PAHINA 39
Herezett's Pov:
"Ate! Ate!"
"Hmmmmm."
"Gising ka na po!!"
"Maya maya na."
"Di ba po sasama kayo ni Kuya samin."
Sasama kami--ahh. Napabalikwas agad ako at bumangon. Anong oras na ba?
"Pasensya na Victoria."
Humikab ako ang sakit ng katawan ko.
"Parang pagod ka po Ate." inosente niyang tanong.
"Wala to sige na maliligo lang ako ha tapos aayusin ko yung buhok mo."
"Sige po." nakangiti niyang sabi at humalik muna sa pisngi ko bago lumabas.
Bumangon naman agad ako habang suot suot ko ang damit ni Primo. Nakailan ba siya sakin kagabi? >//////< Teka bat ko ba iniisip yun? Pero kasi nakalima ata siya? Ahh ano ba yan!! T////T Pumasok na ako ng banyo tsaka ko tininggal ang damit at naligo na. Habang naliligo ako ay narinig ko na bumukas ang pinto. Sumilip ako at nakita ko si Primo na nakasandal sa pintuan.
"Matagal ka pa ba dyan mahal?" tanong niya.
"Sandali na lang." sagot ko at pinagpatuloy ang paliligo.
Ilang sandali pa ay may humawi sa kurtina ng paliguan. O////O
"Primo!!" sinamaan ko siya ng tingin.
Tumawa pa siya.
"Bakit? May masama ba sa ginawa ko?" painosente niyang sabi.
"Wala naman pero kasi pano ako ma-ka-kata-pos ni-yan." pautal kong sabi ng maghubad siya ng damit.
Wag mong sabihin na sasabay siya saking maligo? Dumiretso lang siya at tumabi sakin.
"Huwag kang mag-alala mahal wala akong gagawin sasabay lang akong maligo pero depende kung gusto mo ng-ARAY!" hindi niya natapos ang sinasabi niya kasi hinampas ko ang braso niya.
"Bunganga mo Primo ah." pagbabanta ko sa kaya.
Tumawa pa siya ulit sakin. Naligo nga kami ng sabay at natapos naman agad kami. Nauna akong lumabas ng banyo at nagbihis na ako ng lumabas na din si Primo at nagbihis.
"Mauna na ako sa baba mahal." paalam ko sa kanya.
Tumango lang siya sakin. Lumabas na ako ng silid at bumaba na. Agad akong dumiretso sa silid tanggapan at doon ko nakita si Victoria na nakaupo sa upuan tila naghihintay sakin.
"Victoria halika na ayusin ko yung buhok mo." tawag ko sa kanya.
Lumapit siya sakin na may malawak na ngiti. Agad ko na inayos ang buhok niya. Nang natapos kami saktong pumasok na si Primo at si Ginang Stella.
"Handa na kayo?" nakangiting sabi ni Ginang Stella.
"Opo mama!!" masayang sabi ni Victoria.
Ngumiti naman ako sa kanila. Lumapit na ako sa kanila at nagpaalam naman kami kina Zyfer at ang iba pa. Sumakay na kami ng sasakyan at umalis na. Magkatabi kami ni Victoria sa likuran at magkatabi naman sina Primo at Ginang Stella sa harapan. Si Primo ang nagmamaneho ng sasakyan. Nagkuwentuhan sila habang bumabyahe kami hindi ako makasabay dahil may naririnig akong kung ano.
"Tulong binibini." boses ng isang babae.
Hindi ko kilala ang boses na iyon. Hinayaan ko lamang ang naririnig kong iyon. Ayokong pansinin pa iyon. Mukhang wala iyon sa paligid na dinaraanan namin sa wari ko'y nanggagaling yun sa malayong lugar at naririnig ko lamang.
Naririnig din kaya nina Primo yun?
