PAHINA 34


Herezett's Pov:

Nakaupo ako ngayon sa sofa sa salas ng mansyon. May mahalagang sasabihin daw sina Primo,andito na din sina Shaviel,Tamara,Zyfer at Trilt. Sabi nila sakin uuwi daw muna si Shaviel pero bakit kaya siya bumalik agad?

'Aahh'

Ang sakit ng puson ko ah? Sumasakit lang naman to pag paparating na ang buwanang dalaw ko eh. Pero bat ang sobrang sakit? Di naman ganito kasakit to dati ah? Zet..hingang malalim. Pinilit kong itago ang sakit na nararamdaman ko. Binalewala ko ang sakit ng aking puson ng dumating na si Primo. Agad siyang umupo sa gitnang upuan at seryoso niya kaming tinignan.

"May nakarating saaking balita na isang bayan sa malapit ang ginawaran ng isang sumpa." pagpanimula niya.

Isang bayan na isinumpa? Sinong walang puso ang gagawa nun?

"At ang bayan niyo iyon Luxtern,alam kong nanggaling ka na roon kanina kayo ni Zyfer."

"Oo at nakita namin mismo ang sitwasyon doon. Sa wari ko'y namatay na ang mga tao doon bago sila naging ganun. Madami silang malulubhang mga sugat sa katawan pero nakakatayo pa din sila at nakakalaban. Possibleng sumpa ng pagkabuhay ang iginawad sa kanila Primo." paliwanag ni Shav.

Hindi ko maintindihan ang mga pinaguusapan nila. Makikinig na lang muna ako.

"Ngunit wala yata akong nababalitaang may gumagalang mga taong isinumpa sa labas ng bayan na iyon?"

"May naglagay kasi ng harang doon Kuya." sabi ni Zyfer.

"Sino naman?"

"Ang pinsan ko,Primo."

"Paano niya nakayanang maglagay ng harang sa ganung lugar na labis ang kapangyarihan ng sumpa? Hindi ka basta basta makakalagay ng harang sa labis na isinumpang lugar kung hindi ka isang dugong bughaw."

"Hindi ko din alam Primo. Marami pa akong hindi alam sa kanya kahit pinsan ko siya. Ilang beses lang kasi sa isang taon siya dumalaw ay hindi din siya nagtatagal samin."

Nalilito talaga ako sa pinaguusapan nila. Nagpakawala ako ng isang malalim na hinga habang pinipilit na intindihin ang pinaguusapan nila. Napatigil ako ng maramdaman ko na nakatingin sila sakin.

"Bakit?" agad kong tanong.

"May dinaramdam ka ba?" tanong ni Primo.

"Ah wala naman. Nakikinig lang ako sa inyo hehe."

Tumango lamang siya sakin at nagpatuloy ulit sila sa paguusap. Bigla nanamang pumitik ang aking puson. Ang sakit talaga!! Naku!! Palihim kong pinagdikit ang aking mga paa at dahan dahang hinawakan ang aking puson. Parang pakiramdam ko may kung anong sasabog sa puson ko! Parang pinagpapawisan ako ng malamig sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan ang pinauusapan nila kasi ang sakit talaga ng puson ko. Tsaka parang may kung anon g enerhiya ang dumadaloy sa katawan ko sobrang lakas. Parang maluluha na din ako di ko na talaga kaya!!

"Ally ayos ka lang?" dinig kong tanong ni Tamara sakin.

"O-oo ayos lang ahh-ko." pilit kong sabi.

"Namumutla ka. May masakit ba sayo?" halata sa boses niya ang pagaalala.

"W-wala naman."

Bigla akong napakagat sa ibabang labi ko ng biglang sumakit lalo ang puson ko.

"Kuya Primo!! Si Ally!" dinig kong sabi niya.

Agad namang nabaling ang tingin niya sakin. Yung tingin niya puno ng pagaalala sakin.

"Bakit anong nagyari sayo?" tanong niya habang papalapit sakin.

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang pisngi ko.

"W-wala ahhmm"

Di ko talaga napigilang mapaungol sa sobrang sakit.

"Pakiusap sabihin mo sakin anong masakit sayo?" puno ng pagaalala ang kanyang boses.

"Y-yung p-puson ko masakit sobra." ipit kong sabi.

"Bakit di mo sinabi agad?" may halong inis sa kanyang boses.

"Ayos lang nama-aahhh."

