chapter 3 | Talia
Naalimpungatan ako dahil sa kakarampot na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko ang napakagandang kalangitan mula sa malaking bintana.
' lumaki ata bintana ko?...'
Hindi ko na pinansin yun at muli kong ipinikit ang mata ko at niyakap ang kumot, pero nagsalubong ang kilay ko ng maamoy ang kakaibang samyo nito.
' siguro ibang fabcon na ang gamit ni mommy....'
Umayos ako ng higa at muli kong idinilat ang mata ko.
"Aaahhhyyy!!" Mapasigaw ako ng makita sa kisame ang painting ng isang kakaibang bulaklak.
' oh my ghod!!! Kailan pako nagkaroon ng ganiyang klaseng painting?!!!! At sa kisame pa?!!!! '
Nanlaki ang mga mata ko at di makapaniwala sa nakikita, muli ko pang sinulyapan ang painting na nasa kisame ng kama----
' wait!!! What?!! Kailan pa nagkaroon ng kisame ang kama ko?!!!! '
Napalundag ako papalayo sa kama ng marealize ko ang bagay na iyon at halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng mahagip ng mata ko ang malaking bintana.
' jusko!!! Wala nga pala akong malaking bintana sa kwarto!!! '
Kinakabahan at nagugulat akong napatakip sa bibig ng libutin ng paningin ko ang kabuuan ng kwarto.
Mula sa black bed na may red mosquito net sa bawat gilid, mantel na kulay itim din na binurdahan ng kulay pulang bulaklak na nakita ko kanina sa kisame, maging ang pinaghalong kulay pula at itim na kurtina na maayos na nakahilera sa bawat ding ding, kasing laki ang kwartong ito ng kwarto ni Sofia the first sa paborito kong Disney princess.
Bumaba ang paningin ko sa sarili ko at mas lalo lang akong nagulat ng mapagtantong nakasuot pala ako ng red turtleneck na may parang blackbelt sa bewang, mahaba ito na sumasayad sa sahig, may split din sa gitna dahilan para malaya akong makalakad, sa unang tingin ay aakalain mong party gown ito pero kung tutuusin ay isa talaga itong pantulog.
Napayakap ako sa sarili ko dahil sa kung ano anong naiisip.
' bakit ako nakasuot ng ganito?...sino nagsuot sakin nito?!!!! At isa pa...kung hindi ko kwarto to...ibig sabihin ay wala ako sa bahay!!!! Kung ganon....NASAN AKO?!!!!! '
Nagpaikot ikot ako sa kwarto habang nakatakip ang isang kamay sa bibig.
Lumingon at tumingin din ako sa bintana at nagmadaling lumapit doon, binuksan ko ito ng malaki at dumungaw sa baba.
Nalaglag ang panga ko nang matapos akong dumungaw ay nakita ko ang napakagandang beach na kumikinang sa tuwing matatamaan ng araw,sobrang linaw din at napakaganda sa paningin ang napakalinis at asul na asul nitong kulay!! yumuko din ako at tumingin sa ibabang part nitong kinatatayuan ko pero mas lalo lang akong nagulat ng mapansing mukhang nasa second floor ako.
Napanganga ako sa napakaganda at nakakarelax na tanawin, pero agad din iyong napalitan ng pag alala ng maalala kong nasa iba akong bahay.
' Damn it?!! Pano ako napunta dito?!!! '
Pilit kong inaalala ang nangyari bago ako nagising dito pero kahit anong isip ko ay hindi ko talaga maalala.
Napahawak nalang ako sa noo ko at pinalubo ang bibig sabay buntong hininga.
' siguradong nagpapanic na sila mommy ngayon dahil di ako nakauwi!!! '
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang malaki at napaka bonggang double door, dahan dahan akong naglakad doon at binuksan iyon, unang tumama sa mata ko ang pintuan na mukhang labasan.
Sa right side ay may mala senehang tv na nakadikit sa dingding, may sofa set din at fruits sa gitna, malaking mantel na kukay red at samot saring kurtina na black and red.
' sino bang nagmamay ari ng bahay na to at kargado sa itim at pula?!! '
Nang ilingon ko ang ulo sa kaliwa ay mayroon ulit isang malaking double door, plano ko pa sanang tingnan kung anong meron don pero baka maabutan ako dito ng nagmamay ari ng bahay kaya wag nalang.
