PAHINA 55
Third Person's Pov:
Nang dumating ang kinabukasan agad silang naghanda upang salakayin ang bahay ni Maurelli. Inihanda nila ang kanya kanyang mga sandata at pati na rin ang kanilang mga sarili. Subalit tahimik lamang na nakaupo at nakamasid sa kanila si Herezett. Napakalalim yata ng iniisip ng binibini at hindi na nito magawang makapagsalita pa at kausapin sila. Nakatanaw lang siya sa kawalan at napapabuntong hininga. Napansin yata ng kanyang kuya ang kakaibang nangyayari sa kanya kaya nilapitan niya ito.
"Ashren ayos ka lang?"
Tinignan niya ito at hindi siya sumagot. Napakunot ang noo ng kuya niya sa hindi nito pagsagot sa kanya. Lumuhod ito at pinantay ang mukha sa kapatid tsaka niya hinawakan ang magkabilang pisngi nito at iniharap sa kanya.
"May problema ba? Pakiusap sumagot ka naman saakin." pagsusumamo nito sa kanya.
"Si Primo kailangan siyang makuha." mahinang tugon nito sa kanya.
Nakita niya ang lungkot na lumulukob sa mga mata ng nakababatang kapatid at tila i8iyak nanaman ito kung kaya't niyakap niya siya at hinagod ang likod niya.
"Yun na nga ang gagawin natin ngayon hindi ba?" bulong niya.
Humiwalay siya sa pagkakayakap at muling tinignan ang kapatid. Hinalikan niya ito sa noo atsaka tumayo at inayos ang suot nito. Nakatingin lamang sa kanya ang kapatid bago ito tumayo at naglakad patungo sa iba pa nilang mga kasamahan.
"May makausap ako na kasamahan ni Maurelli." panimula niya na ikinatigil ng lahat.
Napatitig sila sa kanya na at tahimik lang na nakikiramdam.
"Ang sabi nito saakin pinaplano niya na tapusin ako,hindi,lahat tayo. Hindi siya titigil hanggat hindi niya nauubos lahat ng magiging sagabal sa kanya. Masyado na siyang namumuro. Hanggat maaari ay hayaan niyo na ako ang humarap sa babaeng iyon." seryosong saad ni Herezett.
"Hindi mapanganib yun Ally." sabi ni Tamara.
"Alam ko kaya nga ako ang haharap sa kanya. May nilalang siyang kinuha saakin at saakin siya dapat managot. Saakin siya nagkakaintindihan ba tayo?" madiin nitong wika.
Nagkatinginan silang lahat na tila ba naguusap sila gamit ang kanilang mga mata. Samantala lihim naman na napangiti ang kuya ni Herezett sa inaasal ng kanyang kapatid. Gusto niya ang pagkamasayahin nito dati ngunit hindi naman masamang maging ganito ito minsan.
"Kung ganun handa na ba kayong lahat? Kailangan na nating umalis." basag niya sa nakakarinding katahimikan.
"Handa na ako." saad ni Tamara
"Ako din." wika ni Shaviel.
"Tara na baka maunahan nila tayo." sabi ni Zyfer.
"Handa na kami dito." Sagot ni Viel at tinutukoy sina Axiel at Acielle na hanggang ngayon ay nakatago pa din sa likod ng asul na kalasag.
Tumango lamang siya at nagtipon silang lahat at pumorpa ng isang bilog.
"Maghawak na kayo ng kamay dahil dadalhin ko na kayo roon." wika ni Viel.
Sinunod nila ang sinabi nito unti unti nakaramdam sila ng katamtamang hangin hanggang sa lumakas ito. Sa isang iglap ay nasa ibang lugar na sila isang tahimik na kakahuyan. Nang hiwalay na sila ng mga kamay at inilibot ang kanilang mga mata. Sa di kalayuan ay nakita na nila ang bahay ni Maurelli at mula doon kitang kita nila kung gaano karami ang mga nagbabantay sa labas ng bahay na iyon.
"Maghihiwalay hiwalay ba tayo?" pabulong na tanong ni Tamara.
"Hindi masyadong delikado kung maghihiwalay tayo dito sa labas. Kapag nakapasok na tayo tsaka lang tayo maghihiwalay upang madaling mahanap si Primo." mahina ngunit may diing sabi ni Herezett.
"Tama ang binibini,mas mabuting sama-sama tayong papasok." wika ni Acielle at tinignan ang seryosong mukha ni Herezett na nakatanaw sa bahay.
Nakikita niya ang pangungulila at pananabik sa mga mata nito pati na rin ang galit ngunit nag-aalala siya gayong dinadala nito ang anak ng kuya niya. Napadako ang tingin niya sa isang nagbabantay na papalapit sa direksyon nila.
"May paparating." agad niyang sabi.
