PAHINA 41


Zyfer's Pov:

Nasa mansion na kami ngayon kakarating lang namin. Wala si Kuya sabi nila umalis daw siya ngunit hindi nila alam kung saan ito nagpunta maging si Axiel wala din. Nakaupo kami sa mahabang upuan habang inaantay si Kuya. Maya maya lang ay nakarinig kami ng tila mabibigat na yabag na patungo dito. Ilang segundo lamang ay natanaw ko na si Kuya sa pintuan. Mukha siyang galit diretso lamang siya dumaan lamang siya sa kinaroroonan namin.

"Primo." tawag ni ina sa kanya.

Ngunit hindi siya lumingon dirediretso lamang siya. Tumayo si ina at sinundan siya.

"Ina." tawag ko sa kanya at sinundan siya.

Nang maabutan ko siya at nakaharap na si Kuya sa kanya.

"Primo san ka galing? Bakit ka ganyan?" nagaalalang tanong ni Ina.

Hindi sumagot si Kuya ngunit nakayukom ang kamay niya.

"Primo—"

"Hindi niyo na papapasukin si Axiel dito."

Ano? Humakbang ako papalapit sa kanila.

"Kuya anong ibig mong sabihin?" agad kong tanong.

"Siya ang dahilan ng sugat ko kanina. Pinagtatangkaan niya ang buhay ni Amarith."

Panong? Bakit naman gagawin ni Axiel yun?

"Primo anong sinasabi mo?"

"Narinig mo ang sinabi ko ina. Wala na sa matinong pagiisip si Axiel."

"Hindi mo naman pwedeng gawin yan anak. Bata pa ang kapatid mo."

"Oo bata pa siya at hindi niya alam kung anong ginagawa niya!" sa pagkakataong ito ay napalakas ang kanyang boses.

"Primo kakausapin ko siyang muli." garalgal na boses ni ina

Hinawakan ko sa likod si Ina.

"Kung ganun alam mo ina? Alam mo kung anong ginagawa ni Axiel at hindi mo man lang siya pinigilan?!" malakas na sabi ni Kuya.

Naguguluhan ako anong ba talaga ang ginagawa ni Axiel.

"Pero Primo kinausap ko na siya."

"Hindi sapat ang pagkausap mo sa kanya! Dapat sa kanya turuan ng leksyon hanggat hindi siya natututo hinding hindi siya makakatungtong sa pamamahay na ito!"

Galit na sabi ni Kuya. Gusto ko mang tumutol pero kilala ko si Kuya ayokong kumontra. Hindi naman siya gagawa ng ganyang hakbang kung alam niyang hindi nararapat.

"P-primo..."

Napaatras ako ng suntukin ni Kuya ang pader dahilan upang masira ito ng bahagya nagliliwanag din ang kanyang mga mata.

"Ina mabuti pa palamigin muna natin ang ulo ni Kuya." mahinahon kong sabi kahit sa loob loob ko ay natatakot ako sa inaasta ni Kuya.

Wala pa naman si Ally dahil hindi pa din siya nagigising. Nakarinig ako ng paghikbi mula sa likuran.

"K-kuya!" napalingon ako at nakita si Victoria na umiiyak.

Tss hindi niya dapat nakikita ito. Agad na lumapit sa kanya si Ina at binuhat siya.

"Ma-ma nag-aa-way po ka-yo?"

"Sshhh hindi mahal ko halika na sa taas." dinala ni ina si Victoria.

Napalingon naman ako kay Kuya. Nais kong malaman kung anong ginawa ni Axiel at bakit ganito si Kuya.

"Kuya..."

Tumalikod lamang siya at naglakad na papunta sa hagdan. Napabuntong hininga lamang ako. Ano ba tong problemang ginagawa mo Axiel. Nais kitang tulungan ngunit alam kong hindi magkakaganyan si Kuya sayo kung wala siyang sapat na dahilan. Gusto kong malaman kung bakit at ano ang dahilan ng lahat.


*****

Axiel's Pov:

Itinakwil niya ako ng ganun ganun lang?Hindi niya ba binibigyan ng halaga ang pagkawala ni Acielle samin?Paulit ulit kong sinuntok ang haligi ng kweba sa sobrang galit.

"Oh bakit ka nagiging ganyan ngayon?Akala ko ba'y tanggap mo kung anong magiging pasya ni Primo?" may halong pangiinsulto ang kanyang boses.

Humarap ako sa kanya at umismid. Alam kong magagalit si Kuya at maaari niya akong pagbawalan na makapasok ng mansion pero ang itakwil niya ako ng ganun lang? Hindi ko matatanggap yun!

