PAHINA 65
Herezett's Pov:
Lakad takbo ang ginawa namin magmula ng lumabas kami ng silid na iyon. Pabilis din ng pabilis ang tibok ng aking puso sa sobrang kaba at pag-aalala. Marami kaming nakitang mga bantay sa bawat sulok ng mansyon hanggang sa makarating kami sa bulwagan kung saan may mga bantay na nasa hagdan papanhik sa taas. Mabilis kong pinakiramdaman si Primo at ng akmang maglalakad na ako ay humarang ang kaninang kinausap ni Primo na tagabantay.
"Paumanhin mga binibini ngunit mahigpit na ipinagbilin na hindi kayo maaaring lumabas." saad niya.
"Gilder,padaanin mo kami masyado itong importante." madiing wika ni Acielle.
"Binibining Acielle masyado rin namang mahalaga ang tagapagmana ng Panginoong Silverstone kaya kung maaari ay bumalik na kayo sa silid na iyon."
Mariin kong ikinuyom ang aking kamay naiinis na ako kailangan ng magmadali mas nararamdaman ko na ang kapangyarihan ni Maurelli at kung sino pang mga naroroon sa labas.
"Tumabi ka riyan." madiin kong saad.
Mataman niya akong tinignan.
"Hindi maaari,kamahalan."
Ano bang dapat kong gawin upang padaanin niya kami? Kailangan ko ba talaga silang gamitan ng kapangyarihan? Humakbang ako upang lampasan siya ng lumitaw siya sa harapan ko at may mga bantay na sa likuran niya na nakaharang sa daraanan namin patungo kay Primo.
"Bumalik na kayo binibini."
Tinignan ko siya ng masama wala na nga talaga akong ibang pagpipilian. Humakbang ako paatras sa mga kasamahan ko.
"Ally ano ng gagawin natin?" dinig kong tanong ni Tamara.
"May pagpipilian pa ba tayo bukod sa kalabanin sila?" mahina kong saad.
"Mukhang yan na lang ang maaari nating gawin." sabi ni Shaviel.
"Bihasa sila sa mga sandata at mabibilis din,piling pili sila bilang bantay ng Lord Ifrit." dinig kong saad ni Acielle.
"Maghanda kayo." sabi ko sa kanila.
Inihanda namin ang aming sarili. Ikinumpas ko ang aking kamay upang ilabas ang aklat ni ina.
"Kamahalan kung ano man ang binabalak niyo huwag niyo ng ituloy." kalmado niyang sabi.
Ngumisi lang ako sa kanya at kita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng kanyang mukha,ang kaninang kalmado niyang mukha ay nakikitaan ko ng pagkalito at pagkagulat. Umalerto rin ang mga bantay na nasa likuran niya. Itinaas ko ang kamay ko at binigkas ang mga salita na nasa pahina ng libro. Unti-unting nagkaroon ng makapal na hamog sa paligid,ibinaba ko ang aking kamay at itinuon iyon sa mga bantay na nasa harapan ko. Binilog ko ang kamay ko at ang hamog ay bumalot sa kanila lamang. Ngunit nakita kong nakalampas roon ang pinuong bantay at hinawakan niya ang aklat na nasa harap ko upang kunin sana ito ngunit hindi ko siya hinayaan. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak roon tsaka inagaw ang aklat at malakas siyang itinulak.
"Tara na!" sabi ko sa kanila.
Mabilis ang bawat hakbang namin patungo sa kabilang banda ng mansyon. Ngunit hindi pa man din kami nakakalayo ay may humnarang nanamang muli. Gaano ba karami ang bantay ni Primo? Akmang lalapitan ko sila ng mabilis na gumalaw sina Acielle at Tamara,isa-isa ay pinatulog nila ang mga nakaharang na mga bantay sa pamamagitan ng malakas na pagtama sa mga batok nito. Nang mapatulog na nila ang mga nakaharang ay akmang aalis ng muli kami ngunit may mga bantay nanamang lumitaw at ngayon ay nahawakan na nila kami.
"Sumunod na lamang kayo mga binibini,para din naman ito sa kaligtasan niyo." saad ng punong bantay mula sa gilid ko.
Batid ko na siya ang nakahawak saakin ngayon.
"Kailangan naming puntahan si Primo! Alin ba ang hindi mo maintindihan doon!" inis kong saad.
"At utos din ng Panginoong Zeroel na walang makakalabas ni isa sa inyo,kamahalan."
Pumiglas ako mula sa pagkakahawak niya.
