chapter 20 | Fictional character
"U-umalis na tayo" bulong ko habang nakayakap parin siya sa akin. Nakita kaya niya?.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin kaya tumayo agad ako at tumalikod sa kaniya, naramdaman kong bumangon siya at tumayo sa likod ko.
"A-aalis ka ba?" Tanong niya at hindi ako nakasagot agad.
Nangangapa ako ng sagot sa tanong niya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Talia...."
Agad akong napalingon sa kaniya ng ibulong niya yun, nakayuko siya at nakatingin sa sahig.
Agad akong nameke ng tawa at ibinalik ang natural kong kamalditahan.
"Ha-hahahaha" tawa ko at napaangat naman ang ulo niya.
"Umiiyak ka ba? Ha... Aii, aii..." Sarkastiko kunwaring tanong ko habang lumilingon sa bintana.
"Hindi ah!" Agarang sagot niya kaya natawa ako.
"Ang tagal mong gumising, may dalawa pa tayong huhulihin" Sabi ko at lumakad na pero di siya sumunod kaya nilingon ko siya.
"What?" Maarting tanong ko.
"Hindi mo sinagot yung tanong ko..." Sandali akong napatigil bago humarap ulit sa kaniya.
"Oo, aalis ako at sasama ka sa akin may huhulihin pa tayo remember?" Tanong ko at lumapit sa kaniya.
Inangkla ko ang kamay ko sa braso niya at hinila siya pababa.
"Tara gusto ko ng pizza" pag-iiba ko ng usapan at nagpaalam na kami sa may ari.
"Ako na ang mag da-drive" suggest ko at bukbuksan na sana ang pinto ng pigilan niya ako.
"Ako na..."
Hinila niya ako papunta sa passenger seat at pinagbuksan ng pinto bago siya sumakay sa kotse at pinaandar yun.
Habang nag da-drive siya ay sa labas lang ako nakatingin walang nagsasalita sa amin kaya nilingon ko siya.
‘nakita kaya niya?'
Yun ang unang pumasok sa isip ko. Nababahala ako na baka kaya niya ako niyakap ay nakita niyang naglalaho ako.
‘pero bakit kaya yun nangyari sa akin?'
Napahawak ako sa suot kong kwentas, naalala kong bago ako umalis kanina ay umiilaw ang necklace nato.
Hinubad ko yung necklace at pasimple yung itinapat sa liwanag.
Nakahiga parin ako sa kama ko at wala sila mommy at daddy, wala rin si kuya at mas lalong wala ng mga nakakabit sa akin.
‘patay na ba ako?'
Para akong si sleeping beauty na natutulog lang ng normal.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si mommy na may kasamang lalaki. Tumayo si mommy sa gilid ng kama ko habang kausap niya yung kasama niyang lalaki.
Maya maya ulit ay lumapit sa katawan ko yung lalaki at mayroon siyang cheni-check sa akin bago sila sabay na lumabas ni mommy sa pinto.
Pagkalabas nila sa kwarto ko ay dumilim na ang paligid at nasa tapat ko na ulit yung glass dome at libro katulad ng dati ay lumipat ang pahina at ipinakita sa akin ang chapter.
Chapter 14 - He will know
Napamulat ako ng mata at napatingin kay batas na nag da-drive parin, palabas na kami sa kakahuyan at nakita ko na ang malaking kalsada.
Umayos ako ng upo saka tinitigan si law.
‘kapag bumalik na ako...Hindi na ako magkakaroon ng chance pa na titigan siya ng ganito'
"B-bakit?" Tanong niya kaya ngumiti ako at kinuha ko yung isang kamay niya na nakahawak sa manubela at pinag intertwined ang mga kamay namin.
"B-baka ma aksidente tayo..." Sabi niya kaya ngumiti ako.
"Magaling ka naman kaya pahiram ako nito" Sabi ko at pinakita ko Yung kamay naming magkahawak.
Nakita kong napangiti siya kaya napangiti din ako.
"Andito na tayo--sandali!" Pigil niya ng lalabas na sana ako.
Bumitaw siya sa pagkakahawak ng kamay namin bago naunang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.
Nang makalabas ako ay hinawakan niya ulit yung kamay ko at sabay kaming pumasok sa isang restaurant.
