PAHINA 5


Herezett's Pov:

Di ko talaga lubos mapaniwalaan ang nangyari kahapon. Mula nung pagkabalik ko sa silid ko paggaling ko ng Black House maraming tanong na ang gumugulo sa aking isip. Anong klase bang kababalaghan ang nangyayari dito. Sino kaya yung si Primo? Tss. Di ito ang tamang oras para sa mga isyung yan. Kailangan ko munang ituon ang pansin ko sa pinapagawa ng aming guro. Ngayon ay klase namin sa P.E. at tatakbo daw kami sa oval. Kakatakbo ko lang kahapon tapos tatakbo nanaman ngayon. Makakasama namin ang Class 2-A,2-C at 2-D. Lahat ay naghahanda na. Kasalukuyang nasa comfort room kami kasama ko sina Shav,Miyaki at Tamara. Nagbibihis kami ng uniporme namin sa P.E. ng matapos ay ipinusod ko ang buhok ko.

"Nabalitaan niyo ba nakabalik na daw si Primo." kinikilig na sabi ng isang estudyanteng kasabayan namin.

"Talaga? Sa wakas makikita ko na din ulit ang mahal kong si Primo." sabi nung isa habang niyayakap ang kanyang damit.

Primo? Kung ganun andito pala siya kahapon ko pa talaga iniisip kung sino yang si Primo. Ayoko namang magtanong kina Shav baka kung anong sabihin nila. Di na ako nakinig pa sa usapan nila iniligpit ko na lang ang mga gamit ko.

"Tara na?" -Tamara

Tumango lang ako ganun din si Shav at Miyaki. Lumabas na kami ng comfort room. At naglalakad papunta sa oval.

"Ngayong araw pala ang balik ni Primo?" napalingon ako kay Miyaki.

Pati sila si Primo ang pinaguusapan. Naiintriga tuloy ako.

"Kaya nga eh saan nanaman kaya siya nagpunta ang tagal niyang nawala." -Tamara

"Siguro masyado yung importante." -Shav

"Sino si Primo?" O_O di ko napigilang masabi ang nasa sa isip ko.

Tumingin silang tatlo sakin.

"Oo nga pala bago ka palang dito kaya di mo pa kilala si Primo." -Miyaki

Wala naman siya nung dumating ako dito eh kaya di ko siya kilala.

"Mabuti pa sa oval na lang natin to pagusapan." -Shav

Tumango lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa oval umupo agad kami sa bleacher.

"Si Primo ang leader ng Rose Class." panimula ni Shav.

Leader ng Rose Class? Pero bakit wala siya.

"Siya ang nagsisilbing tagapagpatupad ng mga utos di lang ng buong Rose Class kundi pati na din ang iba sa paaralang ito."dugtong niya.

Kung ganun may katungkulan pala siya dito.

"Siya ang nangungunang estudyante sa lahat ng larangan masasabi mo talagang matalino siya. At hindi siya palasalita masyado." -Shav

"Parang yung si Zyfer?" sabat ko.

"Ahhmm oo pero sa una lang naman tahimik yung si Zyfer eh. Pero kapag nakilala mo pa siya maingay din yun." nakita kong parang namula si Shav.

Hala! May gusto ba siya kay Zyfer?

"Kung anong ugali ni Zyfer kabaliktaran naman ang ugali ni Primo." -Tamara

"Ah magkaanu-ano ba sila?" tanong ko.

"Magkapatid kasi sila." -Miyaki

Ah ganun pala yun. Naiintriga tuloy akong makita ang mukha nung Primo. Matapos naming mapagusapan ang tungkol kay Primo at Zyfer ay nagtungo na agad kami sa gitna ng oval kasama ang iba pang estudyante.

"Ngayon para sa inyong P.E. ngayong araw kailangan niyong takbuhin ang oval. Dito susukatin natin ang inyong bilis at endurance sa pagtakbo." panimula ng aming guro.

