PAHINA 49

Zyfer's Pov:

Muli akong bumalik sa bahay ni Maurelli. Palihim akong nagmatyag sa paligid kailangan kong makapasok doon upang masigurado kung nandoon nga si Kuya. Akmang tatayo ako sa pinagtataguan kong halaman ng may humawak sa balikat ko kaya napalingon agad ako. 

"Shaviel? Anong ginagawa mo dito?!" pabulong at madiin kong tanong.

"Sinasamahan ka hindi ba't sabi ko sayo huwag mo nang uulitin to! Ang tigas talaga ng ulo mo!" pagalit niyang bulong sabay batok sakin.

"Aray naman. Delikado dito bumalik ka na dun."

"Kaya nga kita sinundan kasi mapanganib. Kung papabalikin mo ako dapat bumalik ka din."

Napabuntong hininga ako. Kaya nga ako umalis ng palihim eh ano ba naman to! 

"O sige na basta huwag kang lalayo sakin."

Tumango siya sakin pagkatapos ay nagmanman ulit kami sa likod ng mga halaman.

"Anong plano?"

"Kailangan nating makapasok doon sa bahay."

"Pero paano? Napakaraming bantay sa paligid?"

Tama madami ngang bantay imposibleng hindi nila kami mapapansin kapag pumasok kami doon. Maliban na lamang kung...

"Kailangan nating maging katulad nila."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Magpapanggap tayo na mga bantay. Kailangan makakuha tayo ng kasuotan nila."

"Ah ibig sabihin kailangan nating gumawa ng pain upang makakuha ng kasuotan."

Tumango ako sa kanya. Patuloy kaming nagmatyag hanggang sa makakita ako ng dalawang bantay na papasok sa kakahuyan.

"Shav,ayun na ang magiging kasuotan natin." tinuro ko iyon sa kanya.

Maingat kaming kumilos upang walang may makakita saming dalawa. Nakita ko sa di kalayuan ang dalawa na naguusap,medyo malayo na ito sa ibang bantay hindi na siguro nila maririnig ang mga kaluskos.

"Hindi tayo gagamit ng kapangyarihan kailangan natin silang itumba ng mano mano." mahina kong tugon kay Shaviel.

"Sige akin yung nasa kaliwa sayo yung nasa kanan."

Tumango ako sa kanya naghiwalay kami ng posisyon upang mapadali ang lahat. Sumenyas siya sakin mula sa kabila at sabay kaming sumugod. Nagulat ang dalawa dahilan upang hindi sila makaporma pa. Agad kong sinuntok ng malakas ang lalaki sa harapan ko dahilan upang mapatumba siya kaya agad kong sinipa ang likod na bahagi ng kanyang leeg ng napakalakas dahilan upang mawalan ito ng malay. Tinignan ko naman si Shaviel pinilipit niya ang kamay ng kalaban at hinataw ang likurang bahagi ng leeg nito. Nawalan na din ito ng malay tsaka siya tumingin sakin.

"O bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala naman ang ganda mo pala kapag seryoso kang nakikipaglaban."

Nakita ko ang bahagyang pamumula ng kanyang mga pisngi.

"Baliw."

Tahimik akong tumawa sa inakto niya.

"Bilisan na natin tanggalan mo na sila ng damit bilis."

"Ano? Ako lang?"

"Zy babae ako lalaki sila ano ka ba naman."

Nakahalukipkip niyang sabi. Sabagay may punto siya ayoko din na makita niya kung ano mang meron sa ilalim ng mga kasuotan na iyan. 

"Tumalikod ka at magbantay."

Sabi ko sa kanya at sinunod niya naman ito. Tinanggal ko ang mga kasuotan nila at ng matapos ay tinaliaan ko sila at binusalan. Hinila ko din sila at itinago sa likod ng napakalaking bato at tinakpan ito gamit ang isa pang malaking bato. Bumalik ako kay Shaviel na kasalukuyang isinusuot ang mga kasuotan ng kalaban. Sinuot ko din agad iyon mabuti na lamang at may takip ito sa mukha. Nang matapos naming suotin iyon ay nagkatinginan kami saglit.

"Huwag kang hihiwalay sakin Shav."

"Oo naman ikaw din."

Tinanguan ko siya at naglakad na kami pabalik doon sa bahay. Sana nandito ka kuya kailangan ka ni Ally ngayon. 

Lumabas kami ng kakahuyan at pasimpleng naglakad papalapit sa bahay.

"Hoy kayo dyan!" napalingon kami sa sumigaw.

Isa iyon sa mga bantay at papalapit siya samin nagkatinginan kami saglit ni Shaviel at ibinalik ang tingin namin sa bantay na kakarating lamang. 

"Saan kayo nagpunta?" 

Marahil ay nakikiramdam din si Shaviel kung sino ang magsasalita saming dalawa. 

"Ahh naglibot lang kami upang makasiguradong walang nagmamatyag." nauna akong magsalita.

"Sumunod na kayo sakin bilisan niyo pinapatawag tayo ni binibining Wyllst." sabi nito at naunang maglakad.

