chapter 1 | library
Celina POV
"Totoo!!...nagpunta kasi kami don kahapon ni ate para manghiram ng books na gagamitin daw niya, mhy ghod!! Nagsitindigan talaga ang balahibo ko!!!" Makapigil hiningang kwento ni Jenica,isa sa mga classmate kong madaldal at parang palaging sinasapian.
Nasisiguro kong ang mga kwento niya ay nakuha na naman niya don sa library sa kabilang bayan kung saan pinaniniwalaan niyang haunted dahil kakaiba daw ang aura, at yung mga nakikinig naman sa kaniya ay atat makarinig ng mga kwento tungkol sa library na yun kung saan kwento kwento ng ilan na pinamamahayan ng demonyo.
'tch! kung pinamamahayan yun edi sana...matagal ng tigok ang bantay doon..tanga!'
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang ako sa ginagawa, kasalukuyan akong nagsusulat sa notebook ko ng mga notes na hindi ko nasulat kahapon, tuloy ay hiniram ko pa ang notebook ni Angel para kopyahan piste!.
Abala ang mga kamay ko sa pagsusulat at ang isip ko naman ay abala sa pag iisip kung kakayanin ko ba ang magaganap na sparing ko mamaya sa taekwondo, palibhasa kasi ay lalaki ang makakatunggali kaya sigurado akong mas malakas sakin.
Kahit na nagsusulat habang nag-iisip ay diko parin maiwasang marinig ang matinis na tinig ni Jenica habang patuloy sa pagkekwento, para siyang ne record na kanta na di tumitigil sa kaka satsat. halos lahat napapatingin sa kaniya dahil sa lakas ng boses niya.
'sarap niyang pakainin ng lupa!'
"Ayy Ewan ko saenyo kung ayaw niyo maniwala!!basta ako?!!!ayaw ko talaga don!! Lalo na yung matandang librian?!! Naku! Feeling ko may anting anting! Eh mukhang 90+ na yun ehh...pero hanggang ngayon di parin namamatay!!" Kwento niya pa habang pumupurmang uugod ugod.
Napaikot ang mata ko sa kabaliwan niya kasabay non ay pabagsak kong sinirado ang notebook at pa cross arms and legs akong humarap sa gawi niya.
Patuloy parin siya sa pagkuda at walang tigil ang mala action star niyang kamay sa pagkampay.
"Can't you just shut up?" Tanong ko at napalingon naman sa akin si Jenica pati yung mga nakikinig sa kaniya.
"You're tooooo noise!" Inis kong sabi at inikot ang mata sa mismong harap niya.
Medyo nabigla pa sila dahil for the first time ay nakisali ako sa kanila.
"You!!BITC---" di na niya natapos ang pag alma ng batuhin ko siya ng maliit na bato at iksaktong na shoot sa bibig niya.
"Bitch your ass!!" Asik ko.
Halos dambahin niya ako sa galit pero pinipigilan siya ng mga abubot niyang uto uto.
Maya maya pa ay pumasok na si Prof Jerwin ang maestro namin sa biology at siyang dakilang crush ko kyahhh!!!! kaya naman muli pa akong sumulyap kay Jenica na naka nganga pa kay prof Jerwin, pasiring ko na inalis ang tingin sa kaniya at halos umusok naman ang ilong niya sa galit dahil type din niya si sir, pero ako ang palagi nitong napapansin haha.
Di ko na siya pinansin at napalingon nalang ako sa gilid ko, wala pa si Angel ang dakilang anghel na nahulog sa langit papuntang lupa para gampanan ang misyon niyang panghabambuhay na ma late at mukhang ma lelate na naman siya kaya inilabas ko ang cellphone ko at ti next ko siya.
COMPOSED MESSAGE
~~Falling Angel~~
You're late AGAIN....Bitch!!!
[MESSAGE SENT]
7:35 a.m.
MESSAGE RECEIVED
~~Falling Angel~~
I know..BITCH!!!
7:37 a.m.
Dahil sa reply niya ay ibinulsa ko na ang phone at tumingin sa harap, nagsimula na si prof Jerwin pero maya maya pa ay dumating na ang Angel at dumiretso sa tabi ko.
"Eww... What's that look?" I asked after seeing her.
Buhaghag ang buhok niya na parang sumabak sa gyera at pinatamaan ng kaniyon, wala rin siyang ni make up man lang kaya mas nag mukha siyang elementary, but guess what? She's that pretty.
"Duhh...late ako nagising arrghhh!!" Pabulong niyang asik pero diko nalang pinansin at tumingin na uli sa harapan.
After a minute of listening those boring lecture I feel my phone's vibrate kinuha ko yun sa bulsa at binuksan.
'nagkakagulo sa gc namin psh!!'
"Mhyy ghodd why so pogi sir?!!"
