PAHINA 60


Herezett's Pov:

Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid ng kama at nakatanaw sa labas ng bukas na terasa. Nasaang lugar kaya ako? Parang pamilyar ang bahay na ito ngunit hindi ko maalala. Nakarating na ba ako dito dati? Hinalukay ko ang aking alaala tungkol sa bahay na ito ngunit napatigil ako sa pagiisip ng biglang lumitaw si Primo sa harapan ko.

"Napakalalim naman ng iniisip mo mahal hindi ko maabot." seryoso niyang sabi.

Napakurap ako habang tinititigan siya. Umiling ako bilang tugon.

"Primo,kelan mo ako iuuwi?"

"Saan kita iuuwi?" Oo nga pala hindi niya alam na hindi ko totoong magulang ang kinalakihan kong mga nilalang.

"Doon sa tunay kong pamilya." Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Tunay na pamilya?" Tumango ako sa kanya.

"Noong nawala ka kasi nalaman ko na hindi ko pala totoong magulang sina mama. Pinagkatiwala ako ng tunay kong pamilya sa kanila dahil naging mapanganib ang buhay nila noon. Pagkalipas ng napahabang panahon tsaka lang nila ako nakitang muli. Yun marahil ang dahilan kung bakit palipat lipat kami noon. Naalala mo ba yung magulang ng kaibigan ni Victoria? Kuya ko pala iyon at pamangkin ko ang kaibigan ni Victoria,si Marione. Nahirapan ako noong una na intindihin ang lahat dahil wala ka sa tabi ko. Nagaalala ako sayo sumabay pa yung katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Matagal din bago ako naliwanagan at hanggang isang araw tumulong na din si Kuya para iligtas ka. Tsaka napapansin ko na tila mainit ang dugo niya sayo. Ewan ko ba kung bakit. Nakakalungkot lang dahil hindi ko na naabutan ang aking tunay na ina. Matagal na raw siyang namaalam dahil nagkaroon siya ng malubhang karamdaman. Alam mo Primo,natakot ako ng makita kong dinugo ako. Akala ko mawawala na ang anak natin. Mabuti na lamang at nailigtas siya. Patawad hindi ako nag-ingat."

Napatitig ako ng matiim ng ngumiti siya saakin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Masaya ako na nahanap mo na ang tunay mong magulang--mali ikaw pala ang nahanap nila. Mahal ko,lagi mong tatandaan kahit anong mangyari poprotektahan kita at ang magiging anak natin. Hindi ko hahayaang mapahamak kayong dalawa. Hindi ko kakayanin kung pareho kayong mawala baka mabaliw na ako lalo. Sa tagal kong nawalay sa inyo palagi kang pumapasok sa isipan ko,kung nakakakain ka ba ng maayos,nakakatulog ka ba ng maaga,kung inaalagaan ka ba nila. Nababaliw ako sa bawat araw na dumaraan kakaisip sayo. Patawad mahal ko ng dahil sakin muntik ka ng makunan. Pangako sa lalong madaling panahon tatapusin ko ito para sa kaligtasaan niyo."

Parang sasabog ang aking dibdib sa sayang nararamdaman ko. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng aking puso. Wala akong pakialam kung may nangyari sa kanila ng babaeng iyon,dahil alam ko na hindi siya iyon malaki ang tiwala ko kay Primo.

"Primo,sobrang saya ko na naririto ka ulit. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko na nahahawakan na kita ngayon. Mahal kita Primo at tutulungan kita sa lahat. Naalala mo pa yung sinabi mo saakin nung piging na kailangan mo ng katuwang. Primo,andito lang ako magiging katuwang mo ako habang panahon."

Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa sintido bago niya ako hinalikan sa labi ng saglit.

"Mahal na mahal kita,gagawin ko ang lahat para sayo at sa anak natin. Wala na akong hahanapin na magiging katuwang ko sa lahat. Andyan ka na,ikaw lang ang kailangan ko,ikaw lang ang buhay ko,ikaw lang ang mahal ko at mas mamahalin pa kita sa paglipas ng panahon."

Nakaramdam ako ng mainit na likidong dumaloy sa aking pisngi. Sobrang saya ko wala na akong kailangan pa kundi si Primo lang. Ngumiti ako sa kanya habang pinapahid niya ang luhang pumatak mula sa aking mata. Hinalikan niya ang aking noo at ngumiti.

