka rin ng libro kung saan ito ang unang kabanata ng paglalakbay mo" seryosong saad ni madam Cat.

Mayamaya pa...

"Hahahahaha!! W-wag ka namang magbiro madam." Sabi ko pa habang kunwaring hinahampas siya sa balikat.

Hindi niya ako pinansin at sa halip ay seryoso siyang tumingin sa akin saka nagsalita.

"Ang punong yan..." Turo niya sa painting, Hindi ko naman siya sinagot at naguguluhan parin akong tumingin sa kaniya.

"Ay matatagpuan sa 'mismong' likod nitong bahay mo....sa oras na maging ganiyan na kaganda ang punong yun....yun na ang hudyat na unti unti ng tumitibok ang puso mo para sa mundong ito" patuloy pa ni madam. at di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng sobra.

"At kapag nangyari yun...ikaw...si Celina ng totoong mundo ay mapapabilang na sa fictional na character sa librong ito...."

Hindi ako nakapagsalita sa mga naririnig ko mula kay madam, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko.

"k-kung ganon...nan..dito ba talaga ako s-sa loob n-nung l-libro?..." Naiiyak kong tanong habang nangingilid ang mga luha ko.

"Kung gusto mong makalabas...sundan mo ang kapalaran mo sa mundong ito...sa huli malalaman mo ang kahulugan ng pangalang dinadala m---"

Hindi na natapos pa ni madam ang sasabihin niya ng bigla akong sumigaw.

"S-sino kaba?!!!" Galit kong sigaw ko sa kaniya dahil diko na talaga siya maintindihan, para siyang nababaliw na ewan.

"Hindi moko kilala..." seryoso niyang tugon kaya medyo kinilabutan ako.

"B-bakit ako?..." Bigla kong angil habang pinupunasan ang luha kong tumutulo na.

Unti unting lumapit sa akin si madam at di ko inaasahan ang susunod niyang gagawin.

Niyakap niya ako.....

"S-sandali lamang ito...p-pangako lagi akong nakasubaybay sa iyo..."

Kasabay ng mga salitang yun ni madam ay ang tuluyang pagbuhos ng luha ko sa katotohanang.....nandito nga siguro ako sa loob nung libro...

"Tandaan mo...hindi ka sa mundong ito napapabilang...Kaya kailangan mong magtagumpay, may pagkakataong mahihirapan ka...pero lagi mong tatandaan, nasa paligid lang ako at sinusubaybayan ko lahat ng kilos mo...."

"S-sandali.." pigil ko ng akto na siyang lalayo sa akin.

"H-hindi ko maintindihan...K-kung totoo yung sinasabi mo, kung sa mundong to gaganap ako bilang Talia...ibig sabihin may totoo ring Talia p-pero a-asan na siya? A-asan ang totoong Talia?"

Ultimo ako ay di maintindihan ang mga sinasabi ko, feeling ko mababaliw ako.

Tumingin sa akin si madam Catalan at saka nagsalita.

"Wala....dahil ikaw at si Talia ay iisa, ikaw ang bida sa kwentong ito hindi man ikaw ang gagawa ng magiging takbo ng buhay mo dito ay iisa parin kayo dahil hindi magsisimula ang kwento hanggat wala ka....pero sa pagkakataong ito iikot ang mundo mo sa pagitan ng mga buhay at mga Patay.

Gulat akong napatingin kay madam Catalan ng sabihin niya yun, gusto ko siyang tawagin pero di ko magawa, hanggang sa unti unti siyang nawala sa paningin ko, pero bago siya tuluyang naglaho ay narinig ko ang huling habilin niya.

"Tandaan mo Talia...sinusubaybayan kita...."

Muling tumulo ang mga luha ko ng muli kong maalala ang tagpo naming iyon ni madam.

Muli akong umayos ng higa saka pinagmasdan ang painting ng bulaklak sa kisame ng kama.

' bleeding heart... '

Yun ang pangalan ng bulaklak na iyon sa pagkakatanda ko.

"Tch!!"

Muli akong napabuntong hininga, namimiss ko na ang family ko, gusto ko na silang makita, mayakap at mahagkan.

Napahawak ako sa kwintas na nakita ko kanina, isinuot sa akin ito ni madam bago niya ako tuluyang iwan sa mundong ito.

"P-pano na ngayon...." Mahinang bulong ko habang mahigpit na nakahawak don sa kwintas na nasa leeg ko.

Nakatapat ang kamay ko sa dibdib ko kaya naman madali kong napansin na parang may mali sa bandang dibdib ko.

Bumangon ako at naupo sa kama habang nakalapat ang kamay ko sa mismong tapat ng puso ko, pero kahit anong gawin kong pakiramdam ay di ko maramdaman ang mainit na daloy ng dugo at ang tibok ng karaniwang puso.

Napailing ako sa naisip saka bumalik na sa pagkakahiga at ipinikit ang mata ko baka sakaling sa pagmulat ko ay magising na ako sa bangungot nato.

Alas syete na ng umaga ng magising ang diwa ko pero nanatiling nakapilit ang mata ko.

ayaw kong ibuka ang mata ko... nararamdaman kong nandito parin ako sa loob ng libro at ramdam kong tila mag-isa lang ako

Kahit nakapikit ay unti unti akong bumangon at napabuntong hininga.

"Sana... bangungot lang ang lahat..." Bulong ko at dahan dahang ibinuka ang mga mata ko.

Lumaylay ang balikat ko ng makitang nasa kwarto paring yun ako at mag isa.

