PAHINA 54
Zyfer's Pov:
Nasa malawak na hardin kami ngayon kasama sina Axiel at Viel pati ang babaeng nakakalasag na tumulong samin na makatakas. Nakapagtataka naman bakit sila magkasama? Tahimik kaming lahat walang umiimik ni isa. Napalingon ako ng dumating ang kuya ni Ally kasama siya.
"Teka bakit andito ka Ally?" windang na tanong ni Tamara.
Nakatingin lang siya samin.
"Tutulong ako."
"Ano? Masyado tong mapanganib alam mo ba yun? Mapapahamak kayo ng dinadala mo!" mariin kong sabi.
"Alam ko iyon kaya nga ako tutulong at ayokong maupo na lamang rito at maghintay. Gusto kong makita si Primo."
Hindi ko maiwasang iyukom ang aking kamay sa sinabi niya. Nakakainis!
"Kaya namin to Ally! Mapapahamak ka lamang at mas malaking problema yun!" madiin kong tugon.
Nakita ko ang kalungkutan na dumaan sa kanyang mga mata. Hindi siya maaaring tumulong ayokong mapahamak siya at ang anak ni Kuya.
"Alam kong ayaw niyo na tumulong ako ngunit buo na ang pasya ko."
Ngayon ko lamang siya nakitang ganyan ka seryoso.
"Ngunit Ally-"
"Kung maaari huwag niyo na akong pigilan sinasabi ko sa inyo hindi na magbabago ang pasya ko sang-ayon man kayo o hindi." pagputol niya kay Shaviel.
Seryoso talaga siyang tutulong siya. Parang nagiging si Kuya siya kapag ganyan siya.
"Kung ganun maaari na ba tayong magsimula?" tanong ni Viel.
Kaya nabaling sa kanya ang aming atensyon. Napabuntong hininga ako at napaupo na lang sa damuhan.
"Kailangan niyo munang malaman ang pasikot sikot ng bahay na yun." pamimula ni Viel.
May ibinigay siyang mapa samin tinignan ko iyon.
"Dahil sa nangyaring mga kaguluhan doon nitong nakaraan natitiyak ko na mas dumami pa ang mga nagbabantay doon. Yang mapang yan ang susundan natin upang mapabilis tayo at kahit anong mangyari huwag na huwag kayong gagawa ng wala sa plano dahil mananagot tayong lahat." dugtong niya.
"Gaano naman kalaki ang tyansa na makukuha natin si Kuya Primo?" tanong ni Tamara.
"Maliit pero kakayanin." muling sabi ni Viel.
Napapansin ko na siya lang ang nagsasalita sa kanilang tatlo. Nagpatuloy ang pagpaplano ng makarinig kami ng daing.
"Ashren.." puno ng pagaalala ang boses niya habang dinadaluhan si Ally.
Napatayo ako at umalalay sa kanya. Huwag mong sabihin na nangyayari nanaman?
"Ahhh! H-hindi a-ako maka-hinga." paos na sabi ni Ally.
"Shaviel ipatawag mong muli ang manggagamot ngayon din!" utos ng kuya ni Ally.
Mabilis na tumalima si Shaviel atsaka binuhat ng mabilis si Ally ng kuya niya. Nakita kong may mga ugat ugat na lumilitaw sa katawan ni Ally. Mas nagaalala ako ng makita ko ang mga yun. Kainis! Mabilis na dinala si Ally pabalik ng bahay. Agad siyang inihiga sa mahabang upuan.
"Anong nangyari sa kanya?!" dinig kong tanong ni binibining Larrisa pagkapasok namin.
"Nangyayari nanaman." tugon nito sa asawa.
Nakatingin lamang ako sa nasasaktang mukha ni Ally unti unting lumalabas ang mga ugat ugat sa katawan niya. Napapahigpit na din ang hawak niya sa braso ng kuya niya at tuloy tuloy ang pagluha niya. Napalingon ako ng dumating ang manggagamot kasama ni Shaviel. Agad siyang lumapit kay Ally kaya lumayo muna ang kuya ni Ally. Hinawakan niya ang kamay ni Ally at nagliwanag ito kasabay ng mga ibinibigkas niyang mga salita. Unti unting naglalaho ang mga ugat sa katawan ni Ally ngunit ilang segundo lamang ay bumabalik itong mula. Ganito ba kalakas ang dinadala niya at kahit ang orakolong manggagamot ay hindi ito magawang pigilan ng tuluyan? Nakarinig ulit ako ng daing mulay Ally at mas lalo akong natakot sa kalagayan niya ng naging itim ang buong mata niya.
"Anong nangyayari sa kanya?" mabilis na tanong ng ama ni Ally magkadating niya dito.
"Nilalamon na siya ng sobrang kapangyarihan ng dinadala niya. Masyado ng mapanganib kapag hindi pa napigilan ang nangyayaring ito sa kanya." sagot ng manggagamot habang patuloy niyang pinipigilan ang nangyayaring pag-agaw ng lakas ng dinadala ni Ally.
Napaatras kami ng may mga kristal na lumusot mula sa sahig at lahat iyon at matulis ang hugis.
"Ahhhh! Lumayo kayo sakin!!" sigaw ni Ally.