Pagkatapos ng mga labinglimang minuto ay nakarating din kami. Agad kaming bumaba ng sasakyan. Ang ganda pala ng paaralan ni Victoria. Naramdaman ko na may humawak sa beywang ko. Agad akong lumingon at dun ay nasilayan kong muli ang isang ngiti galing kay Primo. Nginitian ko din siya at inakay na kami ni Victoria papasok. Pagkapasok namin ay napahinto ang lahat sa kung ano man ang kanilang ginagawa at lumingon sa gawi namin. Dahan dahan ay yumuko sila. Bakit sila yumuyu--Oo nga pala sina Primo nga pala ang kasama ko. Pagkatapos nilang yumuko ay bumalik na sila sa kanya kanya nilang mga ginagawa kanina. Ang bawat magulang o kung sino man ay may kanya kanyang pinaguusapan. Nakarating kami sa isang mesa at inalalayan akong umupo ni Primo. Maya maya pa ay may lumapit isang babae samin.
"Magandang araw po masaya po kami na nakarating kayo." magalang na sabi ng babae.
"Ikinagagalak namin na makadalo." magiliw na sagot sa kanya ni Ginang Stella.
"Kung may kailangan po kayo sabihin niyo lang samin,mga kamahalan." sabi niya at yumuko ng bahagya.
"Hindi na kailangan tawagin pa kami ng ganyan binibini. Hindi niyo naman siguro binibigyan ng espesyal na atensyon si Victoria dito." natatawang sabi ni Ginang Stella.
"Hindi po patas po kami sa lahat ng nandirito." nakangiting sabi ng babae.
Mabuti at hindi nila binibigyan ng pabor si Victoria kahit isa siyang Silverstone. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Napadako naman ang tingin ko sa grupo ng mga babae. Siguro ay magkasing edaran lamang kami. Ewan ko kung anong pinaguusapan nila at mukha silang kinikilig? Napakunot ang aking noo. Subukan ko kayang gamitin ang kakayahan ko? Itinuon ko ang aking isipan sa kanila. May naririnig akong mga boses ngunit nawawala wala. Konti na lang. Mas lalo ko pang itinuon ang aking isip sa kanila.
"Napakisig niya talaga!"
O_O NAGAWA KO!!
"Oo nga sana maging akin na lang siya!"
Ha? Sino kaya ang pinaguusapan ng mga ito?
"Ang ganda sigurong pakinggan ng kanyang apelyido saakin." medyo malanding sabi nung isa.
"Mas maganda yun sakin!"sabat nung isa.
"Hoy! Wag kayo mas bagay yun saakin!"
Nagaaway sila.
"Tignan na lang natin kung sino ang papansinin ni Primo!!" natigilan ako sa sinabi ng isa.
Kung ganun si Primo pala ang pinaguusapan nila?! Aba! *_*
Hinayaan ko na lang sila. Hindi naman mangyayari yung pinagsasabi nila eh kasi ako na yung kasama ni Primo.
"Anong pinaguusapan nila mahal?" dinig kong bulong ni Primo.
"Ikaw." simple at diretsong sagot ko.
Nadinig kong tumawa siya ng konti. Natuwa naman siya na siya ang pinaguusapan ng nga yun.
"Nagseselos ka na pinaguusapan ako ng iba?"
Tumingin ako sa kanya.
"Hindi ah bakit naman ako magseselos."
"Talagang hindi ka dapat magselos mahal may dapat ka pa bang pagselosan pagkatapos ng lahat lahat kagabi." nakangisi niyang sabi.
Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya ng mahina. Biglang natahimik ang buong paligid. At ang lahat ay nakaharap sa may pintuan. Bigla silang yumuko ng bahagya. Sino naman ang niyuyukuan nila? Sumilip ako at nakita ko na may nakatayo doon. Mukhang isang pamilya ata sila. Pero bakit sila yumuko sa kanila? Isa din kaya silang maharlika?
Napatigil ako saglit habang nakatingin sa kanila. Naglakad sila patungo sa kabilang parte ng silid na ito. Nakita kong inalalayan ng ginoo ang binibining kasama niya sa wari ko ay kabiyak niya iyon at anak nila yung batang babae. Umupo din sa tabi ng binibini ang ginoo. Lumapit sa kanya ang batang babae at humalik sa pisngi nito tsaka pumunta sa kinaroroonan ni Victoria. Agad namang nagtungo papalapit samin sina Victoria at ang batang babae.
