Chapter 22 | borrowed time
Tulala akong pinagmasdan si Law habang tinitingnan at pinipili ang damit na susuotin ko.
‘hindi ako makapaniwalang nakilala ko siya!'
Napangiti ako ng mapait bago tumayo at niyakap siya sa likod.
"Thankyou....at sorry" bulong ko. Hindi siya gumalaw kaya alam kong nakikinig siya.
"Thankyou because I got a chance to meet you and sorry for what I've do--"
"Wag mo ng ituloy"
Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya ng sabihin niya yun, humarap siya sa akin at bumuntong hininga.
"Gusto ko-- gusto ko masaya lang tayo ngayon" sabi niya at hindi ko na talaga maiwasang nagtaka.
‘bakit parang may kakaiba?'
"Hindi pa naman ako aalis...hindi ko pa nga alam ibig sabihin ng pangalan ko" Sabi ko pero di siya nagsalita at ibinigay sa akin ang pares ng damit.
Isang white polo na may neck bow at highlow skirt, Hindi na ako umalma at nagbihis nalang.
Nang matapos ako ay napangiti pa ako ng makitang nakabihis din siya ng white polo at pantalon na kapareho ng color sa highlow skirt ko.
"P-pareho tayo"
"Oum..."
Papalabas na sana kami ng bigla kong naalala na may kailangan akong kunin.
"Sandali lang" paalam ko at nagmadaling pumunta sa office ko. Tiningnan ko kung may envelope ba na nilagay si Vivorie pero wala akong nakita.
‘mamaya pa siguro'
Isinarado ko na ang pinto at sumunod kay law na naghihintay sa akin sa baba.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang papalabas kami ng bahay.
"Nag promise ka sakin na mag de-date tayo"
Napatigil ako saglit saka nag isip.
‘sinabi ko ba yun?'
"Wait? May sinabi ba akong ganon?" Tanong ko.
Humarap siya sa akin at pinisil ang pareho kong pisngi!
"Oo! At Ngayon tayo mag de-date" Sabi niya habang nakangiti.
‘parang iba ang ngiti niya ngayon?'
Hindi ko nalang pinansin ang napansin ko sa kaniya dahil baka epekto parin yun ng mga nalaman niya.
‘ang kapal pala talaga ng mukha ko no?'
Hindi nalang sana ako tutuloy at magpapalusot nalang sana pero binuksan niya na ang pinto ng kotse at pinaupo ako sa passenger seat.
Habang nasa kotse kami ay nakatingin lang ako sa kaniya habang nagmamaneho siya.
"Kumain muna tayo" Sabi niya kaya tumango ako.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng makarating kami sa isang kainan na ngayon ko lang napuntahan.
Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto at sabay kaming pumasok sa loob, sandali lang kaming kumain at bumalik din agad sa kotse pagkatapos.
"San tayo pupunta?" Tanong ko dahil kanina pa kami paikot ikot.
"Teka nandito lang yun eh--- yun!" Tinuro niya ang isang malaking library sa di kalayuan.
‘seryoso? Library?'
Aangal na sana ako pero dahil naisip kong baka mat kukunin siya ay sumunod nalang ako.
nung makapasok kami sa entrance ng library ay napangiti ang librarian ng makita ako, nililista ni law ang pangalan namin habang nasa likod naman niya ako.
Madalas ako dito noon, Lalo na nung mga unang araw ko dito at gustong gusto kong hanapin ang kahulugan ng Talia na hindi ko naman nakita hanggang ngayon.
Ngumiti ako pabalik sa librarian na nakilala ako saka humarap kay law.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Pumili ka ng libro, gusto kong basahin mo yun sa harap ko"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
‘akala ko ba mag de-date kami?'
"Akala ko ba mag de-date tayo?" Bulong ko na mukhang narinig niya.
"Gusto ko lang na kasama ka sa isang tahimik na lugar"
Sandali akong napangiti saka kinuha ang Isang Disney book saka kami parehong naupo sa sahig ng library habang nakasandal sa gilid.
Binuksan ko na ang libro at magbabasa na sana ng biglang namatay ang ilaw!
"Anong nangyari?" Tanong ko kay batas dahil dumilim ang library at Wala akong makita!
"Brown out?"
Kinuha ni batas ang cellphone niya at ini on ang flashlight at iniharap sa binabasa ko.
Nginitian ko siya at magpapalusot na sana na lumabas nalang kami pero wag nalang.
"Cinderella..." Basa ko sa Tittle at sinimulang mag kwento.
Sa kalagitnaan ng kwento ay bigla akong napahinto ng tinipon niya ang buhok ko at bahagya yung itinaas gamit ang kamay niya para di matabunan ang binabasa ko.