Halos malaglag ako sa upuan sa sobrang sakit ng puson ko.

"Kumuha kayo ng tubig para sa kanya dali." dinig kong sabi ni Ginang Stella.

Narinig ko ang mga nagmamadaling mga yabag na papalabas mula dito. Napahawak ako sa braso ni Primo ng mahigpit.

"Halika na dadalhin kita sa iyong silid." sabi niya at inalalayan akong makatayo.

Tumango ako sa kanya ng itatayo na niya ako bigla ko ulit naramdaman ang malaks na enerhiya sa katawan ko. Para bang gusto niyang kumawala mula sakin.

"Primo..m-may na-raramdaman akong k-kung a-no sa l-loob ko." mahina kung sabi sa kanya.

"Ipahinga mo na muna yan." sabi niya at akmang bubuhatin ako ng....


*******


Tamara's Pov:

Agad akong tumakbo papuntang kusina upang kumuha ng tubig para kay Ally. Kanina ko pa kasi napapansin na tila ba hindi siya mapakali at pinagpapawaisan siya na namumutla. Masakit daw yung puson niya kaya ganun. Nang makarating ako sa kusina agad akong kumuha ng tubig. Nang makakuha ako ay agad na akong lumabas upang bumalik doon ngunit napahinto ako ng may narinig akong malakas na sigaw. Si Ally yun. Akmang tatakbo na ako ng biglang mabasag ang mga pigurin at lalagyan sa harapan ko. Napaiktad din ako ng mabasag ang basong hinahawakan ko. Nakarinig ako ng ilan pang mga pagkabasag kung kayat nilibot ko ang paningin ko. Lahat ng mga dekorasyong babasagin isa isang nababasag. Ang mga litrato sa pader ay nagsisigalawan. Anong nangyayari? 

Kailangan kong makabalik agad dun nakakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan. Tumakbo ako at ng makarating ako ay tumambad sakin ang nangyayari doon. Ang mga upuan,mesa at iba pang kasangkapan doon ay nakaangat sa lupa at pati mga basag na salamin at bubog ng bintana ay nasa ere din. Nakita ko sila na nagkukumpulan sa isang gilid at may nakalagay na haramg sa kanila.

"Tamara!! Umilag ka!" dinig kong sigaw ni Shaviel.

Nakita ko ang isang malaking piraso ng basag na salamin ang papunta sakin. Sinubukan ko itong pigilan gamit ang kapangyarihan ko ngunit masyadong malakas ang nagkokontrol dito. Dumapa ako upang hindi ako matamaan nito at narinig ko na lang ang tunog ng pagkabasag sa labas. Agad akong umupo at doon ko nakita kung saan at ano ang dahilan ng nangyayaring ito.

Si Kuya Primo at si Ally at nasa gitna at parehong nakaupo. May kulay lilang awra ng umaapaw mula sa katawan ni Ally. Possible kayang nabasag na ang harang ng kapangyarihan niya. Kita ko ang unti unting pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata nagiging kulay lila na din ito. Nakahawak siya kay Kuya Primo.

"Primo.....ang sakit!!" dinig kong daing niya.

"Kumalma ka lang mahal." dinig kong tugon ni Kuya Primo sa kanya.

"Hindi ko na kaya!!" at pagkasabi niya nun isang malakas na puwersa ang kumawala galing sa kanya.

Ang lakas niya ramdam na ramdam ko pa din. Unti unting nawalan siya ng ulirat at saktong nasalo siya ni Kuya at inihiga ang kanyang ulo sa balikat nito. Tumayo na agad ako at lumapit sa kanila at saktong ng makalapit ako ay unti unting nagbago ang kulay ng buhok ni Ally. Ang dating kulay kayumanggi niyang buhok ay nagiging kulay abuhing itim.

O_O

Teka parang may kamukha siya!! Eerrrr--hindi ko maalala pero parang nakita ko na dati eh.

"Kuya ayos ka lang?"

"Oo..ihanda niyo ang kanyang silid." sabi niya at binuhat na si Ally.

Napalingon ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Halika na Tamara kung ano man yang gumugulo sayo mamaya na muna yan."sabi ni Shaviel sakin.

Tinanguan ko naman siya at nauna na kami sa silid ni Ally. Ngunit hindi ko talaga maalis sa isip ko. Parang nakita ko na talaga dati ang mukhang iyon hindi ko lang matandaan kung saan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top