chapter 17 | Date

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako at taimtim ko ding pinakinggan ang bawat kabog ng dibdib niya.

To be honest I didn't know why he's saying those lines to me, oo hindi lang isa kundi dalawang beses ko siyang niligtas pero malaki naman ang naging kapalit non....

'i killed his cousin'

Napalayo ako at agad na tumalikod ng maalala ko ang pangyayaring yun.

But wait...

"How did you know that I saved you twice?" I asked, sa pagkakatanda ko kasi ay isang beses ko lang siyang niligtas ng harap harapan at yung pangalawa sa cementery ay di ako nagpakita sa kaniya.

"Well, you know already that my eyes is after you, I can feel your presence whenever you're around and...."

"And?..."tanong ko at humarap sa kaniya.

"Wala na"

"Wala na?!"

"Wala na, meron pa ba dapat?"

Inis akong lumapit sa kaniya at dinuro siya sa mukha!

"Hoi! Wag mong ugaliing magsinungaling sa akin ha?! Dahil pag ako nagalit mas maraming multo ang ipapakita ko sayo" sabi ko at tinignan siya ng masama pero nginisihan niya lang ako!

"Wa--"

"Op! Oo na! Oo na! Ikaw naman kasi magtatago ka na nga lang yung kitang kita ka pa" sarkastikong Sabi niya habang naka ngisi!

'kita pala ako don? Hayyst!'

"Ewan ko sayo!" Kunwaring galit na sigaw ko dahil sa pagkapahiya, sasabayan ko na sana ng pagtalikod pero hinawakan niya ang hintuturong itinuro ko sa kaniya at binaliko yun!

"Fuck shit!!!!" Sigaw ko at tinuhod siya sa tiyan sabay hila nung daliri ko!

'peste! Ang sakit nun!'

"Ahh!" Daing niya pa at nagpagulong gulong sa lupa pero natatawa!

'baliw!'

"Hahaha..h-ha..ha..ha.." tawa niya habang nakahawak sa part na tinuhod ko saka tumingin sa akin.

"H-hindi ko alam na n-nakakaramdam rin pala ng sakit ang multo"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at napatingin sa kaniya ng deretso, tumayo naman siya at humarap sa akin.

"Ha! M-multo?!" Inis na sabi ko habang nakayuko at dahan dahang tumingin sa kaniya!

"I'm not ghost" maarteng pang sabi ko at umaktong gulat na gulat sa sinabi niya.

"Yes, You are!"

"I am not!"

"You are!"

"I'm not!" Inis na talagang sabi ko saka siya tinalikuran, narinig ko pa ang mahinang pagngisi niya na sinundan pa ako ng tingin.

"Go back to your house and get some rest!" Sigaw ko bago pumanhik ulit sa kwarto para matulog.

kinabukasan ay maaga akong nagising at naligo, wala na si law kaya wala na rin akong satsat na naririnig.

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba sa kusina para uminom ng tubig pero nung pabalik na ako sa taas....

"Ahhy!"

Laking gulat ko ng makita si Law sa Couch na nakahiga at magka cross arms pang natutulog.

Dahan dahan niyang minulat ang mata niya at bumangon bago pa Cross legs na tumingin sa kung saan!

'ha! anong trip na naman ba to?'

"Ipagtimpla moko ng kape"Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin!

"Ha!" Nakangiwi ko pang singhal at pinag cross arms ang kamay ko!

"Are you crazy? Did you just asked me for your coffee?!" Tanong ko na agad niyang kinalingon parang nagulat pa siyang makita ako kaya napaayos pa siya ng upo.

"A-ah--"

"Ha!" Singhal ko na naman sa kaniya kaya natigilan siyang tumingin sa akin at napapalunok pa, dahan dahan naman akong lumapit sa kaniya at umalingawngaw na naman ang tunog ng mahaba kong takong sa buong bahay.

"L-look--" ungot pa niya pero nanatili akong seryosong naglakad papalapit sa kaniya.

Nung nasa mismong harapan niya na ako ay unti unti akong yumuko sa couch na kinauupuan niya at tinignan siya sa mata.

"W-wait!" Naiilang na ilag niya pero diko siya pinansin at tinitigan lang siya.

