PAHINA 30


Herezett's Pov:

Lubos akong nagpapasalamat kay Calix dagil tinulungan niya akong mabuhay muli ngunit hindi mawawala sa parte ko na malungkot sa pagkawala niya. Lagi akong dumadalaw sa puntod na ipinagawa nina mama para sa kanya. Wala man siyang labi doon ayos lang basta't alam naming may lugar kaming pupuntahan upang madalaw siya. Pagkatapos din ng pangyayaring iyon halos hindi na humiwalay sa tabi ko si Primo. Ewan ko ba kung saan saan niya ako dinadala nitong mga nakaraang araw.

Natutuwa ako dahil nakasama ko ulit siya. Atsaka may ipinakita siya sakin,mga nabura kong alaala tungkol sa kanya na siya mismo ang nagbura ng halos lahat ng alaala ko sa kanya noong malaki na ako. Isang alaala ko lang naman tungkol sa kanya ang hindi niya nabura eh. Nung nakilala ko siya nung bata pa ako.

(flashback)

Nagpaalam ako kay mama na mamamasyal muna ako dahil nababagot ako sa bahay. Patakbo akong nagtungo sa isang palaruan ngunit sa kasamaang palad ay nadapa ako.

"A-aray!" huhuhu ang sakit! T^T Mama!!

Tinitignan ko ang aking sugat sa tuhod kaya inangat ko ito. Nang biglang may lumitawa sa likod ng halaman.

"Hoy ibaba mo nga yang paa mo nakikita yung pangibaba mo." sita niya sakin.

Grabe naman siya makahoy sakin! Agad ko namang ibinaba at itiniklop ang aking mga paa. Nakita niya ang pangibaba ko!

"Eh bakit mo tinignan?" naiiyak ngunit naiinis kong sabi.

"May mata kasi ako kaya nakita ko. Tumayo ka nga dyan iyakin."

T^T ang salbahe niya!!

"Ang sama mo! Huhuhuhu."

Tinitigan niya lamang ako tsaka niya inilahad ang kanyang kamay na siya namang ikinakunot ng noo ko habang humihikbi.

"Tayo na." sabi niya sakin.

Inabot ko ang kanyang kamay na umiiyak.

"Wag ka nang umiyak para kang ewan konting sugat lang yan eh."

"Masakit eh! Sino ka ba?" inis kong sabi.

Paki niya ba eh sa masakit siya kaya madapa para malaman niya. Hmpf!

"Ako si Zeroel. Ikaw?" sabi niya.

"Ako si---"

"Allyson! Asan ka?!"

"Ha! Si mama yun sige alis na ako." sabi ko sabay takbo.

"Sandali di mo pa sinasabi ang pangalan mo." dinig kong tawag niya.

Huminto ako at humarap muli. Hindi naman masamang makipagkilala ako sa kanya hindi ba? Tsaka lilipat nanaman kami ulit ng bahay eh.

"Herezett Allyson yan ang pangalan ko."

At umuwi na ako nun. Pinagalitan ako ni mama kasi may sugat nanaman ako. Nag-aayos sila ng gamit namin nun lilipat na kasi kami bukas sa ibang lugar nanaman.

Ilang taon din ang lumipas ngunit may mga panahong naaalala ko yung batang yun na nakilala ko dati. Kamusta na kaya siya sa mga oras na ito?

(end of flashback)

Ayun nga hanggang sa mapadpad ako sa eskwelahang yun at makilala ang mga naging kaibigan ko at si Primo. Kaya pala parang pamilyar siya nung una ko siya makita madami lang sigurong nagbago sa kanya dala na din siguro ng pagbibinata.

"Ang lalim naman ng iniisip mo baka malunod ka." napatingin ako sa nagsalita na nasa balikat ko ang kanyang ulo at nakayap siya sakin mula sa likuran.

Kaya pala bumigat ang balikat ko eh. -_-

"Naku!! Ewan ko sayo." sabi ko lang.

"Huwag kang magalala malunod ka man sasagipin kita. At kahit ilang beses ka pang malunod andito lang ako para iahon ka." bulong niya sakin.

Pakiramdam ko ay nagiinit ang aking pisngi. Pinipigilan ko ang sarili ko sa sobrang kilig ko.

"Ikaw talaga." natatawang sambit ko.

