PAHINA 63
Primo/Zeroel's Pov:
"Kuya natapos na namin ang pinaguutos mo!" mahinang sambit ni Zy sakin.
"Mabuti kung ganun,maghanda ka na din para mamaya." utos ko.
"Sa wakas magagawa mo na din na hindi ako yung tulay." dinig kong saad niya.
Tinitigan ko lamang siya at tinapik ang balikat niya bago ako lumabas ng kanyang silid. Ilang araw ko ng pinaghahandaan ito,wala na din naman akong alalahanin pa dahil binigyan nanaman ako ng permiso para dito. Kahit hindi ako bigyan ng permiso gagawin ko pa din naman ito. Inilabas ko ang maliit na kahon mula sa aking bulsa tsaka tinignan ang laman nito. Ang nagliliwanag at nagiibang kulay ng bato nito,muli ay ibinalik ko ito sa aking bulsa. Kaunting oras na lamang,kaunting panahon na lang.
(flashback)
Kailangan ko na silang kausapin tungkol sa isang bagay. Agad na umupo si Ginoong Iveon sa pinakagitnang upuan. Umupo siya ng may pormalidad.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa,Zeroel. Ngayong narito ka na nais kong mapag-usapan ang tungkol sa aking anak. Isang kalapastanganan para sa akin ang iyong ginawa. Pinakialaman mo siya na hindi pa kayo naiikakasal." puno ng diin ang bawat salitang kanyang binibitawan.
Sinalubong ko ang kanyang mga titig,tumikhim ako bago magsalita.
"Patawad kung kalapastanganan iyon para sa iyo ngunit sa tingin niyo tatakbuhan ko siya? Nawala lamang ako ngunit hindi ibig sabihin nun ay tatakasan ko na siya. Hindi ko siya inililigtas at pinapahalagahan para lang takasan siya,ginagawa ko iyon dahil gusto ko siyang makasama." wika ko.
"Kung gusto mo talagang makasama ang kapatid ko sana gumawa ka ng paraan upang matapos na ang babaeng iyon. Sinabihan na kita dati hindi ba? Saktan mo pa ang kapatid ko at hindi mo na siya makikita." nabaling ang aking atensyon sa bugnuting kuya ng aking amarith.
Umismid ako sa kanya kaya sinamaan niya agad ako ng tingin.
"Kung ganun bakit ka tumulong na kunin ako? Nakikita mo naman pala na nasasaktan siya dahil sakin,bakit hindi mo siya inilayo ng araw na iyon?" makahulugan kong saad.
Nakita ko ang pagiiba ng ekspresyon ng kanyang mukha at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at isang malakas na suntok ang iginawad niya saakin. Bahagya akong napaatras tsaka ko hinawakan ang aking panga.
"Para yan sa pagpapaiyak mo sa kapatid ko. Siraulo!" galit niyang saad.
Pinahid ko ang gilid ng aking labi. Ang hapdi tss. Hindi ako gumanti hindi naman kasi ang makipagsuntukan ang pakay ko rito. Tinitigan ko lamang siya at akmang lalapit nanaman siya ng pinigilan siya ng kanyang ama.
"Croxe tama na iyan,ano na lang ang sasabihin ng kapatid mo kapag nakita niya iyan."
"Dapat lang sa kanya yan ama." sagot niya at umupo sa pinakamalapit na upuan sa kanya.
Umupo din ako habang patuloy na minamasahe ang panga ko. Grabe ang lakas nun paano pa kaya kapag ako ang sumuntok sa kanya? Pasalamat siya hindi talaga siya ang pakay ko.
"Dideretsuhin ko na kayo Ginoong Quinzel,nais kong hingin ang permiso mo na pakasalan ko ang iyong anak." wika ko.
Ilang sandali pa siyang natahimik bago magsalita.
"Paano kapag hindi ko ibinigay ang permiso ko para doon?"
Mataman ko siyang tinignan bago sumagot.
"Ibigay niyo man o hindi itutuloy ko pa din na pakasalan siya."
Nabalot ulit kami ng katahimikan. Anuman ang isasagot niya kahit hindi niya ibigay ang permiso niya,wala pa din silang magagawa.
"Kailan mo balak pakasalan siya ng maihanda ko na ang lahat." sinupil ko ang ngiting gustong kumawala sa aking mga labi.
"Bigyan niyo lamang ako ng ilang araw upang tapusin ang dati pang matagal ko ng tinapos at kapag ayos na pakakasalan ko agad siya."
Tumango lamang siya saakin. Tumayo na ako at akmang lalabas ng kuwelyuhan ulit ako ni Croxe bago ako muling sinuntok. Abat!! Sinamaan ko siya ng tingin.
"Para naman yan sa paggalaw sa kapatid ko,kaya pala ayaw mong makita ko siya dahil ginalaw mo na. Pasalamat ka at hindi ko inilayo ang kapatid ko sayo,kung may nilalang man na dapat nasa tabi niya,ikaw yun. Ngunit hindi ibig sabihin nun na ayos na ako sayo,hindi pa din kita pinapatawad sa ginawa mo." madiin niyang sabi at bumalik sa inupuan niya.
Talaga namang!! Minasahe ko nanaman ang panga ko.