Mabilis silang lahat na nagtago sa kung saang pwedeng mapagtaguan na hindi malayo sa isa't isa. Nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki at malapit ito sa pinagtataguan ni Herezett. Nilingon siya ng kuya niya at may sinasabi ito sa kanya ng walang tunog na lumalabas sa mga labi nito. Hindi gumawa ng ingay si Herezett at nakita niya ang lalaki na nasa gilid na ng pinagtataguan niya bigla itong lumingon kaya mabilis niya itong sinuntok ang lalamunan nito. Hindi niya alam ngunit nagagawa niya ang mga ganitong bagay. Hinila niya ito at ibinalibag sa malaking bato,lahat sila ay namilog ang mga mata sa nasaksihan nila. Akmang tatayo ang lalaki ng hampasin siya ni Viel ng malaking kahoy dahilan upang mawalan ito ng malay. Tsaka naman ito tinuluyan ni Acielle at naging abo.
"Hindi ko akalain na magagawa mo ang ganoong bagay Ally." manghang sabi ni Shaviel.
"Ako din." sabad ni Tamara.
Tinignan lamang sila ni Herezett.
"Kailangan na nating magmadali ngayon hindi ito ang oras para mamangha kayo sa ginawa ko. Wala namang mali sa ginawa ko hindi ba?"
"Wala naman ngunit nakakagulat lamang." wika ni Zyfer.
"Tama na iyan. Tara na doon sa bahay." sabi ni Axiel.
Natahimik sila at tsaka inilabas ang kani-kanilang mga sandata. Mabilis silang lumapit sa huling puno bago ang bahay.
"Ashren sa likod ka lang. Sa likod kayo magbantay." sabi ni Croxe kay Herezett.
Tumango lamang sa kanya ang kapatid nagsimulang magbilang si Viel tsaka sila lumabas ng kakahuyan. Nasa unahan ang mga lalaki habang naghahanda naman sa likuran ang mga binibini. Nang makita sila ng mga taga-bantay mabilis silang sumugod sa mga ito. Apat na ginoo laban sa sampung mga nakabantay. Mabilis ang ginawang mga galaw ng mga ginoo laban sa mga nakaitim na mga bantay. May tatlong nakalusot sa kanila at patungo ang mga iyon sa mga binibini sa likuran mabilis na pumaharap sina Shaviel,Tamara at Acielle kay Herezett. Sinalag nila ang kanilang mga espada sa mga bantay at iwinasiwas iyon.
Habang nakikipaglaban sila ay unti unting dumarating ang iba pang mga bantay at iyon ang nagpatagal sa kanila. Mapatay man nila ang isa dalawa ang pumapalit. Habang naglalaban nakaramdam sila ng malakas na ihip ng hangin at tila hindi ito pangkaraniwan dahil may kakaibang presensya ito. Umisang linya silang lahat habang nasa likuran nila si Herezett. Akamang lalapit muli ang mga bantay ng may umusbong na mga ugat na matitinik. Napaatras sila ng dumami pa iyon at isa isang tinapos ng mga ugat ang mga bantay. Napalingon sila sa likuran at nakita nila ang mga mata ni Herezett na nagliliwanag,hindi pangkaraniwan ang kulay nito. Itinaas ng binibini ang kanyang kamay at sa isang iglap wala na ang mga bantay naging abo na ang mga ito at kasabay nun ang pagkawala ng mga ugat kanina. Bumalik na din sa dati ang mga mata ni Herezett tsaka niya sila tinignan isa isa.
"Ayos lamang ba kayo?" tanong ni Herezett sa kanila.
"O-oo paanong?" hindi makapaniwalang sabi ni Viel.
"Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa inyong lahat. Umilos na tayo dahil padami sila ng padami." seryosong tugon niya.
Mabilis silang naglakad at may nakakasalubong silang mga bantay pa doon ngunit hindi iyon nakapigil pa sa kanila hanggang sa makarating sila sa isang pintuan. Ngunit hindi nila binuksan iyon sinira iyon ni Axiel na nagdulot ng malaking butas sa pader nito. Pagtapak nila ay biglang nagsilabasan ang mga bantay at muli nakipagbuno nanaman sila rito.
"Zyfer! Kami ng bahala rito mauna na kayo! hanapin niyo na si Primo." sigaw ni Viel.
"Sige! Shav!" tawag ni Zyfer kay Shaviel.
"Mauna na kayo kami na rito!" tugon nito sa kanya.
"Pero-"
"Pangako mag-iingat ako at pagbalik mo humihinga pa ako." sabi nito sa kanya.
Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap muna ang binibini tsaka ito hinalikan ng mabilis.
"Babalikan kita." sabi niya rito at tinugunan naman ng ngiti iyon ng binibini.
Hinawakan ni Croxe ang kamay ng kapatid at hinila ito habang nakikipag laban. Nauna sila sina Zyfer,Herezett,Croxe at Axiel. Habang naiwan naman sina Shaviel,Tamara,Acielle at Viel. Patuloy ang pagtakbo nila sa mga pasilyo at patuloy din ang paglaban nila sa mga bantay roon. Pinalibutan nila si Herezett habang nakikipaglaban sila ngunit paminsan minsan ay kailangang tumulong ng binibini sa kanila. Huminto sila sa isang malawak ng bulwagan tila may kakaiba roon dahil wala man lang mga bantay.
"Tignan mo nga naman ang lakas din ng loob niyo." napatingin sila sa nagsalita sa taas ng malaking hagdan.
