PAHINA 47
Zyfer's Pov:
Bumalik kami dito sa mansion. Sunog na sunog na ito at maraming mga malalalim na hukay galing sa mga pagsabog. Wala na sira na ang mansion. Naglakad ako sa makalat na sahig ng mansion. May malaking butas ang bubong at natanggal na ang kanang pader natumba na at nagkapirapiraso. Pinulot ko ang isang litrato na sunog ang kalahati. Litrato namin iyon noong nagbakasyon kaming lahat. Napatigil ako ng may narinig akong kalabog sa may bandang salas. Agad akong lumapit doon at tinignan mabilis akong nagtago sa malapit na poste at itinago ang aking presensya. May tatlong lalaking nakaitim na kapa,tulad nung mga lumusob dito. Sumilip akong muli nakita kung tila mag hinahanap sila. Ano naman kayang hinahanap ng mga to?
"Hoy! Nakita mo na ba?" dinig kong sabi nung isa.
"Hindi pa."
Muli silang nanghalukat doon.
"Kailangan nating mahanap yun kundi lagot nanaman tayo kay binibining Wylst!" napatigil ako sa sinabing iyon ng lalaki.
Si Maurelli? Ano pa bang kailangan niya? Pagkatapos niya kaming lusubin dito? Napaisip ako sandali. Maaari kayang nasa kanya si Kuya? Pero hindi malabong mangyari iyon maliban na lamang kung may ginawa siya kay Kuya bago pa man siya magising mula sa pagsabog. Ilang minuto pa ang lumipas ay tila hindi na talaga nila mahanap pa ang kung ano man iyon ay umalis na sila. Mabilis ko silang sinundan ngunit nakatago pa din ang aking presensya. Huminto sila sa isang bahay malayo ito sa mansyon. Agad akong nagtago sa taas ng puno kung saan nakikita ko sila. Nakatayo sila sa labas ng bahay ng may lumabas na babae. Si Maurelli iyon. Tila mainit ang ulo niya at pinagagalitan niya ang mga lalaking iyon.
"ANONG HINDI NIYO MAHANAP? NANDOON LAMANG IYON! HANAPIN NIYO KASI NG MABUTI HINDI YUNG BUNGANGA NIYO LANG ANG NAGHAHANAP!!" sigaw niya sa mga ito.
Yumuko ang mga lalaki sa kanya.
"KAPAG HINDI NIYO PA DIN NAHANAP ANG KWINTAS NG KAPANGYARIHAN UUBUSIN KO KAYO!!"
Teka ang puso ng rosas ba ang hinahanap niya? Sa pagkakaalam ko wala na iyon samin sabi ni Kuya itinago niya raw ito sa isang ligtas na lugar ngunit hindi niya binanggit kung saan. Bakit niya kailangan ang kwintas na iyon? O posible na hindi na iyon kwintas. Kaya ni Kuya na baguhin ang wangis ng sisidlan ng kapangyarihan kung kaya't mahirap malaman kung ano na ang wangis ng sisidlan.
Mabilis akong umalis doon at dumiretso ako sa tinutuluyan namin ngayon. Isa pang problema ito kung nagdadalang tao nga si Ally mas lalong kailangang makita agad si Kuya. Marahil ay alam niya na nagdadalang tao na si Ally at posibleng mangyari iyon.
Mas binilisan ko pa ang pagkilos ngunit napatigil ako ng may naramdaman akong pamilyar na presenya. Ang presensyang iyon,si Kuya. Ngunit bakit may kakaiba sa presensya niya. Mahina ito at parang hindi siya. Muli ay lumingon ako sa likuran galing iyon sa lugar na pinanggalingan ko kanikanina lamang. Nadoon nga ba siya? Sa bahay ni Maurelli?
Nang makabalik ako sa tinutuluyan naming bahay ay agad akong nagtaka kung bakit walang tao. Asan na kaya sila? Nilibot ko ang buong bahay ng masalubong ko si Shaviel.
"Shav nasaan sila?"
"Nandoon sila sa kanilang bahay teka san ka galing?"
"Ah bumalik ako doon sa mansion. Sunog na sunog na iyon."
"Hindi ba't delikado pa dun? Hindi ka man lang nagpaalam samin,sakin."
Hindi ko napigilang mapangiti. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya tsaka ko siya niyakap.
"Huwag kang mag-alala nagiingat naman ako para sayo eh." bulong ko sa kanya.
Sinuntok niya ng bahagya ang dibdib ko.
"Loko ka Zy! Huwag mo ng ulitin yun pakiusap lang."
"Oo na." sabi ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.
"Nga pala si Ally nagising na ba siya?"
Humiwalay siya sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Oo nagising siya kanina ngunit nawalan nanaman siya ng malay."
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Nahanap mo na ba si Primo?"
Natahimik ako sandali. Sasabihin ko ba sa kanya?
"Zy?!"
Nabalik ako sa realidad ng madinig ko siya na magsalita ulit. Huminga muna ako ng malalim.
"Nakita ko na kung nasaan siya pero ipangako mo sakin na wala ka munang pagsasabihan nito." mahina kong sabi.
"Ngunit bakit? Alam kung gaano kailangan ni Ally si Primo ngayon." medyo madiin niyang sabi.
"Alam ko yun pero baka manganib din si Kuya at baka hindi na talaga siya makasama nina Ally."
"Nasaan ba siya talaga?"
Napatigil muna ako sandali.
"Kanina habang nasa mansion ako may nakita akong tatlong lalaki na naghahanap ng kung ano doon. Nung umalis sila sinundan ko sila hanggang sa makarating ako sa isang bahay na pag-aari ni.... Maurelli."
"Ano?! Baliw ka ba? Paano na lang pag nakita ka nila."