"Kamahalan pakiusap sumunod na lamang kayo at bumalik doon sa silid." muli niyang saad.
Hindi kailangang makaalis ako rito! Sa sobrang inis ko ay pinakawalan ko ang kapangyarihan ko. Nakita ko ang gulat at takot na bumadha sa mukha ng mga bantay na humahawak kina Acielle.
"Kapag hindi niyo kami pinadaan,hindi lang si Primo ang kayang magparusa sa inyo. Kaya ko kayong parusahan sa paraang alam ko. Bitawan niyo kami ngayon na." walang emosyon kong sabi.
Pinagmasdan ko sila na tila ba hindi alam kung susunod sila o hindi.
"Bitaw!" malakas kong saad at nagpakawala ng malakas na enerhiya.
Nakaramdam ako na lumuwag ang hawak niya sa akin kaya humarap ako sa kanya. Mataman ko siyang tinitigan.
"Ulitin niyo pa ito saakin kahit mga bantay kayo ni Primo,mapaparusahan pa din kayo." sabi ko bago siya tinalikuran.
"Halina kayo." sabi ko sa mga kasama ko.
Mabilis kaming naglakad patungo sa likod ng mansyon.
"Grabe ngayon ko lang yata nakitang nagulat at natakot si Gilder ng ganun maliban kapag si Kuya ang kaharap niya." manghang saad ni Acielle.
"Kailangang gawin ko iyon kung hindi wala tayong tsansang makalabas. Kung alam ko lamang na ganito pala kadami ang mga bantay ni Primo sana inayos ko muna ang lahat." naiinis kong saad.
Ngayon ko lang kasi nalaman na madami palang bantay si Primo na mag ganun. Sobrang higpit pa ng mga yun. Hindi ko naman sila nakikita dati ngunit alam ko na nasa paligid lamang sila pero hindi ko akalaing ganito pala sila kadami.
"Hindi siya si Kuya kung wala siyang mga bagay na ginagawang nakakagulat." muling saad ni Acielle.
Nang makalabas na kami ng mansyon at napahinto kami ng marinig kong muli ang boses ng punong bantay mula sa likuran.
"Kamahalan kung hindi man namin kayo mapigilan hayaan niyo na lamang na samahan namin kayo para sa proteksyon." dinig kong sabi niya na ikinalingon ko.
Tinignan ko sila isa-isa bago magsalita.
"Sige sasama kayo basta huwag kayong makikialam sa gagawin ko,nagkakaintindihan ba tayo?" saad ko.
Yumuko silang lahat bilang tugon.
"Tayo na dahil kaunti na lamang ang oras." muli kong saad at naunang maglakad ngunit sa isang iglap ay nasa harapan ko na ang punong bantay at ang dalawa pang bantay.
Pinalibutan nila kami habang patungo kami sa loob ng kakahuyan ng mansyon kung saan nanggagaling ang mga kakaibang enerhiya. Napahinto kami saglit ng makarinig kami ng dalawang malakas na pagsabog mula roon. Muli ay kinain nanaman ako ng takot at kaba para kay Primo. Mas binilisan pa namin ang bawat galaw hanggang sa makarating kami sa isang napakalawak na parang. Sa parang na iyon ay may dalawang grupong magkaharap,sina Primo laban sa hukbo ni Maurelli na may mga kasamang lumilipad na mga halimaw. Nasa bungad pa lamang kami kaya walang nakakita samin nasipat ng mga mata ko na nakikipaglaban sina Axiel at Zyfer. Hinanap agad ng mga mata ko si Primo at Kuya,nakita ko silang nakikipag laban sa mga malalaking nilalang. Malalaki angpangangatawan ng mga ito at mabato ang mga balat.
Dahan-dahan kaming lumapit ngunit nakita kong may paparating na lumilipad na nilalang patungo samin ngunit mabilis na kumilis ang isa sa mga bantay at tinapos iyon. Lumikha ng malakas na ingay ang nilalang na iyon dahilan upang mapalingon ang ibang naglalaaban sa gawi namin. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Primo at nakita ko ang pagkunot ng noo niya,kaya sa isang tira lang ay tinapos niya ang nilalang na kalaban niya. Akmang lalapit siya rito ng mahagip ng aking mga mata ang isang nakakapote na nilalang at handa siyang saktan. Hindi na ako nagdalawang isip pa agad ko itong ginamitan ng aking kapangyarihan,nagpalabas ako ng mga itim na kristal sa lupa at itinuon iyon sa katawan niya. Lumingon pa saglit si Primo sa likuran niya bago ibinalik ang kanyang mga mata saakin at mas kumunot ang kanyang noo kaya sa isang iglap ay may nakayakap na saakin.