"Mama,Kuya,Ate! Siya po yung sinasabi kong kaibigan ko." masayang sabi ni Victoria.
"Kamusta po ako po si Marione." nakangiting sabi nung kaibigan ni Victoria.
Ang ganda niyang bata. Narinig kong humagikhik sila pareho.
"Victoria ang ganda naman ng buhok mo!" namamanghang sabi ni Marione.
"Si Ate ko ang gumawa niyan!"
"Talaga?!" humarap siya sakin.
"Pwede po bang gawin mo din yan sa buhok ko ate?" tila pinakislap kislap niya ang kanyang mga mata.
*o* sarap niyang kurutin!
"Ah oo naman." ngumiti ako sa kanya.
"Salamat po!" lumapit siya sakin.
Wala naman akong gagawin dito. May nagsasalita sa gitna pero hindi ako nakikinig. Inayusan ko ng buhok si Marione. Nang matapos ko siyang ayusan ng buhok ay nagpasalamat siyang muli sakin at bumalik sa mga kasama niya kanina. Ipinakita niya sa kanila ang kanyang buhok. At sandali lamang ay tumingin sila sa gawi namin. Ngumit ang binibini saakin ngumit din ako pabalik. Nang maramdaman kong may humawak sa aking kamay kung kaya't lumingon ako sa kanan ko.
"Bakit Primo?"
"Wala naman huwag ka lang tumingin sa kung saan." seryoso niyang sabi.
"Ha? Bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Basta pakiusap dito ka lang huwag kang aalis ng hindi ako kasama." muling sabi.
Hindi na ako nagsalita pa naguguluhan ako sa kanya. Sinunod ko na lamang siya mukha kasing hindi maganda ang modo niya. Natapos ng magsalita ang isang babae sa gitna.
"Kailangan na nating umalis." muli ay napatingin ako sa kanya.
"Teka may problema ka ba?"
"Hindi ba magsasanay tayo ngayon."
Oo nga pala bat sobrang seryoso niya kanina hindi naman siya ganyan ah.
"O-oh sige."
"Ma,mauna na kami papapuntahin na lamang namin si Zyfer dito." pagpaalam niya kay Ginang Stella.
"Sige magingat kayo."
"Victoria aalis na kami. Pasensya na ha." sabi ko sa kanya.
"Ayos lang po ate ang mahalaga ay nakapunta kayo ni Kuya at nakilala niyo si Marione." nakangiti niyang sabi.
Humalik siya sa pisngi ko at ganun din ang ginawa niya Kay Primo.
"Halika na." sabi ni Primo sakin.
Tumango lamang ako sa kanya. Naglakad kami papunta sa pintuan sa gilid at lumabas na ng silid na iyon. Dumiretso kami sa sasakyan. Inalalayan niya ako papasok ng sasakyan at sumakay na din siya. Bago kami makaalis ay may isang ginoo ang nakatayo sa pintuan kung saan kami lumabas. Nagmaneho na palayo doon si Primo. Tahimik lang kaming dalawa tila ang lalim ng naiisip niya. Ayoko namang magtanong pa kasi nakakatakot siya ngayon pag ganyan siya. Hanggang sa makarating kami sa mansion ay hindi siya nagsasalita. Nauna siyang bumaba tsaka niya binuksan ang pintuan kung saan ako nakaupo. Bumaba ako.
"Primo may---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng yakapin ako ni Primo.
"Patawad kung naging ganito ang asal ko." bulong niya.
"Hindi na mahalaga iyon kung ano man iyon magiging maayos din ang lahat." sabi ko sa kanya at hinimas ang likod niya.
Humiwalay siya sakin at hinalikan ako saglit.
"Magsasanay na tayo mahal kailangan mong maghanda." sabi niya at hinawakan ang aking pisngi.
Kailangan kong maghanda saan? Nakakagulo ng isipan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top