PAHINA 48


Herezett's Pov:

Nakaupo ako sa mahabang upuan kasama sina mama at ang pamilyang tumulong samin bukod samin wala ng iba pang naririto. Tahimik ang lahat kaya hindi ko maiwasang maisip si Primo. Naikuyom ko ang aking mga kamay,nagbabadya nanaman kasing pumatak ang mga luha ko.

"Allyson ayos ka lang ba?" dinig kong sabi ni mama kaya napatingin ako sa kanya.

"O-opo." mahina kong tugon.

"Allyson may...sasabihin sana kami sa'yo." mahina at basag na sabi ni mama.

Diretso ko lang silang tinignan nakita ko ang pagdadalawang isip sa kanyang mga mata.

"Ano po yun?"

"Allyson...patawad." naiiyak niyang sabi.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit siya hihingi ng tawad?

"Po? Hindi po kita maintindihan mama."

Napatakip siya ng mukha kasabay nun ay tumayo siya tsaka niya ako niyakap. Umiiyak siya habang nakayakap saakin hinahagod ko ang kanyang likuran.

"Ma,bakit ka po umiiyak?"

"P-patawad p-atawad A-allyson h-hindi k-ko i-nintensyon n-na m-maglihim sayo." iyak niya sakin.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

Kumawala siya at hinawakan ang pisngi ko tsaka niya ako tinignan ng diretso.

"A-allyson..hindi ako ang tunay mong mama." mahina niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong irrereaksyon ko sa sinabi niya sakin.

"P-po? Ano po bang sinasabi mo?"

"H-hindi a-ako,k-kami a-ang t-tunay mong m-mga m-magulang."

"Ma?"

"Patwad kung nilihim namin sayo ng ganito katagal,Allyson napamahal ka na samin. Itinuring ka na namin na tunay naming anak."

"M-ma.." naiiyak kong sabi.

"Patawad talaga Allyson.."

Napayuko siya habang hawak ang pisngi ko. Hindi ko na napigilang hindi maiyak,sa loob ng ganito katagal na panahon hindi pala sila ang mga magulang ko?

"Shhh Allyson."

"K-kung hindi kayo ang tunay kong magulang ..sino?"

Tumigil siya saglit at huminga ng malalim.

"A-ang p-pamilyang t-tinutuluyan niyo ngayon...sila ang totoong pamilya mo."

Sa bahay na ito? Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at isa isa silang tinignan. Lahat sila nakatingin sakin, ang mga nilalang na ito ang tunay kong pamilya?

"Alam kong darating ang panahong ito pero hindi sa ganitong sitwasyon." dinig kong iyak niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko napatayo ako at mabilis na naglakad palabas ng silid na iyon. Pinahid ko ang mga luha ko habang papalabas ng bahay. Naguguluhan ako ngayon,sana kung nandito si Primo. Mas lalo pa akong naiyak ng pumasok siya sa isipan ko nasaan na ba kasi siya? Patuloy lang ako sa paglalakad kahit walang patutunguhan ang mga paa ko. Napatigil ako sa paglalakad ng may mabunggo ako mabilis kong inangat ang paningin ko. Napatitig ako saglit sa kanya malabo ang paningin ko dahil sa luha sa aking mga mata.

"P-primo?" naiiyak kong sabi.

Pinahid ko ang aking mga mata at tumingin muli sa kanya ngunit ibang tao na ang nasa harapan ko. Napaatras ako ng konti.

"Ashren.." mahina niyang sabi sakin.

Hinila niya ako bigla at niyakap pumalag ako ngunit napatigil ako sa sinabi niya.

"Kapatid ko."

"K-kapatid?"

Lumayo siya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. 

"Oo kapatid kita,ako ang kuya mo."

Hindi ako makapagsalita. Ang lahat ng ito nakakagulo,hindi ko na alam ang iisipin ko. Napaatras ako ng konti,may kapatid ako? Kuya? Hindi ako umimik sa sinabi niya sakin.

"Alam ko na magulo pa ang sitwasyon ng isipan mo ngayon ngunit handa kaming maglaan ng panahon upang matanggap mo ang lahat." mahinahon niyang sabi sakin.