"Anong ginagawa mo dito,Maurelli?"

"Wala naman napadaan lamang ako para sana kausapin ka ngunit mas maganda pa pala dun ang maririnig ko." nakangisi niyang sabi.

Tumalikod ako sa kanya at umupo sa tabi ng puntod ni Acielle.

"Kawaawa ka naman itinakwil ka na ni Primo bilang kapatid niya."

Hindi ko na lamang siya pinansin. Minsan naiisip ko din bakit pa ako nakipagtulungan sa babaeng ito. Nakakairita siya.

"Ano gagawin na ba natin?"

Sa pagkakataong iyon ay napatingin ako sa kanya. Ito na nga siguro ang tamang oras para gawin ito dahil hindi na ako makakapasok pa ng mansion at hindi ko na magagawa ang mga binabalak ko.

"Sa makalawa na maghahanda muna ako."

"Sige wala ka ng matutulyan ngayon pwede ka doon sakin ako lang naman doon."

"Hindi na dito na lang ako."

"Baliw ka ba?Pano tayo mananalo kung dito ka lang wala kang makakain dito. Ano gusto mong mamatay sa gutom?"

May punto din siya.

"Papayag ako pero sa oras na matapos ito hindi na tayo magkikitang muli."

"Oo naman."

Tumayo ako at tumingin saglit sa puntod ni Acielle. Pangako babalik ako dito. Lumapit ako kay Maurelli.

"Sumunod ka lang sakin." sabi niya sakin at nauna siyang maglakad.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa makalabas kami ng kuweba. Nasa mapunong bahagi kami ng lugar bigla na lamang siyang huminto.

"Dito na ba?"

"Wala pa huwag kang magmadali pwede ba?Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dun sa kuweba niyo."

Hindi na ako umimik. Nilagyan kasi iyon ng pananggalang ni Kuya. Na walang kahit sino ang makakagamit ng kapangyarihan bukod samin. Biglang humangin ng malakas at maya maya pa ay tila may kidlat na nabubuo sa harapan ni Maurelli. May nabuong lagusan sa pamamagitan ng mga kidlat na iyon.

"Halika na malayo kasi ang tinutuluyan ko dito kaya sa lagusan ako dumadaan."

Naglakad siya patungo sa lagusan kung kaya sumunod ako. Nang makatawid kami sa lagusan bumungad sakin ang isang malaking bahay.

"Mag-isa ka lang dito?"

"Hindi naman kasama ko ang mga tagasilbi ko."

Naglakad kami papasok ng bahay niya pagbukas ng pintuan ay nakahelera ang kanyang mga taga silbi at sabay sabay silang yumuko.

"JASMIN!!!" malakas niyang sigaw.

Napailing na lang ako sa ginawa niya. Biglang may sumulpot na isang babae nagmamadali siya tsaka siya huminto sa harapan ni Maurelli.

"P-po ano pong maipaglilingkod ko?" nakayuko niyang sabi.

"Humarap ka nga sakin ng maayos." pasigaw na sabi niya.

Inangat naman ng taga silbi ang kanyang mukha. May malaki siyang sunog sa kanang bahagi ng kanyang mukha.

"Saan ka nanaman nanggaling?"

"Nagluto lang po ako binibini."

"Siya nga pala bisita ko. Dalhin mo siya sa magiging silid niya." mariin niyang utos tsaka siya humarap sakin.

"Sumunod ka na sa kanya. May aasikasuhin lang ako ipapatawag na lang kita mamaya." tumalikod siya sakin at naglakad.

"Bumalik na kayo sa mga gawin niyo!!" malakas niyang sabi at mabilis na umalis ang mga taga silbi.

Ako na lang at yung Jasmin.

"Ginoo sumunod po kayo sakin." nakayuko niyang sabi at naunang maglakad.

Umakyat kami ng hagdan at naglakad sa pasilyo. Masyadong tahimik ang bahay na ito. Tanging tunog lamang ng mga yabag namin ang naglilikha ng ingay. Huminto kami sa isang pintuan kinuha niya ang mga susi sa kanyang bulsa at binuksan ang pintuan. Sumunod ako sa kanya na pumasok.

"Eto na po ang magiging silid mo kung may kailangan ho kayo tawagin niyo lang po ako. Maiwan na kita ginoo." sabi niya at lumabas na.

Tinitigan ko siya habang sinasara niya ang pintuan. Bakit tila kamukha niya si Acielle? Ano ba wala na si Acielle. Nangungulila pa din ako sa kakambal ko. Napahiga lamang ako sa kama. Maigaganti din kita Acielle. Pangako.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang isa isang nagbabalik sa alaala ko ang mga oras na buhay pa si Acielle. Lahat ng alaalang yun naging isang bangungot para sakin na inuunti unti ako.