"Hindi porket batas ang pangalan mo ay uutusan mo na ako, first of all nandito ka sa bahay ko at wala ka sa bahay mo hmm?" Nakakalokong bulong ko bago siya tinapik at dinala sa bahay niya.

"P-pano tayo nakarating dito?!" Gulat na sabi niya ng sa isang iglap ay wala na kami sa bahay ko at nasa bahay niya na.

"Pan--"

"Wag ka ng magtanong" seryosong pigil ko sa kaniya at naupo sa sofa na nandoon, kaharap ko siya at parang hindi parin kapaniwala ang itsura niya, napansin ko namang bago na ang transparent glass dito sa bahay niya at wala rin naman akong nararamdamang kakaiba.

"Pano niya kaya---"

"Tsk! Sinabi ng wag ng magtanong! Maligo kana at nababahuan ako sayo!" Sigaw ko sa kaniya at nagmadali naman siyang pumasok sa isang kwarto, inis na hinablot ko naman ang magazine na nandon sa vanity table na katabi nitong sofa at tiningnan.

'ano to?'

Puro pictures ng babae ang nakita ko hindi pala magazine ang nahablot ko kundi picture frame!

Inis ko ring tiniklop agad ang album at nilagay ulit sa vanity.

Halos isang oras pa akong naghintay bago siya lumabas sa kwartong pinasukan niya kanina,napatitig ako sa kaniya...

basa pa ang buhok niyang tumatama sa makapal na kilay niya, nakasuot siya ng light blue stripe na long sleeve na tumerno sa suot ko ding light blue pussy bow floral dress.

"Oii!" Pukaw niya sakin pero tinignan ko lang siya sa mata.

'may bumabagabag sa kaniya...'

"Oi!" Ulit niya na lumapit pa sa akin pero agad ding napalayo ng bigla akong tumayo.

"Mayaman ka diba? Magpakain ka" sabi ko at initsa sa kaniya ang susi ng kotse ko bago tinapik ang balikat niya at naunang lumabas.

'what's bothering you hmm?'

Pagkarating ko sa parking lot nitong hotel kung saan ang bahay niya ay sandali ko pa siyang hinintay bago naunang sumakay.

Nang makarating siya ay binuksan niya na ang driver seat at akala ko ay papasok na siya pero hinawakan niya sa braso yung isang babaeng dumaan.

'peste talaga eh no?!'

Sinamaan ko sila ng tingin pero di niya ako pinansin at kinausap parin yung babae.

"Hi Michelle" bati niya pa don sa babae na Michelle ang pangalan!

"Oh! Hi doc Rence" bati naman nung Michelle at gusto ko silang batuhin gamit ang heels ko dahil sa bagal nilang mag usap!

'im hungry duh?'

Inis akong nag cross arms at tumingin nalang sa harapan.

"Ahh..nakikita mo ba ang taong yan?" Maya maya pa ay rinig kong tanong ni Law kaya tumingin ako sa gawi niya at bahagya pa siyang sinilip habang nakatingin sa gawi ko ang babaeng kausap niya.

'ako ba ang tinuturo niya?'

"Ahh, Doc wala naman pong tao sa loob ng kotse" sagot nung Michelle kaya tumawa ako nung manlaki ang mata niya!

"S-sigurado ka?" Paniniguro niya pa at tumango naman ang babae.

"O-oo doc"

Nginisihan ko si Law ng tumingin siya sa akin na parang gulat na gulat parin bago humikab sa harapan niya at pindutin bigla ang turotot ng kotse.

BEEP! BEEP!

Gusto kong matawa ng pareho silang mapatalon nung Michelle habang nakatingin sa kotse ko.

"D-doc h-haunted yata yang kotseng yan! Tumutunog mag isa grrr!" Sigaw pa ni Michelle at nagtatakbong pumasok sa sariling kotse at pinaharurot yun palayo.

"Ya! What are you still doing there?" Takang tanong ko kay Law nang parang wala sa sariling nakatayo parin sa labas at nakatanaw sa pumapalayong kotse ni Michelle.

"H-ha?"

"Let's go" sabi ko na tinapik pa ang driver seat bago mag seat belt.

"Nababaliw na bako?" Rinig kong mahinang bulong niya pagkaupo kaya nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo.

"Ganito ba ang nababaliw nakakakita ng kung ano ano?" Dagdag niya pa at gusto ko siyang batukan para matauhan.

