PAHINA 62
Herezett's Pov:
Ilang araw din ang tinagal namin ni Primo sa bahay ni ama,bago kami lumipat muli sa mansyon nina Primo na naayos na din sa wakas. Nakalipat na ang lahat dito maliban kay Shaviel na pinsan ko na pinanatili ni ama roon.
"Primo?!" tawag ko sa kanya.
Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Kahit kailan talaga,hindi na niya ako pinapalabas ng mansyon ng walang bantay na umaaligid kapag wala siya.Ngumiti ako sa kanya.
"Bakit mahal? Anong kailangan mo?"
"Nagugutom nanaman ang anak mo. Hay."
Narinig ko siyang tumawa atsaka niya inilapag ang mangkok na punong puno ng prutas sa hita ko. Natakam ako kaya kumuha agad ako ng isa at isinubo ito. Ang bilis ko ng magutom ngayon. Kaya hindi ko mabilang kung ilang mangkok ba ng prutas ang nauubos ko sa isang araw. Patuloy lang ako sa pagkain habang nakaupo si Primo sa tabi ko. Paminsan-minsan ay sinusubuan ko din si Primo. Nilagyan niya ulit ito ng maubos ang laman,habang naghihintay ako sa kanya ng pumasok ang isang tagasilbi.
"Binibini may naghahanap ho sa inyo sa labas. Hindi ko po muna pinapasok kasi hindi po sila pamilyar sakin,atsaka ko bilin ni Panginoong Zeroel na huwag kami magpapapasok basta basta." mahaba niyang saad.
Ngumiti lamang ako sa kanya at tumayo upang silipin kung sino iyon. Nauna siya ng kaunti sakin at pinagbuksan ako ng pintuan. Agad akong tumanaw sa malaking tarangkahan at dahil mataas itong kinalalagyan ko kaya kitang kita ko na napalilibutan ng higit sa sampu sina mama at ang isa pang babae. Akmang hahakbang ako pababa ng hagdan ng pintuan ng may humawak sa beywang ko na siyang dahilan upang mapatigil ako.
"Papasukin sila." may kalakasang sabi ni Primo.
Agad na gumawa ng daanan ang mga bantay at ng makalampas sa kanila sina mama ay bumalik na sila kanya kanyang puwesto sa loob at labas ng tarangkahan. Yumakap agad ako kay mama at ganun din kay papa.
"Kamusta na po kayo matagal-tagal din po tayong hindi nagkita." masaya kong saad.
"Kami din Allyson." sabi ni mama at sinuklay-suklay ang aking buhok.
"May kalakihan na rin pala ang iyong tiyan,iha." dinig kong sabi ni papa.
Napatawa ako ng kaunti at hinawakan ang tiyan ko ng maalala ko ang kasama nilang babae.
"Ah siya nga po pala mama,sino iyang kasama ninyo?"
Ngumiti muna si mama at hinawakan ang babae na sa tingin ko ay kaedad nina Acielle. Pinaayos siya ni mama ng tayo dahil bahagya siyang nakayuko. Mahiyain siya,yun ang nakikita ko.
"Allyson,eto nga pala si Jasmin--ay mali si Menille pala." sabi ni mama.
"Kamusta? Maligayang pagdating dito." bati ko sa kanya.
"Salamat po ate." nahihiya niyang sabi.
Tinitigan ko ang kanyang mga mata at namangha ako sa magkaibang kulay nito. Ang isa ay dilaw na parang kahel at ang isa nama'y kulay asul. Napatingin ako bigla kay Primo ng pisilin niya ang beywang ko.
"Bakit Primo?"
"Pumasok na muna kayo sa loob."
Tumango ako nauna na sina mama ngunit napahinto ako ng mapansin kong hindi gumalaw si Primo.
"Mahal?"
"Mauna ka na susunod ako may gagawin lamang ako." sabi niya tsaka lumapit sakin at marahan akong ginaya papasok.
"Ano namang gagawin mo?" nagtataka kong tanong.
