PAHINA 7

Herezett's Pov:

Nililigpit ko ngayon ang mga gamit ko. Habang nagtutupi ako ng aking mga damit ay may kumatok sa pinto. Itinigil ko muna ang pagtupi at binuksan ito.

O_O Si Zyfer?

Ano bang kailangan ng magkapatid na to sakin? Kahapon si Primo tapos ngayon siya naman.

"Maaari ka bang sumama sakin?" bungad niyang tanong.

"Bakit? Tsaka san naman?" kinakabahan kong tanong.

Baka kung anong pinaplano ng magkapatid na to sakin.

"Sa Black House." seryoso niyang saad.

Yung huling beses kong magpunta dun itinaboy din agad ako nung babae.

"Ahmm madami pa akong tatapusin eh." palusot ko.

"Hindi ka maaaring tumanggi." inuutusan niya ba ako?

"Karapatan kong tumanggi lalo na't may ginagawa ako!" madiin kong sabi.

Nakita ko ang pagbabago sa kanyang mukha. Mukha siyang naiinis. Nagulat ako at napaatras ng ang kanyang abuhing mata ay nagliwanag at naging asul. Dahil sa takot ay isinara ko agad ang pinto. Bakit ganoon ang kanyang mga mata? Para siyang halimaw. Napaatras pa ako ng maramdaman kong may nabangga ako. Hindi pa naman ito ang kama. Dahan dahan akong lumingon.

"WAAAAHHHHH!!" sigaw ko.

O_O s-si Primo!

Papaano siya nakapasok dito. An-ang mga mata niya nagliliwanag din ito at kulay lila. Nabalot ng takot ang buong katawan ko pakiramdam ko ay nawala lahat ng lakas ko. Kailangan kong makaalis dito agad kong binuksan ang pinto. Ngunit mukha pa din ni Zyfer ang tumambad sakin. Naluluha na ako sa sobrang takot. Biglang may yumakap sakin...

"Ganyan mo ba ako batiin? Amarith?" dining kong bulong ni Primo.

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa kaba at sa takot.

"Kuya Primo..." dinig kong tawag ni Zyfer sa kanya.

"Matulog ka muna." bulong muli ni Primo.

Unti unti ay naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata hanggang sa naging madilim na ang lahat.

*****

Ang lambot naman ng higaan ko. Pinalitan na ba ang kutson ng aking kama?

'Ganyan mo ba ako batiin? Amarith?'

Nadidinig ko ang boses ni Primo. Si Primo.

SI PRIMO!!!

Napabangod agad ako at sa di inaasahan ay lumagapak ako sa sahig. 

>_< Aray ko po!! Agad naman akong napabangon at himimas ang likod ko.

Teka lang nasaan ako? O_o Di ko silid ito ah. Di kaya? Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang nasa labas. Lawa? Nasa Black House ba ako? Hindi maaari kailangan kong makaalis dito lalo na sa halimaw na magkapatid na yun. Hindi sila pagkaraniwang tao. Binuksan ko ang bintana at sumilip sa labas. Nang makasiguro ako na walang tao ay dahan dahan akong lumabas ng bintana. Mababa lang naman iyon ayos lang sakin na magkagasgas kesa naman mabawian ako ng buhay dito. Akmang tatalon sana ako ng may dumungaw mula sa bintana. Sa sobrang gulat ko ay napabitaw ako.

'Siguradong masakit ito' sabi ko sa isip ko.

Pikit mata kong dinama ang pagkahulog ko.Inintay kong maramdaman ang sakit ngunit wala. Unti unti ay iminulat ko ang mata ko. Papanong nakababa siya dito gayoong nasa bintana siya kanina.

"Kahit kailan matigas talaga ang ulo mo." sabi niya sabay baba saakin.

Mariin niya akong tinitigan.

"Bakit ka tatakas?" seryoso niyang tanong sakin.

"Dahil sa inyong magkapatid! Alam kong may masama kayong binabalak sakin. Ano bang ginawa ko para takutin niyo ako? Mga halimaw!" galit kong sabi.

"Halimaw pala kami. Paano kaya kapag pinaslang kita at itapon ko sa lawa ang katawan mo." pagbabanta niya.

Mali ata yung sinabi ko mapapadali pa ata lalo ang buhay ko. Napaatras na lang ako.

"H-hindi m-mo k-ko mapapaslang." nagmamatapang kong sabi.

Alam kong kaya niya akong paslangin.T^T

"Talaga? Siguro hindi kita papaslangin kapag binigyan mo ako ng ta---"

"KUYA PRIMO!!!" napalingon ako sa sumigaw.

Tamara?! 

Si Tamara paano siya nakapasok dito?

"Ally?" gulat niyang tanong tapos napatingin na lang siya kay Primo.

"Kuya Primo naman bakit mo siya dinala dito?" sita niya.

Tinignan lang siya ng masama ni Primo tila ba ay kinakausap siya nito gamit ang isip.

"Hay o sige." sabi na lang ni Tamara.

