PAHINA 46
Croxe's Pov:
Biglang napatayo si ama ng marinig iyon mula kay Larissa. Maging ako ay nagulat sa narinig ko na iyon,nagdadalang tao si Ashren ibig sabihin may nangyari sa pagitan nila ni Zeroel. Ang lalaking yun!
"Nagdadalang tao siya? At sino naman ang ama ng dinadala niya?" mahinahon ngunit matigas na sabi ni ama.
"Ginoong Iveon huminahon ka muna at maupo." malumanay na sabi ni Ginang Stella.
"Tama po siya ama." sabi ng aking asawa.
Umupo si ama ngunit hindi pa din kalmado ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Sino ang ama ng dinadala ni Ashren?" muli niyang tanong.
Isang minutong katahimikan ang bumalot samin.
"Marahil ay anak na nila ni Primo ang kanyang dinadala." napalingon ako sa sinabi ni Ginang Stella.
"Ano? Si Zeroel? Ano bang meron sa kanila ni Ashren?"
"Ama matagal na silang magkasintahan ni Zeroel. Bago ko pa man siya makita ay magkasintahan na sila."
"Kung ganun nasaan siya nais ko siyang makausap ukol dito!"
"Yung ang problema ama nawawala si Zeroel. Nawala siya kanina habang inaatake ang mansion nila."
"Nawawala? O baka tinakbuhan niya ang kapatid mo!"
Tinignan ko lamang si ama. Impossibleng gawin iyon ni Zeroel. Nakita ko kung paano na alagaan at protektahan si Ashren.
"Paumanhin ginoo ngunit hindi iyan magagawa ng aking anak kay Herezett." pagtatanggol ni Ginang Stella.
"Kung gayun bakit siya nawawala? Nasaan siya?"
"Hindi rin namin alam ama nawala na lamang siya bigla ng may sumabog sa malapit samin kanina." sabi ko.
"Kailangan siyang mahanap agad agad." seryosong sabi ni ama.
Napabuntong hininga na lamang ako. Iniisip ko kung paano namin maipapaliwanag ang lahat sa kanya ang tunay niyang pagkatao gayong nawawala si Zeroel at sigurado ako na siya ang unang hahanapin ni Ashren sa paggising niya. Pinatawag ko ang lahat ng mga alagad namin at pinahanap si Zeroel sa paligid ng kanilang mansion. Kailangan siya ni Ashren at ng magiging anak nila.
Lumipas ang buong magdamag ngunit walang Zeroel na nakita ang mga alagad namin doon. Maagang nagising ang lahat at dito na kami nag-agahan sa kabilang bahay. Hindi pa nagigising si Ashren hanggang ngayon. Nang matapos kaming kumain ay nagusap sina ama at Ginang Stella sa isang pribadong silid. Habang ang mga kasamahan nilang lalaki ay muling nagbalik doon sa mansion.
"Kuya Croxe,si Ally pala ang nawawala mong kapatid?" dinig kong tanong ni Shaviel.
"Oo siya nga,Shaviel."
"Kaya pala ang gaan ng loob ko siya kanya noong una ko siyang nakita sa eskwelahan namin dati." nakangiti niyang sabi.
"Mabuti na lamang at ikaw ay nakasama niya doon kahit hindi niyo kilala ang isa't isa bilang magpinsan."
"Ayos lang iyon Kuya napakabait niya namang kaibigan samin. Lalo na noong nanganganib kaming lahat."
"Napatapang niya pala kung ganun."
"Sobra Kuya, wala akong maipipintas sa kanya talagang nagmana siya kay Tita Ellisa."
Napangiti ako sa mga sinabi ni Shaviel tungkol kay Ashren. Totoong nagmana siya kay ina. Hindi lang sila magkahawig pareho din sila ng paguugali. Masayang nagkukwento si Shaviel sakin ng makarinig kami ng malakas na sigaw mula sa taas. Agad kaming napatayo at mabilis kaming umakyat sa ikalawang palapag. Nakita kong lumabas ang aking asawa sa silid na kinaroroonan ni Ashren.
"Croxe tulong may nangyayari sa binibini!" natataranta niyang sabi.
