PAHINA 50

Herezett's Pov:

Hindi ko alam kung anong oras na tinatamad akong bumangon sa higaan pakiramdam ko ay sobrang bugbog ang katawan ko. Umikot ako ng higaan habang nakabalot ng kumot ang aking katawan. Natigilan ako ng tumunog ang sikmura ko. Napabalikwas agad ako ng bangon at napahawak sa tiyan ko.

"Gutom ka na ba mahal?" sabi ko ng mahina sa tiyan ko.

Oo baliw na kung baliw na kinakausap ko ang tiyan ko ngunit may nabubuo na sa loob nito kaya malay ko hindi ba na naririnig niya ako? Napabuntong hininga ako at bumaba ng kama masyado itong malaki para ako lang ang mahiga mag-isa. Inayos ko muna ang aking buhok bago ako lumabas ng aking silid. Pagkasarado ko ng pintuan ay agad akong naglakad sa pasilyo patungong hagdan. Dahan-dahan akong bumaba roon hanggang sa makarating ako sa huling baitang ng hagdanan. Agad na lumapit saakin ang isang tagasilbi.

"Magandang umaga po binibini." magalang niyang pagbati tsaka siya yumuko.

"Ah magandang umaga din sa'yo." bati ko sa kanya.

"May kailangan po ba kayo?" agad niyang tanong.

"W-wala naman kakain lamang ako."

"Ahh halika po sasamahan kita sa kusina." sabi niya at naunang maglakad saakin.

Sumunod lamang ako sa kanya hanggang sa marating namin ang kusina. Nakita ko ang iba pang tagasilbing naroroon abala sila sa kanikanilang gawain.

"Binibini halika po dito sa mesa." pag-anyaya niya sakin at pinaghatak ako ng upuan.

"Salamat."

Umupo ako doon at pinaglagyan niya ako ng plato at kubyertos sa harapan ko. Maya-maya pa ay may inilapag silang mga pagkain sa harapan ko. Ang dami! 

"Teka hindi ba masyadong madami yan para sakin?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.

"Kabilin-bilinan po ni Master Croxe na pakain po kayo ng madami para po sa dinadala niyo." sabi niya.

Tumango na lamang ako nakita ko sa bandang harap ang napakaraming prutas na nakahiwa at nakahelera. Tumayo ako at inabot ang plato na may prutas ngunit naunahan ako ng tagasilbi.

"Ako na po binibini maupo na lamang po kayo at kumain kung ano man po ang nais niyong kainin sa mga iyan sabihin niyo lamang." sabi niya at inilapag ang plato ng prutas sa aking plato.

"Ayos lang naman ako kaya ko naman hindi mo naman kailangang gawin pa iyan." paliwanag ko sa kanya.

"Hindi po kasiyahan ko po na mapaglingkuran ka." nakangiti niyang sabi.

Napabuntong hininga ako at naupong muli. Hindi ako sanay sa trato nila sakin bawat galaw ko kailangan nandudoon sila. Kumuha ako ng isang hiwa ng prutas at kinain iyon. Nakailang subo na ako ng may pumasok dito sa kusina. Napatigil ako sa pagkagat ng makita ko kung sino iyon,ang nakabusangot na si Zyfer. Bakit kaya siya ganyan? Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Zy ayos ka lang?" tanong ko.

Tumingin siya sa gawi ko at nginitian niya lamang ako ng saglit bago siya tuminging muli sa malayo. Nilapag ng isang tagasilbi ang plato at kubyertos sa harapan niya. May problema ata siya? 

"May problema ka ba?" muli kong tanong habang kinakagat ang hiwa ng prutas.

Muli ay napatingin siya saakin ng medyo matagal at tila may bumabagabag sa kanya.

"Wala naman pagod lang ata ako." mahina niyang sabi.

"Saan naman?" taas kilay kong tanong.

"Sa pagbabantay sayo." wika niya.

Mas lalong napataas ang kilay ko.

"Bakit mo naman ako babantayan? Ayos lang naman ako."

"Dinadala mo ang anak ng Kuya ko kaya dapat lang na bantayan kita habang wala pa siya." mahaba niyang sabi habang nagsasalin ng makakain sa plato niya.

"Alam mo Zy hindi mo naman na ako kailangang bantayan."

"Ah kahit na Ally." medyo matigas niyang sabi.

Natahimik ako at tumingin lamamng sa kanya. Nagalit ko ba siya? Napatigil siya at tumingin sakin.

"Pasensya na basta hayaan mo lang ako na bantayan ka." kalmado niyang wika sakin.

Napabuntong hininga ako at inubos ang mga piraso ng prutas sa aking plato. Hindi na kami nagusap pa ni Zyfer tila kasi malalim at seryoso ng iniisip niya. Ewan ko kung nakailang plato ako ng prutas at hanggang ngayon hindi pa rin ako nabubusog. Masiba pala tong dinadala ko eh kabaliktaran sakin pero ayos lang magpakabusog ka anak. 

"Ally hindi ka pa ba busog?" dinig kong tanong ni Zyfer.

"Bakit?"