"Handa ka na ba iuuwi na kita ngayon din." malumanay niyang sabi.

"Oo ikaw handa ka na bang makilala ang ama at kuya ko?" tanong ko sa kanya.

"Palagi akong handa mahal ko. Para sayo haharapin ko sila kahit anong oras." nakangiti niyang sabi.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Inalalayan niya akong tumayo tsaka kami lumabas ng silid habang pababa kami ng hagdan ay natanaw ko sa baba sina Viel,Acielle na sabi nila ay napaslang daw ngunit buhay pala at Trilt? Napakunot ang noo ko ng tuluyan kaming makababa ni Primo.

"Anong ginagawa mo dito Trilt?" agad kong tanong. Napakamot siya ng batok.

"Pinatawag ako ni Primo kaya narito ako." paliwanag niya.

Tinignan ko si Primo nagkibit balikat lang naman si Primo at inakbayan ako.

"Cast dalhin mo na kami doon."

Tumango lang si Viel at dahil magkatabi kami ay akmang hahawakan niya ako ng magsalitang muli si Primo.

"Doon ka sa gitna ni Acielle at Trilt,hindi kita binibigyan ng permisong hawakan siya." madiing sabi ni Primo.

Hanggang ngayon ba nagseselos pa din siya kay Viel?

"Seryoso Primo?! Kailangan ko siyang hawakan para makapunta na tayo roon." hindi makapaniwalang saad ni Viel.

"Tol,sumunod ka na lang para mapahaba pa ang buhay mo alam mo namang hindi pa nakakalimot yan sa ginawa mo noon sa pagtitipon." nakaismid na sabad ni Trilt.

"Wala naman akong ginawang masama!" pagtatanggol ni Viel sa sarili.

Palihim akong napatawa dahil para siyang batang nagmamaktol.

"Dito ka na kuya Viel magtatagal pa tayo dito." sabi ni Acielle at tumingin saakin tsaka ngumiti.

Ngumiti din ako pabalik at hinawakan niya ang kamay ko ng lumipat ng puwesto si Viel. Nang maayos na ang puwesto namin ay agad na nagliwanag ang mga mata ni Viel at sa isang iglap lang ay nasa isang malapad na damuhan na kami. Bumitaw na kami sa isa't isa maliban kay Primo na nakahawak sa beywang ko.

"Mabuti naman at narito na kayo." napalingon ako sa nagsalita.

"Kuya."

Seryoso lang siyang nakatingin saamin,hindi kay Primo lang pala habang nasa tabi niya si Ate Larissa na nakangiti.

"Zeroel Silverstone,nakita din kita sa wakas. Kailangan nating mag-usap ng masinsinan tungkol sa aking anak." dinig kong sabi ni ama mula sa likuran ni Kuya.

"Ginoong Quinzel nagagalak akong makita kayong muli. Nais ko rin pong makausap kayo tungkol sa isang napakahalagang bagay." pormal na tugon ni Primo.

Tumango lang si ama bilang tugon. Dahan dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa beywang ko tsaka niya ako hinalikan sa sintido at nagsimulang maglakad.

"Sasama ako ama may nais din akong liwanagin sa kanya." seryosong sabi ni kuya at sumunod kina ama at Primo sa loob.

Sana naman wala silang gawin kay Primo. Agad na lumapit si Ate Larissa sakin at hinaplos ang aking balikat.

"Masaya akong nakabalik ka na rito alam mo bang palaging bukambibig ng kuya mo si Zeroel dahil dinala ka niya sa kung saan ng halos tatlong araw?" natatawa niyang sabi.

"Talaga? Ate baka anong gawin niya kay Primo." nagaalala kong sabi.

"Wala kang dapat na ipagalala binibini usapang lalaki lamang iyon." sagot niya habang hinahaplos ang aking buhok.

"Halina kayo sa loob nagaantay na sila para sa inyong pagbabalik." pagaya niya samin.

Tinugunan ko siya ng ngiti at sabay sabay kaming pumasok sa kabahayan. Dumiretso kami sa kabilang hardin na may malaking estatwa na napapalibutan ng magagandang bulaklak. May mga mahabang upuan din roon na may sandalan,ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang mga abalang nilalang na naroroon.