"Kailangang bumuo kayo ng isang grupo na may tiglimang myembro. Tatakbo kayo isang grupo laban sa isa at kailangang makatawid kahit tatlong myembro lamang ng bawat grupo,ang seksyon na may pinakaraming grupong nauna ay makakatanggap ng pabuya." dugtong pa niya.

Anong pabuya kaya iyon..

"Isang myembro na lang ang satin." masayang saad ni Miyaki.

"Handa na ba kayo??" tanong ng aming guro.

"OPO!" sigaw ng lahat.

"Kung ganun maghanap na kayo ng makakasama." sabi nito.

Nagsimula ng maghanap ng makakasama ang bawat estudyante.

"Sino kaya ang pwede nating isama?" palinga lingang saad ni Tamara.

Mga ilang minuto pa ay unti unti ng nabubuo ang bawat grupo.

"Halos lahat sila kompleto na." angal ni Shav.

Pano kaya ito. Wala pa naman akong masyadong kakilala sa mga kaklase ko eh.

"Si Trilt sana kaso kasama niya na sina Gavin,Syff at Nexon." -Miyaki

"Kulang din sila ng isa pa eh." -Tamara.

May absent siguro kaya may kulang.

"MYAAHHHHHH!!"

>_<

Parang nabasag ang eardrums ko dun ah. Bigla ba namang tumili ang mga katabi naming estudyante. Lakas naman makatili ng mga to akala mo wala ng bukas. Hinimas himas ko muna yung tenga ko masakit eh.

"WAAHHH SINA ZYFER AT PRIMO!!"

Napatigil naman agad ako sa paghimas ng tenga ko. Humarap ako sa gawing kanan.

"Palagi na lang ganito pag dumarating sila." dinig kong sabi ni Miyaki.

May naglalakad na dalawang lalaki. Si Zyfer at siya na siguro si Primo. Medyo magkamukha sila ni Zyfer pero kung ibabase ko mas lamang si Primo. Teka lang?? Talaga bang ikinumpara ko sila sa isa't isa?? Hay naku naman! Habang papalapit sila ng papalapit medyo humihina na din ang tilian at napalitan na lang ito ng bulung bulungan. Tahimik silang tumayo sa harap ng lahat ng biglang...ngumiti si Zyfer! Nagtilian nanaman ulit ang lahat. Masakit na sa tenga alam ba nila yun. Sinuway naman agad sila ng guro namin. Nabaling ang tingin ko kay Shaviel na medyo namumula. Gusto niya nga talaga si Zyfer. Palihim lang akong napangiti.

"Mabuti naman at nakabalik ka na Primo." bati ng aming guro ngunit di siya tinignan ni Primo.

Ambastos naman niya kinakausap siya ng guro eh. Diretso lang siyang nakatingin at seryoso ang kanyang mukha.

"Pumwesto na kayo sa mga grupo ninyo upang malaman natin kung sinong may kulang pa at ng makapili sina Zyfer at Primo." utos ng aming guro.

Sinunod naman ng lahat ang utos ng aming guro pati na din kami.

"Hmmm dalawang grupo na lang sa Rose Class ang kulang,isa sa 2-A,kompleto ang 2-C at isa din sa 2-D. Kung gayoon.Zyfer,Primo mamili na kayo ng grupo." utos niya.

Walang ano ano'y naglakad lang ng diretso ang dalawa si Zyfer patungo dun sa grupo nina Trilt at si Primo naman ay..O___O Samin??? Nangmakalapit siya sa grupo namin ay bigla siyang niyakap ni Tamara!

"SA WAKAS NAKABALIK KA NA KUYA PRIMO!!" masayang sigaw nito.

K-kuya?? Mas lalo akong naguguluhan ngayon kesa nung nakaraan. Bakit niya tinawag na kuya si Primo?

"Tamara." madiing sambit niya.

Nakakakaba ang kanyang boses. Napaalis naman agad si Tamara sa pagkakayakap niya.

"Pasensya na!" sabi niya sabay yuko.

"Ayos na ba ang lahat?" sabi ng aming guro na agad namang tinugunan ng mga estudyante.