Dahan dahan akong naglakad pa exit at halos lumuwa ang mata ko sa pagkamangha ng makita kung gaano kaganda at kaaliwalas ang lugar, mistula itong palasyo sa laki.
' ang swerte naman ng may ari nito hanep!! Pero ghod!!! Pano ba ako makakauwi?!!'
Nasa second floor ako ng bahay kung bahay ba talagang matatawag to dahil mala mansion naman ang itsura siguro tatawagin ko nalang mansion paki mo ba?
Pinagmasdan ko ang buong mansion at napa nganga ako sa napakagandang chandelier na nasa mismong gitna ng kisame, naglakad ako kaunti at humawak sa hawakang bakal habang dumudungaw sa baba.
May mangilan ngilang katulong na naka uniform ng pang maid pero ang kulay ay black and red parin.
"Señorita...nakahanda na po ang agahan"
Napaigtad ako sa gulat ng may magsalita sa gilid ko at tinawag pa akong señorita,bahagya itong nakatungo at nakasuot din siya ng black dress na may red apron at tali sa buhok katulad ng ibang kasambahay.
' ano na naman ba to?!! Kailangan ko ng umuwi!! '
"Ehh?" tanging naisagot ko kaya mas lalo pa siyang napayuko.
Hindi siya sumagot sakin, nakatungo parin siya at di gumagalaw, gusto ko siyang tanungin kung sinong nag dala sa akin dito at kung anong klaseng palasyo ang pinagdalhan niya sa akin at ultimong pantulog ay bongga pero mukhang na oop siya kaya wag nalang.
"Okay...s-samahan moko" nahihiya kong sagot at nagpatiuna naman siya sa paglalakad.
Nakarating kami sa kusina ng walang sali salita gusto kong magtanong pero nakakahiya, pagdating sa kusina ay sinalubong ako ng mahabang mesa pero mas pinili kong kumain sa maliit na lamesa na nasa tabi ng bintana.
"Señorita...kanina po ay bumisita si mistress Iya pero sinabi ko pong tulog pa kayo kaya babalik nalang daw siya"
'Mistress? Kabit? Wtf?'
Napatingin ako sa kasambahay ng magsalita ito, nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ako maka relate sa sinasabi niya.
' who the hell is Iya?!!! at bakit bako tinatawag na señorita nito? Feeling ko tuloy para akong prinsessa..."
Pero sa halip na magtanong ay nanahimik nalang ako, Malay ko ba baka kabit yun ng may ari nitong bahay, mistress daw eh....at baka sinabi lang sakin nung kasambahay para masabi ko mamaya sa nagdala sakin dito.
' kayo daw ehh... Paanong ibang tao yun? '
Nagtatalo ang isip ko dahil sa nangyayari, hindi ko maintindihan...
Nilingon ko ang maid at gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung bakit ayaw ng dila ko, kaya naman sa halip na magtanong ay tinanguan ko nalang siya at nagkunwaring abala sa pagkain.
' letche....nasan naba may ari ng mansion na to? mukhang madalang lang ata siyang makita ng mga maid kaya ako ang napagkakamalang siya! '
Nagpatuloy ako sa pagkain at nung mag serve ng juice ang maid ay tumingin ako sa kaniya.
Nakapusod ang buhok niya, bilugan ang mukha pati ang medyo singkit na mata, maliit ang matangos niyang ilong at kay seryoso niya kung kumilos, I think mid's 20 or 23 na siya.
"What's your name?" Maya maya pay nakangiting tanong ko, halata namang nagulat siya kaya mas nginitian ko pa siya.
"M-my name is Diane señorita...." Sagot nito kaya tumango ulit ako.
Nang matapos akong kumain ay nagpasalamat ako kay Diane, bahagya pa siyang nagulat pero di ko nalang iyon pinansin.
Nagpasama ako kay Diane na bumalik sa kwarto, doon ko nalang siguro hihintayin ang nagdala sa akin dito para mapasalamatan at ng makauwi na ako.
Halos isang oras akong nakaupo at naghihintay sa sofa pero daig ko pa ang naghihintay ng himala dahil hanggang sa mag alas nwebe na ay wala parin.
' kung alam ko lang ang daan pauwi ay aalis na talaga ako!! '
Padabog akong tumayo at saka naglakad lakad sa kabuuan ng sala, lumapit po ako sa mga nakasabit na kurtina at hinawakan ito.