Habang naglalakad ay panay ang tingin ng mga tao sa amin dahil daig pa namin ang mga mafias dahil sa suot naming puro itim.
Napangiti ako ng mapansing ito yung restaurant na kinainan ko noon at dito rin ako unang kinuhanan ni law ng picture.
"Ito ang huli naming dinaanan ng mom and dad ko bago kami ma aksidente" Sabi ni law ng makabalik siya pagkatapos mag order.
"And dito mo rin ako unang nakita?" Tanong ko at nagulat siyang tumingin sa akin.
"How did you know?"
"Pagani Huayra" Sabi ko at itinuro yung pinag parkhan nila ng kotse nun "you are there right?" Tanong ko pa.
"Yeah... But how did you know I took a photo on you?"
"Well, as you see I'm extraordinary" ngiti ko at napapailing naman siya.
"I'll be right back, wait me here" paalam niya saka tumayo, tinanaw ko naman siya na papunta sa kotse. Sandali siyang pumasok at nung lumabas na siya ay napatayo ako dahil may usok na naman sa leeg niya!
‘mamamatay siya!'
Agad kong nilibot ang paningin ko at nakita ko na naman ang isang lalaki na may hawak na sniper at bakatutok na naman kay law!
Sa inis ko ay tiningnan ko yung sniper na hawak niya at pinalipad yun sa ere bago sirasirain! Halatang gulat na gulat ang may hawak nun pero mas nagulat ata ako ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumisi!
‘bakit parang namumukhaan ko siya?'
"Anong meron?"
Napalingon ako kay batas at nasa harapan ko na siya!
"Ah, wala naman" sagot ko at bumalik sa pagkakaupo, nilingon ko saglit yung lalaki at wala na siya dun.
"Parang nakakita ka ng kaaway haha"
"Hindi naman..."
"Hindi nga, kaya nga sabi ko parang diba?"
Hindi ko na siya sinagot dahil dumating na ang order namin.
Habang kumakain kami ay may bigla siyang inabot sa akin.
"A-ano to?" Tanong ko at kinuha yung box na iniabot niya. Hindi ito maliit pero hindi rin gaano kalaki.
"Open it"
Binuksan ko yung box at nagulat ako dahil sa ganda ng bracelet na nasa loob.
"W-what--"
"It's a couple bracelet, tingnan mo" kinuha niya yung bracelet sa loob at nilapit sa akin.
"Kapag malapit ang bracelet na to sa isa't isa ay magmamagnet sila at kakapit sa isa't isa" Sabi pa ni law at isinuot sa akin yung isang bracelet, isinuot niya din sa kaniya yung isa.
"Mag shake hands tayo" dagdag niya at iniabot ang kamay sa akin. Iniabot ko din ang kamay ko at nung mag shake hands kami ay kumalit sa isa't isa yung bracelet.
"Ang ganda nito ahh" comment ko saka napangiti.
"May ibinigay din pala ako sayo" Sabi ko at kinuha yung kamay niya.
Inilagay ko sa kamay niya yung bleeding heart necklace ko na lagi kong suot.
"Wait, is this your most favorite thing?" Tanong niya ng makita yung necklace.
"Mmm...it's yours now"
"Ang corny mo"
Napataas ang Isang kilay ko ng sabihin niya yun.
"At ikaw hindi?" Tanong ko at sabay kaming natawa.
"Well..it's normal, we have saying that if you are in love you can't notice that your being childish" sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin.
‘tch!'
Tinapos na namin ang kinakain at salamat naman dahil hindi ko na masiyadong alintana yung lalaki kanina.
Pagkatapos naming kumain ay inutusan ko siyang pumunta sa ospital.
"Bakit sa ospital?" Tanong niya kaya napalingon ako.
"Dito kasi ang location"
Nang makababa kami ay sabay naming sinuot ang shades namin at sabay ding naglakad papasok pero sa kalagitnaan ay napatigil siya.
"Bakit?" Tanong ko at nagpalinga linga siya sa paligid.