"Ally!!" tawag ni Tamara sakin mula sa di kalayuan.

Agad kaming lumapit doon,mabilis akong niyakap ni Tamara.

"Matagal din kitang hindi nakasama." nakanguso niyang sabi.

"Baliw tatlong araw lang akong nawala." natatawa kong saad.

"Kahit na." parang bata niyang sabi.

"Hay nako Ally hayaan mo na yang si Tamara nagdadalaga na kasi." panunukso ni Shaviel.

Nakita ko agad ang pamumula ng pisngi ni Tamara.

"A-anong nagdadalaga ka dyan Shav." umiwas siya ng tingin saakin.

May ipinapahiwatig ang reaksyon niyang ito.

"Uusisain kita mamaya." sabi ko at mahina akong natawa.

Mas lalong namula ang pisngi niya at tenga. Naputol ang munti kong pagtawa ng may yumakap sa magkabila kong binti agad akong bumaba ng tingin.

"Ate! Andito ka na ulit!" masayang sabi ni Victoria.

"Oo nga Tita Ashren,wala na kaming kalaro ni Victoria kasi wala ka." nakangusong saad ni Marione. Hinimas ko ang ulo nilang dalawa at ngumiti.

"Hayaan niyo maglalaro tayo mamaya at may bago pa tayong kalaro." sabi ko at hinimas ang maumbok kong tiyan.

Hindi pa naman siya kalakihan eh ngunit halata na ang umbok ng aking tiyan.

"Ate kelan ba siya lalabas?" tanong ni Victoria habang hinahawakan ang aking tiyan.

"Matagal pa eh pero pwede na siyang makipaglaro mamaya." nakangiti kong tugon. Nabaling ang tingin ko kay Ginang Stella na nakangiti saakin. Hinawakan niya ang aking pisngi.

"Maligayang pagdating sa angkan ng mga Silverstone." nakangiti niyang sabi.

"Salamat po."

Tumango siya saakin at nabaling ang kanyang tingin sa aking likuran.

"Acielle,anak ko." naluluha niyang sabi habang lumalapit kay Acielle.

"Ina,mahal kong ina." umiiyak na saad ni Acielle.

Yumakap si Ginang Stella sa kanya at ganoon din ang kanyang ginawa. Masaya ako na kumpleto na sila ngunit hindi ko maiwasang malungkot ng kaunti. Sana kung naabutan ko ang tunay kong ina. Napaigtad ako ng konti ng may tumapik sa balikat ko.

"Maligayang pagbabalik Ally." wika ni Zyfer sa tabi ko.

"Kamusta naman kayo dito?" tanong ko sa kanya.

"Maayos naman kami dito lilipat na din kami ng tirahan sa susunod na linggo." wika niya.

"Saan naman kayo lilipat?"

"Maayos ng muli ang mansyon kaya babalik na kami roon syempre kasama ka. Baka mabaliw si kuya kung wala ka sa bahay." natatawa niyang sabi.

Baka nga ganoon ang mangyari kay Primo. Teka asan na kaya sila bat ang tagal naman ata nila. Nagyaya si Ginang Stella na kumain kaya pumunta kaming lahat sa pinanggalingan nila kung saan naroon si Axiel at Trilt na nauna ng pumarito. Umupo ako sa mahabang upuan na may sandalan ng may nagabot saakin ng mangkok na may ibat ibang prutas na nakahiwa. Tumingala ako upang tignan kung sino iyon tsaka ko inabot ang mangkok at ngumiti sa kanya.

"Salamat dito,Axiel."

"Walang anuman ate maligayang pagbabalik. Nagbilin kasi sakin si Kuya Primo na iyan daw ang ibibigay ko sa iyo." nakangiti niyang tugon.

Natawa na lang ako ng kaunti,si Primo talaga. Nagpaalam sakin si Axiel at pumaroon sa kakambal niya. Habang nakaupo ako ay naglalaro naman sa damuhan sina Victoria at Marione. May nakalatag na kumot sa damuhan at naroroon ang kanilang mga laruan. Habang sumusubo ako ng prutas ay nakatanaw ako sa bahay. Ano kayang pinagusapan nina Primo at napakatagal naman yata nila sa loob. Anong kayang ginawa nila ama at kuya sa kanya? Nag-aalala tuloy ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top