' lintik sa mahal nito ahhh?.. '
Naningin ningin pa ako ng mga ibang gamit at halos lumuwa ang mata ko ng makita ang isang vase furniture na nakalagay sa lamisita kahit walang bulaklak, maliit lang ito pero nakakaakit sa mata.
Umupo ako sa mantel at saka nilagay ang dalawang kamay ko papatong sa lamisita at pinagmasdan kong maigi ang vase.
Gawa ito sa salamin pero blur, nang mapatingin ako sa bibig nung vase ay mas lalo pa akong namangha ng makita ko ang blue diamond na nakalagay paikot sa bibig.
' totoo ba talaga to?!!! '
Para akong tanga na nakanganga habang patuloy na nagiikot sa kabuuan ng sala.
Nang magawi ako sa kaliwang bahagi ng sala ay di ko maiwasang tumingin sa malaking pintuan na naroon, unti unti akong lumapit sa pintuan pero napatakbo ako bigla doon ng makitang ginto ang door knob nung pinto.
' nakakaloka totoo ba tong nakikita ko?!!! '
Halos mapunit ang mukha ko sa kangingiti habang hinahawakan yun, pero aksidente ko iyong napihit dahilan para umawang ang pinto.
Napailing ako sa naiisip at agad kong hinawakan ang door knob at akto iyong isasara ng may mahagip ang mata ko ng mistulang bagay na kumikinang.
Dahan dahan kong binitawan ang siradora at hinayaang bumukas ang pinto, unti unting tumambad sa akin ang kabuuan ng kwartong yun.
Kasing laki ng sala ang kwartong yun pero sa unang tingin ay mahuhulaan mong isa itong opisina maraming furniture at may napakagandang chandelier sa gitna.napapalibutan ng kulay pulang kurtina pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang dambuhalang frame na ang painting ay isang babae at lalaki na nagkiss sa ilalim ng puno na namumulaklak ng milyon milyong bulaklak habang umuulan....
Nakaramdam bigla ako ng lungkot sa di malamang dahilan...
' sino kaya ang babae at lalaking yan?..b-bakit kahit painting lang yung nakikita ko nararamdaman ko ang lungkot?... '
Unti unti akong pumasok at lumapit doon ng hindi ko inaalis ang mata sa painting, pero ng makalapit ako ay naagaw ng pansin ko ang isang lamesa na may magarbong upuan, may nakapatong sa lamesang iyon na mistulang kumikinang kaya naman yumuko ako upang makita ang bagay na iyon.
Bahagya akong napaatras ng makita ang isang glass dome na walang laman at katabi niyon ay ang bagay na tila kumikinang.
' parang familiar sa akin yung glass dome... '
Kinakabahan akong tumingin sa bagay na iyon na nakalagay sa isang gold jewelry box, parang may nag uudyok sa akin na buksan iyon kaya naman diko napigilan ang sarili at dahan dahan kong binuksan ang jewelry box.
Tumama ang paningin ko sa isang pendant na mistulang water drop, may nakalagay sa loob niyon pero diko maaninag kaya naman itinapat ko iyon sa liwanag upang makita.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung ano ang nasa loob ng pendant na iyon, isa itong bulaklak na katulad na katulad sa painting na nakita ko sa ibabaw ng kisame nung kama kanina.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita kaya itinapat ko ulit iyon sa liwanag para kompermahin kung tama ba talaga ang nakikita ko pero ng masinagan ulit ito ay bigla itong kuminang dahilan para maasiwa ang mata ko.
Kasabay ng pag iwas ko ng tingin ay naalala ko ang huling nangyari bago ako nagising sa lugar na ito.
Nasa harap ako noon sa pintuan ng library ng mapansin kong mukhang madilim sa loob bagamat may iilang ilaw pero di nauukupa non ang buong library.
Aalis nalang sana ako dahil baka sarado na pero nakita ko sa loob ng salamin ang bagamat luma pero malinaw na iniukit sa kahoy ang salitang ' open '
Dahan dahan kong pinihit ang siradora at kumalansing sa pandinig ko ang matinis na tunog ng mala bakal nitong pinto.
Nang makapasok ako sa loob ay kinakabahan akong nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng library, dahan dahan akong naglakad sa kinaroroonan nung librong hinahanap ko habang tinatawag si aling Selia.
"Aling Selia?..." Tawag ko na nag echo sa buong library kaya mas kinilabutan ako.
"Aling Selia...." Pagtawag ko ulit ngunit halos mapatalon ako sa gulat ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw, ngunit may naaaninag akong liwanag sa paanan ko.