Muli ay nagkatinginan kami ni Shaviel pagkakataon na namin ito. Agad din kaming sumunod sa kanya dumaan kami sa gilid ng bahay at pumasok sa isang pintuan. Doon ay nakita namin ang nakahilerang mga nakaitim na mga bantay. Nasa may likuran kami at tumayo kami sa helera nila,nakita ko sa harapan si Maurelli. Nakaramdam nanaman ako ng pagkainis ng makita ko siyang muli.

"Makinig kayo binibigyan ko lamang kayong lahat ng tatlong araw upang ibigay saakin ang makapangyarihan puso ng rosas." malakas niyang sabi.

Ano ba ang kailangan niya sa puso ng rosas? Ngunit kahit anong gawin niya hindi niya iyon mahahanap kahit kami hindi talaga namin alam kung saan itinago ni Kuya iyon. 

"Kapag hindi niyo iyon naibigay saakin sa takdang oras ng palugit ko tatapusin ko kayong lahat. Wala akong pakialam kung paano niyo iyon makukuha sa mga Silverstone tapusin niyo silang lahat kung kinakailangan."

Naikuyom ko ang aking kamay sa narinig ko. Hindi ako papayag. 

"Ngunit binibini ang mga ipinadala kahapon sabi nila ay may malakas na babae ang tumalo sa kanila." 

Pinukulan niya ng matalim na tingin ang kung sino mang nagsalita na iyon.

"Mga hangal kasi ang mga ipinadala kahapon! Lima na sila hindi pa nila natalo ang punyetang babaeng iyon?!" sigaw niya.

Talagang hindi sila nakaporma kahapon kay Ally kahit papaano ay nakabisado niya na ang paggamit ng kanyang kapangyarihan. 

"Paslangin niyo kung kinakailangan ang babaeng iyon!! Kung hindi niyo naman magawa dalhin niyo siya saakin dahil ako mismo ang papaslang sa kanya! Maliwanag?" malakas niyang sabi.

Agad na tumugon ang lahat sa kanya. Ang babaeng ito kailan niya ba titgilan ang pamilya namin?

"Bumalik na kayo sa mga puwasto niyo!" utos niya.

Mabilis namang umalis ang lahat nakisabay kami ni Shaviel sa kanila. Nang makalabas kami sa pinasukan naming pintuan kanina ay agad kong hinila si Shaviel papunta sa kabilang daan. Agad kaming nagtago sa isang malaking halaman at minatyagan ang mga papaalis na mga tauhan ni Maurelli. 

"Nakakainis ang babaeng yun! Mapapaslang ko talaga siya."

"Kalma lang dadating din tayo dyan. Halika na."

"Teka bakit kaya walang may pumupunta dito banda?!" tanong ni Shaviel saakin.

Tama siya walang pumaparito maliban samin na nagtatago. Bakit kaya?! Muli kong tinignan ang pintuan wala ng kung sino pa ang nandoon. Humarap ako kay Shaviel.

"Shav halika na!" sabi ko sa kanya.

Dumiretso kami sa kabilang bahagi isa itong hardin ngunit kakaunti lamang ang mga halaman. Maingat kaming naglakad at palinga linga kami sa paligid. Paliko na kami sa bahay ng may paparating na tagasilbi kaya nagtago ulit kami. Nang masiguro naming wala na ang tagasilbi ay dumiretso na kami at pumasok sa isang pintuan. Maingat ko iyong isinarado loob na ito ng bahay. Palinga linga si Shaviel sa paligid. Naglakad kami ng walang ingay patungo sa isang bulwagan nakita ko ang mga abalang tagasilbi sa paligid. Naglakad kami sa bahaging walang tagasilbi may mga malalaking poste ng bahay kaya hindi naman kami nakita. Nakarating kami sa isang pintuan at narinig naming may naguusap doon. Humakbang na ako palayo ng hilahin ako pabalik ni Shaviel.

"Bakit?" bulong ko sa kanya.

"Pakinggan mo si Maurelli ata ang nasa loob nito."

Inilapat namin ang aming tenga sa pintuan at nakinig. Tila may kinakausap siya ngunit hindi malinaw ito. Nakarinig kami ng mga yabag galing sa loob kung kaya't mabilis kaming naghanap ng matataguan. Mabuti at may isang malaking mesa sa malapit kaya nakapagtago kami doon. Sumilip ako at nakita kong lumabas si Maurelli sa pintuan ngunit hindi lamang siya ang lumabas doon. 

"S-si Primo ba yan?" dinig kong tanong ni Shaviel.

Si Kuya. Siya nga iyon hindi ako nagkakamali. Yumakap sa kanya si Maurelli at tila masaya silang dalawa teka anong nangyayari? Bakit siya ganyan sa kanya? Umalis si Maurelli at iniwan si Kuya naghintay muna kami ng sandali bago kami tumayo at lumapit kay Kuya.

"Kuya!" mahina kong tawag sa kanya.

"Sabi ko na nga ba andito ka halika na hinahanap ka na satin." dugtong ko pa.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba't tagabantay kayo? Bawal kayo dito sa loob." mahinahon niyang sabi.

