PAHINA 31


Third Person's Pov:

"Bakit ka makikipagtulungan sakin?" tanong ng isang binata.

"Dahil ayoko sa kanya at nais ko siyang mawala sa buhay namin." nakangising sabi ng isa pa.

"Pano kapag nalaman ito ng kapatid mo? Handa ka ba sa kaparusahang ipapataw niya saiyo?"

"Kapatid niya ako at alam kong hindi niya ako itatakwil dahil lang sa babaeng yun"

"Hindi ka nakakasiguro dyan. Kilala mo ang kapatid mo higit kanino man alam mo kung pano siya magalit. Isang siyang halimaw."

"Ang dami mong sinasabi ano makikipagtulungan ka ba sa akin o hindi? Di ba may kailangan ka sa kanya?"

"Tsk babawiin ko siya sa paraan ko at hindi sa planong iniisip mo. Bata ka pa talaga."

Mukhang naiinis ang isa pang binata sa sinabi ng kanyang kausap. Agad na nagliwanag ang mata nito naging kulay asul ang kanyang abuhing mga mata. Ngumisi lamang ang isa at agad ding nagliwanag ang mga mata nito ang kanyang luntiang mga mata ay naging kulay lila.

"Hindi ka pa handa upang gamitin ang kakayahan mo."

"Handa na ako! Nagsanay ako ng mabuti!" nangingitngit na sabi nito.

"Sa tingin mo sa pagsasanay na ginawa mo mapapantayan mo na ang kapangyarihan niya? Ng isang Lord Ifrit? Tsk! Masyado ka pang bata."

"Hindi na ako bata!!! Papatunayan ko iyon sa lahat!!!"

Agad na tumalikod ito at naglakad palayo ngunit huminto ito sandali ng marinig ang sinabi ng kanyang kausap.

"Hindi pa ba sapat na nawalan na kayo ng isa? Gusto mo na bang sumunod agad sa kanya? Ha? Axiel Silverstone?"

Mabilis itong naglaho ng marinig iyon. Umalis na din ang binata at bumalik na sa pagtitipon.


******

Zyfer's Pov:


(A/N: Ang kaunaunahang pov ni Zy sa buong storya hahahaha)


Masaya ako para kay Kuya ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya. Buti na lang at andyan si Ally,malaki ang pasasalamat ko sa kanya na tinggap niya si Kuya. Naalala ko tuloy yung mga pinaguutos niya sakin.

(flashback)

Nandito ako ngayon sa aking silid nag-aayos upang pumasok na sa aking klase. Narinig kong may kumatok kung kaya't nagtungo ako sa pintuan at binuksan ito.

"Kuya? May kailangan ka ba?" tanong ko.

"May ipapagawa ako sayo." seryoso niyang sabi.

Ano naman kaya yun?

"Ano yun Kuya?"

"Gusto ko siyang makita."

"Sino?"

"Yung bago nating kaklase. Alam mo pa naman kung pano gawin yun di ba?" sabi niya at dumiretso sa kama ko at umupo.

Ah yung babaeng nakita kong sinusundan niya lagi. Ano bang meron dun sa babae? Eh binunggo nga ako nun inis pa naman ako nun kasi hindi ako pinapansin ni Shaviel. Tsk!

Talagang ipapagawa niya sakin yun?

"Eh hindi ka pa ba babalik?"

"Hindi pa sa susunod pa may mga tatapusin lang ako." seryosong sabi niya

Alam ko kung anong klaseng responsibilidad ang kailangan niyang gampanan. Gusto kong tulungan si Kuya pero ayaw niya kase madadamay lang daw kami at ayaw niya na mangyari yun lalo na kay Axiel tsaka kay Victoria masyado pa kasi silang bata.

"Pero kasi Kuya---"

"Gagawin mo ba o hindi?"

Halos manindig ang balahibo ko sa lamig ng boses niya. Nakakatakot talaga siya kahit kapatid ko siya natatakot talaga ako sa kanya.

"Baka kasi---"

"Ang daming mong sinasabi. Dalawa lang naman pagpipilian mo eh gagawin mo o ililipat ko si---"

"Oo na Kuya gagawin ko na." mabilis kong pagputol sa sinabi niya.

