PAHINA 51
Herezett's Pov:
Matapos ang agahan at ang pagsunod ko kina Zyfer at Shaviel na nakikipagusap sa aking Kuya at ang buong araw niyang pagkukuwento saakin ng tungkol sa aming ina ay napagpasyahan ko na manatili muna sa hardin. Nakatanaw ako sa mga puno at halaman ng hardin. Mag-isa lamang akong nakaupo,hindi pala ako magisa kasi meron pang nilalang sa sinapupunan ko na nabubuo. Napahawak ako sa aking tiyan at huminga ng malalim.
'Primo...asan ka na ba?' tanong ko sa aking isipan.
Napaangat ako ng tingin dahil nagbabadya nanaman ang aking mga luha. Ayokong umiyak ngunit hindi ko mapigilan. Habang pinipigil ko ang aking mga luha ay may umupo sa katabi kong upuan. Lumingon ako sa kanya,ang kabiyak ng aking kuya. Nakangiti siyang lumingon saakin.
"Bakit ka mag-isa rito binibini at tila malungkot ka?" bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.
"Nais ko lang mapag-isa." mahina kong tugon.
"Nangungulila ka sa kanya tama ba?" diretso niyang tanong.
Hindi ako nakapagsalita bagkos ay napayuko na lamang ako at humikbi ng mahina. Saang lupalop ba kasi siya nagpadpad at hindi siya mahanap. Naramdaman kong may humahagod sa aking likuran. Napaangat ako ng tingin at muli siyang tinignan.
"Ayos ang umiyak ngunit huwag sobra makakasama sa dinadala mo." malumanay niyang sabi habang hinahagod ang likuran ko.
Nakatingin lang ako sa kanyang maamong mukha.
"Mahahanap mo din siya binibini. Hindi ka dapat mabahala ng sobra sobra. Kilala mo siya higit sa kanino man hindi ba? Alam mo ang kaya niyang gawin. Kung ipinaglaban ka niya noon mas lalo kanyang ipaglalaban ngayong dinadala mo ang anak niya." mahaba niyang sabi.
Hindi ko maintidihan ngunit parang may ipinapahiwatig siya sakin.
"Maari ba akong yumakap?" nahihiya kong sabi.
Ngumiti siya ng napakatamis sakin.
"Oo naman kahit anong hilingin mo binibini." sabi niya.
Lumapit ako ng kaunti sa kanya at yumakap. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa,lumuwang ang aking dibdib. Humiwalay ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Pinahid niya ang aking pisngi at inayos ang aking buhok.
"Halika na sa loob magdidilim na." pagaya niya.
Tumango ako sa kanya at tumayo na. Naglakad kami papasok ng bahay. Nang malapit na kami sa pintuan ay napahinto ako at napahawak sa naninikip kong dibdib. Hindi ako makahinga.
"Binibini! Anong nangyayari sayo?!" puno ng pagaalala niyang tanong.
Pilit akong huminga ni hindi na ako makapagsalita dahil wala ng hangin na pumapasok sakin.
"Binibini!! CROXE!!" taranta niyang sigaw.
Parang sumarado ang daanan ng hangin sa katawan ko. Hinahawakan niya ako habang paulit ulit na tinatawag ang pangalan ng aking kuya. Inangat niya ako at tinignan nakita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata. Kasabay nun ang pagdating ni Kuya.
"Anong nangyari?" sabi niya at hinawakan din ako.
Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha ko.
"Ashren naririnig mo ba ako?! Magsalita ka!!" madiin niyang tanong.
Gusto kong sabihin na naririnig ko siya ngunit hindi ko magawa. Napahawak ako sa kanyang kamay ng malakas. Napaiyak pa ako lalo ng makita ang aking kamay. Tila may mga itim na ugat ang lumilitaw sa aking kamay. Tinignan ko din ang isa ko pang kamay at ganun din ito. Nakaramdam ako ng kaba at takot. Ano to? Anong nangyayari?
***
Magiisang oras na akong nakaratay sa aking higaan mula noong nangyari kanina. Patuloy kong pinakikiramdaman ang aking sarili. Ano kaya ang sanhi ng nangyari saakin kanina? Dahil ba ito sa kapangyarihan ko? O may sumadya nun? Dahan dahan akong bumangon at sumandal sa ulunan ng aking higaan. Saktong bumukas ang pintuan at pumasok sina kuya at isang matandang babae.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" bungad na tanong ni Kuya.
"Mabuti buti naman." mahina kung tugon.
Nakatingin ako sa matandang babae at ganoon din siya saakin.
"Siya nga pala ang manggagamot na tumulong sayo. Siya si Manang Aurora." pagpapakilala ni Kuya sa matandang babae sakin.
"Salamat po sa tulong."
"Tungkulin ko iyon,hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa tungkol sa iyong kalagayan binibini. Nanganganib ang iyong buhay." seryoso niyang saad.
"P-po? Paanong nasa panganib ang buhay ko?" nagugulumihanan kong tanong.
