Chapter 1
Chapter 1: Charles and Chantel
Thalassa's POV
Pinagmamasdan ko ang malawak at kulay asul na dagat. Maganda ang sikat ng araw ngunit tulad ng aking nakasanayan, wala paring naglalayag sa dagat ng Stryk.
Ilang taon na nang nangyari ang delubyong iyon, ngunit natatakot parin ang mga mangingisdang pumalaot sa dagat.
Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Ang araw kung kailan nawalay ako sa nag-iisang kapamilya na meron ako.
Papa used to be a marine.He went with the fishermen who went missing when the storm struck our harbor town.
Naririnig ko ang sigawan ng mga tao sa labas. Natatanaw ko rin sa bintana ang mga nagtatakbuhang tao, mga makasariling tao na desperadong iligtas ang kanilang mga sarili mula sa bagyo, walang pakialam kung may masaktan.
"Don't cry Thalassa," Papa said."Kailangan kong umalis, maraming nangangailangan ng tulong ko."
"Don't go Papa!" I begged. Naramdaman kong unti-unting dumausdos sa aking pisngi ang rumaragasang luha."Stay here..."
He just smiled at me. Kinuha niya ang palad ko at nilagay sa aking palad ang isang asul na bato. Sa gitna ay may kumikinang na liwanag. It has a black lace.
I felt solace when I looked at it. I looked at my father with hint of confusion on my face.
"Take care of that pendant, Thalassa." He said as he patted my head."Ang kwintas na iyan ang family heirloom natin."
We heard a loud scream. Tinignan ko si Papa. Seryoso ang mukha niya.
"I have to go now, Thalassa." He said before he ran away.
"Papa..."
Yun na ang huling pagkakataong nakasama ko siya. Nagising na lamang ako sa bahay ni Mrs. Chums. Ikinwento niya sa akin ang lahat, pati na ang pagkawala ng mga naglayag sa dagat.
Pero minsan napapaisip talaga ako, ba't nga ba naglayag si Papa noong araw na iyon? At bakit mahal na mahal niya ang dagat?
"Nakatulala ka nanaman diyan," narinig kong sabi ni Chantel na nasa kanan ko. Nakatingin siya sa akin.
"Hayaan mo nang mag-enjoy ng moment," singit naman ni Charles na siya namang nasa kaliwa ko.
Ang dalawang ito ay kambal. Sila yung tinatawag na "Identical Twins". Parehong-pareho ang facial features nila. Matangos na ilong, mapulang mga labi, maputing balat at medyo kulot na itim na buhok.
"Sa tingin mo ini-enjoy kong alalahanin kung pano kami nagkahiwalay ng tatay ko?" I blurted.
Napatingin naman ang dalawa sa akin."We're sorry," sabay nilang sabi sa akin at bumaling na rin ang tingin sa dagat.
Wayne Chantel and Wayne Charles Zaphorio. Sila ang mga tangi kong kaibigan sa bayang ito. Tulad ko, mga naulila na din sila sa murang edad. Sila ang kasama ko sa mga trabaho.
Ngunit iba ako sa kanila, espesyal ang dalawang ito. Si Chantel ay ang tinaguriang "Sniper" ng bayang ito habang si Charles naman ang tinaguriang "Hawkeye".
Kapwa sila magaling sa pangangaso na siya namang ikinabubuhay nilang dalawa. Madalas silang makikita sa gubat na magkasamang tumutuligsa ng mga hayop na maaaring kainin.
Nitong mga nakaraan nga lang, ipinatawag sa Disciplinary Office si Chantel dahil muntikan na itong makatama ng tao gamit ang baril niya.
Mabuti na lamang ay hindi siya tinuluyan. Hindi lang pala sa pag-gamit ng sniper magaling ang loko, ang galing din pala nito magpalusot.
Si Charles naman ay masayahin pero may pagka-cold, ngunit hindi kagaya ng kanyang kapatid na troublemaker, siya ay disente.
Sumasali siya sa paligsahan ng archery. Palaging siya ang champion kaya naman bilang kaibigan, proud ako sa kanya.
Habang ako, 'eto. Walang espesyal na kakayahan. Kahit gumamit ng simpleng mahika ay hindi ko magawa. Naaawa nalang ako sa sarili ko.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Sambit ni Chantel. Nag-inat siya at tumingin sa akin."Ang boring kaya dito sa dagat."
I blurted."Edi umuwi ka. I'm not forcing you to stay here anyway."
Natameme siya. 'Yan, tama lang yan.Daldal mo kasi.
"Thalassa, Charles, Chantel!" Narinig kong may tumawag sa likod. Malaki ang boses nito at lalaking-lalaki.
Siya ang Disciplnary Chief. Oo, siya ang kumausap kay Chantel ukol sa paghuhunting nito.
"May pagtitipon sa plaza, mukhang importante ang sasabihin ng elder," Seryoso niyang sabi."Pumunta na rin kayo baka sakaling may sasabihing mahalaga roon."
"Tara na?" Yaya ko. Chantel snorted.
"Kanina nagyaya na akong umalis."
Hindi ko na siya pinansin. Kinuha na nila ang mga gamit nila at naglakad na kami papuntang plaza.
Siksikan ang mga tao dito sa plaza. Hawak-hawak naman ng kambal ang dalawa kong braso.
Nagpumiglas ako."I can handle myself."
We heard a screeching sound.
"Ano ba naman 'to!"
"Kailan ba talaga ng ganyang ingay bago magsimula ang announcement?"
"Pasensya at pinaghintay namin kayo, mga butihing mamayan ng Artana," dinig kong sabi ng isang lalaki na nasa gitna ng plaza.
"Narito kami ngayon upang ibalita sa inyo ang isang masama, at isang mabuting balita."
Nagbulungan ang mga tao sa paligid. Ang sakit sa tenga! Si Charles at Chantel naman ay seryosong-seryoso sa pakikinig.
"Ang masamang balita..." Pambibitin ng tagapagsalita."May mas lakas na delubyong tatama sa atin. Nangyayari na ang propesiya."
Nanahimik ang mga tao. Mukha silang nabagsakan ng langit at lupa.
"Ang naranasan natin noon ay patikim pa lamang," dagdag pa nito."Hindi lang ang bayang ito ang nasa panganib ang buong kontinente ng Vescana ang masisira."
"Ngunit wag kayong mangamba! May paraan pa para itigil ang pagkawasak!"
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.
Naghiyawan ang mga tao. Marahil ay sa kasiyahang may magagawa pa para iligtas ang Vescana.
"Kailangang may maglayag sa dagat ng Stryk at hanapin ang nawawalang lugar ng Neroudro."
Nagbulungan ang mga tao.
May isang mamamayan na nagtaas ng kamay."Ngunit, sinong ipapadala ninyo?"
"Maagandang tanong kaibigan," Nakangisi nitong sabi."Dalawang mamayan dito ang paglalakbayin natin. Maglalayag sila sa malawak na dagat ng Stryk."
Kinutuban ako. Tumingin ako sa paligid. Sino ang dalawang iyon. Mga kawal ba galing sa palasyo?
Hindi maaari...
Napatingin ako kay Charles at Chantel.
"Wayne Charles and Wayne Chantel Zaphorio! Inaanyayahan ko kayong pumunta dito sa unahan."
Tila gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Muli nanaman ba akong mag-iisa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top