PAHINA 42

Herezett's Pov:

Grabe pakiramdam ko mabibiyak ata yung ulo ko sa sakit. Napahawak ako sa aking sintido at hinilot hilot ito. Hindi ko maalala ang nangyari. Akma akong babangon ng may naramdaman akong kamay sa tabi ko. Nang tignan ko ay nakita ko si Primo na nakahiga at nakaulon sa kanyang mga kamay. Humiga muli ako at itinapat ang mukha ko sa mukha niya. Hinawi ko ang kaunting buhok na tumakip sa mukha niya. Medyo mahaba na ang buhok niya pero mas maganda namang tignan. Ang matangos niyang ilong,mahabang pilikmata,mapupulang labi niya at ang maamo niyang mukha. Marahan kong hinawakan ang kanyang pisngi,inilapit ko pa ng konti ang aking mukha. Hinalikan ko ang tungki ng kanyang ilong papunta sa kanyang pisngi. Nilaro laro ko ang kanyang buhok habang tinitignan siya. Nakakahalina siya ngayon.

Napangiti ako ng dahan dahan niyang imulat ang kanyang mga mata. Muli ay nasilayan ko nanaman ang mgagaganda at abuhin niyang mga mata. Pinikit pikit niyang muli ang kanyang mga mata tila inaaninag ako ng mabuti.

"Mahal.." mahina niyang sabi.

"Bakit?" mahina kong tanong.

"Kanina ka pa gising?"

Magbubulungan lang kami.

"Hindi naman masyado. Ba't dyan ka natulog? Sana tumabi ka na lang sakin."

"Ayos lang mahal. Dito na ako dinalaw ng antok ko."

Hinawi kong muli ang buhok na humarang nanaman sa mukha niya.

"Kailangan ko na bang paputulan ang buhok ko?"

"Hindi mas maganda nga yan eh."

Tumawa siya ng mahina. Nanatili kaming tahimik at nagtinginan habang nilalaro ko pa din ang buhok niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon ng marahan.

"Mahal ko kelan ka ba magadadalang tao?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Nagmamadali ka?" kinurot ko ang ilong niya.

"Hindi naman sa ganun. Inaantay ko nga kung kelan mabubuo yung ilang beses na—"

"Primo yung bunganga mo." pagbabanta ko sa kanya.

Tumawa naman siya. Alam ko kasi kung saan patungo yung sasabihin niya.

"Ikaw ba mahal anong gusto mo? Babae o lalaki?"

Hmmm ano nga ba? Gusto ko ng babae pero gusto ko din ng lalaki.

"Kung ano ang mabubuo masaya kong tatanggapin yun. Anak natin yun eh."

"Pangako huhulmahin ko ng mabuti ang mga magiging anak natin."

Napatawa na lamang ako sa sinabi niya. Sa totoo lang maging ako ay nasasabik na din kung paano maging isang ina. Kung paano mabuhay na kasama si Primo hangang sa huling hinga ko.

******

Maaga akong ginising ni Primo para sa pagsasanay ko ngayong araw. Nandito na ako sa hardin na pinagsasanayan ko at muli ay kailangan kong mapagalaw at mapaangat ang kahon. Ngunit ako lang ba o may kakaiba talaga ngayong araw. Pakiramdam ko ay maraming nakamasid sa paligid. Hindi ko na lamang ito pinansin kahit nakakakaba ang mga presensya na nandirito ngayon. Tsaka madaming mga tagabantay ang naglilibot sa paligid ng mansion nagtataka tuloy ako kung anong nangyayari. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa kahon. Unti unti ay nakakaramdam ako ng malakas na enerhiya sa katawan ko ngunit inihinto ko agad ito. Baka mawalan nanaman ako ng kontrol. Huminga ako ng malalim at inulit muli ang pagkontrol sa kahon. Itinaas ko ang kamay ko at itinuon sa kahon.

'Sa utos ko aangat ka mula sa lupa.' sabi ko sa isip ko.

Unti unti ay umangat ito sa lupa kasabay ng pagtaas ko ng aking kamay ay mas umangat pa ito. Nagawa ko! Iginalaw ko ang kamay ko pakaliwa at sumunod naman ang kahon. Gaano kaya kalayo titilapon ito?

Hmmm...

