chapter 16 | heart beat
"E-ehem.." kunwaring tikhim ko at bumalik sa kinauupuan ko kanina at uminom ng orange juice.
"A-ahh,a-about what you've said earlier...w-what do you mean by that?"
"Anak ng...wag mo sabihing hindi mo na gets?"
"Hindi nga...ehh kasi--"
"Ehh kasi ano?!" Singit ko at tumayo pa sa harap niya.
"Ehhh...tch! Ang hirap naman kasing maniwala! Unless...."
"Ano?"
"Unless ipakita mo sakin na hindi ka talaga nasugatan" nakangusong Sabi niya na ginaya pa ang poise ko.
"Manyak ka rin ehh no?!" Sigaw ko saka siya binato ng sandals! "Alam mo namang sa dibdib ako tinamaan gusto mo paring makita?!" Dagdag ko at nanlaki naman ang mata niya.
'lokong to....'
"E-ehh kasi...--"
"Oh!" Abot ko sa kaniya ng matulis na hair pieces ko.
"Ano yan?"
"Gamitin mo! Gusto mo ng ibidensiya diba? Ohh ayan!" Sigaw ko sa kaniya.
"Ano naman gagawin ko diyan?"
"Kainin mo! Animal!" Inis na sigaw ko at ibinato sa kaniya ang hair pieces.
"Your weird..." Bulong niya pero rinig ko naman.
"Eh pano kasi! Ang tagal mong maka gets! kaya ko nga inabot yan sayo dahil naghahanap ka kamo ng ebedensiya! kaya dalian mong sugatan ako at baka magbago pa ikot ng bituka ko at ikaw saksakin ko!" Sigaw ko pa at mukhang natakot naman siya.
"W-wag ka namang manakot...."
"Dalian mo nga!"
"Oo ito na!"
Kinuha niya ang hair pieces ko bago tumayo at aktong sasaksakin ako pero pinigilan ko siya!
"Ano ba! Anong akala mo sakin? Unan? Ohh! diyan moko sugatan!" Sabi ko at iniabot ang kamay ko sa kaniya.
"Sorry...I thought pwede lang kung saan" sabi niya at bahagya akong napayuko ng biglain niya ang pagtusok nung hair pieces sa palad ko!
"Ohh! Ano okay na?" Tanong ko na itinapat pa sa kaniya ang kamay kong may nakatarak pa ring hair pieces pero walang dugo, hindi siya sumagot at napaupo bigla ng makita ang kamay ko! Tinanggal ko naman agad ang hair pieces at ipinakita din sa kaniya ang paghilom ng butas sa palad ko!
"P-panong...." Nasabi nalang niya at napaupo pa, alam kong di siya makapaniwala at naiintindihan ko siya.
"W-what a-are y-you?" Utal utal niya pang tanong habang nakaturo sa akin, hindi ko siya sinagot at tinitigan lang pinakikiramdaman ko ang sunod niyang gagawin!
"H-how--- your a demon!"sigaw niya pa at diko inaasahan ang pagtakbo niya palayo!
'ano yun?! Nabakla?! Tch! Demonyo pala ahh?'
Nang medyo nakalayo siya sakin at nasa boundary na siya ng bahay ko ay agad akong nag teleport sa kotse niya! Yes! I have a power to teleport, I'm a grim reeper at ganon talaga kami! Kaya naman....
"Damn it! Ano ba tong pinasok ko? may sa demonyo ang babaeng yun!" Kausap niya pa sa sarili niya habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse niya!
"Grabe ka naman?" Singit ko dahilan para gulat siyang mapatingin sa akin na di niya namalayang katabi niya lang pala ako.
'hahaha!!'
"P-paano kang nakapasok dito?!" Sigaw niya at gusto ko namang matawa sa itsura niya! Para kasi siyang takot na takot at hindi alam ang gagawin!
"You don't know me..."seryoso kong sagot at mas nanlaki naman ang mata niya. "Okay, I told you everything so as a substitute I will give you something you might like hihi" ngisi ko sa kaniya saka pinindot ang noo niya. "Enjoy!"Dagdag ko bago hubarin ang seat belt at buksan ang pinto ng kotse niya, pero bago pa man siya umalis ay muli ko siyang nilingon. "Oh! I forgot, please wear a shade if you will go out! Don't let people look in your eyes" paalala ko at nginitian siya ng malapad bago bumalik at pumasok ulit sa bahay.