Napatingin ako kay law at nakatingin din siya sakin. Nginitian ko siya at pinagpatuloy na ang pagbabasa.
Nakatayo kami ngayon dito sa labas ng coffee shop habang nakatingin sa loob.
"Mas masarap yata don?" Tanong ko habang nakaturo sa isa pang coffee shop sa di kalayuan.
"Hindi yan coffee shop, milk tea shop yan!" Sabi niya at sabay kaming natawa dahil pang cape yung poster sa labas ng milk tea shop!
"Ganito nalang...oorder lang akong c
kape tapos punta tayo dun" turo niya sa milk tea shop.
Pumasok kami sa loob at naningin sa counter ng masarap na kape.
"Latte" turo ko habang naka angkla yung isa kong kamay sa kaniya.
"No, cappuccino" Sabi niya a oorder na sana ng pigilan ko siya.
"No, latte is better than cappuccino" turo ko na naman at may ilang tao na napapatingin sa amin.
"Ok fine, kahit hindi naman ikaw ang iinom" pagpayag niya kaya napangiti ako.
Sunod kaming pumunta sa milk tea shop at mukhang siya naman ang mkikipag away kaya inunahan ko na siya.
"Choco flavor please" ngiti ko at binilatan ko si law na wala ng nagawa haha!
Habang naglalakad kami ng sabay sa nadaanan naming plaza ay bigla niya akong hinarang.
"May pupuntahan tayo" Sabi niya kaya napatigil ako at napatingin sa kaniya.
"Hmm...saan?"
"Basta! Halika"
Bigla niya akong hinila at sabay kaming tumakbo patawid ng kalsada. Medyo nahirapan pa ako dahil sa taas ng takong ko pero keri naman dahil nandiyan siya!
"Ano to?" Tanong ko ng makarating kami sa isang bahay na malayo sa ilang mga bahay at may malawak na lupain.
"Gusto kong gawin to kaaama ka..." Sabi niya at maya maya lang ay may lumabas na may edad ng lalaki.
"Doc Lawrence? kayo po pala, ano pong ginagawa niyo rito?"
"Ah.. mang Diego magpapakuha po kami ng picture"
Napatingin ako kay law ng sabihin niya yun!.
‘ano raw? Picture?'
Tatanungin ko na sana siya ng biglang may lumapit sa akin na babaeng may edad narin at hinila ako papasok sa isang kubo na hindi pala kubo.
Para lang siyang kubo sa labs pero pag pasok sa loob ay modern na modern.
"Wait! What are you doing?" Tanong ko ng ilapag niya sa harap ko ang isang malaking box at nagsulat siya sa Isang papel.
Doon ko lang na realize na hindi siya nagsasalita.
"Magbihis ka dahil kukunan kayo ng picture" basa ko sa sinulat niya.
Napatango tango nalang ako at sandali pa siyang tumingin sa akin bago lumabas.
Binuksan ko ang box na inilapag niya sa harap ko at namilog ang mata ko ng makitang isa yung weeding gown!
Off shoulder yung weeding gown na may split sa gitna at talaga namang babagay sa akin.
Agad ko yung sinuot at tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin.
Ngayon na yata ang pinakamasayang araw ko sa buong buhay ko.
Napangiti ako ng kaunti bago ayusan ang sarili ko. Ibinalik ko ang dating ako, yung dating ako na kakarating lang sa mundong ito.
Nang matapos ako ay sinundo ako ng babae kanina at napangiti siya ng makita ang itsura ko.
Inalalayan niya akong lumabas at isinuot sa akin ang mahabang veil at binigyan ako ng kumpol ng bulaklak.
‘sana balang araw maranasan ko rin to sa reality....Kasama si Law'
Napatulo ang luha ko ng hindi sadya dahil sa naisip. Agad ko yung pinunasan at maya maya pa ay sinalubong ako ni Batas ng may ngiti.
"You look beautiful in white...." Bulong niya at nangingilid ang luha kong napatingin sa suot niya.
‘hes my groom...'
Inalalayan niya akong umupo sa mahabang upuan saka kami sabay na ngumiti sa harap ng camera.
"Ok 1..2...3...smile" Sabi nung photographer at pinicturan kami. Naka ilang take pa kami at akala ko yun lang pero mali ako. Muli akong pinagbihis ng simple na damit at kinuhanan ulit kami ng picture. Nung una ay akala ko tapos na pero hindi pa pala ulit dahil ilang beses pa kaming nagbihis hanggang sa inayusan kami na parang matanda na.
‘narealize kong...advance picture pala namin to hanggang sa pagtanda...'