"Ang iyong dinadala masyadong malakas ang kanyang presensya kumapara sayo. Sa mga pagkakataong iyan dapat mas malakas ang presensya mo ngunit alam ko na hindi kakayanin ng iyong katawan ang pagpuwersa upang mas maging malakas ka. Batid ko na hindi isang ordinaryong nilalang lamang ang ama ng iyong dinadala. Anak siya ng Lord Ifrit hindi ba?"
"P-paano mo po nalaman?!" medyo gulat ko na sabi.
"Binibini hindi maitatago ng iyong presensya ang taglay na presensya na tinataglay ng iyong dinadala. Sa totoo lamang binibini hindi ko kayang pigilin ng tuluyan ang pangaagaw ng lakas ng iyong anak. Maaari ko lamang itong mapigil ng panandalian lamang."
Napayukom ako ng kamay sa aking kumot. Naiiyak ako ngunit pinipigilan ko.
"Kung gayon ano po ang makakapagpatigil ng pangaagaw ng lakas ng bata sa kanyang sinapupunan?" dinig kong tanong ni Kuya.
"Tanging ang Lord Ifrit lamang ang makakatulong sa kanya. Siya lamang ang nakakaalam kung paano mapapatigil ang pangaagaw ng lakas ng kanyang anak. Ngunit kailangang magmadali dahil habang tumatagal mas nagiging delikado para sa inyong dalawa binibini." mahaba niyang saad.
Kung nanganganib kami paano kami makakaligtas kung hindi ko mahanap si Primo. Tuluyan na nga akong napahikbi sa mga narinig ko. Natatakot ako na baka hindi kayanin ng katawan ko ang mga kasunod na mangyayari. Naramdaman kong may yumakap sakin.
"Tahan na. Huwag kang magalala hahanapin namin siya sa lalong madaling panahon para sa inyong dalawa." bulong niya saakin.
Umiyak ako sa balikat niya. Ayokong mawala ang anak ko mas gugustuhin ko pang ako na lang ang mawala kesa naman siya. Kakayanin ko hanggang sa maipanganak ko siya kahit manghina ng lubos ang aking katawan basta't mailabas ko lamang siya,masaya na ako. Mabuhay ko lamang siya,tatanggapin ko na ang maaaring mangyari saakin.
*********
Axiel's Pov:
Ilang araw na akong nakagapos dito sa madilim na piitan. Minsan pinapabugbog ako ni Maurelli upang malaman niya at masabi ko kung nasaan ang puso ng rosas. Ni hindi ko nga alam kung nasaan yun at lalong wala akong ideya kung nasaan. Kahit anong gawin niya wala siyang makukuha sakin. Napaangat ako ng tingin ng may pumasok. Nakita ko si Jasmin na pumasok at may dalang pagkain. Lumapit siya at inilapag ang pagkain tsaka siya umupo sa lapag.
"May nakapuslit na tagalabas dito kanina." bungad niya.
"Ano naman kung may nakapuslit na kung sino?"
Tinignan niya ako at itinirik ang kanyang mga mata.
"Ang sama ng ugali mo. May itsura ka nga masama naman ugali mo."
"Ano namang kuneksyon nun?"
"Wala masama lang ugali mo."
Inayos niya ang lalagyan ng pagkain.
"Kung sa bagay nagawa mo ngang traydorin ang pamilya mo kaya bakit ka nga ba magiging interisado na Kuya mo ang pumuslit dito." sabi niya sabay tayo.
Akmang maglalakad siya ng hawakan ko ang kamay niya. Pinalitan kasi nila ang kadena masmahaba na ito ng kaunti.
"Si Kuya By ba ang pumuslit?"
"Bakit may iba ka pa bang Kuya na nasa labas?" irap niya.
Nakakainis talaga ang babaeng to.
"Ano bang problema mo?"
"Ako wala naman akong problema ngunit ikaw nasa isa kang malaking problema."
"Alam ko iyon kaya huwag mo ng ipaalala. Bakit ba siya pumuslit dito?"
"Hindi ko alam hindi naman ako siya tsaka may kasama siyang babae."
Babae? Sinong babae naman? Yung kasintahan niya ba? Kung nakapuslit sila nakita kaya niya si Kuya Primo?
"Maiwan na kita dyan." sabi niya.
Pinigilan ko ulit siya iritable siyang humarap sakin.
"Bakit nanaman?" kunot noo niyang sabi.
"Ahh-wala." sabi ko at binitawan siya.
Bakit ko nga ba siya pinigilan? Aish. Lumabas na siya at isinarado na ng mga bantay ang piitan. Sumandal ako sa pader sa likuran ko. Sana nakita ni Kuya Zy si Kuya Primo mas mapapabilis ang pagbawi namin sa kanya. Habang tinitignan ko ang pagkain nakarinig ako ng mga kalabog sa labas. Kumakalabog ang metal na pintuan ng piitan na tila ba may nagbubuno doon. Anong meron doon sa labas?
