Chapter 21 | The Truth untold

Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni law, pinahid ko ang luha ko at hindi nagpahalatang umiiyak din ako.

‘p-paano niya nalaman ang totoo?'

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya.

"Paano mo n-nalaman?" Tanong ko at napayuko.

"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong din niya kaya napakunot ang noo ko.

"Kailan ka pa nagkaroon ng idea?" Tanong ko na naman at tumingin sa mga mata niya!

"Celina..."

"Wag mokong tawaging Celina! Sagutin mo ang tanong ko!" Sigaw ko! Dapit hapon na at medyo madilim din dito sa loob.

"I dreamed of you...you were there! your just..." Napayuko siya kaya napaiwas ako ng tingin. "Your just sleeping"

"Like you said your dreaming so they're aren't true" pangungumbinsi ko.

"I know it's true....don't...don't try to lie, this thing prove me!"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hinablot sa leeg niya yung necklace na isinuot ko sa kaniya!

"Talia--no, I mean Celina...." huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy. "I can't believe I'm only a living fiction, who lived in a world created by others"

Tumalikod ako at hindi tumingin sa kaniya! hindi ako sanay na tinatawag niya ako sa pangalan ko!

"Let's talk this another time...." Pilit na sabi ko pero bigla niya akong niyakap mula sa likod!

"What should I do? I love you...."

Heart beats...

Tumulo ang luha ko ng ibulong niya yun agad ko yung pinunas at humarap sa kaniya.

Nakaupo kami ngayon dito sa malaking bato sa loob parin ng butas, walang nagsasalita at gabi narin, mula dito ay kitang kita ang maraming stars at ang kalahating buwan sa langit.

Pinagmasdan ko ang langit at mapait na napangiti.

‘i miss you mom..dad...kuya...‘

Naalala ko na naman ang unang beses na nag family picnic kami sa kalagitnaan ng gabi.

Napatingin ako kay Batas at kanina pa pala siya nakatingin sa akin.

"It's not a coincidence right?" Tanong niya pero hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot!

"You and I...are destined to met" dagdag niya at napayuko. "Such a cruel writer, she or he made suffer his characters at all time"

Mas lalong hindi ako nakasagot sa sinabi niya!

‘paano pa kaya kapag nalaman niyang si Lola Amaya ko ang nagsulat ng kwentong to? at nagpahirap sa kaniya?

"Are you the writer?" Tanong niya at napalingon agad ako sa kaniya!

"H-hindi!" Sagot ko at iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kaniya na kilala ko ang writer na tinutukoy niya.

"Pano ka nakarating dito?"

Hindi na naman ako makasagot sa tanong niya!

"I-it just happened..." umiwas ako ng tingin pagkatapos sabihin yun, alam kong gulong gulo siya kaya kung ano anong tanong ang lumabas sa bibig niya.

"Umuwi na tayo---"

"Celina...."

Napatigil ako ng banggitin na naman niya ang pangalan ko! hindi ko na alam kung kailan ko pa huling narinig ang totoong pangalan ko at ngayong paulit ulit niya yung sinabi ay masasabi kong hindi na ako sanay sa sariling pangalan.

"H-hindi ko na alam k-kung kailan ko huling narinig ang pangalan na yan" sabi ko at tumayo bago humarap sa kaniya.

"I miss...my parents, so much"

Sinabi ko yun ng nakatingin sa mga mata niya.

"Are you leaving, aren't you?"

"Yes--"

"Pano ako?"

Napatigil ako sa pagsasalita at napatalilod sa kaniya.

"A-anong pano ka? Your nothing compared to my family"

Bago ko pa mapigilan ay nasabi ko na ang may kasakitang salita na yun.

Nakita ko ang pagkapahiya sa mukha niya at pagkibot ng labi niya habang nakayuko.

Napabuntong hininga ako bago mag teleport pero di man lang ako nawala!

‘what the heck?'

Sinubukan ko ulit pero ayaw na talaga ng katawan kong mag teleport!

‘anong nangyayari?!'

Nakita ko si Batas na nakatingin sa taas at mukhang nag iisip din siya ng pwedeng gawin para makaalis na kami dito.

‘sana hindi niya maalala na marunong ako mag teleport--'

"Marunong ka magteleport diba? Gamitin mo kaya ang kapangyarihan mo para makaalis tayo?"

Hindi ko alam kung sa pandinig ko ba o sa pagsasalita niya talaga, may pagkasarcastc kasi ang pagkasabi niya.

Napapikit ako sa inis saka sinubukan ulit pero ayaw parin.

Tumingin ako kay Law at na hindi man lang tumingin sa akin.

Napabuntong hininga ulit ako bago hubarin yung suot kong jacket at ilatag dun sa bato na kinauupuan namin kanina.

"Nagagamit ko lang to pag may panganib" palusot ko at humiga dun sa bato.

"Bukas na yan, matulog ka na" dagdag ko bago pumikit.

bahala ka kung san ka matutulog'

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa pisngi ko, pagbangon ko ay nakapatong sa akin ang coat ni Batas kaya lihim akong napangiti.

