PAHINA 53

Herezett's Pov:

Wala sa sariling napaupo ako sa aking kama. Si Primo nandoon pala siya sa babaeng iyon? Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos. Kasama siya ng babaeng iyon samantalang ako,kami ng anak niya nagaantay rito ilang linggo na. Hindi ko nanaman napigilan ang aking sarili na umiyak. Paano siya makakabalik samin? Pinahid ko ang luha ko atsaka ako tumayo at lumabas muli ng aking silid. Naglakad ako patungo sa silid ng mga larawan. Agad akong pumasok ng makarating ako. Umupo ako sa mahabang upuan.

Paano ko siya mababawi doon? Kailangan ko siyang mabawi. Tumayo ako at nagikot ikot sa bawat sulok ng silid habang iniisip kung paano ko maibabalik si Primo. Napahinto ako sa isang libro na nasa itaas ng aparador at napapagitnaan ng apat na larawan. Kinuha ko iyon at bumalik sa mahabang upuan. Pinunasan ko muna ang pabalat nun atsaka ko binuklat. Ineksamima ko ang mga nakasulat doon. Hindi ko ito maintindihan ang bawat salita ay nakasulat sa isang hindi maintindihang lingguwahe.

"Salmanfri-a èscrès." mahina kong basa.

Biglang umihip ang katamtamang hangin. Ilang segundo lamang ang itinagal ng ihip ng hangin. Ano iyon? Muli akong napatingin sa libro iba na ang nakasulat doon. Paanong nangyari ito? Muli ay ikinurap ko ang aking mga mata at ganoon pa din ang libro. Anong klaseng libro ito? Binuklat kong muli ang isang pahina at may mga nakasulat nanaman na malalalim na salita roon. 

"Ariyo fyome tlarei." mahina ko ulit na binanggit ang mga salitang iyon.

Ilang segundo ang nagdaan nagliwanag ang pahinang iyon sa sobrang gulat nabitawan ko iyon sa sahig ng silid. Patuloy pa rin ang pagliwanag nun lumayo ako ng kaunti. Nakarinig ako ng mga yabag papalapit rito at saktong bumukas ang pintuan kaya napalingon ako roon. Si ate Larrisa ang naroroon.

"Binibini tina-binibini lumayo ka sa aklat na iyan!" malakas niyang sabi at tumakbo saakin.

Mas lalong nagliwanang ang aklat na iyon bigla niya akong hinila patungo sa likuran ng mahabang upuan at napapikit ako sa sobrang liwanag. Mga ilang minuto din ang nakalipas bago ko tuluyang naimulat ang aking mga mata. Pakurap-kurap ako dahil pakiramdam ko ay balot na balot pa din ng liwanang ang aking mga mata. Malabo pa din ang paningin ko.

"Binibini ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalala na tanong ni Ate Larrisa sa akin.

"Ayos lang po ako,anong nangyari?"? tanong ko habang inaalalayan niya akong tumayo at makaupo sa upuan.

Maayos na ang paningin ko at nakikita ko na ng malinaw ang lahat ng nasa paligid ko. Nakita kong kinuha niya ang aklat at isinara iyon. 

"Hindi mo dapat binasa ang mga nakasulat rito binibini." sabi niya saakin at inilapag ang aklat sa mesa sa harapan namin. 

"Anong klaseng aklat po ba iyan?" 

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Binibini iyan ay aklat ng mahika at pagmamay-ari iyan ng iyong ina." pagpapaliwanag niya saakin.

"Aklat ng mahika?"

Tumango siya saakin.

"Nakasulat iyan sa malalim na linguwahe mabuti na lamang at hindi isang delikadong mahika ang iyong nabanggit." 

"Sinubukan kong basahina ng mga salita dahil hindi ko iyon maintindihan hindi ko naman alam na ganoon palang klase ang aklat na iyan." 

"Ayos lang binibini sa susunod tuturuan kita ng lingguwaheng nariyan."

Ngumiti ako ng saglit sa kanya.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo? Alam kong narinig mo ang usapan nila kanina sa labas."

Bigla akong nakaramdam ng pangungulila at lungkot ng mabanggit niya iyon saakin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Hindi ko alam kung maayos ba ako ngayon o hindi. Hindi ako mapalagay ngayong alam ko na nasa babaeng iyon si Primo." mahina kong sabi.

"Binibini siguro naman ay may tiwala ka sa kanya hindi ba?"

"Meron malaki ang tiwala ko kay Primo,sobra,Ate ngunit sa babaeng iyon? Wala akong tiwala sa kanya ayoko sa babaeng iyon pilit niyang kinukuha si Primo sakin at ngayon nasa kanya na siya." pagak akong napangiti sa sinabi kong iyon.

Naiinis ako na naroroon siya. Kung ano man ang ginawa ng babaeng iyon sa kanya lagot siya saakin. 

"Alam mo naman kung gaano ka niya kagusto hindi ba binibini?" muli niyang tanong.

Tumango lamang ako bilang sagot. Alam ko iyon palagi niyang pinaparamdam saakin ang bagay na iyon at sa tuwing ginagawa niya yun tila kumakawala sa aking dibdib ang aking puso. Sobrang gusto ko siya-hindi mahal ko siya,sobra. Kaya kong ibigay ng paulit ulit sa kanya ang sarili ko dahil alam ko na hindi niya ako iiwan. Alam ko na madami din siyang inililihim saakin ngunit kahit ganun hindi ako nagduda sa kanya,ganun kalaki ang tiwala ko kay Primo. Ngunit sa pagkakataong ito abot langit ang pag-aalala ko na baka may ginawa sa kanya ang babaeng iyon at hindi na siya makabalik samin. 

