PAHINA 45
Croxe's Pov:
Maayos kong hinawakan si Ashren habang wala siyang malay. Kailangan ko na ding linawin ang lahat sa mag-asawang Crisford at sa kanya. Pinatuloy muna namin sila sa bakanteng bahay dito sa aming lupain. Dito na rin muna siya habang hindi niya pa nalalaman ang katotohanan. Inihiga ko siya sa bakanteng kama at tinitigan siya ng saglit bago ako lumabas ng silid. Lumapit agad ako sa kanila na nakaupo sa mga upuan na nakapalibot sa mesa. Hindi ko pa nasasabihan si Ama tungkol sa pagpapatuloy ko sa kanila dito. Kakausapin ko na lamang siya mamaya. Agad akong lumapit sa mag-asawang Crisford kailangan naming magusap.
"Pumanhin ngunit maaari ba tayong mag-usap ng sarilinan?" marahan kong tanong.
Tumango sila sa akin tsaka sila tumayo.
"Ginang Silverstone maiwan muna namin kayo dito."
"Sige iho salamat sa pagpapatuloy."
Tumango ako sa kanya bilang tugon. Sumunod ako sa labas kung saan naghihintay sila sa akin.
"Kung maaari sumunod kayo saakin gusto kayong makausap ni ama."
Nauna akong maglakad sa kanila at sumunod sila sakin. Hindi naman kalayuan ang mansion mula rito. Nang makarating kami agad kong pinihit ang pintuan upang magbukas ito. Nauna akong pumasok.
"Mahal ginabi ka ata ng uwi?" bungad ng aking asawa.
"May mahalagang bagay lang akong inasikaso." sabi ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.
"May mga galos ka? Ayos ka lang ba?" puno ng pagaalala ang boses niya.
"Wala yan mahal siya nga pala nasaan si ama?"
"Nasa silid ng mga litrato nanaman siya."
"Kailangan namin magusap kasama sila." sabi ko sabay lingon sa likuran ko kung saan nakatayo silang dalawa.
"Magandang gabi binibini." dinig ko bati nila sa aking asawa.
"Nakita mo na sila?"
Tumango lamang ako sa kanya.
"Larissa si Croxe na ba iyan?" boses iyon ni ama at papalapit siya dito.
Nang makita ko na si ama ay agad natuon ang pansin niya sa mga kasama ko.
"Niel at Sandra Crisford,nahanap mo sila."
"Ama doon tayo sa pribadong silid magusap."
Nang makarating kami sa pribadong silid ay wala munang nagsalita saamin.
"Nasaan ang aking anak?" pagbasag ni ama.
"Ginoong Iveon,patawad kung inilayo namin siya at itinago napamahal na din siya saamin." garalgal na sabi ni Ginang Sandra.
"Ang usapan natin pangangalagaan niyo siya at doon lamang kayo sa lugar na iyon ngunit umalis na lamang kayo at hindi namin alam kung nasaan kayo hanggang sa pumanaw si Ellisa,hindi man lamang namin kayo nahanap." mahinahon ngunit madiin na sabi ni ama.
"Patawad ginoo,natunton nila kami doon kung kaya't umalis kami. Pinoprotektahan lamang namin siya."
"Kung ganun nasaan si Ashren?!"
"Nandito siya ama." singit ko.
"Nakita mo na siya,Croxe?"
"Patawad ama kung inilihim ko matagal ko na siyang nakita ngunit inilihim ko sayo dahil nasa puder siya ng mga Silverstone." bahagyang napaawang ang bibig ni ama.
"Paano? Paano siya napunta doon?"
"Pinagaral namin siya sa eskwelahan kung saan nagaaral din ang mga Silverstone. Ginoo hindi kami tinitigilan ng mga kalaban hanggang sa lumaki siya sa puder namin at dinala niya ang pangalan namin. Tinulungan kami ng isang Silverstone dati sa pagprotekta sa kanya." paliwanag ni Ginoong Niel.