"Ang totoo hindi talaga ako naniniwala sa mga ganito' dati dahil naniniwala akong may scientific explanation ang lahat pero ngayong nakakakita na ako bibilib na talaga akong nag e-exist ang mga kagaya niyo"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin na ‘ako nga eh hindi makapaniwala na napunta sa librong to' pero wag nalang dahil hindi naman niya maiintindihan.
"Oo totoo kami nasa harap mo pa nga diba?" Nginisihan ko siya bago naunang mag lakad.
"Sandali lang" habol niya at tumabi sa akin.
Napadaan kami sa nurse station at kapansin pansin ang mga nurse na kumakaway kay law.
‘doctor nga pala to!'
"Hi doc!"
"Hi"
"Doc hello!"
"Hello"
"Doc babalik ka ba ulit dito?"
"Hindi na"
"Hi doc pogi"
"Hello nurse Mika"
"Doc ang gwapo mo ngayon"
"Thanks nurse Jia"
Napahinto ako sa paglalakad at inis na nilingon si Law.
‘at talagang nakipagngitian pa ha!'
Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay napaatras siya sa sama ng tingin ko.
"Such a famous..." Sinadya kong maging sarcastic bago magpatuloy sa paglalakad.
"Ms. Talia?"
Napalingon kami ni Law ng may tumawag sa akin. Ibinaba ko hanggang ilong ang shades na suot ko at nagulat pa ako ng sabay namin yung ginawa ni law.
"Ms. Talia hinahanap niyo po ba si doc-- oh! Doc ikaw pala yan?" Gulat na baling nung doctor kay law.
‘hindi ko siya maalala, sino ba to?'
"Mmm..." Sagot ni law na tinapunan ako ng tingin.
"May kambal ka ba?" Tanong ko dito sa doctor na kaharap namin bago ibalik ang tingin sa lalaking kakasakay lang sa elevator.
"Ha? What do you mean? Wala" Naguguluhang sagot nung doctor kaya napangiti ako ng plastic at binalik sa pagkakasuot ang shades.
Sandali akong kumuha ng sticky note at nagsulat ng location bago humarap kay Law na nakikipag usap dun sa doctor.
"Meet me here" bulong ko at lumakad palayo. Narinig kong hinabol ako ni Law pero agad akong lumiko sa isang hallway at nag teleport papasok sa elevator.
Nag iisa lang yung lalaki dito sa elevator at nakatalikod siya sa akin pero alam kong ramdam niya ako.
"Hi doc" bati ko at gulat siyang napalingon sa akin.
"Pano ka---" Gulat ulit siyang napatigil at alam kong alam na niya kung ano ako.
"Hahahaha.....tsk! Tsk!" Iling ko saka sumandal.
"Akala ko pahihirapan mo pa ako ehh"
Ibinaba ko ang shades ko at dadakpin na sana siya ng bigla siyang mawala!
‘that spirit!'
Bumukas ang elevator at na realize kong nasa rooftop ako, nakita ko siyang nakatalikod at nakangisi sa akin.
Tiningnan ko siya at isang iglap lang ay hawak ko na siya sa leeg, dinala ko siya sa lugar na kakahuyan at walang ibang tao saka ko siya binitawan.
"Alam mo bang bawal ang ginagawa mo?" Tanong ko, nakaanyo naman siyang babaeng pasyente ngayon.
"Tulong! Tulongan niyo ko!" Sigaw niya pa kaya napatawa ako.
"Nagpapatawa ka ba?" Natatawang tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "Hindi pa huli ang lahat, pwede ka pang magbago sabihin mo lang sa akin" dagdag ko habang itinataas ang kamay ko sa ere.
‘ngayon ko lang napansin na hindi bumagay yung cuticks ko sa suot ko'
"Talia!"
Napalingon ako sa di kalayuan at nakita ko si law na tumatakbo papalapit dun sa babae!
"Law!" Sigaw ko ng hawakan niya yung babae at tunulungang tumayo! nakita kong napangisi yung babae!
"Law! Bitawan mo siya!" Utos ko pero di niya ako pinansin.
"Talia ano ba tong ginagawa mo? Pasyente to!" Sigaw ni law kaya napakunot ang noo ko!
Seryoso ko siyang tiningnan, nagbabala gamit ang tingin.
