PAHINA 52
Zyfer's Pov:
Narinig ko ang sinabi ng mangaggamot tungkol sa kalagayan ni Ally at ng dinadala niya. Kainis wala man lang akong magawa para sa kanya. Napahilamos ako ng mukha habang nakaupo sa hagdanan sa labas ng bahay nila. Nakarinig ako ng mga papalapit na mga yabag kung kaya't lumingon ako at nakita ko sina Shaviel,Tamara at Trilt na papalapit sa kinauupuan ko. Tumabi sakin si Shaviel at hinawakan niya ang kamay ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad nito. Paano na lang kaya ang aking isipan kung wala ang babaeng ito sa tabi ko?
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin.
"Medyo. Nag-aalala ako kay Ally at sa dinadala niya." diretso kong saad.
"Narinig din namin ang sinabi ng manggagamot kanina. Kailangan na nating mahanap si Kuya Primo." dinig kong sabi ni Tamara.
"Madaling sabihin Tamara ngunit wala naman tayong ideya kung nasaan ba talaga siya ngayon." pagkontra sa kanya ni Trilt.
Sa pagkakataong ito nagkatinginan kami ni Shaviel. Kailangan ng sabihin sa kanilang dalawa. Tumango siya sakin tsaka ako napabuntong hininga.
"Alam namin kung nasaan si Kuya." sabi ko habang nakatingin sa lupa.
Alam kong napatingin silang dalawa saakin kaya sinalubong ko ang tingin nila.
"Alam niyo? Nasaan siya at bakit hindi niyo sinabi?" matigas na sabi ni Tamara.
"Na kay Maurelli siya at sa tingin ko may ginawang mahika si Maurelli sa kanya. Kung sinabi namin ito ng maaga ano namang magagawa natin? Bantay sarado siya kay Maurelli." wika ni Shaviel.
"Kahit na! Alam niyo kung gaano kakailangan ni Ally si Kuya Primo!!" inis na sabi ni Tamara.
"Huminahon ka nga Tamara." saway ni Trilt.
Binalingan niya ito ng masamang tingin umismid lang si Trilt sa kanya. Napabuntong hininga muli ako.
"Zy sino pang nakakaalam nito?" tanong ni Tamara.
"Ang Kuya ni Ally ngunit parang may iba siyang iniisip ng sabihin namin ito sa kanya. Sa palagay ko inisip niyang palusot lang iyon ni Kuya upang maiwan si Ally." nakayukom kong sabi.
Alam ko na ganun ang iniisip niya kay Kuya. Hindi ganoong klase si Kuya kahit kailan hindi niya magagawa kay Ally iyon!
"Ngayon mo sabihin saakin na hindi palusot ng Kuya mo iyon." napatayo ako at napaharap sa likuran at doon ko nakitang nakatayo ang Kuya ni Ally.
Sinalubong ko ang mga tingin niya.
"Paumanhin ngunit para sa kaalaman mo ginoo hindi ganoong klase ang Kuya ko. Saksi kaming lahat sa ginawa niya para sa kapatid mo." matigas kong saad.
Humalukipkip siya at huminga ng malalim.
"Alam ko kung anong ginawa niya para kay Ashren,ngunit hindi mo ako masisisi kung ganoon ang papasok sa isipan ko. Nag-iisang kapatid ko lang si Ashren at sa tinagal tagal ng paghahanap namin sa kanya ko lang pala siya makikita. Hindi ko naman maipagkakaila na nakikita ko ang pagkagusto niya sa kapatid ko ang ayoko lang ay nawala siya at hindi siya mabawi agad." mahaba niyang sabi.
"Hindi niya naman ginustong mawala ng ganoon." sabi ko.
Hindi na siya nagsalita naramdaman kong hinawkan ako ni Shaviel sa braso tila pinapakalma niya ako.
"Ano nga ba ang tunay na nangyayari sa kanya doon?" tanong niyang muli.
Hindi ako nakasagot ako mismo hindi ko mawari kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari sa kanya sa lugar na iyon. Napalingon kaming lahat sa gawing kanan at nakita naming may dalawang nilalang na naroroon. Nakaramdam ako ng galit ng makita kong sino iyon,si Axiel. Naglakad siya papalapit saamin hindi na ako nakapagpigil pa agad akong lumapit sa kanya at sinalubong siya ng malakas na suntok.
"Zy!"
Pilit nila akong pinalayo habang sunod sunod kong sinusuntok si Axiel.
"Hayop ka Axiel!! Kasalanan mo ito isa kang traydor!!" sigaw ko sa kanya habang sinusuntok siya.
Napalayo ako ng hinila ako nina Trilt at Viel. Susugurin ko sana ulit siya ng pigilan nila akong muli.
"Zy tama na!!" saway ni Tamara.
Pumauna si Shaviel at tinignan ako tinanggal ko ang mga kamay nina Trilt at Viel sakin tsaka ko pinakalma ang aking sarili. Mariin pa ring nakayukom ang kamay ko sa sobrang galit. Lumapit sa kanya si Tamara at ginawaran siya ng isang malakas na sampal.
"Alam mo ba kung gaano kalaking gulo itong ginawa mo?! Dahil sayo nawalan kayo ng matitirhan napahamak ang lahat! Isa kang tanga Axiel!!" sigaw niya kay Axiel.