"Sinong Silverstone naman ang tumulong sa inyo?"
"Si Zeroel."
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni ama.
"Ang Lord Ifrit? Ngunit bakit?"
"Mahabang istorya ama ang mahalaga ay makakasama na natin siya."
"Kung ganun nasaan siya?"
"Nasa kabilang bahay sila ama nilusob ng mga isinumpa ang mansion ng mga Silverstone kung kaya't pinatuloy ko muna sila doon ayos lang ba iyon ama?"
"Walang problema doon,Croxe nais kong makita ang kapatid mo."
Tumango ako sa kanya at nagtungo kami sa kabilang bahay kasama si Larissa at Marione. Nang makarating kami doon ay pinaglaro muna namin sina Marione at Victoria habang kami ay naguusap.
"Iveon Quinzel matagal na panahon na din ang nakalipas." bati ni Ginang Stella.
"Tama masyadong matagal na panahon na,Lady Stella."
"Hindi na kailangan pang tawagin ako ng ganyan,Stella na lamang. Para saan pa at naging magkakaibigan tayo dati nila Ellisa."
"Kung iyon ang iyong nais. Balita ko nilusob daw kayo ng mga isinumpa."
"Oo at dahil doon ay nawawala ang aking panganay na anak."
Tama nawawala nga pala si Zeroel. Kinuha kaya siya ng mga isinumpa? Kanina ramdam ko na natataranta si Ashren sa paghahanap sa kanya.
"Paumanhin sa inyo."
Napatingin ako sa asawa ko na nakatayo sa gilid. Galing siya sa silid kung nasaan si Ashren natutulog.
"Bakit mahal may problema ba?"
"May naramdaman ako sa loob ng binibini."
"Ano naman iyon iha?" tanong ni Ginang Stella.
"Ineksamina ko ang binibini at may kakaiba akong naramdaman,dalawa ang naririnig kong tibok ng puso sa kanyang katawan at hindi normal ang kanyang paghinga. Sa palagay ko ay nagdadalang tao ang binibini."
Nagdadalang tao ang kapatid ko?
*******
Third Person's Pov:
Dahan dahang iminulat ng binata ang kanyang mga mata at agad na tumambad sa kanya ang hindi pamilyar na lugar. Bumangon siya at napahawak sa sumasakit na sintido. Muli niyang inilibot ang paningin sa paligid. Bumaba siya sa kama at naglakad sa bukas na terasa. Pilit niyang inalala ang nangyari kung bakit ganoon na lamang kasakit ang kanyang ulo. Tila gumaan naman ang pakiramdam niya ng malanghap niya ang sariwang hanging nanggagaling sa labas. Biglang may pumulupot na kamay sa kanyang beywang at may sumilip na dalaga sa kanyang tabi.
"Magandang umaga mahal kong asawa!" magiliw na bati ng dalaga.
Humarap siya dito at tinignan siya. May halong pagtaka ang mukha ng binata habang nakatingin sa dalaga.
"Asawa?" takhang tanong ng binata.
"Oo asawa mo ako eto oh!" pinakita ng dalaga ang singsing sa daliri niya at pinagtabi sa daliri ng binata na may singing din.
"Kung ganun kelan tayo ikinasal?"
"Kahapon lang sobrang nalasing ka ata ng sobra kahapon dahil sa selebrasyon ng kasal natin kaya ka ganyan." yumakap ito sa beywang niya.
Napagisip ng binata na tama nga ata ang sinabi ng binibini marahil ay naparami ang kanyang inom kaya masakit ang sintido niya at wala siyang maalala.
"Nagugutom ka na ba?"
"Oo."
"Halika ka na kakain na tayo ipinagluto kita."
Marahan siyang hinila ng binibini palabas ng kwarto. Mahigpit na magkahawak ang kanilang mga kamay habang pababa ng silid. Nakangiting lumingon sa kanya ang binibini ngunit sa loob niya ay napupunyagi siya at naangkin niyang muli ang dapat ay hindi sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top