(end of flashback)
Bumaba ako at nagtungo sa may hardin,alam kong palagi siyang naririto. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at pinamasdan siyang nagaayos ng mga bulaklak sa mga lalagyan. Umalis ako sa pagkakasandal at lumapit sa kanya. Inilibot ko ang aking braso sa kanyang beywang at marahan ko siyang hinalikan sa ulo. Nakangiti siyang humarap saakin,kaya ngumiti din ako.
Sa buong buhay ko ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan.
"San ka galing kanina pa kita hinahanap."
Gustong-gusto kong naririnig ang malamyos niyang tinig.
"May ginawa lamang ako sa loob. Hindi ba't bilin ko sayo na huwag kang magpapagod?"
Tumawa lang siya sa sinabi ko. Nakakahalina.
"Hindi naman ako nagpapagod tsaka nakaupo naman ako habang inaayos itong mga bulaklak." paliwanag niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa katabi niyang upuan.
"Dito ka umupo sakin." wika ko habang pinapalo ng marahan ang aking binti.
Ngumiti siya at kumandong saakin. Nasa ganitong posisyon kami habang nagaayos siya ng mga bulaklak. Niyakap ko siya mula sa likuran at marahang hinihimas ang kanyang sinapupunan.
Ilang araw lang mahal,pakakasalan na kita.
********
Herezett's Pov:
Nagsidatingan na din sila sa wakas at lahat kami ngayon ay naririto sa hardin at masayang nagkukwentuhan habang kumakain. Ang saya ko na nagkakasundo ang lahat ng naririto. Nang matapos naming kumain ay tumambay muna kami dito sa labas. Napagkasunduan din na dito na muna magpapalipas ng gabi sina ama. Tahimik lang akong nakatanaw ng tumayo sa harapan ko si Primo. Inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan.
"May ipapakita ako sayo mahal." sabi niya.
Kahit nalilito ay hinawakan ko ang kanyang kamay at maingat niya akong inalalayan patungo sa loob ng matataas na halaman. Napakurap ako ng makita ko na may mga nagliliwanag na lalagyan sa aming daraanan papasok sa gitna ng mataas na halaman. Pinakatitigan ko ang mga lalagyan at nakita kong gumagalaw ang liwanag nito. Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gitna at namilog ang aking mga mata ng makita ang ayos ng lugar. Maraming bulaklak ang paligid at ang ilan rito ay nagliliwanag din. May nakasabit ding mga lampara na gumagalaw din ang liwanag nito. Ang banda,parang pinasadya talagang iayos ito ng ganito.
"Nagustuhan mo ba?" dinig kong tanong ni Primo.
"Oo,ang ganda." mangha kong saad.
Marahan niya akong inikot paharap sa kanya. Nakita ang kislap ng kasiyahan sa kanyang mga mata.
"Mahal ko,alam ko na nasaktan kita noong nawala ako kaya gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang sa bawat araw na naririto ka sa tabi ko. Sa sobrang tagal na nating magkasama hindi ko pa nga pala nasabi saiyo ang ibig sabihin ng amarith."
Oo nga ano?
"Oo pero may sinabi sakin si Tamara dati."
"Kung anuman ang sinabi niya utos ko iyon,dahil sasabihin ko lamang sayo ang tunay nitong mensahe sa araw na nakapagpasya na ako ng oras na iibahin ko na ang pangalan mo."
Kitang kita ang halo-halong emosyon sa kanyang abuhing mga mata.
"Primo..."
"Kinausap ko na ang ama mo para dito,matagal na akong nakahanda na kausapin siya at hingin ang kanyang permiso na maging isa kang Silverstone."
Pagkatapos niyang banggitin iyon inilabas niya ang maliit na kahon sa kanyang bulsa. Binuksan niya iyon at napanganga ako ng makita ang magandang singsing na nasa loob nun. Napatanga ako ng lumuhod siya sa aking harapan.
"Primo anong ginagawa mo?"
"Mahal pangako ko na pasasayahin kita araw araw,lahat gagawin ko mapasaya lang kita at ang mga magiging anak natin."
Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata.
"Primo.." garal-gal kong sabi.
"Mahal ang iyong permiso na lamang ang kailangan ko. Bibigyan mo ba ako ng permiso kapag hiningi kong pakasalan mo ako?" nakangiti niyang sabi.
Hindi ko na napigilan ang aking mga luha napahikbi ako. Hindi ko na din alam ang sasabihin ko,sobrang saya ko. Napatakip ako ng aking labi habang mahinang humihikbi. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila siya patayo. Inayos ko ang sarili ko bago magsalita.
"Hindi mo kailangang mangako ng ganun sakin at mas lalong hindi mo na kailangang hingin ang permiso ko. Dati pa handa na ako,alam ko na na ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa huling hininga ko. Kahit hindi mo na itanong papayag akong pakasal sayo,Primo." naiiyak kong saad.
Ngumiti siya at isinuot ang magandang singsing sa daliri ko. Mas lalo akong naiyak ng makita iyon. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din ang ginawa niya. Hindi ko alam kung hanggang saan na umaabot ang kasiyahan ko. Humiwalay siya sakin at marahan akong hinalikan.
"Mahal kita sobra." bakas ang labis na kasiyahan sa boses niya.
"Mahal din kita sobra."
Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata at kasabay nun ang mga lumilipad na liwanag na pumalibot samin. Mga nagliliwanag na mga paru-paro,pinapasunod sila ni Primo. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Wala na akong hahanapin at hihilingin pa mula sa kanya. Ang presensya niya ang mas mahalaga,yun lang ang gusto ko ang makasama siya hangga't humihinga ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top