'Axiel pangako dadamayan kita lagi.'

Naririnig ko nanaman ang boses niya sa utak ko. Napasabunot ako sa buhok ko. Hinding hindi ko talaga sila mapapatawad sa ginawa nila kay Acielle.

(flashback 3 years ago)

Asan na kaya si Acielle?Wala naman siya sa kanyang silid o sa kusina maging sa sala wala din. Baka nasa hardin siya. Agad naman akong pumunta doon. Ngunit wala din siya dun. San ba nagpunta yun? Babalik na sana ako sa loob ng maramdaman ko ang enerhiya ni Acielle. Galing iyon sa loob ng kakahuyan. Mabilis akong nagtungo doon pabilis din ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Unti unti kong nararamdaman ang paghina ng kanyang enerhiya. Mas lalo ko pang binilisan at ng makarating ako sa pinanggagalingan ng enerhiya na yun tila napako ako sa kinatatayuan ko ng makita kong hinuhugot ng isang babae ang espada mula sa katawan ni Acielle. Nakita ko ang dugo sa espada.

"ACIELLE!" basag kong sigaw.

Anong ginawa nila? Napatingin sila sakin at agad akong nagpakawala ng kuryente upang mapalayo sila kay Acielle. Nakaiwas sila at agad naman akong tumakbo patungo kay Acielle. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya.

"A-cielle!" sunod sunod na pumatak ang luha ko.

May lumalabas na dugo mula sa kanyang bibig. Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ang kanyang mukha. Napadako ang tingin ko sa tyan niya na may malalim na sugat. Tinakpan ko iyon at nilagyan ng pwersa upang mapatigil ang dugo.

"ANONG GINAWA NIYO SA KANYA??!" galit kong sigaw sabay tingin sa kanila.

"Iho nagkakamali ka ng iniisip wala—"

Hindi ko pinatapos ang sasabihin nung lakaki agad ko silang sinugod ngunit nakaiwas sila pero hindi ako tumigil. Muli ay inatake ko ang babae ngunit nasalag niya ang atake ko.

"Iho makinig ka muna--ahh"

"Sandra!!"

Natamaan ko siya sa braso.

"HINDI ANONG GINAWA NIYO SA KANYA!!!"

Iwinasiwas ko ang espada sa kanya. Nang may humawak ng braso ko at hinawakan ito palikod.

"BITAWAN MO KO!!! ACIELLE!!"

"Iho kumalma ka muna kailangan niyang magamot!"

"HUWAG KANG LALAPIT SA KANYA!! LUMAYO KA SA KANYA!!"nagpumiglas ako at nang makawala ako ay agad kong iniharang ang katawan ko kay Acielle.

"LUMAYO KAYO!!!" niyakap ko si Acielle.

"Acielle huwag kang pipikit!! Na-nga-ko ka sa-kin di ba?"

Ibinuka niya ang bibig niya ngunit walang boses na lumalabas sa kanya. Nakita ko ang pagpatak ng luha niya. Bumabagal na din ang paghinga niya.

"Iho hayaan mo akong gamutin siya habang may oras pa."

"HUWAG KAYONG LALAPIT!!! MASASAMA KAYO ANONG GINAWA NIYA SA INYO?!!"

"Iho makinig ka mawawala siya kung hindi mo kami hahayaang tulungan siya."

"ACIELLE!!! KUYA!!!"

Iyak ko sa dibdib ni Acielle. Muli ay hinarap ko siya at akmang aatakeng muli ng may matigas na bagay na ipinalo sakin dahilan upang matumba ako sa tabi ni Acielle. Unti unti ay nandidilim ang aking paningin pero hindi iyon dahilan upang mapatigil ang iyak ko. Hinawakan ko ang kamay ni Acielle bago ako nawalan ng malay.

(end of flashback)

Nang magising ako nasa bahay na ako at ang nadatnan na lang nila ay ang duguang damit ni Acielle. Wala na si Acielle halos isang taon akong tulala nun.

Ngayong nahanap ko na sila magaganti ko na si Acielle. Napabangon ako ng bumukas ang pinto,pumasok yung Jasmin.

"Paumanhin po ginoo pinapatawag ka po ni binibining Maurelli." nakayuko niyang sabi.

Bumangon na ako at inayos ko muna ang damit ko tsaka sumunod sa kanya. Konting panahon na lang magagawa ko na din. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top