Nang matapos kami ay sinabi ng photographer na e didiliver daw nila yung pictures pagkatapos ayusin.
Alas kwatro na at magkahawak kamay kaming naglalakad malapit sa tabing dagat.
"Teka! Dolphins?" Tanong ko habang nakaturo sa malalaking isda sa di kalayuan.
"Gusto mong lapitan?"
Napalingon ako kay Law ng sabihin niya yun. Itinuro niya sa di kalayuan ang Isang yate at inaya akong sumakay dun.
"Ang prepared mo ngayon..." Sabi ko at nilanghap ang malamig na hangin ng dagat.
"Ikaw kasama ko eh"
Nabigla ako ng yakapin niya ako sa likuran habang sabay naming tiningnan ang ganda ng tanawin at mga dolphins na lumalangoy.
Ang totoo ay nawiwirduhan ako kay Batas dahil hindi siya masiyadong nagsasalita ngayon. Madalas lang siyang nakatingin sa akin at nakangiti.
"Batas umamin ka nga sa akin..." Sabi ko at humarap sa kaniya.
"May iba kabang babae?" Tanong ko at nagulat naman siya bago tumawa.
"Hahaha...bakit mo natanong?"
Napaikot ang mata ko at tumalikod sa kaniya.
‘bakit ko nga naman tinanong yun eh wala namang kami'
Nagulat ako ng ipatong niya sa balikat ko ang baba niya at itinaas ang kamay.
"Smile"
Napilitan akong ngumiti ng plastic ng kumuha siya ng picture kasama ako at ng mga dolphins.
"Hahahaha! Ang sama!" Tawa niya habang nakatingin sa phone niya.
Mas lalo akong nainis ng ipakita niya ang pangit na kuha ng camera!
"Hoy! Burahin mo yan" utos ko pero mas lalo lang siyang tumawa.
"Wala akong ibang babae...ikaw lang"
Natigilan ako ng bigla niya yung sabihin at kumuha ulit ng ilang pictures!
"Bakit ba kuha ka ng kuha ng pictures!"
"Para may memories ako kasama ka"
"Tsk! Makakasama mo pa naman ako" seryosong sabi ko pero di siya sumagot.
Napabuntong hininga ako bago kunin ang cellphone sa kaniya at nag picture sa lahat ng anggulo.
Gabi na ng makababa kami sa yate. Sabay kami ngayong naglalakad sa daan na may nakapalibot na mga puno.
Sinabayan ko ang hakbang niya na halatang binabagalan din niya para makasabay ako.
"Law..."
"Hmm...?"
"Thankyou....I'm sorry..."
Napahinto ako ng sabihin ko yun. Nakatingin ako sa paanan ko at ilang sandali pa ay nakita ko din ang sapatos niya na nasa harap ko na ngayon.
"Ang tanging kasalanan mo lang ay napunta ka sa mundong to"
Napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Nagsisisi ka ba?" Tanong ko at muling naglakad. Sumabay naman siya.
"Hindi..." Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ako.
"Dahil kahit papaano, nung dumating ka naging masaya ako....kahit nawala sakin yung mga magulang ko at buong pamilya ko, kahit papaano ay nakilala naman kita. Isang pambihirang pagkakataon ang makakilala ng Isang katulad mo.." Sabi niya at niyakap ako.
Nagulat ako ng biglang may pumutok at nagliwanag ang paligid. Napatingin ako sa langit at nakita ko ang naggagandahang fireworks na sumasakop sa langit.
Pagkatapos naming panoorin ang fireworks ay hinatid ako ni Law sa bahay at sabay din kaming kumain na siya mismo ang nagluto.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakatingin sa mahabang salamin. Bumaba ang tingin ko sa bracelet na suot ko at hinawakan ko yun saka napangiti.
Sa twing nagkakadikit kami ay dumidikit din ang mga bracelet namin.
Naligo muna ako saka nagsukat ng mga damit na susuotin ko sa susunod na araw, sandali akong napahinto ng maalala kong may naiwan akong pares ng earrings sa office ko kaya pumunta ako don para kunin yun.
Pagpasok ko ay nakita ko uli yung painting sa likod ng swivel chair. Napabuntong hininga ako saka pumunta sa garden at tingnan ang puno.
Pagbukas ko ng pinto ay madilim ang paligid na parang nag block out lahat ng ilaw na nilagay ko garden.
‘what the heck?'
Nang humakbang ako ng isang beses ay nagulat ako dahil lumiwanag ang daan. Sunod pa akong humakbang at sa bawat hakbang ko ay umiilaw ang daan daang pixie light na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Wow..."
Nang makarating ako sa may puno ay nakita ko ang familiar na lalaki na nakatalikod sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at humarap naman siya sabay ngiti.