Sinampal niya itong muli tsaka siya kinuha ni Trilt palayo kay Axiel.
"At ikaw ang dahilan kung bakit nanganganib ang buhay ni Ally at ang anak ni Kuya Primo!!!" muli nitong sigaw.
Namilog ang mga mata ni Axiel.
"Nagdadalang ato siya?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Oo at nasa malaking panganib sila ng dinadala niya." sabat ni Shaviel.
Hindi siya nagsalita bagkos ay lumuhod siya sa harapan naming lahat.
"Patawad,aaminin ko nabulag ako sa sobrang galit ko dahil sa pagkawala ni Acielle buong akala ko ay ang mga magulang talaga niya ang pumaslang kay Acielle pero mali ako. Tinraydor din niya ako ng malaman ko ang ginawa niya kay Kuya. Ginamitan niya ng sumpa si Kuya na hindi ito makakakilala ng sino man bukod sa binigay niyang huwad na alaala."
"Kung ganoon alam mo kung nasaan si Primo?" lahat kami muling napatingin sa pintuan ng bahay.
Si Ally at kita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha.
"Ashren hindi pa mabuti ang lagay mo p-umasok ka muna sa-"
"Hindi gusto konmg malaman kung nasaan si Primo." iyak niya.
Napayukom na lamang ako habang tinitignan ko siyang umiiyak. Kainis.
"Binibini patawad." dinig kong sabi ni Axiel.
Dahan dahan siyang bumaba ng hagdan at inalalayan siya ng Kuya niya tumigil siya mismo sa harap ni Axiel. Umupo siya upang pumantay kay Axiel.
"Wala akong pakialam kung anong ginawa mo. Ang gusto ko sabihin mo sakin kung nasaan ang Kuya mo."
"Na kay Maurelli siya binibini at hindi madaling bawiin siya sa lugar na iyon masyadong delikado."
Hindi ko narinig na kumibo si Ally pagkasabi ni Axiel ng bagay na iyon sa kanya.
"Kelan ba titigil ang babaeng iyon?" dinig kong sabi niya.
Tumayo siyang muli atsaka siya naglakad papasok sa loob ng bahay. Nang tuluyan ng makapasok si Ally ay tumayo na si Axiel.
"Matutulungan namin kayong makapasok doon ngunit walang kasiguraduhan na makukuha si Kuya Primo ng walang nasasaktan." wika ni Axiel.
"Kung ganoon papasukin mo kami at kami na ang bahala kung paano makukuha si Zeroel sa lugar na iyon." sabi ng Kuya ni Ally.
Mariin ko lamang tinignan si Axiel.
"Dapat handa na kayo sa mangyayari dahil niya tayo kilala at kilala niya si Maurelli na asawa niya maaari niya tayong kalabanin at alam nating lahat kung anong kapangyarihan ang mayroon siya,Kahit pagsamahin pa natin lahat ng kakayahan natin hindi sapat iyon."
"Kung kaya't dapat munang mawala si Maurelli tsaka lang matatapos ang sumapa at upang hindi tayo galawin ni Primo." sabat ni Viel.
"Ang bruhang iyon mananagot siya saakin." nanggagalaiting saad ni Tamara.
"Babalik kami dito bukas upang ihanda ng mabuti ang planong ito at isang bagay pa siguraduhin nating hindi makakaalam si Ally alam kong susunod siya." muling sabi ni Viel.
Nawala na sila ni Axiel,napaupo ako muli sa hagdanan at ilagay ang ulo ko sa tuhod ko. Nakakainis na itong mga nangyayari pero konting panahon na lang matatapos na din ito.
*******
Third Person's Pov:
Isa nanamang pagpupulong ng mga tagabantay ang ipinatawag ni Maurelli. Galit ito dahil natakasan siya ni Axiel kasama si Jasmin.
"Mga wala talaga kayong kwenta! Sila na nga lang hindi niyo pa natapos? Mga tanga!" sigaw niya sa kanila.
Ngayong nakatakas si Axiel siguradong nagsabi na ito sa iba pa niyang kasamahan kahit tinraydor niya ang mga ito. Noong nakaraan nakapasok din si Zyfer at Shaviel doon at nakita din nila si Primo. Ngunit masyado siyang naghanda sa bawat mangyayaring ito mula sa simula ay napagplanuhan na ito ng mabuti at sinisigurado niyang hindi na papalya ito tulad ng plano ni Leandro Frost na ikinasawi nito.
"Sa susunod na pumalpak ulit kayo tapos na talaga kayo pasalamat kayo at kailangan kayo sa planong ito kung hindi matagal na kayong ubos!" sigaw niyang muli.
Sabay sabay silang napaoo sa kanya. Isang malademonyong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
Si Maurelli ay tunay na anak ni Dravia at dahil nawala na ang kanyang ina matagal na panahon na ang nangdaan ay sa isang isinumpa na salamin niya lamang ito nakakausap muli. Ang unang plano ay ang pabalikin siyang muli sa katawang lupa nito ngunit hindi iyon nagtagumpay dahil sa mga Silverstone at sa pagkakataong ito wala na silang kawala pa sa kanya,at uunahin niya ang babaeng umagaw sa kanya kay Zeroel.
Herezett Allyson Crisford,siya ang unang punterya niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top