Inilibot ko ang mata ko pero wala si Law!

asan na yu--'

Napatigil ako sa pag-iisip ng makita ang isang hagdan na gawa sa lubid na nakapwesto na patungo sa taas.

‘iniwan niya ako?!'

Napakunot ang noo ko ng ma realize kong iniwan niya nga ako!

Nagmadali akong umakyat pataas dala yung heels at coat ni Law, hindi ako makapag teleport kaya mukhang maglalakad ako pauwi!

‘nakakainis! Ano ba kasing nangyayari at di na gumagana ang kapangyarihan ko!'

Pagkalabas ko sa butas ay napatigil ako dahil nandon pa yung kotse ni Law!

‘akala ko ba umuwi na siya?!'

Hindi ko sana siya papansinin at magsisimula na sanang maglakad palayo pero sinerbatohan niya ako!

Inis akong pumasok sa kotse niya at hindi siya tiningnan.

‘kung may choice lang ako hindi ako sasakay dito'

Sa buong byahe ay walang nagsalita sa amin.

‘mukhang mali talaga yung nasabi ko kagabi'

Pagkarating namin sa bahay ko ay agad ko siyang hinarap.

"Hindi mo na dapat ako hinatid"

Napapikit ako at napatalikod ng marealize kong mukhang maling salita ang nasabi ko.

‘dapat kasi sorry'

"Gusto kita at kahit nagtatampo ako ihahatid pa rin kita dahil nag aalala parin ako..."

Nakagat ko ang labi ko at ilang saglit pa ay lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako.

Bumaba ako sa sasakyan at pumasok na sa bahay, ilang saglit lang ay narinig ko na ang pag alis ng sasakyan niya.

Napabuntong hininga ako at pumunta sa kwarto para maligo at magbihis, pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta ako sa garden dala ang favorite wine ko.

Malayo palang ay tinignan ko na Ang pinto at pabagsak na binuksan, nagulat pa ako ng marealize kong okay naman pala ang kakayahan kong magpagalaw ng bagay.

Nakangiti akong pumasok sa garden pero agad ding nawala at nabitawan ko pa ang hawak kong wine na nabasag sa lupa ng makita ko ang puno!

‘this can't be...'

Napaatras ako ng isang hakbang ng makita kong may iilang bulaklak na sa puno ang namumukadkad!

Lumapit ako sa puno at nanginginig na inabot ang isang bulaklak ng bleeding heart, maliit lang yun pero kinikilabutan ako!

Agad akong humakbang pabalik at tulalang naglakad palabas napatigil pa ako ng maapakan ko ang basag na wine na ikinatusok ng ilang bubog sa paa ko.

Hindi ko yun pinansin at bumalik na sa loob, naalala ko bigla yung ilang beses na pagtibok ng puso ko kahapon!

‘yun kaya ang dahilan?'

"Makukulong ba talaga ako sa librong to?'

‘p-paano ako sa reality?'

Sa pagiging lutang ko ay hindi ko namalayang nasa beach na pala ako. Napahawak nman ako sa ulo ko dahil parang tumitibok yun sa sakit.

n-nakakaramdam na rin ako ng sakit?'

Napaatras ako ng Isang beses at nagulat ako ng may biglang humawak sa akin!

Napatingin ako kay Law ng alalayan niya akong maupo sa may umbrella.

"B-bakit ka nandito?" Tanong ko at napansin kong iba na ang suot niya.

"Kumain ka muna, kagabi ka pa hindi kumakain" sagot niya at inilatag sa maliit na lamesa ang dala niyang mga pagkain.

"Sorry"

"Sorry"

Nagkatinginan kami ng sabay ring napaiwas ng sabay namin yung sabihin.

"I-im sorry..." Ako na ang nauna. "I-i shouldn't say that to you" Sabi ko at sumandal sa inuupuan ko habang nakatingin sa dagat.

"I'll pretend I didn't hear anything" sabi din niya na may inabot sa akin.

Kinuha ko ang iniabot niya at nagulat ako dahil ito yung dahon na inipit ko noon sa wallet niya.

"Nakita ko yan sa wallet ko, did you put it there?"

"H-hindi ah!" Tanggi ko.

"Wag ka ng tumanggi dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong dahon"

Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lang sa kaniya.

‘kung makukulong ako dito ay makakasama ko siya..pero paano ang pamilya ko?‘

"H-hindi ako tumatanggi no!" Depensa ko pero di na siya nagsalita.

‘ang seryoso nito ngayon'

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit at inilihod ang isang paa, inabot niya ang paa ko at tinanggal ang ilang bubog na dumikit doon. Napaiwas ako ng tingin at nung matapos siya ay sandali akong nagpaalam na may kukunin at babalik agad kahit ang totoo ay wala naman talaga.

Bumalik ako sa loob ng bahay at papunta sana ako sa kwarto ng mahahip ng mata ko ang office ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay unang tumama ang mata ko sa painting na nakasabit sa likod ng swivel chair.