Patuloy ang malakas na kalabog sa malaking pintuan. Napapikit ako ng masira ang pintuan. Nang imulat ko ang aking mga mata at natumba na sa sahig ang bakal na pintuan at sa gitna nun ay may nakatayong nilalang. Sa wari ko'y babae siya nakakalasag siya na asul at nagliliwanag na asul ang kanyang mga mata. Agad siyang lumapit sakin at sinira ang kadena ko. Nang makalas ang kadena ko ay agad akong tumayo. Sa likod ng babaeng ito na kaharap ko at nasilayan ko sa labas ng pintuan si Jasmin.
"Sino ka?"
Itinago niya ang espada niya at tinanggal ang piraso ng tela na nakatakip sa mukha niya.
"A-acielle?"
Siya nga ang kakambal ko.
"Axiel." mabilis niyang sabi at niyakap ako.
Yumakap din ako sa kanya ng mahigpit. Andito siya sa mismong harapan ko,nahahawakan ko.
"Sakto lang ang dating ko. Kailangan na nating umalis." sabi niya ng humiwalay sakin.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako ngunit hinatak ko pabalik ang kamay ko.
"Acielle,si Kuya Primo kailangan natin siyang kunin."
"Hindi ganun kadali yun Axiel sayo pa nga lang nahirapan na kami ni Jasmin kay Kuya pa kaya na palaging nasa tabi si Maurelli."
Naiyukom ko ang kamay ko at napatingin sa sahig. Agad napaangat ang tingin ko ng makarinig ako ng daing mula sa labas. Si Jasmin hinahawakan siya ng isang nakaitim na lalaki at tinutukan ng patalim sa leeg. May sumulpot na dalawa pang lalaki.
"Sumama kayo samin upang wala ng masaktan pa kahit sino man sa inyo." sabi ng isa.
Muli kong narinig ang daing ni Jasmin at nakita ko ang pagpatak ng dugo mula sa leeg niya. Wala na akong sinayang na segundo agad akong kumilos. Mabilis kong hinatak ang isang lalaki at binalibag sa pader ng piitan. Pagkatapos ko sa isa ay pumalikod ako sa lalaking may hawak kay Jasmin. Itinulak ko si Jasmin at hinawakan ang kamay ng lalaki na may punyal. Inikot ko ito at ibinunggo siya sa batong estatwa. Paulit ulit ko siyang ibinunggo doon hangang sa mawalan siya ng malay. Binitawan ko ang lalaki at humarap kay Jasmin. Patuloy ang pagdurugo ng sugat niya sa leeg. Lumapit ako sa kanya at pumunit ng tela sa laylayan ng kanyang damit. Hinawi ko ang kamay niya at inilapag doon ang tela diniinan ko iyon upang maampat ang pagdurugo. Kainis ayaw tumigil ng pagdurugo. Malalim yata ang sugat niya.
"Axiel!! Halika na paparating na sila. Bilis!" dinig kong sabi ni Acielle.
"Kumapit ka lang." sabi ko kay Jasmin at binuhat siya.
"Dito tayo!" sabi ni Acielle at lumabas kami sa isang sirang pader.
Malamang dito siya dumaan kanina. Nang makadaan kami ay diretso na kami sa labas. Napahinto kami ng mapalibutan kami ng napakaraming mga lalaking nakaitim. Naloko na katapusan na ba namin ito?
"Aish wala to sa plano namin!" inis na sabi ni Acielle.
"Anong sinasabi mo Acielle?"
"Basta mamaya ko na lang ipapaliwanag sayo."
Humahakbang papalapit samin ang mga lalaking nakaitim. Kailangan na naming makaalis dahil kung hindi baka malagutan ng hinga si Jasmin. Akmang susugod ang isa ng mapaatras siya dahil sa isang punyal. San galing yun?
"Kailangan niyo na ba ng tulong?" dinig kong sigaw mula sa kaliwa namin.
Ngunit wala namang naroroon maliban sa mga lalaking nakaitim. Biglang may sumulpot sa harapan namin. Viel Cast?
"Anong ginagawa mo dito? Cast."
"Mahabang paliwanag ang mahalaga makaalis tayo kung hindi baka mamatay siya." sabi niya habang nakatingin kay Jasmin na mabagal ng humihinga.
"Humawak kayo sakin." sabi niya.
Unang humawak si Acielle.
"Axiel." sabi niya.
"Tss paano ako makakahawak kung hawak ko siya." inis kong sabi.
Nginisihan ako ni Viel at hinawakan ako sa balikat. Nagliwanag ang mga mata niya at sa isang iglap ay nalipat kami sa isang lugar.
"Nasaan tayo?" tanong ni Acielle.
"Huwag muna iyan ang alalahanin mo kailangan ng magamot ang kaibigan niyo." sabi nito.
May dumating na isang babae.
"Ginoo sumunod ka sakin upang magamot siya." sabi niya sakin.
Tumingin muna ako kay Acielle tumango lang siya sakin. Sumunod ako dun sa babae. Nalilito ako bakit nandoon si Viel Cast? Anong kinalaman niya? At anong sinasabi ni Acielle na plano nila? Nakakainis ano bang meron?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top