Possible kayang si Tamara ay katulad din nila Primo at Zyfer? At bakit ba tinatawag ni Tamara si Primo na kuya?

"Hahahahaha"

Bigla na lang natawa si Tamara. Nasisiraan na ba siya ng bait?

"Ahmmm pasensya na. Ally halika sa loob kumain muna tayo." saad niya at hinila ako papasok ulit ng Black House.

Idineretso niya ako sa kusina. Ang laki namang kusina nito.

"Upo ka dyan Ally." sabi niya sakin.

"Sige." tugon ko at umupo sa silya.

Habang naghahanda ng makakain si Tamara. Hindi ko talaga mapigilang hindi magtanong sa kanya.

"Tamara.....kaano ano mo ba si Primo?" tanong ko.

Humarap siya sakin at inilapag ang isang hiwa ng cake sa harap ko tsaka siya umupo sa silyang kaharap ko.

"Si Kuya Primo ay pinsan ko. Mas matanda siya sakin kaya kuya tawag ko sa kanya." pagpapaliwanag niya.

Magpinsan pala sila. Sumubo ako ng cake. Ang sarap naman nito.

"Sino nagbake nito? Ang sarap." sabi ko sa kanya.

Natawa lang siya ng konti.

"Si Zyfer ang nagbake niyan." sagot niya.

O_O si Zyfer marunong magbake??

"Talaga? Siya nagbake nito?"

"Oo sa totoo lang halos lahat silang magkakapatid marunong magluto maliban na lang sa bunso nila." -Tamara

"Ilan ba silang magkakapatid?" usisa ko.

"Ahhmm apat sila. Si Kuya Primo,Si Zyfer,Si Axiel at si Victoria." paliwanag niya.

Buti pa si Primo may mga kapatid samantalang ako wala. Nakakainggit naman.

"Teka lang Ally pano ka ba napunta dito?" tanong niya.

"Di ko din alam ang naalala ko lang ay naandon sina Primo at Zyfer sa silid ko tapos biglang nagliwanag yung mga mata nila--Tamara ayos ka lang ba?"

Inabutan ko agad siya ng tubig nabulunan kasi. Hinimas himas ko yung likod niya. Nung mahimasmasan siya ay umupo ako sa tabi niya.

"Pinuntahan ka pala nila." habol hininga niyang sabi.

Tumango lang ako.

"Nga pala Tamara...bakit ako tinatawag na Amarith ni Primo?" tanong ko sa kanya.

"Kung ganun tinawag ka niyang Amarith?" -Tamara

Tumango lang ulit ako.

"Si Kuya Primo talaga." -Tamara

"Ano ba ang ibig sabihin nun?" tanong ko.

"Hindi ako sigurado pero parang 'kadiliman' ata ang ibig sabihin nun."paliwanag niya.

Kadiliman? Mukha ba akong kasuklam suklam sa kanya at tinatawag niya alomg ganun.

"Ganun pala yun." yan lang ang nasabi ko.

Pilit kong itinago ang inis ko kay Primo. Ang halimaw na yun. Sana sinabi niya na lang na nasusuklam siya sakin di yung tatawagin niya pa ako sa kung anong pangalan. Nang maubos ko ang cake ay iniligpit ko na agad ang platito na pinagkainan ko.

"Tara na Ally punta tayo sa hardin." aya ni Tamara.

"Sige." sabi ko.

Nauna siyang maglakad saakin sumunod naman ako sa kanya. Binuksan niya ang isang pinto at bumungad sakin ang isang napakagandang hardin. Madaming ibat ibang uri ng mga bulaklak at halaman. Madami ring paru-paro na nagliliparan. Nakakaginhawa talaga sa pakiramdam ang ganitong klaseng lugar. Sinundan ko si Tamara hanggang sa gitna ng hardin. Napahinto ako ng may lumapit saaking kuneho. Tinitigan niya ako at tsaka tumalon talon. Napangiti ako sa ginawa niya kaya kinuha ko sa. Hinimas himas ko ang katawan niya. Naglakad ulit ako papunta sa inuupuan ni Tamara. Mukhang malalim ang iniisip niya. Naupo na din ako sa tabi niya.

"Tamara ayos ka lang?" tanong ko.

"Iniisip ko lang kung sana nandito pa ang mga magulang ko at ang ate ko masaya sana kami ngayon. Naiinggit nga ako kina kuya Primo kapag magkakasama sila eh. Sana hindi na lang sila namatay." humagugol siya ng malakas.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Wag ka ng umiyak. Mula ngayon pwede mo na akong maging kapatid Tamara. Wala kasi akong kapatid tapos palagi pang wala ang mga magulang ko. Kaya kahit papano naiintidihan ko kung paano ang nagiisa sa buhay." sabi ko sa kanya.

"S-sa-lamat A-ally."

Hinayaan ko lamg siyang umiyak. Alam ko kung gano nakakapagpagaan ng loob ng pagiyak. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala kasakit ang dinadala ni Tamara. Matatag siyang babae alam ko dahil kung hindi siguro di ko na siya makikilala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top