Di ako makagalaw sa takot at kabang nararamdaman ko,pero pinilit kong yumuko para makita ang kakaunting liwanag sa paanan ko.
"What the hell..." Bulong ko ng makita ang isang glass dome na may bulaklak sa loob pero diko ko matukoy kung anong klaseng bulaklak dahil ngayon lang ako nakakita ng ganoon.
Napaalibutan ito ng pexie light sa loob at nagmistula itong lampara dahil may hawakan sa ibabaw.
Pinulot ko ang glass dome at saka itinapat sa dadaanan ko.
Bagamat nahihilo na ako sa kaba ay pinagpatuloy ko ang paglalakad at pagtawag kay aling Selia.
"Aling Selia..."
"Aling Selia...."
"Aling Selia nandiyan po ba kayo?...."
Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan pero naaninag ko sa di kalayuan ang lamesang kinalalagyan ng libro kaya naman nagmadali akong maglakad.
' bakit ba kasi ngayon pa nag brownout....'
Nang marating ko ang lalagyan Nung libro ay inilapag ko ang glass dome sa gilid nito, ngunit laking gulat ko ng makitang wala na ang salamin na nakatabil dito at may kwentas na mistulang kumikinang sa ibabaw nito.
Dahan dahan kong hinawakan ang kwentas at mas nanlaki pa ang mata ko ng makita ang pendant nitong mistulang kumikinang, katulad ito ng bulaklak na nasa loob ng glass dome,pero ang kaibahan ay maliit ang bulaklak na nasa loob ng mistulang water drop na pendant.
"Talia?..."
Napalingon ako sa pamilyar na boses sa aking likuran.
"M-madam Catalan?"
Halos lumuwa ang mata ko sa gulat nang makita ko si madam Catalan na ngayon ay nakatayo sa harapan ko, nakasuot ito ng black dress at deretsong nakatingin sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nasa likod.
"M-mada---"
"Your journey will start at the first drop of rain at the first day of February..."
Kasabay ng mga salitang yun ni madam Cat ay ang nakakarinding tunog ng wall clock na nakasabit sa isang book shelf sa gilid ko, nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa dose na ang parehong espada nito at katabi ng orasang iyon ay ang isang Chinese calendar na unti unting pinapalipad ng malakas na hanging nagmumula sa bintana ng library, nang tuluyang malipad ang isang pahina nito ay tumambad sa paningin ko ang numero uno na nasa buwan ng pebrero.
' February 1, 2014 ang ika 22nd birthday ko...'
Gulat akong ibinalik ang paningin sa harapan pero hindi ko na makita pa si madam Catalan, humupa na rin ang tunog ng orasan at napapalitan ito ng tunog ng mahinang pagbagsak ng ulan.
Napatingin ako sa bintana at kitang kita ko ang unang patak nang ulan na tumama sa lupa, kasabay ng tuluyang pagbuhos ng ulan ay ang paghigop sa akin ng enerhiyang tila hinihila ako papunta sa mundo na hindi ko pa napupuntahan....
Napaupo ako sa magarbong upuan habang nakahawak ang kamay ko sa noo, binalot ako sa kaba dahil sa mga naalala ko!!
' bakit nandoon si madam Catalan?!! A-anong ginagawa niya don sa dis oras ng Gabi?!!! '
Kung ano ano ang naiisip ko mas lalo pa akong nag-alala ng malamang lunes ngayon at di ako nakapasok!!
"K-kung nasa...library ako...nung araw na iyon?... I-ibig sabihi--" di ko na natapos ang pabulong kong sinasabi ng biglang may magsalita sa harap ko.
"Tama ka....nasa library ka parin ngayon...."
Dahan dahan akong napalingon sa pamilyar na boses ng babaeng iyon at halos malaglag ang panga ko ng makita si madam Catalan habang nakatingin sa malaking painting na iyon ng isang babae at lalaki sa ilalim ng punong may milyong bulaklak.
"M-madam C-catalan?.." gulat kong tanong at mas lalo pa akong nagulat ng unti unti siyang lumingon sa akin saka ngumiti.
"Welcome to your own world...Talia"
++++++
#Talia
A/N: ginaganahan akong mag update kahit walang nagbabasa haha! Bala kayo diyan!!
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
FOR MORE UPDATE FOLLOW ME ON:
FB: Allana Adalaide
don't forget to VOTE,FOLLOW AND COMMENT!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top