"Ano bang pinagsasabi mo na naman?" Inis na tanong ko at ako na ang nag start ng kotse!

"Ah- wala, baka lang kasi imagination lang kita at nakaupo lang talaga ako sa bench ngayon pero sa paningin ko ay naka kotse ako"

Inirapan ko siya bago tumingin sa daan at maya maya pa ay huminto kami sa isang resto, kung hindi ako nagkakamali ay ito yung resto kung saan ko siya unang nahuli na nakatingin sa akin at kinuhanan ako ng picture.

"Ayaw bumukas" mahinang sabi niya na sinusubukang buksan ang pinto ng kotse matapos namin pumarada.

"Are you scared of me?" Tanong ko habang magka cross arms na nakasandig lang sa passenger seat.

"Bat ba ayaw bumukas??"

Patuloy siya sa ginagawa, alam kong narinig niya ako pero hindi niya pinansin.

"Hindi mo kailangang matakot o mabahala....dahil totoo ako at hindi ako basta basta magagawa ng utak mo,maniwala ka lang na totoo ako at araw araw ko yung patutunayan sayo" sabi ko at nauna binuksan ang pinto ng kotse bago naunang bumaba.

Nakangiti kong pinagmasdan ang mga nakalapag na pagkain sa harap ko, gumanda ata bigla ang mood ko ng makakita ng pagkain.

Tahimik kaming kumakain ng biglang tumunog yung bell ng pinto,sign na may pumasok.

"Hmm?" Ungot ko na kinuha yung menu at itinakip sa mukha ko.

Pano ba naman kasi sa dinami dami ng kainan dito ay dito pa talaga napadpad yung dagang Jerry Suez na to!

"What happened?" Tanong ni Law.

"Shh!" Senyas ko at kunwaring tumitingin ng desserts sa menu.

Sandali lang doon yung Jerry Suez saka lumabas, tumayo naman ako at sinundan siya ng tingin.

"Where you going?" Tanong pa ni Law pero di ko na siya tiningnan.

"Dito ka lang may titingnan lang ako" paalam ko saka nagmadaling sinundan si Jerry na papasakay na sa isang motor.

Aktong hihilahin ko na siya pababa sa motor ng biglang may humawak sa kamay ko! Pagtingin ko di ko aakalaing sasampalin ako ng may hawak ng kamay ko.

"How dare you violate our rules!"

nanatiling nasa kanan ang mukha ko at di ako makagalaw dahil sa lakas ng sampal sa akin ni vivorie!

"Your a grim reaper! Your work is to collect those dead people and send them to the parliament of judgement aside from that you will do nothing!" Sigaw niya at para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niyang yun!

'Bat di ko namalayan ang sarili kong nililigtas ko na pala ang dapat ay nakatadhanang mamatay na?...'

Iniwan ako ni vivorie matapos yun, hindi ako nakapagsalita, hindi dahil sa biglaan niyang pagdampal kundi dahil sa sinabi niya...

"Hey...."

Natauhan ako ng may biglang humawak sa akin, pagtingin ko ay nakatingin na din sa akin si Law.

"Are you okay?" Tanong niya kaya tumango nalang ako at sumabay sa kaniya sa pagalalakad pabalik sa resto, pero di pa man kami nakakapasok ay may narinig na kaming bulungan ng mga tao habang tumatakbo papatawid sa kabilang kalsada.

"Nakita mo yun?"

"Oo! Grabeng impact nun!"

"Nga e! Akalain mong gutay gutay! Grr!"

"Bat kasi nagtuloy tuloy siya? Yan tuloy..."

"Kawawa naman"

"Lest go! Tingnan natin"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang mga bulungang yun, napatigil din si Law at tumingin sa akin pero di ko siya pinansin at tumalikod na ako para pumunta sa pinagkakaguluhan ng mga tao sa kabilang kalsada.

Walang emosyon kong tiningnan si Jerry Suez na ngayon ay patay na at nagkanda bali bali ang buto habang nakakalat sa kalsada.

"S-sino siya?" Rinig kong bulong ni Law na ngayon ay nasa gilid ko na, siguro alam na niyang di ako nakikita ng mga tao ngayon na nagbubulong bulungan sa paligid.