Iginalaw ko ang kamay ko na parang may tinutulak,tumilapon ang kahon hanggang doon sa mga puno sa unahan ko. Ang galing!!! Nagawa ko!! Nakangiti kong tinignan ang aking kamay. Umikot ako sa likuran ko at nakita ko doon ang isang basong tubig na nasa mesa. Subukan ko kaya ito? Itinuon ko ang isip ko sa tubig na nasa loob ng baso. Itinapat ko doon ang kamay ko at nakita ko na umangat ang kaunting patak ng tubig. Patuloy ko itong ginawa hanggang sa lahat ng laman ng tubig ay nakaangat na mula sa baso. Inilahad ko ang kamay ko upang palapitin ang lumulutang na tubig sa aking kamay. Lumapit ito at lumutang sa itaas ng kamay ko. Nakakamangha,nakabilog ang anyo ng tubig sa kamay ko.

Dahan dahan akong umikot habang manghangmangha na nakatingin sa tubig na lumulutang sa kamay ko. Napaatras ako ng nawasak ang tubig sa kamay ko at halos mabasa na ako.

Anong??? Sinong may gawa nun?? Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at doon ko nakita si Primo sa tabi na nakagat sa labi niya at tila nagpipigil ng tawa niya. Siya ang nagwasak nung tubig!!

"Primo!!" kunot noo kong sabi.

"Bakit?" natatawa niyang sabi.

"Bakit mo sinira yung tubig!! Kainis!"

"Natutuwa ka kasi masyado sa ginagawa mo eh." sabi niya habang lumalapit sakin.

Humalukipkip ako ng makalapit siya sakin.

"Magaling at nagawa mo ngunit unang bahagi pa lamang iyon ng pagsasanay mo. Nasa simula pa lamang tayo." seryoso niyang sabi.

Alam ko naman na simula pa lamang ito eh.

"Ang susunod mong pagsasanay ay ang paggamit ng sandata."

Napalunok ako ng mahina. Inaasahan ko na na magsasanay ako sa paggamit ng sandata ngunit hindi ko inaasahan na ganito kabilis iyon. Wala akong magagawa dahil kailangan kong magsanay ng sandata. Tumango ako sa kanya.

"Mabuti pa magpalit ka muna mahal."

"Bakit kasi ginawa mo yun nabasa tuloy ako."

"Pasensya na nakakatuwa ka kasing tignan kanina." natatawa niyang sabi.

"Nga pala Primo. Bakit ang daming tagabantay na nagiikot? Tsaka parang ang daming mga matang nagmamasid?"

"Para siguridad ng lahat."

Siguridad? May nangyari kayang hindi maganda?

"Ano bang nangyari Primo?"

"Huwag mo ng intindihin iyon mahal,ako na abg bahala doon. Halika na sa loob." sabi niya sakin.

Tumango na lamang ako sa kanya at sumabay sa kanya sa paglalakad. Nakakapagtaka itong ginagawa ni Primo,sa buong panunuluyan ko dito ngayon lang naging ganito kahigpit ang siguridad ng mansion. Ano ba talaga ang dahilan ng paghihigpit mo Primo?


Nakapagbihis na ako at bumaba na ako papuntang hardin. Pagdating ko doon ay nakita ko sina Shaviel at Tamara na nakatayo doon kasama si Primo. Agad ako na lumapit sa kanila.

"Mabuti nakabalik ka na." bungad ni Primo.

"May nangyari ba dito? Bakit nandito sila?" tanong ko.

"Kasi Ally inutus-este pinakiusapan kami ni Kuya na maging kasama mo sa pagsasanay sa mga sandata." sabi ni Tamara.

Ibig sabihin makakalaban ko sila sa pagsasanay?

"Huwag kang magalala Ally pagsasanay lang naman to." sabi ni Shaviel.

Ngumiti lang ako sa kanila. Sa totoo lang kinakabahan ako kasi sila sanay na sanay na ako magsasanay pa lang. Napabuntong hininga ako ng malalim.

"Handa ka na?" dinig kong tanong ni Primo.

"May magagawa pa ba ako?"

Nadinig ko na tumawa ng konti sina Shaviel at Tamara. Si Primo naman seryosong nakatingin sakin. Bakit ganyan siya makatingin? Napakunot ang noo ko sa kanya. Lumapit siya sa mesa at kumuha ng espada,medyo manipis siya na mahaba.

"Dahil hindi ka pa sanay sa sandata eto muna yung sayo." sabi niya sakin.

Kinuha niya ang kamay ko at pinahawakan sakin ang espada. Jusme!! Ang bigat pala neto kahit manipis siya tignan. Hinawakan ko ito at itinaas ng konti. Ano ba yan ang bigat!