Pagkapasok ko ulit sa bahay ay parang bumalik sa dati ang lahat, tahimik at walang bakas ng ingay kahit kuliglig.
'tss...'
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang location ni jerwin, siya yung lalaki sa hospital na binabantayan ko, mukha namang malayo siya sa disgrasya ngayon kaya wala akong planong bisitahin siya may iba akong gagawin.
Nagpunta ako sa likod ng bahay ko kung nasaan ang garden ko at nandun yung puno, may malaking bakod kasi na nagkukulong sa bahay ko dahilan para di makita ang beach view.
Plano kong tanggalin ang malaking bakod at kung ano ano pang bakod na nakapalibot sa bahay ko para makita ko ang beach at diko na kailangan pang lumibot.
It's past 12:00 na in the afternoon kaya sandali muna akong kumain at bumalik agad sa garden para mag isip ng plano.
Lumapit ako sa mga batong pinagpatong patong ko na may kandila sa ibabaw at pinatay ang sindi ng kandila, pero di paman nagiinit ang kamay ko sa pagpatay ng mga kandila ay may sunod sunod nag doorbell!
'hahaha! Ano ka ngayon?!'
Mala miss universe akong rumampa papunta sa pinto at talaga namang bibilib ka sa tunog ng mahaba kong takong sa tuwing lalapat sa lupa, malayo palang ay padabog ko ng binuksan ang pinto gamit lang ang mata ko.
'hahaha'
"Oh?!"
Nagulat ako ng makita si Law na parang hihimatayin sa kaba at pawis na pawis na habang nagkukumahog na tumakbo!
"What did you do to me?! H-how that's kind of thing e-exist?!" Sigaw niya habang tinatakpan ang matang tumatakbo papalapit sa akin.
"What?!" Inis na sigaw ko at tinignan ang nasa likod niya.
"Oh! You received my gift?already?" Kunwaring mangha kong sabi habang nakatingin sa labas ng bahay kung saan nandoon ang isang pugot ulong nilalang, sininyasan ko siyang umalis bago isara ang pinto.
"Did you like my present?" Tanong ko at humarap sa kaniya.
'ano yan? Takot na takot?'
Gusto kong matawa ng matapos akong humarap sa kaniya ay nakatakip parin ang kamay niya sa mata niya habang nakatagilid sa akin.
"Ha!" Singhal ko at ping cross ang kamay. "Your acting like a gay" Dagdag ko at pumunta sa harapan niya.
"Give me your hands, put your hands out of your eyes" Sabi ko at gusto kong humagalpak sa tawa ng umiling iling siya.
"No...get this thing out of me!"
"No! Hindi ko yan aalisin sayo dahil alam kong may pagsasabihan ka ng mga bagay na sinabi ko sayo" malumanay ang tono ng pananalita ko at hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip parin sa mata niya.
"Put your hands down" pang aasar ko pa at pinilit kong hilahin ang kamay niya.
"No! I won't! Stop it! Aw!" Sigaw niya matapos kong kurutin ang kamay niyang ayaw niyang ibaba.
"Open your eyes....open it" Sabi ko pa at patuloy kong kinurot kurot ang kamay niya at pinilit siyang alisin ang kamay niya sa mata niya, umiiwas naman siya at parang batang umaatras habang lapit naman ako ng lapit sa kaniya.
"Hahah-- ahh!" tawa ko pero bigla akong natigilan at napasigaw! Hindi ko kasi namalayang sofa na pala ang naatrasan niya dahilan para magulat din siya at napayakap sa akin bago sabay kaming natumba sa sofa!
Nakayakap siya sa akin at napahiga naman ako sa dibdib niya!
'tugdugtugdug
'tugdugtugdug
'tugdugtugdug'
'tugdugtugdug'
'tugdugtugdug'
Aksedente kong narinig ang tunog ng puso niya....