Hindi ko siya sinagot at tahimik akong naglakad papalapit sa sasakyan at tahimik na sumakay sa passenger seat, naramdaman ko ring sumunod sa akin si Law pero di ko aakalaing magsisigaw siya papasok sa kotse!

"Multo! Multo! Waaaaaa!"

'tangina!'

Inis akong pinalo siya sa braso at pinandilatan ng mata!

"Kalalaki mong tao ang ingay ingay mo!" Sigaw ko at bumaba ng sasakyan at binuksan ang backseat!

"Pumasok ka!"

Napalingon sa akin ang multo o should I say kaluluwa ni Jerry Suez sa akin at halatang nagulat din siya sa pagsigaw ko.

'ayan tuloy pati kalukuwa nasigawan!'

Nang okay na sa back seat yung multo ay binuksan ko ang driver seat.

"Tabe!" Sabi ko pero ang Batas ay nakatakip na naman sa mata niya at animoy nasusuka pa!

"Tabe!" Ulit ko at agad siyang bumaba na parang nasusuka at nagtakip ng panyo sa mukha.

"Ayaw ko talaga sa multo! Ang bahoo!" Reklamo niya ng makaupo sa passenger seat at nakasiksik ang ulo sa gilid.

"Ang arte mo!"

Walang emosyon kong tinahak ang daan patungo sa parliament of judgement at agad na binuksan ang backseat at pinalabas ang multo.

Habang papasok si Jerry Suez sa loob ng parliament ay naramdaman kong tumabi sa akin si Law.

"Bat di mo siya samahan?"

"Dahil Hindi pwede..."

"Panong di pwede?"

"Hindi pa ako pwedeng pumasok diyan sa ngayon" makahulugan kong sagot at bumalik na sa kotse.

Tahimik kaming bumiyahe pabalik at nung nasa kalagitnaan kami ay nagsalita siya.

"S-saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Law sa tonong nagpapasaya pero di ko siya nilingon.

"Take me to the place....we're there's no loneliness"

Ipinikit ko ang mata ko pagkatapos sabihin yun at ilang oras lang ang nakalipas ay huminto ang sasakyan

"Gising! Halika!" Sigaw pa ni Law na unuuga ako bago bumaba at binuksan ang passenger seat, narinig ko ang ilang hiyawan ay tawanan sa paligid kaya idinilat ko ang mata ko at lumingon sa paligid.

'anong meron?'

"Anon--?"

"Tara!" Excited na sigaw ni Law at hinila ang kamay ko.

"Anong meron?!" Inis na tanong ko dahil hindi niya binibitawan ang kamay ko!

"Manang! Manang!" Tawag niya sa isang ale na agad namang lumingon.

"Nakikita niyo po ba tong kasama ko?" Tanong niya bigla kaya nagulat din ako.

"Aba! Oo naman hijo, hindi pa naman ganon kalabo ang mata ko hahaha! Ang ganda naman nitong girlpren mo't bagay na bagay kayo! Nararamdaman kong kayo'y tinadhana sa isa't isa hahaha!" Tawa ng matanda.

'lokong matandang to!'

"Hoy! Tan---"

"TARA NA!!!!" biglang sigaw ni Law sabay hila sa akin kaya napatigil pa ako!

"Salamat manang!" Sigaw niya sa matanda.

"Ano ba! Ano bang lugar na to?! Bat ang ingay?!" Inis na tanong ko habang hila hila niya ako!

"Di mo ba alam to? Perya to! Perya! Fiesta sa bayan na to kaya may perya tara subukan natin yun!"

Nanlaki ang mata ko ng ituro ni Law ang hugis bangka na ang bilis ng paandar at animoy dinuduyan ka!

"Ayaw ko diyaaan!!!" Sigaw ko ng sapilitan niya akong hilahin sa pila!

"Hoy Law! Hindi porket batas ang pangalan mo ay susundin na kita! Ayaw ko diyan sa iba nalang!"

"Sige alin ba diyan ang gusto mong sakyan?yun ba?" Turo niya sa octopus."oh..yun?" Turo niya naman sa horror train. "O ito?" Hila niya sakin sa tapat ng nilalambayog na duyan. "O ako?!" Biglang sigaw niya kaya bumitaw ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Gago ka ba? Pano kita sasakyan? Gagawin kitang kabayo ganon?!" Inis na tanong ko na punalo siya sa braso.

Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa kaniya! Bigla nalang siyang nagkaganiyan ng di ko namamalayan!

"Hindi!" Bawi niya. "Pumatong ka sa harapan ko gan--"

Di na niya natapos ang sasabihin ng bigla ko siyang pinanlakihan ng mata at habulin ng kusot.

"Yaaa!" Sigaw ko at piningot ang tenga niya sabay hila.

"A-arraaayyyy!!!" Sigaw naman niya.

"Ang cute nila!"

"Waaa!!! Nakakaloka sana ako din!"

"I'm so envy! Ugh!"

"Hayyst when kaya?"

Rinig kong bulungan ng mga makakita sa amin pero lahat sila ay diko pinansin.

"Gusto mong may sakyan ako diba? Sige! Yan ang gusto kong sakyan pero sasakay lang ako kapag sasakay ka din kasama ko!" Sabi ko at pumila sa counter.

Natatawa akong tiningnan siya na nakanganga at hindi makapaniwala sa gusto kong sakyan. Paikot ang maraming upuan habang unti unti kayong hihilahin pataas at biglang ibabagsak pababa haha!

"Sasakay ka diyan?" Tanong niya pa kaya nginisihan ko siya.

"Oo at kasama ka!" Sabi ko at pinabayaran sa kaniya yung ticket.

"Sigurado kaba?"

"Bakit kinakabahan ka?"

"H-hindi naman...."

Tuluyan akong natawa sa reaksiyon niya na napapalunok pa habang inaalalayan kami ng isang tao para sa safety.

"Okay 1...2...3..." Announce nung mic kaya napahigpit na kami ng kapit, tumawa pa ako ng malakas ng makitang namumutla na si Law at parang gusto ng maiyak hahaha!.

"Oh! Ano ka nga---"

"AHHHHHH!!!!!!!!" sabay sabay naming sigaw ng biglang ibagsak ang sinasakyan namin at halos mamutla na ang lahat ng hilahin na naman pataas!

Halos mawalan ako ng balanse at masuka ng muling makababa, parang mahihimatay ako kahit ang totoo ay hindi naman ako kinabahan! ni hindi nga tumitibok ang puso ko.

"Ano ka ngayon?" Biglang kanchaw ni law kaya inis akong sinamaan siya ng tingin!

"Lintik ka talagang Batas ka!"

"HAHAHA!"

~~Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa'kin
Tila merong pahiwatig ako'y nananabik
'Di naman napilitan kusa na lang naramdaman
Ang 'di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan

Ibon sa paligid umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso

Giliw 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo amin mo
Giliw nagpapahiwatig na sa'yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita~~

halos ilang oras kaming nanatili sa Perya at sumakay ng kung ano ano habang kumakain din ng mga street foods.

"Halika! Bilisan mo!"

Alas 5:00 na ng hapon ng sapilitan akong kaladkarin ni Batas sa isang lugar dito sa Perya na siyang pinakamaganda daw na lugar sa lahat!

"Ano ba kas--"

Natigilan ako at napatulala ng makita ang kabuuan nung lugar, sobrang daming halaman at parang nahahawig ang lugar na to sa garden ko sa bahay kulang nalang yung malaking puno ko sa gitna.

"Tingnan mo yun" turo ni Batas sa langit.

Napatingala ako sa kalangitan at nakita ko ang dalawang ibong nagliliparan.

"Kita mo yan? That love birds is called Hornbills" sabi niya pa at di naman maalis yung ngiti ko habang nakatingin sa dalawang ibong naglalambingan.

"Did you know, Hornbills are the sweetest love birds of all time, after they find thier match they were stay at each other's side, after that if one of them died the other one will remain at their nest and wait for her death...in that way they will both reborn and start over again"

napatingin ako kay Law, nakangiti din siyang pinagmasdan ang dalawang ibon na lumilipad habang papalubog ang araw, sa oras na yun ay di ko maintindihan ang makalawang ulit na pag pintig ng puso ko na may halong kirot at pighati....

+++++

#Talia

Featured song:

Mahika by: Adie and Janine Berdin

this is a work of fiction. Names,characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!

For more information add or follow my social media accounts

Fb: Allana Adalaide

P.s. DONT FORGET TO VOTE,FOLLOW AND COMMENT THANKYOUUU!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2022