"I always cherish the moments that I'm with you Talia...." Panimula niya at tumingin sa mga mata ko. "But I don't wanna be a selfish anymore...."
Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya.
"What do you mean?" Naguguluhan kong sagot at lumapit sa kaniya.
"Go back home...Talia"
"Ano bang sinasabi mo?!" Galit ng tanong ko pero bigla niya lang akong niyakap.
"I...i decided to set you free"
"Law..."
Hindi ko na mapigilan ang luhang pumatak sa mga mata ko!
Pinunasan niya yun at hinarap ulit ako.
"Go home Talia...hmm?"
Hindi ko na mapigilan ang luha kong pumatak ng sunod sunod kasabay ng sa kaniya.
Alam ko na ang gusto niyang sabihin pero ayaw kong intindihin!
"I-i don't want you to...." Huminga siya ng malalim bago magpatuloy. " to be trap here with me...knowing that you still have your family.."
"Law..." Yun lang ang nabanggit ko saka niyakap siya ulit.
"I-i love you...."
Nung sinabi ko yun ay magkasabay kaming umiiyak at hindi bumibitaw sa isa't isa.
"Simula ngayon....You'll be able to live without having to worry about anything...." Bulong niya.
"At gusto kong malaman mo na....pinapatawad na kita"
Hindi ko na mapigilan ang luha ko at sunod sunod yung kumawala, sinapo niya ang mukha ko at ipinatingala ako sa kaniya.
"Mapa ikaw man si Talia...o Celina hindi magbabago ang katotohanang isa kang biyaya na bumagsak mula sa langit"
Pagkasabi niya nun ay naramdaman kong may pumapatak sa ulo, balikat at kamay ko!
Napatingin ako sa langit at naramdaman ko ang mahinang ulan na bumabagsak ngayon sa lupa!
"Ang pangalan mo...ay nangangahulugang....a rain from heaven"
‘Talia... Ulan na mula sa langit.'
Ilang sandali pa ay bigla niyang nilapit ang mukha sa akin hanggang sa naramdaman ko ang paghalik niya sa labi ko.
Napapikit ako at napakapit ng mahigpit kay Law. Sandali kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang bukadkad ng mga bleeding heart flowers sa puno.
Nang lumayo siya sa akin ay unti unting nagliwanag ang puno at nagpakita ang isang pamilyar na pinto!
"Law...."
"I'll be okay...i-in this lifetime, our intertwined fate ends here. I-i love y-you Celina..."
‘hindi ito ang eneexpect kong pagkakataon na aalis ako! Hindi ko akalaing kaya pala sinulit niya ang bawat sandaling kasama ako ngayon ay dahil nag desisyon siyang pauwiin na ako!'
"T-thankyou..." yun nalang ang nasabi ko at humugot ako ng malalim na hininga saka siya lakas loob na tinitigan sa huling pagkakataon!
Sinuyod ko ang bawat anggulo ng mukha niya at sinulit ang huling pagkakataong makatitigan siya.
"G-goodbye...L-Lawrence Ancielo" Sabi ko at matagal bago siya sumagot.
"G-goodbye..."
"Goodbye"
Dahan dahan ko ng binitawan ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkakapit at humakbang paatras. Tumalikod na ako at humarap na sa pinto ng bigla niya akong tawagin ulit!
"Talia!"
Niyakap niya ako sa huling pagkakataon bago iniabot sa akin ang kumpol ng bleeding hearts flower at hinalikan ako sa noo.
"If wishes will come true, I will go to you...like how you go to me" bulong niya bago ako bitawan at unti unting lumayo.
Pinahid ko ang luha ko at ipinakita sa kaniya ang napakatamis kong ngiti saka kumaway at binuksan ang pinto.
Humugot ako ng malalim na hininga at Ibinuga yun bago humakbang pasalubong sa liwanag na magbabalik sa akin sa totoong mundo...
~~Every fight needs mending
Every start has an end
Like the sunrise and the sunset
That's just how it is
Love on borrowed time
Will never be yours nor mine
I need you like you need me
The way we ought to be
Oh, it's good to be true,
If our hopes and dreams come true
Wish that I had more
Of this borrowed time
If only it would last a lifetime.~~
Napamulat ako at naramdaman kong may luhang pumatak sa mga mata ko, agad akong bumangon at umupo sa kama at tiningnan ang paligid ko.
Nakabalik na ako sa totoong mundo...
+++++
#Talia
Ps. Please VOTE po kayo maraming salamat!!!
Featured song:
Borrowed time by: Cueshe
this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
For more information add or follow my social media accounts
Fb: Allana Adalaide
P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top