Alam ko na kung anong sasabihin niya eh. Ililipat niya ng eskuwelahan si Shaviel,lagi niya na lang ginagawang panakot sakin yan. Kaya niyang gawin yun eh siya pa.

"Mabuti gawin mo mamaya,hayaan mong bukas ang isipan mo sakin." sabi niya at tumayo na sabay lakad papunta sa pintuan.

Napabuntong hininga na lamang ako ng makalabas na siya sa silid ko. Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko tsaka umalis.

Nang makarating ako sa silid ay hinanap agad siya ng mata ko hindi naman nabigo ang mata ko at nakita ko siya na nakatingin din saakin.

'Sa kanya ka lang tumingin gusto ko siyang makita.' dinig kong boses ni Kuya.

Gusto ko pa namang tignan si Shaviel eh.

Nang makarating ako sa upuan ko ay umupo agad ako.

'Gawin mo na.'

'Tsk oo na.' sagot ko sa isipan ko.

Agad kong hinarap ang aking upuan sa kanya kita ko ang pagkagulat sa mga mata niyang kulay berde. Hindi ko magawang basahin ang isip niya dahil na kay Kuya ang aking isipan. Gamit ang aking kapangyarihan ay kinontrol ko ang kanyang katawan. Ramdam ko na nilalabanan niya ako ngunit sa huli ay dinaig ko siya. Unti unti ay inilapit ko ang kanyang kamay saakin at ng dumampi ito sa aking pisngi ay pumikit ako. Tila may kung anong dumadaloy sa aking katawan. Ito ba ang dahilan kung bakit siya hinahanap ni Kuya. Isa lang masasabi ko makapangyarihan ang babaeng ito ngunit nakatago pa.

'Kuya nakikita mo din ba? Nararamdaman mo?" sabi ko sa isipan ko.

'Oo....Amarith.' pagkasabi ni Kuya nun ay iminulat ko ang mga mata ko at pinakawalan na siya.

Bakas sa mukha niya na naguguluhan siya at namumula din siya ng konti. Nadinig ko din na sumigaw si Shaviel. Hay naku baka kung anong isip niya sa ginawa ko kung alam niya lang na tinatakot ako ni Kuya. Tsk!

(end of flashback)

Yan yung totoong dahilan kung bat ko ginawa yun. Pagkatapos nun nagulat na lang ako nung sumunod na mga araw sumugod si Shaviel sa Black House at tila galit akala niya ako yung gumawa nun kay Ally hindi pa kasi nila alam na nakabalik na si Kuya Primo nun. Hindi na lang ako nagsalita nun. At di lang yan yung pinagawa sakin ni Kuya.

(flashback)

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Kuya Primo na prenteng nakaupo sa sofa sa aking silid at nagbabasa ng kung ano. Kakalabas ko lang ng banyo dahil naligo ako tsaka nakatapis lang ako ng tuwalya.

"Nakakagulat ka naman Kuya." sabi ko sa kanya.

"Kukunin ko siya dun sa dormitoryo niya." seryoso niyang sabi habang nagbabasa pa din.

Ako naman naghahanap ako ng masusuot ko.

"Ha? Ano namang gagawin mo sa kanya?"

"Dadalhin ko siya dito."

Napalingon ako sa kanya. Ano nanamang binabalak niya?

"O sige ikaw ang bahala."

"Sasamahan mo ako."

Napatigil naman ako sa pagsusuot ng damit ko.

"Bakit naman ako sasama Kuya? Pwede namang ikaw na lang eh."

Ibinaba niya ang kanyang binabasa at tumingin sakin. Nakakatakot talaga ang tingin niyang yan.

"Sasama ka o..."

Ayan naman yang pananakot niya T^T

"Oo na sasama na." pagsuko ko.

(end of flashback)

Yun nga pumunta kami nun kay Ally nahimatay pa nga sa ginawa namin. At nadala nga siya ni Kuya sa Black House at nagbalak pa siyang tumakas nun. Kita kong tumalon siya sa bintana eh ang taas pa naman nun. Nagulat nga ako sa ginawa niya buti nasalo siya ni Kuya kung hindi naku mababalian talaga siya. Ibang klaseng babae talaga hahaha.

