chapter 10 | Conclusions

Nakatulala ako ngayon sa harap ng salamin habang tinitignan ang sarili kong reflection, hindi ko alam pero mula nung nagkausap kami ni Law kagabi ay hindi na ako makatulog at magdamag na lang akong gising.

Yes! We talk last night!

Nang ngitian ako ni Law at kawayan,I realized that I am not the one who have a lot of problems in the world, that even a fictional character like him suffer because of the writer/author who made his life like that.

' I wonder kung sino ang author ng story nato... '

Napabuntong hininga ako bago ko itaas ang isang kamay at kinawayan siya pabalik, isinara ko na ang bintana at lumabas ng kwarto, agad akong dumerecho sa bar erea at kumuha ng dalawang wine glass at champagne pagkatapos ay lumabas ng bahay at nagtungo sa pinakalikuran kung saan malayo palang ay kita ko na siyang nakaupo sa buhanginan habang nakatingin sa akin.

Walang emosyon akong naupo sa tabi niya habang sinasalinan ang dalawang wine glass ng mamahalin kong champagne.

Sa ganong paraan ay umiinom lang kami habang nakatanaw sa dagat.

"The ocean are beautiful and calm...I hope my life is just like the ocean..." biglang sabi niya kaya pinagmasdan ko siya sandali sa gilid ng mata ko, nakatingin parin siya sa karagatan.

Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga bago inumin ang champagne at nagsalita.

"I prefer to say no.." sagot ko, ramdam ko namang lumingon siya sa akin "ocean is beautiful yet dangerous, kahit hindi sila humihinga katulad n-natin ay kaya nilang kumuha ng hininga na pagmamay ari ng iba..." Patuloy ko at tumingin sa kaniya."Maganda nga...mapanganib naman"dagdag ko.

"Y-yeah..may p-point ka"

Muli kaming natahimik habang umiinom,alam kong medyo naguluhan siya sa sinasabi ko pero isa lang naman ang gusto kong maintindihan niya.

' na hindi porket maganda ang harapan ay maganda na rin ang likuran, katulad ng karagatan...maganda nga ang harapan pero kung titignan mo ang likuran daig pa ang murderer kung pumatay tss '

' Mas gusto kong ganito ang buhay niya kaysa maging kasing ganda ng dagat na may hindi makatarungang gawain '

' duhh..pake ko ba sa kaniya?! '

Ilang minuto ang lumipas at ramdam na ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya naman hindi ko na napigilang lingunin siya pero eksaktong paglingon ko...

' WTF?! '

"Hey!! What are you doing?!" Sigaw ko ng KUHANAN NIYA AKO NG LITRATO!!!

napatayo ako sa gulat at ganon din siya! Hindi siya nakatingin sa akin at sa halip ay itinutok sa iba ang cellphone na hawak niya.

"I-i just...ahhh maganda pala ang view dito nohh?" Sabi niya pero tinitigan ko lang siya ng matalim.

Nang humarap siya sa akin ay medyo napatalon pa siya dahil sa sama ng tingin ko.

"Give it to me" Matigas kong utos sa kaniya habang nakalahad ang kamay.

"Ha?"

"Give..it..to..me" mas pinatigas ang tonong sabi ko pero di siya nakinig sa halip ay unti unti siyang humakbang paatras.

' letche! Baka ang pangit ko don sa picture!!'

Humakbang din ako papalapit sa kaniya pero doble rin ang pag atras niya kaya naman nung tumakbo ako papalapit sa kaniya ay tumakbo din siya palayo.

"Hey!" Sigaw ko na huminto sa pagtakbo at inis na hinubad ang suot kong white beach sandals.

Napatingin ako sa kaniya at tatawa tawa siyang iwinagayway sa akin ang hawak niyang cellphone!

Ibinato ko sa kaniya ang mga sandals ko pero naiwasan niya yun kaya naman tumakbo ulit ako papalapit sa kaniya at nung maabutan ko siya ay agad kong itinaas ang isang kamay ko para sana suntukin siya pero pinigilan niya ako sa wrist habang unti unti siyang lumingon at tumingin sa mga mata ko, nagulat pa ako ng dahan dahan niyang pinagapang ang kamay niya paitaas sa palad ko at pinag intertwined ang palad namin saka NGUMITI ng matamis!

*Heart beats*

Pilit kong hinihila ang palad ko sa kaniya pero hindi ko magawa dahil malakas siya kaya naman ginamit ko ang isa ko pang kamay at pilit na inabot yung cellphone mula sa kaniya!

"What the hell?!" Sigaw ko sa inis dahil hindi ko siya maabot!

"Ewan ko sayo!" Dagdag ko at naglakad pabalik pero dahil naramdaman kong sumusunod siya ay inis ko siyang nilingon at di nga ako nagkamali dahil halos mauntog ang ulo ko sa dibdib niya!