"Kung gayoon ay simulan na natin. Pumwesto na kayo." dadag pa niya.

Nakapwesto na ang lahat at naghahanda na. Tahimik lang ako dahil sa presensya ni Primo. Halata namang ayaw niya sa maingay. Nagsimula na ang unang grupo sa pagtakbo nanuod lang kami halos dikit ang labanan halos sabay ang kanilang pagtakbo. Ngunit naunang matapos ang 2-C kaya sa kanila napunta ng unang puntos. Nagpatuloy pa ang labanan hanggang sa makarating na sa grupo namin. Tumayo na kami sa kinauupuan namin at pumwesto na.

"Goodluck satin." -Shav

Ngumiti lang kami sa kanya. Napansin kong hindi tumayo si Primo mula sa kinatatayuan niya.

"Hindi ba siya sasali?" tanong ko sa kanila.

"Hayaan mo na siya." -Tamara

Kung ganun bakit pa siya sunali sa grupo namin kung ayaw niya rin lang tukmakbo?

"Handa na!!!" napatigil ako sa pagiisip ng madinig ko ang guro namin.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagfocus na lang ako sa daanan. Kaya ko! Kaya namin ito! Maya maya pa ay narinig ko ang pito ng aming guro. Tumakbo agad kami medyo nauuna kami ng konti sa kanila. Nangangalahati na kami at lumusot sa gilid ko ang taga2-C na estudyante. Kaya binilosan ko pa ang takbo ko halos pumantay na siya saming apat. Malapit na kami sa dulo ng makarinig ako ng sigaw mula sa likod. Nauna na sina Shav,Miyaki at Tamara nalampasan na nila ang taga 2-C na estudyante. Tumigil ako at nilingon ang pinanggalingan ng sigaw. Nakita ko ang isamg estudyante na umiiyak at nagdurugo ang tuhod. Nilapitan ko agad siya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko

"Oo bakit ka huminto sana tumuloy ka na lang." naiiyak niyang sabi.

"Di na mas kailangan mo ng tulong tsaka sinugurado ko naman na mauuna sila sa dulo alam kong kaya nila yun." ngumiti ako sa kanya at inalalayan siyang tumayo.

Inupo ko siya sa ugat ng puno. Nagsilapitan naman ang iba pang estudyante galing sa upuan. May nagabot ng first aid kit sa akin binuksan ko naman iyon at sinimulang gamutin ang sugat niya. Pagkatapos ay binendahan ko ito.

"Ayan tapos na. Ipahinga mo muna yan." sabi ko sa kanya.

"S-salamat." nahihiya niyang sabi.

"Wala yun." nakangiti kong sabi.

Di ko alam pero masaya akong nakakatulong ako sa iba.

"Ayos lang ba siya Ally?!" bungad sakin ni Shav.

"Oo ayos lang siya." sagot ko.

"Kaya pala bigla kang nawala eh." -Tamara.

"Alam ko namang kaya niyo yun eh." natatawa kong sagot.

"Ang bait mo talaga,Amarith."

Napatingin agad ako kay Miyaki.

"Amarith?" tanong ko.

"Ah ibig kong sabihin Ally. Ang bait mo talaga. Hehe." kamot ulo niyang sabi.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Napatingin naman ako dun sa inuupuan namin kanina wala na si Primo dun. Ang taong yun umalis lang wala namang may naitulong ni hindi nga humakbang ni isa mula sa kinauupuan niya. Sabagay mas mabuti na din yun di na ako kakabahan kasi wala na siya.

"Amarith."

Napalingon ako sa likod ko ng may bumulong sakin. Wala namang tao. Eto nanaman ano bang kailangan niya sakin at ginugulo niya ako. Tsaka bakit niya ako tinawag na Amarith? Alam kong tinawag akong Amarith ni Miyaki kanina pero ito? Lalaking boses ito eh. Sino ka ba talagang nilalang ka at ginugulo mo ako?! Mahuhuli din kita balangaraw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top