Chapter 2
Chapter 2: The Appearance of a Mysterious Man
Thalassa's POV
"Ano?! Pumayag kayo nang hindi ko man lang alam?" Pasigaw kong sabi sa magkapatid habang naglalakad kami papunta sa inn.
Wala akong pakialam kung marami nang nakatingin sa amin. Seryoso naman ang dalawang magkapatid habang naglalakad. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mga mokong.
"Ano? Sagot!" Sigaw ko sa kanila. Patuloy parin kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa tapat ng inn.
Finally, hinarap narin ako ng dalawa. Seryoso ang naging titigan namin. Ni hindi na tumawa ang palatawang si Chantel.
"Listen Thalassa," sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat."Hindi namin ito ginusto."
"THEN WHY?! WHY DID YOU AGREE?!" My voice cracked. The shouting I was doing earlier turned to screaming.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Para kami ang nagiging main attraction dito.
"Scram off!" Chantel shouted at them. Nagsilayuan naman sila.
Hindi ko namalayan na naiiyak nanaman ako. Dumausdos na sa pisngi ko ang mainit na luha.
"B-bakit?" I sobbed.
Nabigla ako nang yakapin ako ni Charles. Isang mainit na yakap. Gumaan ang pakiramdam ko. I just want him to stay with me.
"Shhh..." He hushed." 'Wag kang gumawa ng gulo dito."
"We promise, we'll be back." At bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin.
Out of nowhere, nakaisip ako ng ideya. Paano kaya kung samahan ko nalang sila? Wala namang sinabing bawal ang nag-anunsyo kanina.
"I'll go with you," Buong tapang kong sabi. Pinunasan ko ang luha ko."Please, let me go with you."
"Hindi pwede Thalassa!" Pagpigil sakin ni Chantel."Masyado itong delikado, baka di na tayo makabalik lalo na't wala kang kapangyarihan at kahit na anong kakayahang makipaglaban!"
"You're right, I'm useless." I told them. Nabigla naman sila sa sinabi ko."Nothing's special about me, magiging pabigat lang ako sa paglalakbay niyo."
"That's not what I mean-" I cut him off.
"Enough with this. I know how heartless you two are."
I stormed off. I scurried back home. Hindi ko na pinansin ang mga luhang natulk mula sa aking mga mata. Hindi ko na rin pinansin ang mga taong nakatingin sa akin.
Charles' POV
"You're an idiot." Malamig kong sabi sa kapatid kong si Charles. 'You shouldn't have said that."
"Alam ko!" Sigaw niya habang nakahawak sa ulo niya. He's walking back and forth which made me dizzy.
"And please stop pacing back and forth," Dagdag ko pa.
Napuno ng katahimikan ang buong kwarto namin. Hindi ako kumikibo, natural na sa akin 'yon. Ang dapat na pagtakahan ay ang pagiging tahimik ni Chantel, ang bunganga kasi nito ay putak nang putak.
"Hayyst," He sighed."Ba't ba kasi kailangang tayo pa ang ipadala."
I scowled at him."Wala tayong magagawa. At isa pa, mukhang may masamang mangyayari sa bayang ito kung hindi pa tayo kikilos."
"Huwag mo munang alalahanin ang mga ganyang bagay. Ang alalahanin mo ay kung paano tayo makakapaglayag sa Stryk," Seryoso kong sabi."Walang ipapahiram na ship sa atin ang gobyerno ng Vescana dahil nasira na ang lahat ng mayroon sila noong nakaraang linggo."
"Anong meron noong nakaraang linggo?" Seryoso niyang tinig.
"Tinignan nila kung pwede nang maglayag. Ngunit sa kasamaang palad, lumubog lahat ng barko," sagot ko,"Doon rin nila nalaman na malapit nang dumating ang susunod na delubyo."
Napalunok siya. Sino bang hindi? Napakalaki ng responsibilidad na papasanin namin. Tao lang din naman kami, ang kaibahan lang, may "mana" na dumaloy sa aming katawan.
Mana is the power of the elemental forces of nature embodied in an object or person. Minsan ay ginagamit itong offensive attack.
Dumadaloy ito sa katawan namin. It helps us perform magic, alchemy, enchantments and so on.
Charles and I can use body enchantments. Eyesight enchantment for example, this enchantments greatly improves our eyesight. Pero magkaiba ang epekto nito sa amin.
Ang eyesight enchantment ko ay kayang mag-zoom ng mga bagay multiple times, meaning, kahit nasa malayo ay nakikita ko.