Nakatingin lamang ako sa kanya. Hindi sa ayokong tanggapin na sila ang tunay kong pamilya ngunit naguguluhan pa ako. Napaupo ako at napatakip ng tenga ng may malakas na pagsabog akong narinig. Mabilis iyong hinanap ng aking mga mata ng may umakay sakin patayo.

"Halika sa loob ng bahay." sabi niya sakin at inalalayan ako papasok ng bahay.

Mabilis niyang binuksan ang pintuan at pinapasok ako. 

"Dito ka lang sa loob huwag kang lalabas." sabi niyang muli at isinara ang pintuan. 

Ano kayang meron? Saan galing ang pagsabog na iyon? Hindi ako mapakali nakita ko sina mama na papalapit sa direksyon ko. 

"Anong nangyari sa labas?" agad na tanong ni Ginang Stella.

"Hindi ko po alam." mahina kong tugon ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa isang bahagi ng bahay.

May kung anong enerhiya ang nanggagaling doon. Mabilis akong naglakad narinig kong tinatawag nila ako ngunit nagpatuloy lamang ako. Pumasok ako sa isang bulwagan at binuksan ang pintuan doon. Bumungad saakin ang malapad na hardin. Hindi ako nagkakamali dito nanggagaling ang enerhiya na iyon,isang itim na enerhiya. Inilibot ko doon ang aking paningin ng may lumitaw na limang nakaitim na kapa. Napaatras ako ng konti ng humakbang sila papalapit saakin. Mabilis silang kumilos at nahawakan ako sa magkabilang kamay.

"Bitawan niyo ako!!" nagpumiglas ako.

"Sasama ka samin!" dinig kong sabi nung isa.

"Ayoko!!" 

Hinihila nila ako ngunit pinapabigat ko ang sarili ko at hinihila ito pabalik. Lumapit ang isa na nasa harapan ngunit bigla siyang tumilapon ganun din ang iba pa kung kaya't napaluhod ako ng mabitawan nila ako. 

"Ally!!" boses iyon ni Tamara.

Mabilis akong napalingon sa likuran ko tinulungan nila ako ni Shaviel na makatayo. 

"Ayos ka lang Ally? May masakit ba sayo? Yung tiyan mo natamaan ba?" natataranta tanong ni Tamara.

"Ayos lang ako kumalma ka lang." 

Napahinga siya ng malalim at napahawak sa dibdib niya. 

"Aahhh bakit ka ba kasi nagpunta dito?!" padyak padyak na sabi ni Tamara.

"May kakaiba kasi akong nararamdaman dito."

"Sana hinayaan mo na lang at sinabi samin baka mapano kayo~" nakanguso niyang sabi.

"Hindi naman kami napano Tamara kaya kumalma ka lang."

"Eh kahit na hindi natin alam kung anong mangyayari-Aray! Ano ba!!" sabi niya habang hinihimas ang noo niya na pinitik ni Trilt.

"Ang ingay mo Tamara pwede ba kumalma ka lang muna."mahinahong sabi nito sa kanya.

"Bakit ka ba namimitik!!"

"Ang ingay mo nga kasi-ARAY!" daing ni Trilt ng sipain siya sa paa ni Tamara.