"Why are you following me?!" Inis kong tanong na nakapamewang pa habang nakatingin sa kaniya.

Ngumiti pa talaga siya bago nagsalita
"Why am I following you?...hmmm, bakit nga ba?"maangmaangan niya na napapaisip pa, inis naman akong humarap sa kaniya at binigyan siya ng nakakamatay na tingin.

"Ahh!" Biglang sigaw niya dahilan para mapaatras ako sa gulat.

"Because of this?" Patanong niyang Sabi habang itinataas ang...

KAMAY NAMING MAGKAHAWAK!!

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil iniharap niya pa talaga sa akin ang kamay naming magka intertwined pa talaga!

' shit! Bat di ko namalayan to?! '

Dahil sa gulat ay agad kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nagmadaling tumalikod at naglakad palayo!!

' king Ina!! Nakakahiya!! '

Napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang nangyari kagabi, ni hindi ko alam kung pag uusap ba talaga ang tawag don o pag aaway, minsan rin talaga ay naiisip kong nasa totoong mundo ako at wala sa loob ng libro dahil sa mga nakakasalamuha kong katulad niya!

Kinuha ko ang suklay at marahang sinuklay ang buhok ko pero ng matapat ang suklay sa bandang dibdib ko ay di ko maiwasang napatingin doon.

Inilapag ko ang suklay ay itinapat ang kamay ko sa dibdib ko, kagabi nang hawakan ni Law ang kamay ko ay may naramdaman akong pagpitik pero diko matukoy kung saan,yun din ang dahilan kung bakit umalis kaagad ako ng ipakita niya sa akin ang magkahawak naming kamay.

' is my heart beating again? '

Napangiti ako sa isiping yun pero agad ding nawala dahil sa paalalang naalala ko.

Nagmadali akong tumayo at tumakbo papunta sa garden para siguraduhin ang kutob ko, pero pagbukas ko palang ng pinto ay nagitla na ako sa nakita...

' this can't be happening...'

Ang nag iisa at dati'y patay kung tignan na puno ay mayroon na ngayong kakaunting dahon...

Nasapo ko ang noo at minadaling senenyasan ang mga katulong kong multo na magsipag alisan sa garden, agad naman silang kumilos at umalis, ngayon ay ako nalang mag isa.

Dahan dahan kong isinara ang pintuan papasok sa garden at marahang naglakad papalapit sa puno, hindi ako makapaniwala sa nakikita.

Parang kailan lang ay patay na patay ito kung tingnan pero ngayon ay masasabi ko ng buhay ito dahil sa iilang dahon na tumutubo, at habang nakatingin ako sa puno ay naalala ko ang isa sa mga sinabi noon ni madam Catalan bago niya ako iniwan.

"Ang punong yan..." Turo niya sa painting, Hindi ko naman siya sinagot at naguguluhan parin akong tumingin sa kaniya.

"Ay matatagpuan sa 'mismong' likod nitong bahay mo....sa oras na maging ganiyan na kaganda ang punong yun....yun na ang hudyat na unti unti ng tumitibok ang puso mo para sa mundong ito" patuloy pa niya at di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan ng sobra.

"At kapag nangyari yun...ikaw...si Celina ng totoong mundo ay mapapabilang na sa fictional na character sa librong ito...."

Ang tanga ko!!! Ang tanga tanga ko!! Bat ngayon ko lang naisip na ang painting yun ay ang punong ito sa harapan ko?!!

Napaupo ako sa lupa at napasandal sa ugat ng puno.

' si Law... Si Lawrence ba ang magiging dahilan kung bakit ako makukulong sa librong to?...kung ganon ay dapat ko siyang layuan! '

Napatayo ako sa naisip kong yun! Tama! Lalayuan ko siya para hindi matuloy ang pamumulaklak ng punong ito! Sa ganon ay hindi ako makukulong dito!!

Napatingin ako sa puno pero muli ko lang naaalala ang nangyari kagabi at ang pakiramdam nang muling tumibok ang puso.Nainis ako sa isiping yun, lalo na't nagkaganito lang ako simula nung makilala ko si Law.Napahawak ako sa tapat ng puso ko at nag isip...

'chapter 6 - Lawrence Ancielo'

Muling sumagi sa isipan ko ang tittle sa chapter kung nasan ako.

' h-hindi kaya... Nakatadhana talagang maiinlove ako kay Law na siyang magiging dahilan para makulong ako sa librong to? '

+++++

#TALIA

Again this is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!!!!PUNISHABLE BY LAW!!!!

FOR MORE UPDATE FOLLOW ME ON:

FB: Allana Adalaide

don't forget to VOTE,FOLLOW AND COMMENT!!!and MOST of all SPREAD THE STORY!! Thankyouuu!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2022