Si Maurelli.
"Hindi ko na pala kailangang puntahan pa kayo dahil kayo mismo ang lumapit sa katapusan niyo." tumatawang saad nito.
"Alam naman namin na duwag kang lumusob doon kaya kami na lamang ang nagkusang loob." sarkastikong sabi ni Herezett sa kanya.
Pinaningkitan niya ito ng mata ngunit inismiran lamang siya ng binibini. Naglakad ang binibini paharap pinigilan siya ni Croxe ngunit hindi niya ito pinansin. Hinarap niya si Maurelli at matiim itong tinignan.
"Ibalik mo siya babae." walang emosyong sabi niya rito.
Tumawa lamang si Maurelli at humalukipkip.
"Edi kunin mo siya. Kung makukuha mo." panghahamon nito sa kanya.
Walang sabi ay nagliwanag ang mga mata ni Herezett habang nakatingin kay Maurelli.
"Akalain mo nga naman. Isinumpang mga mata,ang mga matang hindi pangkaraniwan ang kulay. Itim at lila. Wala akong pakialam kung isinumpa ang mga matang iyan kung hindi mo man lang kayang gamitin ng tama." pang-uuyam nito sa kanya.
Sumenyas si Maurelli na sugurin ang binibini ngunit bago pa makalapit ang mga ito ay pinigilan na sila ng mga ginoong kasama ni Herezett. Habang nilalabanan ng mga ginoo ang mga nakaitim na lalaki ay biglang napunta sa likuran ni Herezett si Maurelli. Mabilis na sinalag ni Herezett ang atake ni Maurelli tsaka niya ito hinawakan sa kamay at inikot ito dahilan upang mapadaing si Maurelli tsaka niya ito itinulak. Binalingan siya nito ng nakakamatay na tingin ngunit hindi nagpakita ng pagkabahala ang binibini. Isa lamang ang nais niya ang mawala ang babaeng ito na nasa harapan niya. Malaki ang kasalanan nito sa kanya,kinuha nito si Primo.
"Hindi na rin masama sa isang baguhan." nakaismid na sabi niya kay Herezett.
"At hindi na rin masama sa isang mang-aagaw."
Nagpupuyos sa galit si Maurelli sa sinabing iyon ni Herezett. Mabilis siyang kumilos at naglabas ng sandata at iniwasiwas kay Herezett ngunit nabigla siya ng magawang magpalabas ng binibini ng isang espada. Itinulak niya si Maurelli na galit na galit.
"Ibalik mo na siya." walang emosyong sabi niya.
"Akin siya dati pa kaya wala akong ibabalik sa'yo!" malakas na sabi nito.
Hindi na nagsalita si Herezett bagkos ay naging mabilis din ang kilos niya at pumalikod kay Maurelli ngunit humarap ito sa kanya,tila ba nabasa nito ang gagawin niya tsaka siya nito hinawakan sa kamay at isinandal sa poste.
"Hindi mo ako maiisahan." bulong nito sa kanya.
Nagpumiglas si Herezett at inapakan nito ng malakas ang paa ni Maurelli dahilan upang mabitawan siya nito tsaka niya siya hinarap muli at sinuntok ng malakas. Napaatras si Maurelli sobrang dilim ng mukha nito habang nakatingin kay Herezett. Lumapit siyang muli kay Maurelli at sinuntok ito ng paulit ulit. Gusto niyang ilabas lahat ng galit niya sa babaeng ito hindi na niya pipigilan ang kanyang sarili.
Hindi gumanti si Maurelli o kaya sinalag man lang lahat ng suntok ni Herezett napangisi pa siya sa ginagawa nito sa kanya. Akmang susuntukin niya ng malakas si Maurelli ng may humawak sa kamao niya. Halos manlabot ang mga tuhod niyang makita kung sino iyon.
"Primo." mahina niyang sabi.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa asawa ko,lapastangan." may diin nitong saad.
Hindi mawari ni Herezett kung ano ang nararamdaman niya sa sinabing iyon ni Primo.
"H-hindi mo siya asawa. Niloloko ka niya."malakas niyang sabi nagbabakasakali na magising ito.
"At sino ka para sabihin yan!" galit na sigaw nito sa kanya.
Tila napaurong ang dila niya sa pagsigaw na iyon. Hindi siya nakaimik pa ng tumilapon siya ng malayo mabuti na lamang at nasalo siya ni Croxe. Maingat siya nitong inalalayan. Hindi na niya napigilan ang sarili na maiyak ng makitang inalalayan ni Primo si Maurelli. Sumisikip ang dibdib niya napatunayan niyang may ginawa nga ang babaeng iyon kay Primo. Tila nawala lahat ng lakas na meron siya,pinalitan iyon ng sakit.
Parang pinipiga ang puso niya ng ginagamot pa ni Primo si Maurelli tsaka ito bumaling sa kanila ng masamang tingin. Ano ba ang dapat niyang gawin hindi niya kayang labanan si Primo kahit alam niyang mangyayari ito. Nawala na ang lakas ng loob niya at hindi ito maganda.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top