Hay nako nagaway nanaman ang dalawa. Bigla akong hinila niTrilt papunta sa likod nila. Nakabangon na pala yung mga naka itim na kapa kanina at sabay sabay silang sumugod. Dalawa ang kinakalaban ni Trilt habang tig-isa naman kina Tamara at Shaviel. Yung isa pang lalaking nakakapa ay nakatayo lang at nakatingin sakin. Bigla itong nawala ng napakabilis at naramdaman kong may humawak sa leeg ko. Hinawakan ko ang braso niya at piniga ito ng malakas. Nakita kong akmang lalapit si Shaviel ngunit hinila siya pabalik ng nakakapang itim. Kailangan kong matalo ang nilalang na ito. Buong lakas kong tinapakan ang paa niya dahilan upang mabitawan niya ako mabilis akong humarap sa kanya at ginamitan siya ng kapangyarihan. Pinalutang ko siya sa ere,napalingon ako sa isang halaman mahahaba ang mga ugat nito na nakapulupot sa malaking kahoy. Itinuon ko ang kamay ko doon at isa isang nagtanggalan ang mga ugat na iyon. Iniharap ko ang dalawang kamay ko sa lalaking nakakapa kasama ang mga ugat at ipinulupot sa kanya humarap din ako sa gawi nina Trilt at inasinta ang mga kalaban. Dahan dahang gumagampang sa lupa ang mga ugat hanggang sa nasa ibaba na ito ng mga kalaban. Mabilis kong itinaas ang kamay ko at mabilis din silang pinulupot ng mga ugat. Napahinto sina Shaviel at napaatras ng kaunti bago sila humarap sakin.

"Ally.." dinig kong sabi ni Shaviel na may halong pagkagulat.

Itinuon ko ang pansin ko sa mga kalaban at hinigpitan ang pagpulupot ng ugat sa kanila. Pinagtabi ko ang limang nakaitim na lalaki at mas pinahigpit ko pa ang pagkakagapos nila hanggang sa mawalan na sila ng malay tsaka ko sila pinakawalan.

"Nakakabilib kahit wala si Primo nagagawa mo na din." dinig kong sabi ni Trilt.

Tumango lang ako sa kanya. Nakapagtataka lamang hindi ata ako nanghina o napagod man lang. Bakit kaya?


******

Axiel's Pov:

Mahina kong pinilig ang masakit kong ulo dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sinubukan kong gumalaw ngunit may kung anong pumipigil sa akin na gumalaw. Nakita kong nakakadena ang mga kamay ko. Hinila ko iyon ngunit masyado itong matigas. Napatigil ako sa paggalaw ng may bumukas ng pintuan ng madilim na silid na ito. May pumasok na isang babae na may dalang pagkain sa lalagyan. Inilapag niya ito sa harapan ko.

"Ginoo kumain ka muna." mahina niyang sabi.

"Kumain? Pagkatapos akong ikulong ng amo mo dito? Ano lalasunin niya ako?"

"Hindi niya ako inutusan ginoo. Nakita ko ang ginawa nila sayo."

"At bakit mo naman ginagawa ito?"

Tumahimik siya saglit tsaka siya lumapit sakin.

"May kakilala ako na kilala ka ginoo at nais ka niyang makita." sabi niya at hinawakan ang pisngi ko.

Diretso niya akong tinignan sa aking mga mata. Ang kanyang sunog sa mukha at ang magkaibang kulay ng kanyang mga mata.

"Axiel.." mahina niyang sabi.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Axiel.." pagkasabi niya muli nun ay nagliwanag ang kanyang kanang mata.

Hindi ko maiiwas ang aking paningin sa kanya at sa isang iglap ay tila nakapasok ako sa isang dimensyon. Ako lang mag-isa sa madilim na lugar na ito. Anong ginawa sakin ng babaeng iyon.

"Axiel.." napalingon ako sa likuran ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Totoo ba itong nakikita ko?

"Acielle.." mahina kong sabi.

Ngumiti siya sakin tsaka siya lumapit huminto siya sa harapan ko. Siya ba talaga ito? Inangat ko ang aking kamay at hinawakan ang kanyang pisngi. Nanginginig ang aking kamay na lumalapat sa pisngi niya.

"Acielle..kapatid ko." basag kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko na humahawak sa pisngi niya.

"Buhay ka."

"Oo naman."

"Pero hindi..yung babaeng marahil ginamitan niya ako ng kung anong mahika para ipakita ka." sabi ko tsaka lumayo sa kanya.

"Si Jasmin? Hindi siya ganun kaibigan ko si Jasmin at siya lang ang makakatulong sakin upang makakonekta sayo. Axiel...ano itong ginawa mo?"

"Pinaslang ka nila nakita ko."

