PAHINA 40
Herezett's Pov:
Umakyat muna ako sa silid namin at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako at dumiretso sa hardin. Sa kabilang hardin dalawa kasi yung hardin dito yung isa yun yung tinatambayan namin na madaming pananim na mga bulaklak. Tapos yung isa malawak at may mga puno sa paligid kung baga inilalaan talaga sa pagsasanay. Nang makarating ako dun ay may nakita akong mesa na may mga kung anong sandata. Anong klaseng pagsasanay ba to? Dahan dahan akong naglakad papunta dun sa mesa tsaka ko tinignan isa isa ang mga sandata. Tuturuan niya ba akong gamitin ang mga ito? Matiim ko itong tinignan nakakatakot bakit pa ako tuturuang gumamit neto? Akala ko sasanayin lamang ang kapangyarihan ko? Biglang may humawak sa beywang ko kaya napalingon ako.
"Ayaw mo ba ng mga yan mahal?" tanong niya sakin.
"Hindi naman pero para saan ang mga yan?"
"Hindi lang dapat ang kapangyarihan mo ang dapat mong matutunang gamitin dapat marunong ka din gumamit ng sandata. Naalala mo noong mga panahong ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan? Kaya nilang magpalabas ng sandata galing sa kanilang kapangyarihan."
Tama naalala ko na kung ganun kaya ko ring gawin iyon?
"Magsimula na tayo?" sabi niya sakin.
Tumango naman ako sa kanya. Inakay niya ako papunta sa may bandang gitna. Tsaka siya lumayo ng konti sakin.
"Una nating pagaaralan ay kung paano mo maipapalabas at makokontrol ang kapangyarihan mo na hindi ka gumagamit ng sobrang lakas."
Tumango ulit ako sa kanya at bigla ay nagliwanag ang kanyang mga mata. Kailangan kong ihanda ang sarili ko.
"Huwag kang magisip ng kahit ano hayaan mong maklaro ang isipan mo at ituon mo lamang ang iyong sarili sa bagay na ito."
Bigla siyang may pinalabas na isang kahon.
"Kailangan mong mapagalaw at mapaangat ito. Handa ka na?" sabi niya sakin.
"Oo." maikling tugon ko.
Inilapag niya ang kahon sa lupa at lumayo ng konti. Tinitigan ko ang kahon at ginawa ang kanyang sinabi. Itunuon ko ang isip ko sa kahong iyon at makalipas ang dalawang minuto ay hindi ko pa din magawa. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko.
"Ang hirap." mahina kong sabi.
"Sa una lamang mahirap yan mahal. Subukan mo ulit." sabi niya mula sa likuran ko at hinawakan ako sa beywang.
"Sige uulitin ko."
Muli ay itinuon ko ang isipan ko sa kahon habang nasa likuran ko si Primo. Huminga ako ng malalim.
Isa
Dalawa
Tatlong minuto ang nakalipas gumalaw ng konti ang kahon. Sa tuwa ko ay nawala ang isipan ko roon.
"Nagawa mong pagalawin ngunit hindi mo nagawang palutangin. Huwag na huwag mong aalisin agad ang pansin mo sa kahon. Ulitin mong muli." bakas sa boses niya ang pagkamaotoridad.
Mas lalo ko tuloy gustong magawa ng tama ang lahat pag ganyan siya.
Mag-iisang oras ko ng sinusubukang palutangin ang kahon. Napapagalaw ko siya ng konti ngunit hindi din nagtatagal iyon. Naramramdaman ko din na tila nanghihina ang katawan ko. Dahan dahan akong napaupo da damuhan at hinahabol ang aking hininga. Nakakapagod sobra pero hindi ako dapat tumigil. Humawak ako sa tuhod ko at dahan dahang tumayo nang makatayo ako ay sandali akong napahawak sa aking tuhod. Muli ay itinuon ko ang aking isipan sa kahon.
'Lumutang ka na'
Kailangan kong maipalabas ang kapangyarihan ko.
'Kapangyarihang nakatago pakiusap lumabas ka na.'
Mas lalo kong pinalalim ang aking konsentrasyon. Hanggang sa unti unti ay may nararamdaman akong kung ano at humangin ata ang paligid ngunit hindi ko iyon pinansin. Susundin ko ang sinabi ni Primo na hindi dapat mawala ang aking isipan sa kahon. Sobrang lakas na ng hangin sa paligid ko. Ayokong pansinin gusto kong magawa to ng tama.
******
Tamara's Pov:
Nakaupo ako ngayon sa may hagdan habang pinapanuod si Ally na nagsasanay sa gitna ng hardin. Habang si Kuya Primo naman ay may kinuha sa loob. Napapagalaw niya yung kahon ngunit hindi niya napapalutang kulang pa ang kanyang konsentrasyon at hindi pa handa ang kanyang katawan. Ngunit sa patuloy na pagsasanay magagawa niya din yan. Naghalumbaba ako habang pinapanuod siya. Ano yun? May malakuryenteng awra ang lumalabas sa kanya. Napatayo ako bigla at bumaba ng hagdan. Nawawala wala yung malakuryenteng awra. Biglang humangin ng malakas at nagmumula iyon kay Ally. Nagagamit niya ang kapangyarihan niya peri hindi dapat ganyan hindi dapat lumalabas ang awra niya at mas lalong hindi din dapat humangin ng ganito. Tinignan ko ang kahon nanginginig itong gumagalaw at unti unti itong umangat hanggang sa nakalutang na ito. Nagawa niya pero may mali nanginginig pa din yung kahon.
"Ally!!" tawag ko sa kanya ngunit hindi nuya ata ako naririnig.
Hindi niya nakokontrol ang kapangyarihan niya. Biglang nawasak yung kahon.