"Hindi siya pasyente! Nanggagaya siya ng anyo" kalmado kong sabi at nagulat naman si law na napatingin sa babae!
"Hahahaha" nakakalukong tawa ng babae saka tinabing si Law ng malakas!
"Yaaa!!!" Sigaw ko ng humagis si law sa di kalayuan!
"You!"
Sinakmal ko siya sa leeg pero ilang saglit lang ay nagbago ulit ang itsura niya!
"Talia ako to"
Nagugulat akong napatingin sa mukha ng hawak ko ngayon. Napalingon ako sa paligid pero di ko na makita pa si law!
"Batas! Lumabas ka!" Tawag ko pero wala talaga!
"Talia ako nga to!" Ulit nitong hawak ko at hindi ko siya halos matingnan dahil ginagamit niya ang mukha ni law!
"Talia pakawalan moko!"
"Tumigil ka!" Sigaw ko at sinunog ko siya gamit ang kapangyarihan ko!
Ilang saglit lang ay naging abo na siya kaya lumingon ulit ako sa paligid!
"Batas!" Sigaw ko at agad tumakbo sa kinahagisan niya kanina.
"Batas--ahhh!" Sigaw ko ng MAHULOG AKO SA BUTAS!
‘shit! Nabalian ata ako!'
Inis kong hinubad ang suot kong takong at pinilit na tumayo!
‘sino bang naglagay ng patibong dito?!'
Mag te-teleport nalang sana ako pabalik ng may mapansin ang mata ko, lumapit ako sa may madilim na part nitong butas at nagulat ako ng makita si law!
"Batas!" Tawag ko at agad na lumapit sa kaniya, wala siyang malay at duguan ng kaunti ang ulo niya!
Ipinatong ko ang ulo niya sa hita ko at pinagmasdam ang ilang galos niya sa mukha!
‘sana pala di ko nalang siya sinama'
Napatingin ako sa kamay niyang hawak yung necklace ko, kinuha ko yun at isinuot sa kaniya.
Hinayaan ko na lang muna siyang matulog at makapagpahinga saglit.
Halos kalahating oras na pero hindi parin gumigising si law kaya inalis ko muna ang ulo niya sa hita ko at saka tumayo.
Napatingin ako sa ibabaw nitong butas at mahirap itong akyatin.
Mag te-teleport nalang sana ako para humingi ng tulong ng biglang may humawak sa kamay ko, napatingin ako kay law na hindi inaalis ang tingin sa akin.
"L-la--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang tumalikod at magpahid ng luha!
‘bat umiiyak to?! Kakaiba talaga to parang bakla!'
Tatapikin ko sana siya ng bigla siyang humarap sa akin at niyakap ako ng mahigpit!
"At first...hindi ko talaga maintindihan....I dream so many times of you....at ngayon...alam ko na ang totoo....Celina"
Natigilan ako sa narinig ko, hindi ko masiyadong maintindihan ang sinasabi niya pero malinaw sa pandinig kong tinawag niya akong Celina....
Tumulo ang luha ko at niyakap ko rin siya pabalik.
"S-sorry...." Ang tanging nasabi ko, iniangat ko ang kamay ko at nakita kong naglalaho ulit ako.
‘sa pagkakataong to, hindi ko na makukumbinsi pa ang sarili ko na hindi niya nakita na naglalaho ako.....'
~~Wag, wag mo 'kong linlangin
Hindi ito totoo
Sinasabi mo lang ang nais kong marinig
Wag, wag mo ng sabihin
mga linyang yan, kabisado
ko ng mga kilos mo di mo ko maloloko
At kung ikaw ay aalis
At di mo na matitiis,
Sabihin na, paalam na
Bakit pilit pang kumakapit?
Mas madali kung ika'y lilisan
Di ka pipigilan, matagal mo na 'tong kailangan
At kung ikaw ay aalis
At di mo na matitiis
Sabihin na, paalam na
Di kailangang magkunwari
na tayo ay nagwagi
Tanggap kona, wala kana~~
+++++
#Talia
Ps. Please VOTE po kayo maraming salamat!!!
Featured song:
Kunwari by: Three, two, one
this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
For more information add or follow my social media accounts
Fb: Allana Adalaide
P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top