-Abby
"Kyaaahhh!!!! Nakakaloka si prof.!!"
-myka
"Grabheee!!! Walang kupas!!!"
-Jenica
"I'm inloveee!!!
-Ashley
"He's damn HOT!!!!!"
-Honey
Marami pa silang sinasabi pero dahil naagaw talaga ng bongangerang si Jenica ang attention ko ay nereplyan ko ang chat niya sa gc.
*Reply to Jenica*
[TYPE]
BITCH!! kupas your face!!
[MESSAGE SENT]
nilingon ko ang kinaroroonan ni Jenica at nakita ko siyang namumula habang palihim na nakatingin sa phone.
"Ms. Ambrioso?"
Nabalik ang tingin ko sa harap ng magsalita si prof at tawagin si Jenica napatingin din siya kay prof at halatang nagulat siya.
"Summarize what I've saying"
"P-prof?"
"Summarize what I've saying.." ulit ni Prof kaya napatayo si Jenica at napilitang e summarize yung sinasabi ni prof Jerwin.
Palihim akong natawa at ipinapakita ko talaga yun sa kaniya sa tuwing titingin siya sa gawi ko hahaha.
Natapos ang klase ng ganoon ang eksena, nang makalabas kami ng room ni Angel ay saka lang kami hinarap ni Jenica.
"You know what?!! Your so---" di niya na natapos ang sasabihin ng talikuran ko siya at naglakad palayo, lumingon pa ako sa kaniya at binigyan siya ng nakakalokong ngiti, nang akto niya akong sasabunutan ay agad siyang inawat ng mga abubot niya at kinaladkad siya palayo.
"Hahaha anong ginawa mo don?" Tanong ni Angel.
Nilingon ko naman siya at binigyan siya ng mataray na dating habang naglalakad kami papunta sa next building.
"Inasar ko, ang ingay ehh"
"What?!"
"You heard it right..."
Napaamang siyang nakatingin sa akin pero diko na siya pinansin at nagtuloy na sa paglalakad.
Sa school kasi naming ito dahil college na ay palipat lipat talaga ng room taray diba?
Nang makarating kami sa next subject ay agad akong umupo sa upuan at nagbasa ng notes ganon din ang ginawa ni Angel kaya naman di namin napansing pumasok na pala si madame Catalan ang history prof namin, ayaw niya kasing tinatawag siyang prof or what gusto niya madame.
"Okay Class! Listen carefully....I will individually give you a word and search the meaning of it, make a little poem and present it next week!"
Nangyari nga ang sinabi ni madam Cat, bago matapos ang discussion ay binigyan niya kami ng words na hahanapan namin ng meaning at gagawan ng poem.
' ano naman kayang connect ng word nato sa discussion?!!! Psh! '
"Ali! The word is Cassiopeia"
"Alvar! Cresent"
"Bueno! Heart"
"Crausos! Talia"
Agad kong sinulat ang binigay ni Prof. na word pero bago ko paman natapos isulat ay nagpa ulit ulit ito sa tenga ko at parang sumisigaw.
Talia...
Talia....
Talia....
Napahawak ako sa ulo ko dahil parang pumipitik iyon pero kasabay rin ng pagpitik niyon ay ang salitang umuulit parin sa pandinig ko.
Talia....
"O-oiii...okay kalang?" Rinig kong tanong ni Angel pero diko siya magawang lingunin.
Talia....
Talia....
"A-ahh" tanging naisagot ko habang nakahawak ang isang kamay sa ulo.
Talia...
Talia.....
Taliaaaaaa!!!!!
Kasabay ng matinis na tinig na iyon na nagpaulit ulit sa aking panrinig ay diko mapigilan ang sariling mapasigaw dahil sa sakit.
"A-ahhhhhhhh!!!!!!"
Rinig kong pinagkakaguluhan na nila ako pero diko na alam pa ang sumunod na nangyari dahil biglang nagdilim na ang lahat...
Nagising ako dahil nakasisilaw na liwanag na tumatama sa mukha ko, unti unti kong minulat ang isang mata at nakita ko ang nakabukas kong bintana at nakadapo roon ang dalawang ibon na mistulang umaawit.
Alarm ringing.....
Napatingin ako sa side table ko ng tumunog ang alarm ko.
7:35 a.m. WTF!!!
napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari kahapon sa klase ni madam Cat.
Ibig sabihin...wahhh!!!! Hinimatay nga ako at ngayon lang nagising?!!!"
Nagkumahog akong lumabas ng kwarto at bumaba sa sala, wala na akong pakialam kung wala akong tsenelas ang importante ay malaman ko kung ano ang nangyari kahapon.
Narinig ko ang boses ng nagsasalita sa kusina kaya nagmadali akong pumunta roon at naabutan kong nag bebreakfast sila mommy, daddy at kuya.