"Talia?" Rinig kong tawag niya pero diko siya pinansin pinakinggan ko pa rin ang tunog ng puso niya.
'ngayon ko nalang ulit narinig yung tunog ng buhay na puso...'
"Talia are you okay?"
'how I wish to go back in reality'
Hindi ko namalayang ilang minuto na pala kaming nasa ganong sitwasyon, ang huling naalala ko nalang ay ang pintig ng puso niya na nagdudulot din ng kaunting kirot sa dibdib ko sa di malamang dahilan bago ako tuluyang makatulog sa dibdib niya at mawalan ng malay.
"Mom, dad..." Bulong ko habang nakatingin sa kanila, hindi katulad ng dati ngayon ay nasa bahay na kami pro may mga aparatus parin na nakasabit sa akin!
"I miss you anak..." Rinig kong bulong ni mommy at umiiyak na naman siya, gusto ko siyang yakapin pero diko magawa, parang may pumipigil sa akin.
Ilang minuto ang nakalipas ay katulad parin ng dati, namatay lahat ng ilaw at nakita ko na naman ang libro at glass dome na magkatabi, gusto ko mang gumawa ng paraan para manatili sa tabi nila pero alam ko ring hindi pwede, hanggat hindi ko nahahanap ang meaning ng Talia ay hindi pa ako pwedeng bumalik....at possibleng hindi na ako kailanman makabalik.
Chapter 13 - heartbeat
Hapon na nang magising ako,nagulat pa ako ng makitang nasa kwarto na ako inaasahan ko ring ako nalang ulit mag isa pero nagulat ako ng makita si Law na nakaupo sa isang upuan katabi ng kama at natutulog habang nakapatong pa ang paa niya sa maliit na lamisita at magka cross arms ang kamay.
'tch! Ano pa bang ginagawa nito dito?'
Inis akong bumangon at nagsuot ng sleepers bago lumapit sa kaniya, aktong gigisingin ko na siya pero bigla kong naalala kung gaano kaganda sa pandinig ko ang tibok ang puso niya kanina, napaupo ako sa kama at napatitig sa kaniya.
Ngayon ko lang napansin ang magandang pagkakaukit ng kilay niya, ng ilong niya at ng labi niya maski ang buhok niyang magulo ay bumagay parin sa kaniya, totoo talaga ang sinasabi nilang ang mga fictional character sa libro ay perperkto ang pagkagwapo.
'ano bang meron sayo?...'
'bakit kahit anong gawin ko, nauugnay ako sayo?'
'pero tiwala akong matutulungan mo akong makabalik...'
Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya.
dugdugdugdug...
Napangiti ako ng bahagya ng muli kong maramdaman ang tibok ng puso niya, napatigil lang ako at napalayo ng bigla siyang gumalaw.
"W-why are you still here?" Tanong ko saka muling humiga.
"Tsh! Ang tapang tapang mong tao eh himatayin ka pala"
Napakunot ang noo ko habang nakatalikod sa kaniya pero di ko nalang siya sinagot.
"Umalis kana" Sabi ko at nagtalukbong ulit ng kumot.
"Nah..I don't want to, I like here in your house there's no ghost" Sabi niya na tumayo pa at nagpagpag.
"Umalis kana, anong oras na may duty kapa" pilit ko at pipikit na sana ulit ng bigla siyang magsalita.
"I've no work anymore, I resigned"
"What?!"
"Yes, i resigned, dami kayang g-ghost don"
Napangiwi ako at gusto kong matawa dahil sa kabadingan niya.
"Kung matapang ako pero himatayin, ikaw naman kalalaki mong tao matatakutin!" Pang iinis ko at bumangon na sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.
"Ikuha moko ng pagkain" utos ko at napataas naman ang kilay niya.
"Eh?"
"Get me some food, I wanna eat and besides ayaw mong umalis diba?"
"N-no! A-ayaw ko nga! B-baka mamaya..."
"Tch! Ang sabihin mo nababakla ka!" Singhal ko at naunang lumabas sa pinto. "yan na siguro napapala mo sa kakasama don sa mga kaibigan mong bakla! Pati ikaw nababakla! Oh baka bakla ka nga hindi mo lang sinasabi?" Dagdag ko habang naglalakad pababa at papunta sa kusina, nakasunod naman siya sa akin at panay ang tingin niya sa paligid.