"Ally!"
Tumilapon siya akma sana akong lalapit sa kanya ng sinalo siya ni Kuya Primo at dalawa na sila ang tumitilapon. Agad kong ginamit ang kapangyarihan ko upang gumawa ng harang upang tumigil sila sa pagtilapon. Nang nabangga nila ang harang na ginawa ko ay napatigil nga sila sa pagtilapon ngunit nabasag din ang harang. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila.
"Kuya ayos ka lang?" agad kong tanong.
Hinawakan niya ng mabuti si Ally na walang malay.
"Kuya may sugat ka sa braso!"
San niya nakuha yung sugat. Agad naman akong napalingon sa mga dumating. Si Zyfer tsaka si Trilt.
"Anong nangyari?" bungad na tanong ni Zyfer.
"Nawalan ng kontrol si Ally habang nagsasanay." sagot ko.
"Magsama kayo ng mga bantay ikutin niyo ang buong paligid may nagtatangka sa buhay niya."
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Ako na ng bahala sa ipinaguutos mo Primo." sabi ni Trilt at akmang aalis ngunit hinawakan ko ang kanyang braso.
"Mag-ingat ka."
Tumango lamang siya sakin tsaka na siya umalis. Kung ganun may iba pa dito kanina pa? Pero imposible walang kahit sino ang nakakapasok dito kung hindi pinapahintulutan nila Kuya Primo. Maaari kayang nandito lang sa loob ang nagtatangka sa buhay ni Ally?
******
Third Person's Pov:
Kasalukuyang nakaupo si Primo sa mahabang upuan sa kanilang silid ni Herezett. Nandoon din sina Tamara,Shaviel at Trilt. Hindi pa kasi nakauwi sina Ginang Stella at Victoria sinundo pa sila ni Zyfer.
"May nakita ba kayo?" seryosong tanong ni Zeroel.
"Wala Primo mukhang nakatakas na ata ang may kagagawan." sagot ni Trilt.
"Impossibleng makatakas yun at sobrang impossible din na makapasok iyon ng walang pahintulot mo Primo." sabi ni Shaviel.
"Kung ganun maaaring nandirito na sa loob ang may gawa nun." sabi pa ni Tamara.
"Asan si Axiel?" walang emosyong tanong ni Zeroel sa kanila.
"Hindi ko siya nakita kanina pa Kuya." sabi ni Tamara.
"Maging ako man." -Shaviel.
"Hindi ko din siya nakita." sabi din ni Trilt.
Inayos ni Zeroel ang pagkakaupo niya. Iniisip niya kung totoo nga ba ang sinabi sa kanya dati ni Croxe Quinzel na may binabalak ang kanyang kapatid sa kanyang Amarith. Tumayo si Zeroel at lumabas ng kanyang silid.
"Bantayan niyo siya hahanapin ko si Axiel." sabi nito sa kanila bago makalabas ng silid.
Agad siyang nagtungo sa lugar kung saan nararamdaman niya ang presensya ni Axiel. Nakarating siya sa tagong lugar ng mansyon isa iyong pinasadyang kuweba sa gilid ng bangin. Nang makarating siya doon ay nakita niya si Axiel na nakaupo sa gilid ng isang puntod.
"Axiel." madiing tawag ni Primo.
Agad namang tumayo si Axiel ng makita niya ang kanyang nakakatandang kapatid.
"Kuya anong ginagawa mo dito?" nagtataka niyang tanong.
"Alam mo ba kung anong ginagawa mo?"
"Ha? Ano namang pinagsasabi mo Kuya?"
Imbis na sagutin siya ng nakakatandang kapatid ay mabilis itong nakalapit sa kanya at kinuwelyuhan siya.
"Anong ginawa mo kanina?" madiing sabi ni Zeroel.
"Kuya ano bang sinasabi mo!"
"Huwag kang magmaangmaangan Axiel. Alam mo kung anong sinasabi ko. Ano ba ang ginawa niya sayo?"
Bigla ay ngumisi si Axiel.
"Gusto mong malaman Kuya?"
Nanatiling tahimik si Zeroel.
"Ayoko sa kanya...dahil...ang mga magulang niya ang dahilan kung bakit namatay Acielle. Ang mga magulang biya ang dahilan kung bakit namatay ang kakabal ko!" puno ng galit na sabi niya.
"Hindi siya ang may kasalanan kung bakit namatay Acielle."
"Talagang kinakampihan mo siya? Gusto kong iparanas sa kanila kung pano ang mawalan."
Biglang tumilapon si Axiel ng suntukin siya ni Zeroel. Muli ay nakalapit sa kanya ang nakakatandang kapatid at kinuwelyuhan siyang muli at malakas na isinandal sa pader ng kuweba dahilan upang mabitak ito.
"Nakakadismaya ka Axiel! Sa palagay mo matutuwa si Acielle sa ginagawa mong ito? Ikinahihiwa kita na lumaki ka ng ganyan! Sa oras na may mangyari sa kanya kahit kapatid kita! Gagawin ko ang nararapat!" galit na sabi ni Zeroel.
"Sige lang Kuya itakwil mo ko! Pero hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakaganti para sa kakambal ko!"
Isang suntok muli ang natanggap niya mula sa kapatid.
"Simula ngayon pinagbabawalan na kitang makapasok sa mansion."
Ang huling sabi ni Zeroel bago siya mabilis na naglaho. Naluhod na lamang si Axiel at tila wala sa sariling tumawa habang pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Itinakwil ako ng sarili nating Kuya para sa kanya,Acielle." sabi nito at humarap sa puntod ng kakambal.
Napasandal siya at umiyak.
"Hindi pa tayo tapos,Crisford."
Puno ng poot na sabi niya habang nakayukom ang mga kamay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top