"Oh? Darling...your awake, you okay now? Come on, join us.." malambing na sabi ni mommy na tumayo pa at inalalayan akong umupo sa tabi ni kuya.
"Morning...." Tanging nasabi ko.
"What happened?" Tanong ni daddy na nakatingin sa akin.
Tumingin din ako sa kaniya at nameke ng tawa.
"H-hahahaha..I forgot to eat breakfast kahapon hahaha"
"And you think it is a joke?!!!"
"Okay! Fine! I'm sorry, di na po mauulit" sagot ko na pinakadiinan pa ang paggalang.
Tahimik na kaming kumakain, gusto ko sana silang tanungin kung ano nang nangyari kahapon pero wag nalang at baka kudaan pa ako ni daddy naalala ko ding weekend pala ngayon kaya walang pasok.
"I'm going..." Bigla ay sabi ni kuya Hanz kaya napatingin ako sa kaniya.
"We're are you going?" I asked.
"Somewhere..." Pang aasar niya at aktong tatalikuran ako pero sinipa ko ang silyang kina uupuan niya kaya humarang yun sa daraanan niya.
"Celina!!" Sabay na suway ni mom and dad pero diko sila pinansin
"I'm asking you in a nice way Hanz.." sarkastikong sabi ko na nginisihan pa siya dahil di ko siya tinawag na kuya.
"Library..." Taas kilay niyang sagot at hinawi ang upuan.
"I'm going with you" pagkuway sabi ko nang maalala ang assignment namin kay madam Cat.
"What?!" Angil niya.
"You heard it right" sagot ko at nagmadaling umakyat sa kwarto.
"Hey!!" Rinig ko pang sigaw niya pero diko na pinansin.
Nagmadali akong maligo at magbihis pagkatapos ay kinuha ko na ang notebook ko at inilagay yun sa bitbit kong maliit na bag at nagmadaling bumaba.
Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang nabuburyong na mukha ni kuya kaya naman nagmadali na akong magpaalam.
"Mommy! Daddy! We're going..may ass ako ehh sabay nalang ako kay kuya!! Bye!!" Sigaw ko at naunang lumabas.
Tahimik lang kami ni kuya sa byahe pero napansin kong papalampas na kami sa baranggay namin.
"Sang library ba tayo pupunta?" I asked.
"Sa kabilang bayan.. complete doon ehh"
"Are you sure?!" Asik ko at tinignan siya.
"What?! Don't tell me..naniniwala ka sa mga Sabi sabi?" Natatawang tanong niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ako uto uto" sagot ko at ngumiwi lang siya.
Ang totoo ay hindi pa ako nakakapunta sa lugar nayon kaya di rin ako maka relate sa pinagsasabi ni Jenica sadyang naririndi lang ako sa boses niya.
Mayamaya pa ay narating na namin ang kabilang bayan pero napansin kong parang lumalayo kami sa syudad at puro malawak na lupain lang ang nakikita sa paligid pero kapansin pansin ang matayog na nagiisang gusali sa di kalayuan.
Ilang minuto pa ay pi nark na ni kuya ang kotse kaya naman bumaba na ako at pinagmasdan ang paligid.
' weird '
Weird talaga dahil kapansin pansing luma na ito at walang kabuhay buhay halos kami lang din ni kuya ang narito.
Sabay kaming pumasok ni kuya sa loob pero sa pagkakataong ito ay mukhang maniniwala na ako kay Jenica sa sinasabi niyang kakaiba.
'uto uto'
Halos magtayuan ang balahibo ko ng makapasok sa loob, punong puno ito ng libro at napakataas ng mga shelf.
Nilingon ko si kuya pero mukhang wala lang sa kaniya.
' tambay siguro to dito... '
Naglakad siya pakaliwa kaya naman sinantabi ko nalang ang weird atmosphere at naglakad sa kabilang side.
Naningin ningin ako ng mga libro at karamihan sa mga nakikita ko ay mga lumang babasahin, mayroon ding mga pocket books, tama nga si kuya completo dito.
Halos kalahating oras na din akong naningin ningin hanggang sa marating ko ang pinakadulong side ng library, nilingon ko ang pinanggalingan pero diko na makita si kuya.
Nagpatuloy nalang ako sa pagtingin hanggang sa mahagip ng mata ko ang parang isang silid na may kumikinang, dahan dahan akong naglakad papunta roon pero di paman ako nakakalapit ay may naapakan na akong bagay dahilan para matapilok ako at sumalampak sa maalikabok na sahig.
"Aray.." angil ko saka nagpagpag, pero laking gulat ko ng ang kaninang naapakan kong bagay ay isa palang makapal na libro.
Pinulot ko iyon at pinagpagan, halos manlaki ang mata ko ng makita ang title nung libro.
"Talia..."
++++++++++
#Talia
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top