Nagkatinginan kami ni Shaviel at tinanggal ang nakabalot na tela sa mukha namin. 

"Ako 'to Kuya." 

"Anong ikaw yan? Sino ka ba?" 

Halos manlamig ako sa sinabi niya. 

"Primo hindi ito ang oras ng pagbibiro! Kailangan na nating umalis nasa panganib na ang lahat." dinig kong sabi ni Shaviel.

"Sino ba kayo at bakit ako sasama sa inyo? Mabuti pa bumalik na kayo sa tungkulin niyo bago pa bumalik ang asawa ko." malamig niyang sabi.

"Asawa? Si Maurelli? Kuya ano bang nangyayari sayo?" pagalit kong tanong.

Nakarinig kami ng paparating na mga yabag at saktong si Maurelli iyon. 

"Anong ginagawa niyo dito? Mga bantay!" malakas niyang sabi.

Akmang lalapit ako sa kanya ng hatakin ako ni Shaviel.

"Halika na umalis na tayo madami sila."

"Hindi si Kuya gusto kong malaman kung anong ginawa ng babaeng iyan sa kanya." 

Nagpumiglas ako ngunit patuloy akong hinawakan ni Shaviel.

"Halika na mas lalong wala tayong mapapala kapag nahuli nila tayo." 

Mabilis na nagsidatingan ang mga nakaitim na mga bantay. Wala akong nagawa kundi ang umalis kami. Binasag ni Shaviel ang bintana sa tabi namin at doon kami dumaan papalabas. May mga nakaabang pang mga bantay doon kaya ginamitan ko na sila ng kapangyarihan. Nagpalabas ako ng makapal na usok at mabilis kaming umalis ni Shaviel doon. Walanghiyang Maurelli! Anong ginawa mo kay Kuya? 


***********

Croxe's Pov:

Hanggang dito ba naman hinahabol pa din ng baliw na babaeng iyon si Ashren? Nakita ko si Shaviel at ang kapatid ni Zeroel lumabas mula sa malaking puno. Agad akong lumapit sa kanila kanina pa sila wala rito.

"Shaviel." tawag ko sa kanya kaya agad siyang napalingon sa gawi ko.

"Kuya Croxe."

"Saan kayo nanggaling?"

"May pinuntahan lamang kami."

Tinignan ko sila ngunit tila balisa ang kasama niya.

"Anong nangyari sa kanya at ganyan siya?"

"Ah w-wala kuya."

May tinatago siya sakin.

"Sabihin mo na Shaviel huwag kang magsinungaling sakin."

Napakagat siya ng labi niya at napabuntong hininga.

"Sasabihin namin ngunit maaari bang ilihim mo muna?"

Napataas naman ang kilay ko.

"Ano naman iyon at dapat pang ilihim?"

"Basta kuya doon na natin sa loob pagusapan ang tungkol doon."

Tumango ako sa kanya at pumasok kami sa loob dinala ko sila sa pribadong silid ko. Umupo ako sa harapang upuan nila.

"Ngayon sabihin mo sakin kung saan talaga kayo nanggaling?"

"Galing kami sa bahay ni Maurelli." nakayuko niyang sabi.

"Ano? Nagiisip ba kayo?"

"Wala siyang kasalanan ako ang nanguna doon." sabat ng katabi niya.

"Hindi kuya sinundan ko siya kaya napasama ako."

"Teka at bakit nga ba kayo pumaroon?" 

Natahimik sila sandali.

"Dahil kay Primo." sabi ni Shaviel.

"Kay Zeroel?"

"Noong nakaraang araw na pumaroon ako naramdaman ko ang kanyang presensya doon kung kaya bumalik ako upang makasiguro ngunit wala sa plano ko na kasama si Shaviel." paliwanag nito.

"At ano naman ang nakita niyo roon? Kapahamakan?"

"Hindi kuya dahil tama ang hinala ni Zyfer nadoon si Primo."

Natahimik ako sandali nandoon siya sa puder ng isang ampon na Wyllst? Akala ko ba ay galit siya sa babaeng iyon kaya bakit sila magkasama kung ganun? Niloloko ba niya ang kapatid ko?

"Bakit siya nandoon?" 

"Hindi namin alam kunga bakit pero may kakaiba sa kanya."

"Ano naman iyon?"

"Hindi niya kami kilala."

Impossible siya hindi makakakilala sa kanila? O baka nakikipaglaro nanaman siya sa lahat?

"Siguro ay mas gusto niya doon at gumawa siya ng palabas na nawawala siya."

"Hindi niya magagawa iyon kilala ko si Kuya."

"Paano mo naman nasabi?"

"Basta alam ko. May ginawa si Maurelli sa kanya." nakayukom niyang sabi.

Napahawak ako sa baba ko at tumingin sa kanilang dalawa. Hindi ko batid kung maniniwala ba ako o hindi. Nais kong makita siya ng sarili kong mga mata at mapatunayan ang mga sinasabi nila. Humanda siya sakin kapag nagsinungaling siya hindi ibibigay ang mag-ina niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top