"Basta babalik din agad ako." tugon niya tsaka ako hinalikan sa noo bago isinara ang pinto.
Nagkibit balikat lamang ako bago sumunod kina mama. Nang makasunod ako sa kanila at saktong bumababa sina Acielle at Axiel. Bakas sa kanilang mukha ang pagkagulat sa kasamang binibini nina mama.
"Menille!" mabilis na bumaba si Acielle at niyakap si Menille.
Magkakilala sila? Matanong nga mamaya si Primo. Habang nakatitig ako kay Acielle na kinakamusta si Menille ay nahagip ng aking mata ang nakatitig na si Axiel. Hala! May gusto ba siya kay Menille? Iba kasi ang kislap ng kanyang mga mata habang nakatingin rito. Nakawala ang isang mahinang pagtawa mula saakin.
"Allyson,bakit?" dinig kong tanong ni mama.
"Ahh..wala po." nakangiti kong tugon.
"Nasaan si Zeroel?" tanong ni papa.
"May gagawin lang daw po." sagot ko na ikinatango niya naman.
Ano nga kaya ang ginawa niya sa labas?
"Masaya ako na magaling ka na,Menille!"
"Masaya din ako na nagkita tayong muli,Acielle."
"Sus ako lang ba ang nais mong makita?" makahulugang tanong ni Acielle tsaka siya ngumiti ng nakakaloko.
Bahagyang namula ang pisngi ni Menille sa sinabing iyon ni Acielle.
"A-ano bang s-sinasabi mo?" nauutal at nahihiyang sabi ni Menille.
May gusto din kaya ito kay Axiel?
"Naku! Kunwari ka pa eh. Axiel! Hindi mo man lang ba babatiin si Menille?" nakangising saad ni Acielle kay Axiel.
"Bakit ko naman siya babatiin?" masungit na saad ni Axiel.
Nakapamulsa siyang tumayo sa paanan ng hagdan.
"Kunwari ka din Axiel." mapang-asar na sabi ni Acielle.
Tinitigan lang siya ni Axiel na walang kaemoemosyon. Gusto nga ata niya si Menille,ang bilis niyang baguhin ang ekspresyon niya. Napalingon ako sa pintuan ng magbukas ito. Napangiti ako ng makitang si Primo iyon. Humalik siya agad sa aking noo ng makalapit siya.
"Mabuti naman at narito ka na,ano ba kasing ginawa mo?" tanong ko sa kanya.
"May inasikaso lang ako sa labas. Bakit ka sumimangot bigla?"
"Nagugutom nanaman ang anak natin." sabi ko.
Mahina siyang natawa sa sinabi ko. Totoo naman nagugutom nanaman ako este kami pala.
"Acielle,Axiel dalhin niyo sila kina ina." utos ni Primo bago ako inakay patungo ng kusina.
Pagkarating namin doon ay nakita ko ang mangkok na pinaglagyan niya kanina at may mga prutas na nasa paligid noon. Mukhang naudlot ang paghahanda niya kanina. Marahil naramdaman niyang lumabas ako. Pinaupo niya ako sa silya at inihanda ang mga prutas.
"Tulungan na kita,Primo."
Tinignan niya ako saglit at ngumiti.
"Huwag na mahal hayaan mong pagsilbihan kita." hindi pa din mapuknat ang ngiti niya habang hinihiwa ang mansanas.
Iba pa din talaga ang epekto niya sakin hanggang ngayon ganun pa din. Nagagawa niya pa din na pabilisin ang tibok ng puso ko. Hindi din siya pumapalya sa araw araw na iparamdam niya sakin kung gaano niya ako kamahal. Tinitigan ko siya sa ginagawa niya. Magiging kamukha niya kaya ang anak namin? O magiging kamukha ko? Hindi na talaga ako makapaghintay na makasama ko siya. Ibinaling niya saakin ang kanyang mga mata na sobrang nakakahalina.
"Bakit ganyan ka makatingin saakin?"
"Ahmm..wala naman."