"Hindi ka dapat naririto." madiin niyang saad.
"Kailangang naririto ako may kailangan akong gawin."
"Mapanganib masyado. Kung ano man iyang gagawin mo huwag mo ng gawin."
"Primo,patawad ung naglihim ako. Dapt sinabi ko na ito saiyo dati pa." mas lalong nadagdagan ang gatla ng kanyang noo.
"May pinlano ako noong nawala ka at kailangan kong magawa iyon ngayon dahil mapapatigil nito ang kung anumang plano nung babaeng iyon." paliwanag ko.
Hindi siya nagsalita saakin tinignan niya lamang ako. Alam ko na magagalit siya kaya ihahanda ko na ang sarili ko.
"Sa tingin mo para saan ang silid na iyon na ginawa ko?"
Sa pagkakataong ito ako naman ang napakunot ng noo.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
"Noong gabing nakita mo ako sa taas ng hagdan kakabalik ko lamang noon galing sa labas. Dahil ang aking mahal na kabiyak ay lumabas ng dis oras ng gabi." malamlam niyang pahayag.
Dis oras ng gabi? Anong--Naapatakip ako ng bibig ng maalala ko na nakipagkita ako kay Neieva.
"N-nakita mo ako?"
"Syempre naman ng matulog ka ng gabing iyon ako naman ang lumabas upang kausapin ang babaeng kausap mo at isinalaysay niya saakin ang lahat ng nasa plano mo. Alam mo bang lubhang napakadelikado ng ginagawa mong ito?" madiin niyang saad.
Nagbaba ako ng tingin sa tono ng pananalita niya saakin. Galit siya at naiintindihan ko iyon. Napaangat ako ng tingin ng hawakan niya ang aking baba.
"Alam mo bang hindi ako makapaniwalang kayang mong gawin iyon? Ni hindi pumasok sa isip ko na gagawa ka ng ganoong hakbang habang wala ako."
"Primo,patawad sa ginawa ko kasi naman gusto lang kitang iligtas at ayokong makita ng babaeng iyon na malaki siyang hadlang satin." paliwanag ko.
Umiling lamang siya saakin.
"Hindi ako makapaniwalang nagawa mo iyon at mas lalong hindi ko mapaniwalaang nakalabas ka roon ng ganoon kadali." umiiling niyang saad.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay at pinisil iyon sabay kaming napalingon sa mga naglalaban ng sunod-sunod ang nangyaring pagsabog. Biglang lumitaw sa harapan namin sina Zyfer,Axiel at Kuya agad namang pumalibot ang maraming bantay saamin. Agad na dinaluhan ni Shaviel si Zyfer na halatang pagod na at ganun din si Axiel. Napansin kong mas dumami pa ang lumilitaw na mga hindi pamilyar na nilalang sa harapan namin.
"Sumama ka na sakin Zeroel at matatahimik na sila." dinig kong sigaw ni Maurelli.
Mataman ko lang na tinignan ang baliw na babaeng iyon.
"Kelan ka ba titigil sa kabaliwan mo?" balik-sigaw ko ng hindi sumagot si Primo.
"Hindi ikaw ang kausap ko tumahimik ka! Dapat matagal ka na anming tinapos ng sa ganun wala ng hadlang! Wala kasing utak ang Leandro na iyon!" nanggagalaiti niyang saad.
Leandro? Yung ama nina Primo? Kung ganun ay magkasabwat pala talaga sila simula pa lamang noong una. Kailangan na talagang mapatahimik ang isang ito. Palihim kong tinignan si Neieva sa kanyang tabi,palihim din itong tumanggo saakin.
"Kukunin ko si Zeroel sayo ng sapilitan! Sugurin sila!" malakas niyang saad.
Mabilis na kumilos ang kanyang mga alagad kaya mabilis ding gumalaw ang mga bantay upang sila ang maunang humarap sa mga ito. Ngunit hindi maiwasang may makalusot kaya humanda na din kami. Naging alerto ako ng makita ko ang isang lumilipad na nilalang napapalapit saamin,naglabas ako ng espada sa kaliwang kamay ko habang magkahawak pa din kami ng kamay ni Primo. Bumaba ng kaunti ang nilalang na iyon kaya ng makalapit siya ay mabilis kong iwinasiwas ang aking kamay na amy espada patama sa kanya. Naging abo ito ng matamaan ko,bigla akong hinila ni Primo papalapit sa kanya at nakarinig na lamang ako ng sunod-sunod na daing mula sa aking likuran.