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo binibini." napaiktad ako at nabalik sa realidad ng marinig kong magsalitang muli sa Ate Larrisa.

"W-wala ito." 

"Dati hindi ko talaga gusto yang kuya mo. Makulit siya,mapangasar,lagi niya akong tinutukso pero sa kabila ng lahat ng iyon mabait naman siya saakin."

Nakinig lamang ako sa kanya habang nagkukwento siya.

"Mula pagkabata hanggang sa lumaki na kami palagi siyang nandyan para saakin kahit ganoon siya. Madaming beses niya na din akong iniligtas at tinulungan sa mga hindi inaasahang pangyayari. Naging malapit kaming magkaibigan hanggang isang araw nagising na lamang ako na gusto ko na siya. Hindi ko iyon pinahalata sa kanya kahit palagi kaming magkasama kasi ang akala ko talaga dati ay nandyan lang siya kasi palagi akong naiinis sa mga pinaggagawa niya saakin. Matagal ko ding inilihim iyon sa lahat,lalo na sa kanya. Sa sobrang pagtatago ko ng nararamdaman ko ay yun pala ang magdudulot ng sakit sa dibdib ko. Umalis siya nun at lumipat sila dito ng pumanaw ang inyong ina. Nalungkot ako noon kasi pakiramdam ko magisa na lamang ako. Sobrang layo kasi ng lugar na ito sa dating tinitirhan ng pamilya niyo. Halos dalawang taon na ang lumipas ng huli kaming magkita,pinipilit ko na ding kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang araw bumalik siya doon at lahat ng pakiramdam na gusto kong kalimutan para sa kanya muli kong naramdaman iyon. Noong araw ding iyon sa mismong lugar na kinatatayuan ko sinabi niya sakin na gusto niya ako. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko noon naiyak na lang ako tsaka ako nagtapat sa kanya. Binibini kung para sayo ang taong iyon babalik siya sayo at kailangan mo lang ay magantay,ngunit huwag mo akong gayahin na sinubukang kalimutan ang nararamdaman ng puso. Dahil kayong dalawa alam niyo na agad ang nararamdaman ng isa't isa kaya tiwala lang binibini at babalik siya sa inyo ng dinadala mo." nakangiti niyang sabi.

Sobrang gaan niyang kausap kaya hindi naiwasang yumakap sa kanya ng mahigpit.

"Salamat Ate." sabi ko sa kanya.

"Wala iyon binibini. Basta tandaan mo lang kapag mahal ka niya at mahal mo siya gagawa ng paraan ang tadhana para sa inyong dalawa kahit gaano man ito katagal at kung gaano man kahirap ang mga paraan upang makabalik siya sa piling mo. Kaya dapat huwag kang susuko ipaglaban mo kung anong sayo." muli niyang sabi habang sinusuklay ang aking buhok.

Tumango lamang ako sa kanya atsaka ngumiti. Hinding hindi ako susuko hanggat hindi nakakabalik si Primo,maghihintay ako ngunit hindi ako basta uupo na lamng dito at maghintay gagawa din ako ng paraan upang mabawi siya. Napalikod kami ng may tumikhim sa may pintuan kaya agad kaming napalingon at nakita ko si KUya Croxe na nakatayo doon.

"Naistorbo ko ba ang paguusap niyo?" tanong niya habang naglalakad papalapit sa amin.

"Hindi naman mahal ko nagkukuwento lamang ako sa kanya tungkol sa atin dati." nakangiting tugon sa kanya ni Ate Larrisa.

Agad niyang hinalikan ang noo nito ng makalapit siya tsaka siya tumingin sakin at hinalikan din ako sa noo. 

"Masyado bang madamin naikuwento ang Ate mo sayo?" 

"Hindi naman masyado."

"Napapaisip tuloy ako kung ano ang mga ikinuwento mo sa kanya mahal ko." sabi niya at binalingan si Ate Larrisa.

Tumawa tawa lamang ito sa kanya. 

"Ashren tungkol doon sa narinig mo kanina sa labas,hayaan mo na kami doon maaari ba?" 

Napatitig ako sa kanya ng sandali.

"Hindi tutulong ako."

"Ngunit makakasama iyon sa inyo ng dinadala mo."

"Hindi naman ayokong maupo na lamang dito habang ginagawa niyo ang lahat para samin."

"Mapanganib iyon."

"Kuya,matagal ng nalalagay sa panganib ang buhay namin. Ilang beses na din akong iniligtas ni Primo at sa pagkakataong ito ako naman ang gagawa ng paraan upang mailigtas siya." diretso kong sabi habang nakatingin sa kanya.

"Ganoon mo talaga kamahal si Zeroel?"

"Oo,sobra." maikli kong tugon.

Nakita ko ang pagguhit ng isang ngiti sa kanyang labi.

"Hahayaan kitang tumulong ngunit susunod ka sa mga sinasabi ko. Nagkakaintindihan tayo?"

Tumango ako sa kanya. Oras ko naman para iligtas ka Primo gustong gusto na kitang makasama ulit sa lahat ng oras at araw. Babawiin kita sa kanya at hindi kami magtitimpi ng anak mo na mawala siya sa buhay natin. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top