"Hindi naman nila ako nakita. Tsaka palagay ko nasa bahay na yun si Kuya,naramdaman ko ang presensya niya doon."
"Hayop talaga ang babaeng yun! Hindi na nakakapagtaka na kunin niya si Primo! Pero hindi ngayon!" nakayukom niyang sabi.
"Shaviel.."
"Mapapatay ko talaga ang babaeng iyon! Hindi ako papayag na gawin niya ang kalapastanganang ito sa pinsan ko!"
"Huminahon ka muna. Magiisip ako ng paraan upang makapasok doon. Kung nandoon nga talaga si Kuya tsaka ko sasabihan ang iba,sa ngayon atin atin na lamang muna ito pwede ba?" hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tinignan siya sa mga mata niya.
Huminahon ng konti ang kanyang itsura tsaka siya nagbuntong hininga.
"Sige pero sa oras na malaman kong nandoon talaga si Primo mananagot sakin yang babaeng yan."
Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.
"Masyadong mainit ang ulo mo mabuti pa puntahan natin sila." nakangiti kong sabi.
Tumango naman siya sakin. Hawak kamay kaming lumabas at naglakad papunta sa malaking bahay. Si Ally nagaalala ako sa kalagayan niya ngayon at habang wala pa si Kuya ako muna ang magbabantay sa mag-ina niya. Isa pa nga pala ang traydor na si Axiel. Nakakadismaya na malaman na ang sarili pa namin mismong kapatid ang nagpahamak saming lahat. Ang lokong yun makakatikim talaga siya sakin kapag nakita ko siya ulit. Nang makarating kami sa malaking bahay ay agad niyang binuksan ang malapad na pintuan. Dumiretso kami sa salas ng bahay.
Isang Quinzel pala si Ally,ibig sabihin isa siyang maharlika. Bukod sa pamilya namin ay maharlika din ang mga Quinzel. Ngunit isang malawakang paglusob ang gumiba sa buong bayan na hinahawakan nila,at nagbigay ng malalang karamdaman kay Ginang Ellisa kalaunan. Sino kaya ang dahilan ng nangyari sa bayan ng mga Quinzel dati? At sa wari ko'y may koneksyon ang mga nagaganap ngayon sa nakaraan.
Nakatayo kami ni Shaviel saglit sa harapan ng pinto ng salas ng makarinig kami bg yabag papalapit samin. Agad akong lumingon sa gawing kaliwa at nakita ko ang asawa ni Croxe na inaalalayan si Ally. Mabilis namang lumapit sa kanila si Shaviel at umalalay din. Hindi ko maiwasang mainis sa sitwasyon niya bakas sa mukha niya ang labis na lungkot. Pinagbuksan ko sila ng pinto ngunit hindi pa man sila nakakapasok ay muntik ng matumba si Ally kung kaya't lumapit na ako.
"Bubuhatin ko na siya." sabi ko sa kanila at binuhat si Ally papasok ng salas.
Pinaupo ko siya sa isang upuan malapit sa bintana agad namang binuksan ni Shaviel ang bintana na iyon.
"Ate Larissa kanina pa ba siya gising?" dinig kong tanong ni Shaviel.
"Hindi naman masyado kaya lang balisa siya noong muling pagising niya." paliwanag nito.
Tama siya sobrang balisa ni Ally at makakasama yun sa dinadala niya. Lumuhod ako sa harapan ni Ally. Sana kahit sa ganitong paraan mapagaan ko ang loob niya.
"Ally..." panimula ko.
"Alam ko na naririnig mo ako. Alam mo bang nagdadalang tao ka na? Hindi magtatagal magiging isang ina ka na,magkakapamilya na kayo ni Kuya." sabi ko habang hawak ang kanyang kamay.
Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at napatingin siya sakin.
"Alam ko na nagaalala ka para kay Kuya lahat naman tayo nagaalala sa kanya. Hindi ko alam kung paano pagagaanin ang loob mo pero Ally,isip mo ang dinadala mo. Kailangang maging matatag ka para sa magiging anak niyo ni Kuya upang sa pagbalik niya magkakasama kayo ng matagal." nakita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
"Kilala mo si Kuya,Ally babalik at babalik siya sayo,sa inyo. Sobrang mahalaga ka sa kanya kaya alam kong babalikan niya kayo. Magtiwala ka lang babalik siya pero sa ngayon alagaan mo muna ang sarili mo para sa anak niyo nakakasama yang sobrang pagiging balisa mo. Pangako hahanapin namin siya." tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.
Tinignan ko lamang siya habang sunod sunod ang paghikbi niya. Hinimas ko ang balikat niya.
"S-si P-primo." paos at putol niyang sabi.
Napabuntong hininga na lamang ako tumayo ako at pinahid ang mga luha niya.
"Ayaw ni Kuya na umiiyak ka at kapag nalaman niyang umiyak ka gayoong dinadala mo ang anak niya sigurado paparusahan ka nanaman niya." sinubukan kong magpatawa sa kanya.
Alam kong hindi epektibo yun pero sinubukan ko pa din. Nakita kong napahawak siya sa tiyan niya at nakatingin dito.
"P-panga-ko a-aala-gaan k-kita h-hanggang sa m-makabalik a-ang i-iyong a-ama." mahina at putol putol niyang sabi.
Lihim akong napangiti sa narinig ko. Alam ko na matatag si Ally dati pa ngunit dapat na mas maging matatag siya ngayon habang wala pa si Kuya. Binigyan ko siya ng pamunas para sa mga luha niya. Bukas din mismo gagawa ako ng paraan upang makapasok sa bahay ni Maurelli at masigurado kung nadoon nga ba si Kuya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top