Tumawa lang siya at inalalayan akong tumayo. Naguluhan ako noong una ngunit bigla niya akong binuhat at pinaupo sa may mesa. Kaya magkapantay na ang mga mukha namin.
"Eto kain ka na." sabi niya at sinubuan ako.
Natawa lang ako at kinagat ang prutas na isusubo niya sakin tsaka niya isunubo ang natitira.
"Mahal,inimbitahan ko ang pamilya mo na pumarito mamaya. Nag-aya si ina ng isang simpleng salo-salo."
Ah kaya siguro naririto sina mama,malamang inimbitahan din sila.
"Talaga? Ang saya naman,magsasama-sama tayong lahat." masaya kong tugon.
Tumawa lang siya at mabilis akong hinalikan sa labi.
"Hmmm...mas naging malasa yata ang katas ng prutas sayo." mahina niyang sabi.
Biglang naginit ang mga pisngi ko,alam ko na ang mangyayari.
"Primo." madiin kong sabi.
"Sige na mahal kahit isa lang. Sige na." nagmamakaawang sabi niya.
Alam ko na ang mangyayari kaya pagbibigyan ko na pero papakipot muna ako.
"Ayaw ko nga."
"Sige na,isa lang."
"Ayaw."
"Pakiusap mahal,nabubuhay na kasi."
Alam ko namumula na talaga ako sa mga pinagsasabi niya.
"Pilitin mo muna ako."
Ngumiti siya ng nakakaloko at hinalikan ako ng marahan at puno ng emosyon,tinugon ko naman iyon bago siya humiwalay.
"Hindi kita pipilitin kasi magkukusa ka naman." talaga inaakita niya ako?
Napatawa na lang ako hanggang sa mapansin kong nasa aming silid na kami.
*****
Zyfer's Pov:
Nasa isang parang ako ngayon kasama sina Tamara at Axiel. Inaayos namin ang lugar na ito sa utos ni Kuya.
"Axiel nasaan na yung mga bulaklak?" dinig kong tanong ni Tamara habang ako nama'y nagaayos ng mesa.
"Papunta na dito si Acielle dala ang mga iyon." sagot ng kapatid ko habang ikinakapit ang bilog na lampara sa kahoy na itinayo ko kanina.
Narinig kong inimbitahan ni ina ang pamilya ni Ally,ibig sabihin makikita ko ng muli si Shaviel. Dumadalaw naman ako dun ngunit iba pa din kapag nasa tabi ko siya sa mga oras na ito. Ipinagpatuloy ko lang ang pagaayos ng sumulpot si Viel na may dalang dalawang kahon at umiilaw ang nasa loob nun. Napahinto kami sa kanya kanyang ginagawa namin at lumapit sa kanya.
"Ano yang nasa loob?" tanong ko.
"Mga nagliliwanag na paru-paro,sabi ni Primo ikuha ko daw siya niyan para mamaya. Alam niya ba kung gaano kahirap hulihin ang mga ito?" reklamo niya.
"Bakit makakatanggi ka ba sa utos ni Kuya?" sabad ni Tamara.
"Hindi! Pasalamat yang kuya niyo kaibigan ko siya." wika niya.
Napailing na lamang ako. Matagal na kasi silang magkaibigan ni kuya,hindi man halata pero totoo iyon.
"Kuya Zy narito na ang bulaklak." napalingon ako ng tawagin ako ni Acielle at kasama niya si Menille.
"Ilagay niyo na muna sa upuan yan." sabi ko.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Ano pa ba ang kulang dito? Malapit ng magtakip-silim dapat maging maayos na ito. Wala na kaming sinayang na oras inilagay na namin ang dapat ilagay sa tamang lugar. Inayos na din namin ang mga dekorasyon sa paligid. Kumuha kami ng ilang piraso ng paru-parong nagliliwanag at inilagay iyon sa sisilad na may iba't ibang kulay. Ang natitirang paru-paro naman ay para na mamaya. Maayos na siguro ito nakuha na din naman namin ang inutos ni Kuya.
Oras na para sa sorpresa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top