"Sanayin niyo na siya." sabi ni Primo.

"Opo Kuya." dinig kong sabi ni Tamara.

"Halika na dun Ally." sabi ni Shaviel at inakay ako sa gitna.

Nakatayo na ako kasama sina Tamara at Shaviel. Nasa harapan ko sila.

"Una tuturuan ka muna namin kung paano ang tamang paghawak ng sandata." sabi ni Shaviel.

"Halata kasing nabibigatan ka dya." nakangiting sabi ni Tamara.

Oo talagang nabibigatan ako pero kaya ko naman.

"Magsimula na tayo." sabi ni Shaviel.

Tumango lamang ako naglakad si Tamara at tumayo sa tabi ko. Nakaramdam ako na humangin ng konti tsaka may lumabas na espada mula sa kanyang kamay.

"Ally sundin mo lang ang posisyon ni Tamara ha? Aalalayan kita." sabi ni Shaviel.

"Oo."

"Unang posisyon ang tamang pagtayo na may hawak na espada."

Sinunod ko ang ginawa niya. Ipinaglayo ang mga paa ang isa ay nasa harapan at ang isa naman ay nasa likod. Nakataas ang kamay hanggang sa dibdib. Bumababa ang kamay ko dahil mabigat yung espada. Naramdaman kong may humawak sa braso ko at inalalayan itong tumuwid.

"Ganyan lang Ally." dinig kong sabi ni Shaviel.

"Ayos na? Tapos gawin mo to." sabi ni Tamara.

Itinaas niya ang espada ginaya ko ang ginawa niya. Medyo nahirapan pa akong maangat ang espada pero kinaya ko naman. Tapos ay humakbang ng konti medyo natumba pa ako buti at inalalayan ako ni Shaviel. Ibinaba ko ang espada at hinilot ang balikat ko. Inulit kong muli ang posisyon at galaw na ginawa ni Tamara. Nagawa ko naman pero ng makarating kami sa pagpapaikot ng espada ay nahirapan ako. Mabigat siya para mapaikot ko ilang beses ko ding sinubukan minsan nabibitawan ko o di kaya tumitilapon kasi nilalakasan ko. Muntik ko na nga matamaan ang paa ni Primo buti na lang napatigil niya yung espada. Tinignan niya pa ako ng masama nakakatakot tuloy siya.


******

Lumbas ako ng palikuran,kakatapos ko lang maglinis ng katawan. Nakakapagod pero ayos lang kaya naman. Pinupunasan ko ang aking buhok habang naglalakad papunta sa kama.

"May plano ka bang pilayin ako?"

Nagulat ako ng konti ng biglang sumulpot si Primo sa harapan ko.

"Ano ba wag mo nga akong gulatin ng ganyan. Tsaka di ko naman sinasadya eh. Pasensya na."

"Alam mo mahal paparusahan kita dahil dun." ngumisi siya sakin.

"Nakakatakot ka Primo ah."

Ngumisi pa siya lalo sakin tapos bigla niya akong hinila pahiga sa kama.

"Primo!"

"Paparusahan kita mahal ko." sabi niya at hinalikan ang leeg ko.

Parang nanigas yung katawan ko sa ginawa niya. Pinipisil niya dun ang tagiliran ko. Heto nanaman siya.

"Sana di ka na lang nagsuot ng damit."

"Ha? Bakit? Oy!! Teka anong ginawa mo!"

"Kasi tatanggalin ko din naman."

Tinanggal niya yung pang-itaas ko. Wala pa naman akong panloob.

"Anong parusa ang gusto mo mahal? Mabilis o mabagal?" ngumisi siya ulit sakin.

Pinaningkitan ko siya ng mata tumawa lang siya ng mahina tsaka niya ako siniil ng halik. Marahan at malalim na halik.

*tok tok*

Napatigil kami at tumingin sa gawi ng pintuan. Nagkatinginan ulit kami tsaka siya ngumiti sakin.

"Ako na magtakip ka." sabi niya at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi tsaka siya tumayo upang buksan ang pintuan.

Kinuha ko yung kumot tsaka nagtakip ng buong katawan. Nadinig kong may naguusap sa pintuan at maya maya pa ay may humila ng kumot ko at hinila din ang mga paa ko.

"Nasaan na nga ba tayo?"

"Sino yung kumatok?"

"Wala yun hayaan mo na." sabi niya at hinalikan ulit ako.

Kasabay ng paghawak niya sa kanang hita ko at pinisil ito. Nababaliw nanaman ako sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top