"Maaari bang malaman kung anong iniisip mo?"

Nabalik ako sa realidad ng madinig ang magandang boses na iyon. Ngumiti ako sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay.

"Wala naman may naalala lang ako." natatawa kong sabi.

"Ano namang naalala mo? Yung mga pinaggagagawa niyo ni Primo?" natatawa niya ding sabi.

"Haha oo."

Madali niya talagang nababasa ang isipan ko hindi kahit expresyon nga lang ng mukha ko eh. Nabaling ang tingin ko sa naglalakad papalapit samin. Si Axiel san nanaman nanggaling to? At bakit parang naiinis siya na ewan?

"Axiel,san ka galing?" agad kong tanong ng makalapit na siya.

"Sa labas lang Kuya." walang emosyon niyang sabi.

Ewan ko kung saan nagmana tong kapatid ko na to masyadong tahimik at mapaglihim.

"Eh ba't ganyan yung mukha mo?" sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Tsk! Kuya naman eh wag yung buhok ko -_-"

"Siguro may pinapagwapuhan ka no? Kaya ayaw mong magulo yang buhok mo." panunukso ko sa kanya.

"Wala Kuya."

"Sinasabi ko sayo bata ka pa ha."

"Hindi na ako bata Kuya ilang beses ko bang sasabihin yun sayo." matalim niya akong tinignan.

Pikunin talaga. Napailing na lang ako sa kanya. Bata pa naman talaga siya eh 16 pa lang siya. Nakita kong may tinitignan siya kaya hinanap ko iyon. Nakatingin siya kay Ally,hanggang ngayon ba hindi niya pa din gusto si Ally. Kita kong kinuyom niya ang kamay niya habang tinitignan siya Ally na tumatawa kasama sina Victoria,Tamara at si Ina habang nakatingin lang sa kanila si Kuya. Hinawakan ko ang braso ni Axiel.

"Itigil mo yang pagtitig mo ng ganyan kay Ally." saway ko sa kanya.

"Ano bang meron sa mortal na yan at iniingatan siya ni Kuya Primo?" pabulong ngunit galit niyang sabi.

"Hindi siya basta isang mortal lang."

"Mas kinakampihan niyo pa siya ganun? Ako yung kapatid niyo,siya napadpad lang siya dito hindi natin siya kaanu ano. Bakit niyo isinugal ang buhay niyo para sa kanya? Hindi niya din kayo kayang iligtas." naginit ang ulo ko sa kanya.

Kinuwelyuhan ko siya ng mahigpit.

"Sumosobra na yang ugali mo Axiel!! Hindi mo alam ang totoong nangyari."

"Zyfer anong ginagawa mo?" dinig kong sambi ni Ina.

Agad kong binitawan si Axiel. Ramdam kong may humila saakin palayo ng konti sa kanya. Kung di lang ako nagpipigil nasapak ko na siya. Nakita kong ngumisi siya sabay humarap ulit sa gawi ni Ally. Nakita ko na pinalikod ni Kuya Primo sa kanya si Ally.

"Kahit anong gawin niyong pagprotekta sa kanya hindi niya kayo maililigtas. Hindi niya kayang gawin ang ginawa niyo para sa kanya. AT KASALANAN NG BABAENG YAN KUNG BAKIT NAWALAN TAYO NG ISA!!!"

Akmang lalapit ako sa kanya ng pigilan ako nina Trilt at Shaviel. Nakita kong naluluha na si Ally,alam kong hindi pa din maalis sa kanya na malungkot dahil sa pagkawala ni Calix.

"Naalala mo ba ang sinabi ko sayo dati?" malamig na sabi ni Kuya Primo.

Tahimik lang si Axiel na nakatingin kay Kuya Primo.

"Ano ipapatapon mo ako sa malayong lugar? Dahil sa kanya Kuya?"

"Oo,hindi ko alam kung anong ginawa niya sayo at bakit ka ganyan."

"Madami na siyang kinuha satin!!"

"Axiel!! Tama na!!" madiin na sabi ni Ina.

Biglang siyang umalis. Ano bang nangyayari sa kanya? Iniisip niya ba na inaagaw ni Ally si Kuya samin? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top