PAHINA 61


Herezett's Pov:

Halos maubos ko na ang mangkok ng prutas na ibinigay ni Axiel sakin ngunit wala pa din si Primo. Bakit kaya ang tagal niya? Ano naman kaya ang ginawa ni Kuya at ama sa kanya. Nakatanaw pa din ako sa kabahayan hanggang sa maubos ko na ang mangkok ng prutas ay wala pa din siya. Tumayo ako at naglakad patungo sa mahabang lamesa na may mga plato,tumabi ako kay Ate Larissa.

"Ate ang tagal naman ata nila." sabi ko sa kanya na ikinatingin niya sakin.

"Huwag kang mag-alala masyado andito na din sila maya-maya." nakangiti niyang tugon.

Napabuntong hininga na lamang ako at inilapag ang walang lamang mangkok sa mesa.

"Gusto mo pa ba ng prutas ate?" napalingon ako sa tabi ko ng magsalita si Axiel.

Ngumiti ako sa kanya at tumango akmang kukunin niya ang bakanteng mangkok ng may humamblot nun,si Acielle.

"Ako ng gagawa para sa kanya." ngumiti siya ng malapad kay Axiel.

"Nauna akong magpresenta,Acielle. Kaya ako na." angal ni Axiel.

Napatitig lamang ako sa kanilang dalawa,ngayon ko lang nakitang ganyan si Axiel.

"Ikaw na yung gumawa kanina kaya ako naman ang gagawa para sa kanya." pagmamaktol ni Acielle.

"Tss. Akin na nga ako ng gagawa ako ang pinagbilinan niyan eh." ungot ni Axiel.

"Ako na nga kasi." inilayo ni Acielle ang mangkok ng akmang kukunin ito ni Axiel.

"Ako na sabi." pagpipilit ni Axiel at inabot ang mangkok na pilit inilalayo ni Acielle sa kanya.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.Tumikhim ako dahilan upang tumigil silang dalawa at lumingon sa gawi ko.

"Ahmm..Maari namang dalawa kayo ang gumawa eh hindi niyo na kailangang magtalo,nakakahilo kayong tignan." natatawa kong sabi.

Bigla silang umayos ng tayo at parehong namumula ang mukha nilang dalawa. Nag-iwas ng tingin si Acielle at si Axiel naman may napakamot ng kanyang batok.

"Pasensya na ate." nahihiyang sambit ni Acielle.

"Ayos lang."

Humarap siya at lumapit kay Axiel tsaka niya ito hinila patungo sa kabilang parte ng mesa.

"Dahan-dahan naman Acielle."

"Huwag ka ng umangal dyan bilisan mo na lang baka nagugutom na yung pamangkin natin. Isusumbong talaga kita kay Kuya mamaya."

"Ako pa talaga ang sisisihin mo!"

Padinig ko sa bangayan nilang dalawa habang papalayo saakin. Palihim akong napatawa sa kanilang dalawa. Napalingon ako sa gawi ng kabahayan at saktong may lumabas mula doon. Napangiti ako ng makita ko si Primo na papalapit saakin. Ngunit napangiwi ako ng makitang gusot na ang damit nita at napanganga ako ng makitang putok ang labi niya. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"Primo anong nangyari sayo? Bakit may sugat yang labi mo." puno ng pagaalala ang boses ko.

"Wala yan ayos lang-Aray!!" daing niya ng hawakan ko ang sugat niya.

"Hindi yan maayos tignan mo nga yan oh! Tsaka bakit ka may ganyan!??" tinignan ko siya ng masama.

"Ah kasi.."

Tinakpan ko ang kanyang labi ng makita kong dumaan si kuya Croxe at lumapit kay ate Larrisa. Hinila ko si Primo papalapit sa kanila.

"Kuya." tawag ko sa kanya.

Humarap siya sa gawi namin at kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Anong ginawa mo kay Primo? Bat may sugat ang labi niya?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala akong ginawa sa kanya.Tsaka bakit mo ba ako pinagbintangan ha,Ashren."

"Ikaw lang naman tsaka si ama ang kasama niya. Alangan naming si ama ang gumawa nito."

"Aba malay ko dyan sa lalaking iyan kung saan niya nakuha yan. Ashren,hindi maganda ang magbintang kung wala kang proweba na ako ang may kagagawan niyan."

Mas sinamaan ko siya ng tingin.

"Kuya alam ko na ayaw mo kay Primo pero bakit mo naman ginawa yan!"

"Talagang ayaw ko sa lalaking iyan,siraulo siya. Tignan mo yang pinaggagawa niya sayo!" inis niyang saad.

"Hindi niya naman ginusto iyon. Kuya naman eh." pagmamaktol ko.

Naramdaman kong may humawak sa beywang ko at may mabigat na pumatong sa balikat ko.

"Mahal,sinuntok ako ng kuya mo ng dalawang beses tapos ginusot niya ang damit ko." naglalambing ang boses ni Primo.

Sinamaan ko pa ng tingin si kuya.

"Abat talagang nagsumbong pa!" akmang lalapit siya ng hinila ni Primo ang katawan ko ng bahagya sa ganoong puwesto.

"Ate parusahan mo nga yang si Kuya." ungot ko kay ate Larissa.

"Croxe,hindi bat pinagusapan na natin ito?"

Hindi makapaniwalang lumingon sa gawi niya si Kuya.

"Kinakampihan mo ang lokong yan? Ako yung asawa mo." pagmamaktol ni Kuya.

"Kaya nga pinagsasabihan kita kasi asawa kita." mahinahong tugon ni Ate Larissa.

"Tss,ano bang ginawa ang lalaking iyan na kinakampihan niyo siya kesa saakin?" madiing saad ni Kuya.

"Ano ba kasing ginawa niya sayo at sinuntok mo!"