Mabilis akong pumasok doon at mga lumulutang na gamit agad ang bumungad sakin. Nakita kong lumulutang siya sa higaan agad akong lumapit at hinawakan siya upang maibaba ngunit pagdampi ng kamay ko sa kanya ay may kumawala na kuryente buti na lamang at nakalayo ako sa kanya. Binalot siya ng kuryente ang buo niyang katawan. Kinontra ko ang kapangyarihan niya ngunit malakas ito. Bakit ganito kalakas ang kapangyarihan niya dala kaya ito ng nagdadalang tao niya? Minulat niya ang kanyang mga mata at nagliliwanag ito,kulay lila,malalim na lila.
Napatakip ako ng tainga ng muli ay sumigaw siya ng malakas. Pagkatapos ng sigaw na iyon ay nakababa na siya mula sa pagkakalutang. Agad akong tumayo at hinawakan siya sa pisngi.
"Ashren! Gumising ka ayos ka lang?"
Minulat niya sandali ang kanyang mga mata.
"S-si P-primo."
Mahina niyang sabi bago siya nawalan muli ng malay. Inayos kong muli ang pagkakahiga niya at kinumutan siya. Pinaayos ko ang mga gamit sa loob ng silid tsaka ako lumabas muli. Kung nasaan man ngayon si Zeroel dapat makabalik siya agad kailangan siya ng kanyang mag-ina sa mga oras na ito.
******
Third Person's Pov:
Magkasamang nagaagahan ang binibini at ang binata. Pinagsisilbihan ng binibini ang binata,nilalagyan niya ng makakain ang plato nito.
"Ito subukan mo masarap ito." nakangiti niyang sabi dito.
"Alam ko namang masarap yan ikaw kasi nagluto."
"Ikaw talaga kumain ka na."
Nakakailang subo pa lamang ang binata ay may pumasok na isa pang binata.
"Sino siya?" agad na tanong ng binata habang hawak ang baso ng tubig.
"Ahh pinsan ko siya,mahal. Siya nga pala si..Cris."
"Ah nagagalak akong makilala ka. Kain tayo." pag-anyaya niya rito.
"Hindi na. Nais ko lamang na makausap ang pinsan ko." madiin niyang sabi.
Tinignan muna ng binata ang asawa tsaka ito tumango sa kanya.
"Sandali lang ito." paalam ng binibini tsaka ito lumapit sa tinawag .niya pinsan.
Nang makalayo sila ay agad na humalukipkip ang binibini sa harapan ng binata.
"Bakit ba? Istorbo ka naman,Axiel!" mahina ngunit galit na bungad nito.
"Anong ginawa mo kay Kuya?" walang emosyong sabi nito sa binibini.
"Wala akong ginawa sa kanya."
"Meron kang ginawa sa kanya at wala sa usapan yun,Maurelli!"
Natahimik sandali ang binibini at umismid sa binata.
"Eh ano naman ngayon kung may ginawa ako sa kanya tinupad ko naman yung usapan natin."
"Hindi pa tapos ang usapan natin kaya bakit may ginawa ka sa kanya!"
Hindi siya sinagot ng binibini bagkos ay tinalikuran siya nito at akmang maglalakad palayo ng hablutin siya nito paharap.
"Bawiin mo ang ginawa mo sa kanya!"
"Kapag binawi ko iyon edi patay tayo pareho. Naisip mo man lang ba iyon?"
Matiim siyang tinignan ng binata.
"At kapag ginawa ko iyon iiwan nanaman niya ulit ako! Madami na akong ginawa at madami na din akong kinuntsaba para lang makasama ko siya ulit!"
"Wala akong pakialam kung ilang nilalang pa yung kinuntsaba mo basta bawiin mo ang ginawa mo sa kanya!"
"Sabi na nga ba darating ang pagkakataon na ito ang pag tutol mo sa mga gagawin ko!" agad niyang itinulak ang binata.
Bigalang natumba ang binata ng may humampas sa kanya mula sa likuran nito.
"Mabuti na lang at hindi niya ako napansin." mahinang sabi ng binibini na humampas kay Axiel.
"Dalhin mo siya sa lihim na bilangguan at siguraduhin mong hindi siya makakaalis dun." utos ni Maurelli.
"Sige bumalik ka na doon kay Zeroel ako ng bahala sa batang ito."
Agad na umalis si Maurelli at bumalik sa kusina habang ang binibini naman ay tinawag ang dalawang lalaking bantay at pinabuhat si Axiel hanggang sa lihim na bilangguan. Kinandena siya ng mga ito sa madilim na silid na walang bintana tsaka isinara ang bakal na pintuan at iniwan siya doon na walang malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top