Ang eyesight enchantment naman niya ay kayang matalas na paningin. Kung ihahambing, halos magkapareho lang ngunit hindi. Sa kanya ay ang matalas na paningin, umaga o gabi man. Sa akin ay zoom, kaya kung may hunting man kami, ako ang scout sa umaga at siya naman sa gabi.
Mayroong mga taong hindi biniyayaan ng mana, like Thalassa. Ang tingin sa kanila ng lipunan ay kaawa-awa.
But I sensed some mana inside her before, nakakapagtaka lang dahil isang beses ko lang ito napansin, kanina noong umiiyak siya.
"Lalabas lang ako," Pagpapaalam ni Chantel.
"At saan ka pupunta?" Tanong ko. Lumingon siya sa akin nang nakangiti.
"Magpapahangin lang kuya," sabay talikod."Bibili narin ako ng Health Potion, baka sakaling kailanganin."
I sighed. Malaki ang magiging apekto nito sa misyon namin.
Tinignan ko ang labas mula sa bintana. Madilim na at umuulan pa.
Mula sa hindi kalayuan ay mau nakita akong pigura ng isang lalaki na nakatingin nang diretso sa akin. Nasa ilalim siya ng isang puno malapit sa kagubatan.
Dali-dali kong kinuha ang Magitech Gun ko at lumabas mula sa inn.
Note:
Magitech Gun 1
- a piece of ordnance usually with high muzzle velocity and
comparatively flat trajectory. Unlike ordinary guns, this type of gun doesn't need ammunation. It uses the user's mana as it's bullet. It is the most basic model of the Magitech Guns.
Pagkababa ko ay agad akong tumakbo papunta sa kagubatan. Hindi ko na pinansin ang ulan.
Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahabol pero pakiramdam ko ay may kailangan akong malaman mula sa kanya.
Maya-maya pa ay nakita ko na siya. Palipat-lipat siya sa iba't-ibang sanga ng mga puno.
Bakit napakabilis niya? Ngayon lang ako nakakita ng ganito.
"Enchantment:Legs!" Sigaw ko. Nagsimulang balutin ng kulay asul na liwanag ang mga binti ko at maya-maya ay naglaho ang liwanag.
Pakiramdam ko ay mas magaan na ako. Lumakas rin ang binti ko kaya naman mataas na rin ang talon ko. Bumilis na rin ang takbo ko, sapat na upang maabutan siya.
Kinalabit ko na ang trigger ng baril at pinaputukan siya ng kulay asul at kumikinang na liwanag. Ngunit hindi siya natamaan.
Darn. Si Chantel ang bagay sa ganitong sitwasyon.
Sunod-sunod na ang pagpapaulan ko ng mga bala. Tila meteor shower na ang nagaganap.
Nakita ko namang tinamaan siya ng mga bala sa likod niya. Jackpot.
"Bullet Explosion!" Sunod-sunod ang naging pagsabog sa kagubatan.
Matapos ang sunod-sunod na pagsabog, nagkalat ang mga sanga at dahon sa paligid.
"Hahahaha!" Narinig ko ang isang halakhak."Pinag-iinitan mo ang isang decoy eh?"
Napalunok ako. Hindi siya normal. Nararamdaman ko.
Nakasuot siya ng eyepatch sa kanang mata niya. Naka-itim na robe siya at ang kagimbal-gimbal sa kanya ay ang malaking espada na nasa likuran niya.
"Sa tingin ko, dapat na kitang tapusin,bata."
Itinaas niya ang espada niya sa ere. Nakita ko ang hitsura ng espada niya nang masinagan ito ng liwanag mula sa buwan.
Kung hindi ako nagkakamali, ito ay isa sa mga pinakadelikadong espada sa mundo, Masamune.
Nabigla nalang ako nang may palasong tumama sa kanyang gintong palaso.
Chantel?
"Flurry of Arrows!" Sigaw niya.
Sunod-sunod ang pagpapaulan niya nang palasong liwanag. Napakabilis din nito kaya medyo mahirap sabayan gamit ang normal mata.
Madali namang nakailag ang lalaki, nasalag niya ang mga palaso mula kay Chantel.
Maya-maya pa ay tumigil ito sa pagsalag. Napalibutan siya ng itim na enerhiya na hindi natatagusan ng liwanag na palaso.
"Hmm...Maaari ngang manalo kayo ngayon, pero di na kayo makakatakas sa akin sa susunod," Sagot ng matandang lalaki at bigla nalamang naging usok at naglaho sa gitna ng dilim.
He looks familiar.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top