"Yung mag-asawa na nakita mo noon sila ang tumulong sakin. Hindi nila ako pinaslang tinulungan nila ako. Hiniling ko sa kanila na ilayo ako at yung duguan kong damit iniwan namin iyon. Ngunit ang ginawa kong iyon,hindi ko lubos akalain na magtatanim ka ng sama ng loob sa kanila,ng poot. Axiel..tinraydor mo si Kuya,pinahamak mo sina ina at ganun din ang magiging anak ni Kuya."

Napatigil ako at nanigas.

"Si Kuya magkakaanak?"

"Oo at ang babaeng pinagbuntunan mo ng galit ang magiging ina ng kanyang anak na siyang tunay na anak ng mga Quinzel."

Hindi ako makagalaw. Magkakaanak sila ni Kuya.

"Axiel...alam kong nahirap ka noong akala mo wala na ako pero kahit saan ka man nandoon ako sa paligid kaya nga nahuli ako ni Kuya noon."

"Alam ni Kuya na buhay ka?"

"Oo pero hiniling ko na ilihim na lang muna sa inyo dahil hindi pa ako nakakaganti sa nilalang na muntik ng pumatay sakin."

"Sabihin mo sakin Acielle sino ang nilalang na iyon!"

"Siya din ang nilalang na akala mong tutulong sayo,si Maurelli."

Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Ang babaeng yun siya lang pala ang puno't dulo ng lahat ng ito.

"Axiel makinig ka hayaan mo na tulungan ka ni Jasmin,alam niya ang gagawin."

"Teka paano mo ba nakilala si Jasmin?"

"Naalala mo yung batang tinulungan natin dati? Yung inaaway ng ibang bata dahil magkaiba ang kulay ng mga mata niya."

"Oo pero si Menille Wylst yun."

"Si Menille at si Jasmin iisa lang. Dahil sa sunog sa kaliwang mukha niya ay hindi mo na siya makilala."

"Hindi ba kapatid siya ni Maurelli?"

"Oo pero alam mo na ampon lang ng mga Wylst si Maurelli. Kung kaya't nagawa niyang traydorin ang pamilyang kumupkop sa kanya. Wala talagang kaluluwa ang babaeng yan."

Naikuyom ko ang aking kamay sa sobrang inis sa sarili ko. Kasalanan ko ito.

"Axiel kailangang maitakas mo si Kuya dito,alam kong may ginawa si Maurelli sa kanya at magagawa ko itong tanggalin o siya mismo kaya niya itong malabanan kung may makakapagpaalala sa kanya kung sino ba talaga siya."

"Pangako itatakas ko si Kuya."

"Mabuti maghintay ka lang ng kaunti tutulungan ka ni Jasmin."

Tumango ako sa kanya at sa isang iglap ay bumalik na ang lahat sa dati. Nasilayan kong muli ang mukha ni Jasmin. Lumayo siya sakin ng kaunti.

"Nakausap mo na siya?" panimula niya.

"Oo,ikaw pala si Menille. Anong ginawa sayo ng ampon niyo?"

"Mahabang kuwento mabuti pa kumain--"

"Anong ginagawa mo dito Jasmin!" pasigaw na bungad ni Maurelli.

Napalingon si Jasmin sa pintuan. Mabilis siyang hinablot ni Maurelli at hinila sabay tulak. Nakarinig ako ng daing mula kay Jasmin

"Walangya ka talaga Maurelli ganyan ka ba magpasalamat sa mga umampon sayo!" inis kong sigaw.

"Aba at kelan ka pa nagkaroon ng pakialam sa babaeng yan?" taas kilay niyang sabi.

"Wala kang utang na loob sa kanila!"

Napilig ang ulo ko ng makatanggap ako ng sampal mula kay Maurelli.

"Alam mo ang sarap niyong pagsamahin dito kaso madami pa akong ipapagawa kay Jasmin kaya ikaw na lang muna." tumalikod siya sakin.

"LUMABAS KA NA DUN UTUSAN!! GAWIN MO YUNG PINAPAGAWA KO!" sigaw niyang muli kay Jasmin.

Nakitang kong yumuko si Jasmin at naunang lumabas. Babagsak ka din Maurelli,babagsak ka.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top