"Hindi niya kasi tinupad yung usapan namin. Ilang beses ko na siyang sinabihan,siraulo kasi."

Napataas ang kilay ko sa sinabing iyon ni Kuya. Magkakilala talaga sila ni Primo?

"Anong kasunduan?"

Napataas din ang kilay ni Kuya.

"Huwag mong sabihin na hindi pa niya na sabi saiyo?"

"Ang alin? Ano ba ang dapat niyang sabihin?"

Biglang ngumisi si Kuya at kasabay nun ang pagkawala ng bigat sa balikat ko.

"Hindi niya pa pala sinabi sayo na matagal na niyang alam na isa kang Quinzel?"

Napatanga ako sa sinabing iyon ni Kuya. Alam ni Primo na isa talaga akong Quinzel? Natanga akong humarap kay Primo na seryoso lang na nakatingin sakin.

"M-matagal mo ng alam?" mahina kong sabi.

"Ahmm..oo,hindi ko sinabi kasi isyu yun sa pagitan ng pamilyang umampon at nagpalaki sayo at sa tunay mong pamilya. Hindi ako ang tamang maglahad sayo ng katotohanan,hindi ako pakialamerong nilalang,kaya hinayaan ko na sila na ang malahad nun sayo. Patawad hindi ko sinabi." mahina niyang tugon.

Nakatitig lamang ako sa kanya. Tama nga naman siya isyu yun tungkol sa pamilya namin kaya kami dapat ang umayos.Patuloy ko siyang tinitigan. Hindi nga talaga siya yung tipo na nangingialam mas iintindihin niya pa ang sitwasyon. Lihim akong napangiti. Ayos lang na hindi niya sinabi naiintindihan ko.

"Mahal galit ka ba sakin? Magsalita ka naman patawad na kasi naglihim ako.Pakiusap kausapin mo naman-Aray!! Mahal!" naputol ang sasabihin niya ng pitikin ko ang tenga niya.

"Sira,gaano katagal mo ng alam?"

"Kalahating taon na ata-Aray naman!" pinitik ko ulit ang namumula niyang tenga.

"Ganun katagal? Tapos ako nalaman ko mahigit isang buwan pa lang ang nakakalipas?"angal ko.

"Hindi ko naman inasahan na aabutin sila ng ganito katagal. May pagkakataon na sila dati hindi naman gumalaw."

"Pinariringgan mo ba ako?!" madiing sabi ni Kuya mula sa likuran ko.

"Wala naman akong binanggit na pangalan,depende na lang iyon sayo." kalmadong sabi ni Primo.

"Abat!" akamang lalapit si Kuya ng harangin siya ni ate Larissa.

"Croxe!"

"Tumabi ka dyan mahal iisahan ko ulit yang lalaking iyan!"

Hinawawakan ako ni Primo sa balikat at nagtago siya sa likuran ko.

"Mahal oh susuntukin nanaman ako ng Kuya mo." parang batang sabi ni Primo.

Itinirik ko ang aking mga mata sa inasal ng dalawa. Kelan ba magkakasundo ang dalawang ito. Napatigil sila ng may tumikhim sa tabi namin. Si Ama.

"Mga ginoo iayon niyo naman ang kilos niyo sa inyong edad. Croxe,tama na yan napagusapan na natin ito." mahinahong saad ni ama.

Umayos naman si Kuya at muling tinapunan ng masamang tingin si Primo. Umayos din si Primo at hinimas ang tiyan ko. Sumunod kami kay ama habang naglalakad siya patungo sa mahabang lamesa.Nakatanaw lamang ako sa habang si Primo naman ay nasa likuran ko at nakahawak sa tiyan ko at bahagya iyong hinihimas,habang ang baba niya ay nakatukod sa ulo ko. Sana patuloy na ang ganito ngunit alam kong hindi pa ito magtutuloy hanggat nasa paligid pa ang babaeng iyon. Hindi pa kami matatahimik ng tuluyan,sa oras na bumalik siya sisiguraduhin ko na talagang mawawala na siya.


*****


Neieva's Pov:


"Handa na ba ang lahat?" mataray na sabi ng baliw na si Maurelli.

Bakit ko nga ba iniligtas to? Sana pala hinayaan ko na ang babaeng ito,ngunit sumusunod lang din ako sa utos ng isinumpang binibining iyon. Hindi ako takot sa baliw na ito pero sa magkasintang isiniumpa? Baka maging abo na ako hindi ko pa nalalapitan ang kapatid ko.

"Mga inutil!! Hindi ba't sabi ko na ihanda niyo ang bagay na iyon! Mga walang silbi!!" sigaw niya.

Itinirik ko na lamang ang aking mga mata,nakakarindi ang boses niya. Ang sarap niyang palunukin ng baso. Paano nga ba ako nasabit sa puder ng baliw na to?

"Neieva!!"

Tinignan ko siya ng masama ng sigawan niya ako. Baka hindi ko na siya matantsa! Bakit ba hinayaan pa nilang patakasin ito?

"Huwag mo nga akong sigaw-sigawan nasa pamamahay kita tandaan mo iyan." angil ko.

"Yung pinapahanap ko sayo nasaan na?"

"Nasa silid mo." malamig kong sabi.

Agad siyang umalis sa harapan ko at nagtungo sa silid niyang inuukupa. Tumayo ako at lumabas ng bahay. Naiinis na ako sa babaeng yun,nakakarindi! Ano pa ba ang binabalak ng babaeng iyon? At alam ba ng ginoong iyon ang plano niya? Inaamin ko napahanga ako ng binibining iyon,namumukod tangi siya. 

Dalawang bagay lang ang gusto ko ngayon,ang makalapit sa kapatid ko at ang makita ang pagbagsak ni Maurelli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top