"Ha?! What did you just say? I'm a gay? Hell no! Ayaw ko lang talagang gumala mag isa dito sa bahay mo at ang dilim dilim!"
"Eh sinabi ko bang gumala ka dito? Ang sabi ko lang naman ay kuhanin moko ng pagkain?"
"Eh sa ayaw ko nga kasi madilim!"
"Bat ba nagagalit ka?"
"Hindi ako galit!!"
"Hindi ka galit sa lagay na yan?"
Napatigil siya at parang tangang nakatingin lang sa labas ng bintana dito sa bahay.
'ano na naman kayang nakita nito?'
Pumalakpak ako at nagsiilawan ang buong paligid, pero ang batas ng hukuman ay nakatingin parin sa bintana.
'ano na naman kayang trip nito?'
"Ano yan?" Tanong ko at nakisilip sa bintana.
"Tss... Wag mong tingnan kung ayaw mong bangungutin hindi yan makakapasok dito wag kang mag aalala" Sabi ko matapos niyang matulala sa pugot ulo na nandon pa rin sa labas ng bahay ko.
Habang kumakain ay hindi parin siya gumagalaw at nakatingin lang sa bintana, sa inis ko ay padabog kong inilapag ang pork sa lamisa at kasabay ng paghampas ng kamay ko ay ang pagsara ng kurtina sa bintana.
"Ano ganiyan ka nalang?" Seryosong tanong ko ng magulat siya.
"E-ehh kasi--"
"Wala ng kasi kasi! Kumuha ka ng plato mo at kumain kana! hindi yan makakapasok dito!!" Sigaw at kinuha ulit ang pork at nagsimula ulit kumain. "Ikaw maghuhugas ng plato" nakangusong dagdag ko.
Mahaba ang lamesang pinagkainan namin, nasa magkabilang dulo kami at malayo sa isa't isa pero kahit ganon ay nararamdaman ko ang pasulyap sulyap niyang tingin sa akin at parang gusto kong pasabugin ang mata niya dahil don!
"Ano?!" Inis na tanong ko at nagulat naman siyang mapatingin sa akin.
"Kanina ka pa tingin ng tingin sa akin! ano!hindi ka pa ba nagsasawa sa kagandahan ko?" Mayabang kong tanong, hindi siya sumagot at tumingin lang sa mga mata ko tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Nagtataka lang ako kung bakit baliktad ako sa mga mata mo?" Tanong niya.
"Tang Ina naman talaga! Hindi ko pa ba na explain sayo yan?" Tanong ko rin sabay irap.
"Itatanong ko ba kung na explain mo na?!"
Napaangat ang ulo ako at ramdam kong kumunot ang noo ko ng itanong niya rin yun sa paraang sarkastiko!
"Ya!!" Sigaw ko at naiitsa niya ang kutsarang hawak niya dahil sa gulat.
"Shit!"
"Hindi porket batas ang pangalan mo ay pwede ka ng magsalita ng ganiyan sakin" malumanay kong sabi habang may naninindak na tingin."dahil sa susunod na diko magustuhan ang sasabihin mo ipapalapa kita sa mga alaga kong multo!" Sigaw ko at nanlaki naman ang mata niya.
"H-hehehe...pasensiya na madam hahaha" kunwaring takot na sabi niya at kinuha ang pinagkainan ko.
"Baliktad ka sa mga mata ko dahil nakakakita ako ng multo, at ngayong bukas na rin ang sayo mag iingat ka, dahil sa mata mo baliktad na rin sila" seryosong sabi ko habang hinihintay ko siyang tapusin ang paghuhugas ng plato.
"H-hindi ba p-pwedeng ibalaik mo nalang ako sa dati?"
"Hindi! Hanggat hindi ko nalalaman ang meaning ng pangalan ko ay hindi kita ibabalik sa dati"
"And why is that?"