Mas lalong dumami ang mga kristal na umuusbong mula sa lupa. Napaatras ako ng may lumabas na kristal sa harapan ko ang muntik na akong matamaan ng matulis nitong dulo. Mabilis na kinuha ng kuya ni Ally ang manggagamot at inilayo doon. Kasabay ng pagkuha niya sa manggagamot ay biglang may itim na kristal ang umusbong doon. Napalitan ng malalakas na hikbi ang kanina'y mga daing ni Ally. Naiyukom ko ang kamay ko wala man lang akong magawa dito kainis! Tumigil ang unti unting pagusbong ng mga kristal ay tumahimik na din si Ally. Maya maya pa ay isa isang nabasag ng pinong pino ang mga kristal at doon namin na kita si Ally na nakaupo pa din sa mahabang upuan at nakahawak sa dibdib niya. Dahan dahan ay itinaas niya ang kanyang mukha. Ang mga mata niya nagliliwanag iyon mgumit tila may kakaiba na doon itim at lila na ang kulay nito. Bigla siyang sumandal sa mahabang upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. Dahan dahang lumitaw ang mga hindi pangkaraniwang mga marka sa kanyang leeg.
"Ally ayos ka lang ba?" dinig kong tanong ni Tamara mula dito sa kinatatayuan namin.
Diretso siyang tinignan ni Ally.
"Ayos lang."
Ang boses niya tila may iba. Ilang minuto din akong nakatitig sa kanya ng tumayo siya bigla at naglakad patungong hagdan. Tumigil siya sa unang baitang ng hagdanan.
"Bukas kukunin natin si Primo. Papawag man kayo o hindi sasama ako." sabi niya bago umakyat ng hagdan.
Ako lang ba o kakaiba siya pagkatapos ng nangyari? Wala akong may narinig na nagsalita kahit sino man sa paligid ng mga halos dalawang minuto bago basagin ng manggagamot ang katahimikan.
"Dinaig na niya ng dinadala niya. Mas malakas na siya nakapagtataka masyadong malakas ang dinadala niya ngunit nagawa niya itong tapatan. Iba siyang klase natatanging,Amarith." sabi ng manggagamot.
Dinaig niya ang dinadala niya ibig sabihin hindi na nga ba mangyayari ang pang-aagaw ng lakas nito sa kanya? Nakatanaw lang ako sa naglalahong bulto ni Ally. Napabuntong hininga na lamang ako. Kailangan na naming maghanda para bukas kailangan na din matapos lahat ng ito.
********
Someone's Pov:
Tama ba itong nakikita ko? Nlabanan niya ang kapangyarihan ng dinadala niya? Ibig sabihin mas malakas na siya ngayon at desidido siyang bawiin si Zeroel. Mukhang masaya ito ano kayang magiging reaksyon ni Maurelli kapag nakalaban na niya ang babaeng ito? Mabilis akong umalis at bumalik sa tinutuluyan kong lugar sa malapit. Pagkapasok ko ng pintuan ay agad na sumalubong saakin ang isang babaeng prenteng nakaupo sa mahabang upuan. Sino naman ito?
"Paumanhin ngunit sa akin ang bahay na ito."
Tumayo siya. Teka? Pamilyar ang damit niya pagkaharap niya ay doon ko nga nakumpirma kung sino ang babae. Paano siya napunta rito?
"Bakit ka nagmamanman sa bahay na iyon? Anong kailangan mo samin?" diretso niyang tanong.
Biglang nanlamig ang kamay ko ng tignan niya ako. Ewan ko ngunit palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
"Paano ka nakarating dito?"
"Sagutin mo ang tanong ko!" napaatras ako sa tono ng boses niya.
Ganito ba ang isang babae kapag dinadala niya ang isang Silverstone?
"Wala akong kailangan sa inyo kaya pwede ba umalis ka na."
Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Napawang ang labi ko sa sobrang bilis ng pagkilos niya. Matiim niya akong tinitigan hanggang sa magliwanag ang kanyang mga mata dahilan upang mapaatras ako ng kaunti. Kainis delikado ako neto.
"Sumagot ka babae."
"N-napagutusan lang ako." bakit ako nautal?
Ganito ba ang naramdaman nila kanina ng makita ang pagbabago niya?
"Sino?"
Halata sa boses niya na nagpipigil siya ng sarili.
"Hindi ko maaaring sabihin sayo binibini."
Mabilis niya akong itinulak sa pintuan at napadaing ako ng malakas.
"Dalawa lang naman ang pagpipilian mo binibini sasabihin mo o ngayon mismo mawawala ka ng tuluyan." malamig niyang saad.
Hindi ako nagsalita kaya napasinghap ako ng sakalin niya ako. Napahawak ako sa kamay niya ng itaas niya ako mula sa tinatapakan ko. Hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking leeg.
"Magsalita ka na."
Kainis alam kong mali yung ginagawa ko pero ayoko pang mamatay sa mga panahong ito hinahanap ko pa ang kapatid ko.
"S-si M-maurelli."
Pagkasabi ko nun binitawan niya ako kaya napaubo ako at sinusubukang makahinga ng maayos.
"Ano bang kailangan ng babaeng iyon saakin?"
Napatitig ako sa kanya na nakatingin saakin ng seryoso.
"Papaslangin ka niya."
Hindi na siya nagsalita sa sinabi ko. Nakaramdam ako ng takot ng ngumisi siya saakin. Hindi talaga maganda ito. Tss.
"Sasabihin mo saakin lahat lahat sa pinaplano ng babaeng iyon at kung nasa kanya nga si Primo at tutulungan kita sa kahit ano."
Napaisip ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Totoo ba ang sinasabi niya o papaslangin niya rin ako pagkatapos. Arrrgggg!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top