Mula ngayon ay hanggat maaari ay gusto kong umiwas. Napatingin ako sa paa kong tinanggalan niya ng bubog.

alam na niya kung sino ako...alam din niyang walang kasiguraduhan kung makakaalis ba ako dito o hindi, pero bakit mas lalo ata siyang dumikit sakin?'

Napansin ko ang glass dome na umiilaw sa ilalim ng mesa kaya pinulot ko yun

‘wait! Glass dome? Pano to napunta dito? Ngayon ko nalang ulit to nakita ah!'

Nagulat ako ng may bumukas ng pinto kaya napalingon ako sa taong may gawa nun, pero sa paglingon ko ay tumama ang liwanag na mula sa labas  sa glass dome na hawak ko kaya kuminang ito at nasilaw kami ni Law!

Nakaupo ako sa restaurant habang kumakain at pasimpleng lumingon sa paligid.

May Isang lalaki at babaeng pumasok sa resto kaya napatingin ako dun. Pareho silang may usok sa leeg na hudyat ng kamatayan.

‘wait! Familiar sa akin tong scene na to ah?'

Luminga ulit ako sa paligid at nakita ko sa di kalayuan ang Pagani na sinasakyan ni Law.

‘ito yung scene na una akong kinuhanan ng litrato ni Law!'

Halos kalahating oras ako kumain Doon pagkatapos ay nagmaneho na sana pauwi ng madaanan ko ang pamilyar na sasakyan na naka park sa Isang mall.

May lalaking sumisira sa gulong nito at dahil nakatakdang mamatay yung mag asawa ay agad akong bumaba at tinulungan yung lalaki na sirain yung gulong.

Sandaling nahulog yung sumbrero ng lalaki kaya nakita ko yung itsura niya.

‘ito yung lalaking ngumisi sa akin kahapon! Sa restaurant!'

Bago ako tuluyang makaalis sa lugar na yun ay nakita ko ang mag asawang sumakay sa kotse kasama ang isang nakatalikod na lalaki....

Napatakip ako ng bibig ng marealize kong pamilya ni Law ang may ari nun!

‘d-did I just kill them?'

Napatingin ako kay Law na nakatitig lang sa glass dome at natutulala.

"L-law--" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng tumalikod siya.

"N-nayon alam ko na..." Napayuko siya bago nagsalita ulit. "Alam ko na kung bakit matutulungan mokong hanapin ang pumatay sa pamilya ko...hindi ko naman akalaing ikaw mismo ang gumawa nun, pag amin mo lang ang kulang" dagdag niya.

"Law--"

"Alam kong ikaw din ang pumatay sa pinsan ko dahil nakita ko yun, inaamin kong wala akong karapatang magalit sayo dahil niligtas mo lang ako--pero! yung sa mga magulang ko wala silang naging kasalanan para iligpit mo!"

Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya yun!

‘a-alam niya?!'

Hindi ako nakapagsalita sa mga narinig ko, nabunyag na ang hinahanap niyang may pakana sa pagpapahirap sa kaniya at nararamdaman kong mukhang anumang oras ay aalis na din ako...

Ilang oras na akong nakaupo sa umbrella dito sa beach, sinusulat ko ang letter ko kay Law dahil baka sakaling di na niya ako maabutan pa dito.

‘naalala kong nakita ko na noon ang scene nato, goodbye letter pala ang sinusulat ko'

Napabuntong hininga ako at napatingin sa glass dome na nasa tabi ko.

Kapag nagpakita na ang libro ay siguradong makakabalik na ako.

‘hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong sabihin kay Law na ma mimiss ko siya...'

Ilang oras pa akong nanatili sa beach bago ko naisip na bumalik na sa loob at ihanda ang sarili.

Nagulat ako ng pagharap ko sa daan pabalik ay nakatayo si Law habang nakatingin sa akin.

"K-kahit masakit...k-kahit malaki ang naging kasalanan mo, hindi ko parin hahayaang hindi maiparamdam sayo kung gaano ako kasaya nung makikilala kita..."

~~Hinahanap hanap kita
Nagkatagpo ngunit merong hadlang
Parang tayo'y magkabila dito sa mundo
Nag-aabang kung ano ang kadugtong nito

Hinahanap hanap kita sa ating tagpuan
Ano pa man ang mangyari
Tayo pa rin sa takdang panahon
Kumapit ka tayo'y lilipad na
Kay sayang litrato ang mga oras na ito

Mahirap man tanggapin
Panaginip lang ang mga ito
Hinahanap hanap kita sa ating tagpuan

Ano pa man ang mangyari
Tayo pa rin sa takdang panahon
Sadya bang kailangan umalis na ang isa sa atin
Paalam man sa'yo ngayon
Babalik din
Magbabalik din tayo~~

Nabigla ako ng hilahin niya ang kamay ko!

"Gusto parin kitang nakasama.....kahit sa huling pagkakataon"

+++++

#Talia

Ps. Please VOTE po kayo maraming salamat!!!

Featured song:

Hinahanap by: Three, two, one

this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!

For more information add or follow my social media accounts

Fb: Allana Adalaide

P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2022