PAHINA 9


Herezett's Pov:

Sobrang aga kong nagising dahil binangungot ako. Isang nakakatakot na panaginip. Nasa isang lugar daw ako na puro bulaklak. Mga puti at pulang rosas at nakahiga daw ako sa isang mahabang parang mesa na higaan na puno ng pulang rosas. Tila ba ay wala na akong buhay sa panaginip ko nayun. Bigla na lang dumilim ang paligid at nagiba ang pangyayari. Nakita ko ang isang lalaki na duguan at naghihingalo. Hindi ko na alam ang kasunod ng panaginip ko dahil nagising na ako. Hindi na ako mapalagay pagkatapos nun kaya hindi na ako nakapikit pa ulit. Parang isang masamang pahiwatig ang panaginip na iyon. Ngunit para saan?

Kasalukuyang naglalakad ako ngayon patungo sa silid aralan ko. Di ko maalis sa isip ko ang masamang panaginip na iyon. Pagkadating ko diretso lang agad ako sa upuan ko at naghalumbaba. Ganito ako kapag may masama akong panaginip wala ako sa sarili at hindi nagsasalita masyado. Gumagaan naman ang pakiramdam ko lalo na kapag nasasabi ko ang kung ano mang napapanaginipan ko pero sa isang tao ko lang iyon nasasabi dati kasi ngayon ang taong yung ay nawala na lang bigla at hindi ko na nakita pa ulit. Nakaramdam akong may umupo sa tabi ko inangat ko ang ulo ko at tumingin sa katabi kong upuan.

"Masama ata gising mo ah." sabi ni Shav.

"Ikaw masaya ata gising mo." sabi ko din sa kanya.

Totoo naman mukhang napakasaya niya ngayon eh. Napatingin ako sa pintuan. Nakangiting pumasok si Zyfer tumingin siya sa gawi namin ibig kong sabihin kay Shav na wagas din makangiti. Teka lang...

"Kayo na ba?" agad kong tanong.

Namula naman siya agad.

"Di pa naman opisyal eh pero sinabi niya sakin kahapon na gusto niya ako." pabulong niyang sabi.

"Masaya ako para sayo." sabi ko sa kanya.

Naupo si Zyfer sa harapan namin inikot niya ang upuan niya.

"Shaviel kumain ka na ba?" masayang tanong nito.

"Ahmm o-oo." nauutal na sabi ni Shav.

Masaya ako para sa kanilang dalawa. Sa wakas nagkaaminan na din sila. Hinayaan ko lang silang magusap at naghalumbaba ulit ako. Wala talaga ako sa wisyo ngayon. Ipinikit ko ang mga mata ko ipapahinga ko muna sandali.

Buong araw akong wala sa sarili dahil sa panaginip na iyon. Pagkatapos ng klase agad akong bumalik sa silid. Nahiga muna ako sandali ng may narinig akong kaluskos sa loon ng walk in closet ko. Napabangon agad ako at pinakinggan ng mabuti ang buong paligid. Ano nanaman kaya eto andami ng nangyayaring kababalaghan sa buhay ko dito. Nakarinig ulit ako ng kaluskos kaya lumapit na ako. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng closet at...

O_O may batang babae sa loob.

Pano siya nakapasok dito? Tinignan ko muna siya. Ang ganda niyang bata bakit kaya siya nandito?

"Ahmm bata anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sakin at yumakap sa bewang ko.

"Ate itago mo po ako ." naiiyak niyang sabi.

"Bakit naman?" usisa ko.

"Natatakot po ako sa amin ayoko na pong bumalik dun." ramdam ko ang takot sa kanya.

Inakay ko siya paupo sa kama.

"Pero baka hinahanap ka na ng ama't ina mo." sabi ko sa kanya.

"Wala na akong mama. Si papa naman palagi akong kinukulong sa bahay." malungkot niyang saad.

Ang sama naman ng ama niya.

"Hindi ko alam Kong pwede ka dito o hindi." sabi ko sa kanya.

"Pakiusap po Ate dito muna ako wala ka namang ibang kasama dito." sabi niya.

"Hay o sige pero panandalian lang kailangan mo din namang bumalik sa inyo." sabi ko sa kanya.

Nagliwanag naman ang kanyang mukha sa sinabi ko. Ang ganda niya talagang bata sana kapag nagkaanak ako sing ganda niya din.

"Teka ano nga pa lang pangalan mo?" tanong ko.

"Victoria po ."

Parang nadinig ko na ang pangalang yang. Hindi lang naman siguro iisa ang may pangalang Victoria.

"Pano ka nakapasok dito?"

"Ahmmm lumusot po ako sa pader." -Victoria.

Lumusot sa pader? Nabagok ba ang batang to?

"Wag kang magbiro yung totoo?" sabi ko sa kanya.

"Totoo nga po." -Victoria

Tinignan ko lang siya yung naguusisang tingin.

"Alam kong ayaw niyong maniwala. Ipapakita ko po sa inyo." tumayo siya at naglakad papunta sa pinto ng banyo.

Humarap siya sa nakasaradong pinto ng banyon at naglakad ng diretso. Hindi ko kinurap ang mata ko maya maya pa ay lumusot siya sa nakasadong pinto. Napatayo ako at nagtunggo doon hinawakan ko ang pinto kung may malambot na parte doon ngunit wala. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siya sa loob.

"Naniniwala ka na ba Ate?" nakangiti niyang sabi.

Tumango lang ako sa kanya. Bumalik kami sa kama at naupo ulit.

"Hindi ka ata natakot sa ginawa ko Ate." takha niyang tanong.

"Kasi madami ng kakaibang pangyayari ang nararanasan ko dito kaya di na ako masyadong takot siguro nagugulat na lang." sagot ko sa kanya.

"Anong nilalang ka ba?" seryoso kong tanong.

Tumungin muna siya sakin.

"Isa akong Ifrit."

"Ifrit? "

"Mga nilalang na isinilang na may mga taglay na kapangyarihan at natatanging abilidad. At ang pagkamit ng kakayahang iyon ay dumidepende sa humawak nito." paliwanag niya.

Matalino siyang bata. Napatango lang ako sa sinabi niya.

*krruuuuu*

Napatingin ako bigla sa kanya.

"Gutom ka na ba?" namula siya pagkasabi ko nun.

"O-opo." nahihiya niyang sabi.

Tinap ko ang ulo niya ng mahina.

"Dito ka lang bibilhan kita ng makakain." sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya.

"Wag kang lalabas at wag kang mag-ingay baka mahuli tayo." paalala ko sa kanya.

"Opo Ate."

Lumabas na agad ako ng silid at naglakad papunta sa canteen. Pagkadating ko ay pumili agad ako ng pagkain. Ano kaya ang gusto niya? Bumili ako ng sandwich,cake,palabok at maiinum. Pagkabili ko lumabas na agad ako ng canteen. Nakita ko sina Zyfer at Primo na hindi mapakali patakbo silang naglalakad. Anong nangyayari sa dalawang iyon? Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na lang ako ng diretso sa silid ko. Kailangan kong bilisan baka gutom na gutom na si Victoria.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top