"Nakaka-apat na plato ka na kasi." sabi niya.

Napatingin naman ako sa harapan ko at napatakip ng bibig. Totoo nga naka-apat na plato na ako! Anak ba't kasi hindi ka pa nabubusog? 

"Hindi pa kayo nabubusog?" taas kilay niyang tanong.

"Hindi pa ata siya busog." sabi ko habang tinuturo ang tiyan ko.

Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko. Kinuha niya ang plato ng prutas malapit sa kanya at inilapag sa harapan ko.

"Ayan pa kumain kayo ng madami." nakangiti niyang sabi.

Ayaw ko mang kumain muli ngunit nagugutom pa nga ata ang anak ko kaya kumain ako. Hinintay akong matapos ni Zyfer na kumain at sabay kaming lumabas ng kusina. Nakasalubong namin si Shaviel.

"Zy kanina pa kita hinahanap." bungad niya.

"Bakit?"

"Pinapatawag tayo ni Kuya Croxe." sabi pa niya.

Ano namang meron sa kanila?

"Sige. Ally maiwan na muna kita."

Tumango lamang ako bilang tugon sa kanya. Sabay silang naglakad paalis at naiwan akong nakatayo dito. Bakit kaya sila maguusap? Palihim ko silang sinundan hanggang sa makapasok sila sa isang silid. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan na iyon. Maingat kong inilapat ang tenga ko sa pintuan upang makinig sa pinaguusapan nila. Naririnig ko sila ngunit hindi malinaw. Aissh! Mas nilapat ko pa ang tenga ko sa pintuan. Gaano ba kakapal ito at hindi malinaw ang mga sinasabi nila? Ilang minuto din yata ako sa ganuong posisyon at pinipilit na pakinggan ang usapan nila ngunit malabo talaga. Sa sobrang gulat ko muntik na akong matumba ng biglaang bumukas ang pinto mabuti na lamang at may nakasalo saakin. 

"Ashren ayos ka lang?" dinig kong tanong niya.

Agad niya akong itinayo at ineksamina.

"Ah ayos lang ako." sabi ko sa kanya.

Mabuti na lamang at hindi ako tuluyang natumba sa sahig. Tinignan ko sila na diretsong nakatingin sakin. Tinignan ko din sila.

"Ally bakit ka nandyan?" tanong ni Shaviel.

"Ahh kasi...napadaan lang ako." tugon ko.

Nakita ko ang pagsususpetsa nila saakin. Ayokong malaman nila na nakikinig ako sa kanila.

"Napadaan ka ng ganoon kalapit sa pintuan?" tanong ng kapatid ko.

Ano ba yan anong palusot ko? Bahala na nga.

"Kasi tumukod lang ako sandali sa pintuan."

"Talaga?" taas kilay niyang tanong saakin.

Napaatras ako ng kaunti ng lumapit siya saakin.

"Bakit?" nangangatal kong sabi.

Ano namang gagawin niya? Itinaas niya ang kanyang kamay at inilapit iyon sakin. Napapikit ako baka patamaan niya ako. Nakaramdam ako na may lumapat sa noo ko kaya iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko ang kamay niya na ibinababa niya. Itinulak niya ang ulo ko ng kaunti gamit ang daliri niya.

"Kuya. Tawagin mo akong Kuya,dapat sanayin mo na ang sarili mo." mahina niyang sabi saakin.

Tinignan ko lamang siya at bigla niya akong inakbayan. Hinila niya ako patungo sa kung saan.

"Teka sandali lang saan mo ako dadalhin?" tanong ko habang hinihila niya ako.

"Basta lang." maikli niyang tugon.

Patuloy kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isang puting pintuan na may mga nakadesenyong bulaklak. Binuksan niya ito at pumasok kami. Puno ng mga larawan ang buong silid na iyon. Mga lumang larawan at mga gamit.

"Eto ang paboritong silid ng ating ina. Ang silid ng mga larawan at alaala ng ating pamilya." basag niya sa katahimikan.

Ang daming larawan lumapit ako sa isang estante at tinignan ang larawan doon. Nakita ko ang apat na tao sa larawan. Dalawang nakakatanda,isang batang lalaki at isang sanggol na babae. Isa silang pamilya.

"Iyan ang unang larawan ng pamilya natin na kasama ka." tumabi siya sakin.

Ako nga talaga ang nasa larawan may larawan kasi ako kina mama noong sanggol pa ako at  magkapareho talaga. Matagal tagal pa akong napatingin sa larawan.

"Maari mo ba akong kuwentuhan tungkol sa aking totoong ina ...Kuya?" tanong ko sa kanya kasabay ng pagharap ko.

Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Umupo tayo doon madami ako ikukwento at ipapakita sayo." sabi niya at inakay ako sa mahabang upuan.

Wala namang masama na magpakuwento ako sa kanya tungkol sa totoo kong ina. Nais ko din namang malaman ang lahat dahil matagal din akong nawala sa kanila. Gusto  ko ding malaman ang lahat ng tungkol sa akin noong nasa puder pa nila ako. Nais kong makilala ang tunay na pamilya ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top