' I miss my family... '

Napapikit ako sa inis at saka tuluyang bumangon, buo na ang disisyon ko! Mamadaliin ko ang paghahanap sa meaning nung Talia para makauwi na ako agad.

Nagmadali akong naligo at nagbihis gamit ang mga damit na ayun sa mga maids ay akin daw.

Nang matapos ay agad akong lumabas ng kwarto at ayun na naman ang malaking sala ngunit ang kaibahan ay may malaking frame na nakasabit sa dingding na tinabunan ng kulay pulang kurtina.

Agad akong lumapit doon at hinila ang telang nakatabil sa frame, halos lumuwa ang mata ko ng makita ang isang malaking painting ko.

OO AKO MISMO ANG NASA PAINTING!!!

Napanganga ako sa gulat at pagkamangha sa nakikita, kung hindi ako nagkakamali ay yun yung suot ko ng mga sandaling nagising ako sa mundong ito, nakatingin ako sa painting din at sa naaalala ko ay yun yung scene na pumasok ako sa opisina.

Napabuntong hininga nalang ulit ako saka nagtuloy na palabas, plano kong pumunta sa mga library dito at simulan ang paghahanap.

Nang makababa ako ay kaniya kaniyang tungo ang mga maid sa akin, naninibago man pero sa halip na pansinin ay binuksan ko ang maindoor at nakita ko sa harap ang kotseng pula na gagamitin ko.

Agad kong binuksan ang driver seat pero bago paman ako makapasok ay pinigilan na ako ng isang maid.

"Señorita....naiwan niyo po" Sabi Nung maid at nakatungong inabot sa akin yung envelope na hawak niya.

Nagtataka akong napatingin don sa envelope na iniabot niya,wala akong matandaan na may nagbigay sa akin nun.

"K-kanino to galing?" Takang tanong ko at umayos naman ng tayo yung maid bago sumagot.

"Parliament house "

' Parliament..? '

' house?...'

' a-anong ibig niyang sabihin....? '

Naiwan akong tulala at di alam kung pano mag rereact sa mga nangyayari, ni wala akong idea na may ganon pala dito.

' parliyamen--- WTF?!! '

' Mukhang di nga ako nanaginip o nag daday dream dahil sa pagkakaalam ko wala naman talagang ganito sa karaniwang mundo '

Naguguluhan akong napaupo sa driver seat at naiistress sa mga nangyayari.

"This is crazy!!!!" Sigaw ko at pabato kong binato yung envelope sa passenger seat at saka nag drive na palayo.

Hindi ko alam kung anong lugar to at kung nasan na ako, kanina pa ako paikot ikot at wala pa akong makitang library at hindi ko na halos matandaan ang daan pauwi.

' tang inang yan!! Mukhang naliligaw na ako!!!! '

"Ano ba namang klaseng buhay to!!!" Reklamo ko ng sa di kalayuan ay may nagkukumpulan na mga tao sa kalsada at nakaharang pa talaga sa gitna.

Inilapit ko pa ng kunti ang sasakyan ko at sinilip kung ano ano ang pinagkakaguluhan nila.

Halos manlaki ang mata ko ng makita kung ano ang nangyayari, may banggaan isang truck at isang kotse.

' tch! Kala ko sa real world lang may tatanga tanga sa pagmamaneho pati rin pala dito...'

Nanatiling nasa loob ako ng sasakyan at naka cross arms ang braso, hindi na ako nakisali sa kanila at baka lalo pa akong ma istress.

Napahawak ako sa noo ko at sandaling pumikit, nang idilat ko ang mata ko ay tumama ang paningin ko sa isang babaeng nakatayo sa gilid ng kotse at duguan ni hindi man lang tinulungan at parang hindi siya nag exist----.

' ohh mhyy ghod...'

Napahawak ako sa bibig ko ng maging malinaw sa akin ang lahat...kung bakit walang tumutulong sa babaeng yun, at Kung bakit tagos sa kaniya ang paningin ng iba.

' i-is she...A GHOST?!!! Ohhh mhyyy ghod!!!! OH MY GOD!!!! '

Gulat na gulat ako sa mga nangyayari at nakikita ko lalo pa't first time kong makakita ng ghost!!!! Pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang pag kinang ng envelope na ibinato ko sa passenger seat kanina.

Nanginginig ang kamay na inabot ko ang envelope na iyon at dahan dahang binuksan.

Halos hindi ako makahinga at nabitawan ko pa ang envelope ng makita kung ano ang nasa loob niyon.

' it's a picture... p-picture of that girl who got an accident by now...'

kasabay ng pagtulo ng luha ko dahil sa nakikita at sa mga nangyayari ay naalala ko ang sagot sa akin ni prof. nung sandaling tinanong ko siya kung nasan ang original Talia.

"Wala....dahil ikaw at si Talia ay iisa, ikaw ang bida sa kwentong ito hindi man ikaw ang gagawa ng magiging takbo ng buhay mo dito ay iisa parin kayo dahil hindi magsisimula ang kwento hanggat wala ka....pero sa pagkakataong ito iikot ang mundo mo sa pagitan ng mga buhay at mga Patay

' sa pagitan ng mga buhay at mga patay.... '

++++++++

#Talia

A/N: magsusulat kahit walang nagbabasa^_^

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!

FOR MORE UPDATE FOLLOW ME ON:

FB: Allana Adalaide

don't forget to VOTE,FOLLOW AND COMMENT!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2022