"Para masisiguro kong tutupad ka sa kasunduan natin, and besides nag resign kana sa trabaho mo marami kanang oras para hanapin kung sinong p-pumatay sa pamilya mo at marami kanang oras para tulungan ako"
Tinungga ko ang wine na hawak ko at inilapag yun sa bar island bago humarap ulit sa kaniya.
"Bilisan mo diyan may ipapakita ako" seryosong sabi ko at nung matapos siya ay pinasunod ko siya sa akin.
Binuksan ko ang pagkalaki laking door ng garden ko at tumambad sa harap namin ang malaking puno na kung noon ay walang ni isang dahon pero ngayon ay mayabong na at buhay na buhay.
"I-is this..."
"Oum, it's the place where we first met before"
Namamangha siyang pumasok sa garden ko at tinignan ang mga tanim hinayaan ko naman siya at pumulot nalang ako ng bato at ipinatong yun sa rock pyramid na binuo ko.
"I-ito na ba y-yung puno dati? Akala ko patay na to?" Turo niya sa puno at aktong hahawakan niya yun ng pigilan ko siya.
"Hawakan mo na lahat wag lang yan, hindi yan pwedeng hawakan"
"Huh? Ehh nahawakan ko na to dati ehh"
"Dati yun, hindi na ngayon"
Tumango tango siya bago tumingin sa iba pang tanim napansin kong namamangha siya sa mga gold flower na nakikita. bumalik naman na Ang tingin ko don sa rock pyramid at sinindihan ang kandilang nandon.
"What's that?" Rinig kong tanong niya, nasa tabi ko na siya.
Hindi ko siya sinagot at ipinaglapat nalang ang dalawang palad ko bago ipikit ang dalawang mata ko.
"What are you doing?"
"Nothing"
"Nothing? Why are you acting as if your praying?"
"I'm not praying I'm wishing...."
"Wishing?"
"I-i just want my wish to become true..."
Naramdaman kong tumahimik siya at alam kong nakatingin na siya sakin ngayon kaya iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kaniya, nakatingin nga siya sa akin.
Mapait akong ngumiti sa kaniya habang nakalapat parin ang dalawang kamay ko.
"I-im wishing for my time to resume again, for me to be able to go to afterlife...if that ever happen, I will forgot everything I've done in this world, i will never experienced being alone again" I lied.
'I wish for the time would come where my mission is finally over and I would be able to return to the real life I used to be....and I will never be alone again'
Hindi ko mapigilan ang luha kong mangilid habang nakatingin sa kaniya, dali dali akong tumalikod at plano ko sanang punasan ang luha ko ng bigla niya akong hilahin!
Hinila niya ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya!
~~Sa panahong hindi inaasahan
Sa araw na akala'y 'di naman kailangan
Mayro'ng kumatok sa 'king pintuan
Nagbabakasakaling pagbuksan
Nang tinanong kung sino ka
Mukha mo'y parang nagtataka
Sabi mo, 'di ko ba naaalalang
Hiniling kong makilala kita
At kinuha mo ang palad ko
Dahan-dahang nilapit sa puso mo
At pinaramdam sa akin ang tibok
Na sumisigaw ng ngalan ko
Nang makita'ng mata mo
Ngiting bubuhay sa mundo
Sigurado na ako~~
"Now I know....why you seem so like to hear my heart's beat, because now I realized....you want your heart to beat again and your time to continue for you to cross over the afterlife so that you don't have to experience again being left behind" Sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Ito ang unang beses na nakakilala ako ng tulad mo...nung una hindi ako makapaniwala na nag e-exist talaga kayo but then again napatunayan ko"
"I only got a second, third chance to live because of you, the new life you gave to me...I want to share it on you, as long as I'm living I will make everything to make you happy and feel that you weren't alone" dagdag niya bago ako tuluyang ikinulong sa mainit niyang yakap.
++++++
#Talia
Featured song:
Sigurado na ako by Anne Raz
Again this is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!
FOR MORE UPDATE FOLLOW ME ON:
FACEBOOK: Allana Adalaide
don't forget meaning WAG KALIMUTAN mag VOTE,FOLLOW AND COMMENT!!!and MOST of all SPREAD THE STORY!! Thankyouuu!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top