Tinignan niya lamang ako at mabilis na hinalikan sa noo. Napahiwalay kami ng biglang may dumaang sibat sa gitna naming dalawa. Tinignan ko ang pinanggalingan ng sibat na iyon at nakita ko ang nag-aapoy na mga mata ni Maurelli. Tinaasan ko lamang siya ng kilay kumilos siya ng mabilis ngunit hinarang siya ni Tamara at Shaviel. Napaigtad ako ng may humawak sa beywang ko sa likod.
"Hindi ba't may gagawin ka sa kanya?" dinig kong tanong ni Primo saakin mula sa likuran ko.
"Kailangan ko ng lugar at kaunting oras." saad ko.
"Masusunod basta gayahin mo alang ang gagawin ko."
Natahimik siya saglit ng makaramdam ako ng malakas na enerhiya mula sa kanya,napakalakas nito dahilan upang mapatigil ang lahat at mapatingin sa gawi naming dalawa.
"Gawin mo na,mahal."
Walang sabi sabi na ipinikit ko ang aking mga mata at pinakawalan ang aking enerhiya. Nakikita ko ang unti-unting pagbuo ng malaipo-ipong hangin na pumalibot samin ni Primo.
"Pigilan niyo sila!" dinig kong sigaw ni Maurelli.
Mabilis na tumalima sa uto ni Maurelli ang lahat ng kanyang mga alagad ngunit napapaatras sila kapag nakakalapit sa nakapalibot na hangin samin. Kitang kita ko ang pagdilim ng mukha ni Maurelli.
"Ahhh! Sandor!!" malakas niyang sigaw.
Nakaramdam ako ng pagyanig ng lupa,sa gawing kanan ay nakita ko ang pagtumba ng mga puno roon. Biglang may lumabas na malaking nilalang na may hawak na batong sandata na maraming matulis na ngipin.
"Sandor! Wasakin mo ang harang nila!" utos ni Maurelli sa halimaw.
Umalingawngaw ang nakakakilabot at malakas na atungol nito tsaka siya tumakbo patungo samin. Sinubukan siyang harangin ng mga bantay ngunit hindi siya mapigilan ng mga ito. Kelan nagkaroon ng ganitong nilalang si Maurelli? Wala namang sinabi sakin si Neieva. Malakas niyang hinampas ang hanging nakapalibot samin. Kasabay ng malakas na pagpalo niya ay siya ding atungol niya.
"Primo masisira niya." nag-aalala kong saad.
"Nakapagtataka naman paano niya napakawalan ang Ilter na iyan." kalmadong sabi ni Primo.
Paano ba siya nagiging ganyan ka kalmado sa lagay naming ito? Napapikit ako ng mabasag nito ang harang kaya mabilis itong sumugod samin ni Primo ngunit bago pa man kami tamaan ng sandata ng halimaw ay nasa kabilang bahagi na kaming dalawa. Nakita kong hinanap kami ng halimaw at ng makita niya kami at muli siyang bumadha ng pag-atake at sa pagkakataong ito ako naman ang aatake. Itinuon ko ang aking attensyon sa kanyang sandata itinaas ko ang aking kamay kasabay ng pagtaas ng kanyang sandata,iwinakli ko ang aking kamay dahilan upang mabitawan niya ang kanyang sandata at tumilapon iyon. Nakita ko ang galit sa mga mata ng halimaw kaya umatungol siya ng paulit-ulit. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kanyang sandata ngunit hindi ko siya hinayaang mahawakan iyon,kinontrol ko ang sandata at inihampas ko ito mismo sa halimaw dahilan upang matumba ito at madaganan ang iba pang halimaw.
Nawala ang attensyon ko ng makita ko ang mabilis na paglapit ni Maurelli ngunit bago pa man niya ako masaktan ay nahawakan na siya ni Primo at ihagis sa halimaw niyang alagad. Mabilis na lumapit sakin si Primo at hinawakan ako sa kamay. Kainis paano ko magagawa ang orasyon na iyon kung hindi ako mabigyan ng lugar at oras.
"Primo,paano ko magagawa yung dapat kong gawin kung hindi ako magkakaroon ng sapat na oras?"
Ngumisi siya saakin.
"Gilder! Gawin niyo na ngayon din!" maotoridad na sabi ni Primo.
Mabilis ang kilos ng mga bantay at nakapalibot na silang lahat. May itinusok silang parang patpatna nag-iilaw,napakurap ako ng mag-iba ang wangis ng mga patpat na iyon. Parang mga ugat na umuusbong sa lupa ang mga pulang kristal at ang bawat gilid niyon ay naggiging matulis. Huminto ang pagusbong nito na sa wari ko ay lampas sa taas ni Primo.
