PAHINA 6
Herezett's Pov:
Walang klase ngayon kaya nandito lang ako sa aking silid. Parang gusto kong matulog buong araw o di kaya gumala. Napabangon ako sa kama ko. Gagala na lang ako. Kinuha ko agad ang jacket ko at isinuot. Binuksan ko ang pinto tsaka lumabas ng aking silid. Pagkasara ko naglakad ako diretso sa hagdanan. San kaya ako unang pupunta? Sa silid aklatan kaya? Dun na lang muna siguro. Tinahak ko ang daan papunta sa silid aklatan. Ang paaralang ito meron itong itinatago mayroon kayang libro doon na naglalaman ng lahat ng impormasyon sa paaralang ito? Mabilis akong naglakad upang makarating agad doon.
Pagkadating ko ay pumasok agad ako bibilangin lang ang nandoon. Tinungo ko ang estante ng mga libro sa kasaysayan. Baka may isa dito na makakapagpapalinaw ng mga tanong ko sa aking isipan. Sinuyod ko ang bawat hanay sa estante ngunit wala. Malamang ay di nila ilalagay dito ang anumang may kinalaman sa paaralan. Tumayo na ako. Titignan ko pa sa ibang estante. Umikot naman ako sa kabilang estante. Sinumulan kong basahin isa isa ang mga libro. Muli ay nabigo nanaman ako sa paghahanap kaya umikot ulit ako sa kabila.
Ngunit bago pa man ako makaikot ay may nakabunggo sakin kaya napaatras ako. Inis kong tinignan kung sino ang bumunggo sakin. Mas napaatras ako lalo ng mapagtanto ko kung sino iyon. Seryoso niya lang akong tinignan pagkatapos ay bigla niyang hinablot ang aking kamay. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa.
"A-anong ginagawa mo?! Bitawan mo ko." angal ko sa kanya.
Hindi niya ako sinagot patuloy niya lang akong tinignan. Anong bang problema ng taong ito? Pinilit kong kunin ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak. Sa pagpupumilit ko hinatak niya ako at isinandal sa pader.
'Waaahhh tulong!' sigaw ko sa utak ko.
Pwersahan kong ikalas ang sarili ko pero masyado siyang malakas.
"Kung ako sayo di ko na susubukan pang manlaban." seryoso niyang sabi sakin.
Parang umurong naman ang dila ko sa sinabi niya.
"Bakit ka nanginginig?" tanong niya.
"H-hindi a-ko nanginginig." pagtanggi ko.
Nakita kong umarko ang kanyang labi. Kinukutya niya ba ako? Uminit ang ulo ko sa nakita ko. Nagpumiglas ulit ako ng buong lakas.
"Bitawan mo ako." madiin kong sabi.
Napatigil ako ng ilapit niya ang labi niya sa tenga ko.
"Hayaan mo lang akong gawin to...Amarith." bulong niya.
Amarith? Bakit ba nila ako tinatawag sa ganoong pangalan?
Inilayo niya ang labi niya sa tenga ko sabay nilapit ang aking kamay sa mukha. Kasabay ng pagdampi ng kamay ko ay siya namang pagpikit ng kanyang mga mata. Pagmulat niya ulit ng kanyang mata sabay niyang hinalikan ang aking kamay. Di na ako nakagalaw pa.
'Ginawa niya din yung ginawa ni Zyfer sakin' sabi ko sa utak ko.
Pagkatapos nun ay umalis agad siya ako naman ay nakatulala lang doon.
Bakit mo din ginawa yun...
Primo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top