"Gawin mo na mahal panandalian lamang iyan." dinig kong sabi ni Primo.
Tumango ako sa kanya kailangan ko ng bilisan. Agad kong ikinumpas ang kamay ko upang ilabas ang aklat ni ina,hinanap ng mga mata ko si Neieva at ng magtama ang aming mga paningin ay tinanguan ko siya bilang hudyat. Inusal ko ang nakasulat sa pahina habang tinitignan kung paano lapitan ni Neieva si Maurelli at ikulong ito sa pagitan niya at ng kanyang espada.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" galit na galit na saad ni Maurelli.
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Neieva ng may sumabog na malakas sa kanang bahagi ng kinatatayuan ko. Pinagpatuloy ko lamang ang pagbasa at pagbigkas ng mga katagang nasa aklat,nakipagbuno si Neieva kay Maurelli. Malapit ng matapos ang orasyon ngunit hindi pa din mapermi si Maurelli sa lugar na iyon. Kailangan niyang mapermi roon,dahil siguro naramdaman ni Neieva na matatagalan kung makikipagbuno siya ng ganun at walang sabi-sabi na sinaksak niya si Maurelli dahilan upang mapaluhod ito.
"Ngayon na binibinbi!!" sigaw ni Neieva.
Saktong humarap si Maurelli tsaka ko naman pinbakawalan ang liwanag mula sa aking mga palad. Ginamitan ko din ito ng aking kapangyarihan kaya may bahid ng itim at lilang enerhiya ang kapangyarihang pinakawalan ko. Binasag ng kapangyarihang pinakawalan ko ang kristal na harang sa aking harapan at ang bawat madaanang halimaw at winawasak nito. Tanging si Maurelli lamang ang punterya nito kaya siya lamang ang hahanapin nito. Akmang lalayo siya ng makita kong hinawakan siyang muli ni Neieva at ng matamaan siya ng kapangyarihan ko ay mabilis na umiwas si Neieva.
Nilabanan niya ako gamit ang kapangyarihan niya medyo napalayo na ito sa kanay ng may humawak sa beywang ko at nagpakawala siya ng napakalakas na kapangyarihan. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng itim at pulang enerhiya na humalo sa pinakawalan kong kapangyarihan. Napaluhod na si Maurelli ng matamaan nun,hindi niya na din mapigilan ang pagtama nito sa kanya.
"Hindi!!!!" sigaw niya ng balutin nito ang katawan niya.
Ibinaba ko na ang aking kamay at pinanuod kung paano balutin ng pinakawalan kong kapangyarihan si Maurelli. Umusbong ang mga ugat na maraming tinik at kumapit iyon sa katawan ni Maurelli.
"Ahhhh! Alisin niyo ito!" pinilit niyang tanggalin ang mga iyon ngunit patuloy ang pagkapit nito sa kanyang katawan.
Binalot siya nito hanggang sa leeg bago nagliwanag ang mga ugat na iyon at naging kristal na lila at pula. Unti-unti ay nagliwanag ang katawan ni Maurelli hanggang sa dahan-dahang nawawala ang kanyang katawan.
"Hindi! Hindi! Babalikan ko kayo!" paulit-ulit niyang sigaw hanbang unti-unting naglalaho ang kanyang katawan niya.
Nang bago tuluyang mawala ang kanyang katawan ay nakaya niya pang magpakawala ng isang sibat bago pa man ako makailag ay pumaharap na si Primo at kasabay nun ang pagbadha ng sakit sa kanyang mukha.
"Primo!" agad ko siyang dinaluhan.
Halos manginig ang aking kamay ng makita ko ang sibat na nakatusok sa kanyang likod habang unti-unti itong naglalaho.
"Hindi! Primo!" iyak ko.
Hinawakan ko ang kanyang mga pisngi habang patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.
"S-sshh h-huwag k-kang u-miyak." mahina at malalim niyang saad.
"Hindi,pakisap huwag kang pipikit gagamutin kita." natataranta kong saad.
Ramdam ko ang pagbigat ng kanyang paghinga at unti-unting pagluwang ng pagkakahawak niya sa aking kamay.
"M-mahal k-kita." pabulong niyang sabi.
"Mahal din kita. Pakiusap huwag kang-Primo!!" sigaw ko ng ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Halos nanlamig ang buong kong katawan. Hindi!
"Primo!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top