"Mabuti na lang nakita kita ulit. Sobrang saya ko na nakasama kita ngayon akala ko talaga mawawala ka na sakin ng tuluyan. Sinisisi ko ang sarili ko noong oras na hindi ka na humihinga. Parang pakiramdam ko ay wala akong kwenta na hindi kita nailigtas. Pero ngayon hindi ko na hahayaang mawala ka ulit. Gagawin ko ang lahat para sayo makasama lang kita."

Halos lumuwa ang puso ko sa mga sinabi niya. Napakasaya ko na kasama ko siya. Ang pagiging totoo niya ang lalong nagpapahulog sakin sa kanya ng sobra. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi kasabay nun ay tinignan ko siya diretso sa mata.

"Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon. Salamat sayo Primo." sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at pumikit sabay halik sa kamay ko tulad nung ginawa niya dati.

"Para sayo mahal ko gagawin ko ang lahat ng makakapagpaligaya sayo." nakapikit niyang sabi.

Di man niya ako tignan habang sinasabi niya iyon nararamdaman ko ang buong puso niyang pagbikas ng mga katagang iyon. Malakas na hangin ang dumampi sa aming dalawa.

Sana ay wala ng may mangyari pang anuman saamin.

Nagplano ng isang pagtitipon si Ginang Stella inimbitahan niya ang mga malalapit nilang kamag-anak at mga kakilala. Inimbitahan niya din sina mama sana nga makarating sila abala kasi sila sa trabaho. Nakaupo ako ngayon sa may hardin at nilalanghap ang simoy ng hangin. Tatayo na sana ako ng may bumuhat sakin at mabilis nanaman akong dinala sa kung saan. Saan nanaman niya ako dadalhin? Naku lang. Hahaha.

Naramdaman kong huminto na siya sa paggalaw atsaka niya ako ibinaba.

"San mo nanaman ako dinala Primo?" natatawa kong sabi.

"Sa lugar kung saan walang makakaistorbo satin." sagot niya at niyakap ako mula sa likod.

Di ko alam kung saang banda ito ng mansion. May lawa siya sa gitna at may nakapalibot na mga halaman at bulaklak. Ewan ko kung sa mansion pa ba talaga to.

"Pwede ba akong humingi ng pabor mahal?" mahina niyang sabi.

Ang sarap namang pakinggan ng tinawag niya sakin. ^////^

"Ano yun?"

"Ayoko nang makikitang lumalapit ka sa kung sino lalo na sa ibang lalaki. Gusto ko ako lang ang lalaking kasama mo bukod sa ama mo at sa mga kaibigan natin. Pwede ba?"

Tumawa lang ako ng mahina sa pinagsasabi niya. Seloso!

"Oo na po mahal."

Bigla niya akong hinila paharap sa kanya.

"Ulitin mo nga!" nakangiti niyang sabi.

Nakakabighani ang kanyang ngiti.

"Ang alin?" tanong ko.

"Yung tinawag mo sakin." sabi niya at tinignan ako mata sa mata tila inaantay na ulitin ko ang sinabi ko kanina.

Hinawakan ko siya sa pisngi at tinignan ng diretso.

"Oo na po....Mahal." nakangiti kong sabi.

Tapos ay bigla niya akong hinila papalapit at mabilis na hinalikan. Pusang gala!! >///<

"Ang sarap namang pakinggan nun." sabi niya.

Teka! Namumula siya? Yung mukha biya pati yung tenga niya namumula?!! Ibig sabihin ba?

"Kinilig ka?"

"H-ha?! Pano mo naman nasabi." umiwas siya ng tingin at inilagay ang kanyang kamay sa bulsa niya.

"Pfft! Hahaha namumula ka eh." pagtukso ko.

"Eh bakit ba? Masamang kiligin ang lalaki?" nakanguso niyang sabi.

*O* sarap niyang kurutin pag ganyan!!!

"Wag ka ngang magnguso dyan kurutin kita eh." sabi ko sa kanya at inihilamos ang kamay ko sa mukha niya.

"Nga pala may ibibigay ako sayo." sabi niya at may kinuha siya sa kanyang bulsa.

Isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at nakita ko ang isang singsing. Kinuha niya ito sa kahon tsaka niya itinapon ang kahon. Kinuha niya ang kamay ko. Hindi ako makapagsalita sa naghahalo kong nararamdaman.

"Gusto ko isuot mo ito palagi. Alam kong maaga pa para lumagay na sa tahimik gusto kong sulitin muna natin ang panahon na tayo pa lang dalawa. Mahal,sana huwag mo akong iiwan." ramdam ko sa sinabi niya ang pagsusumamo.

Naiiyak ako sa tuwa ngunit pinigilan ko kasi nakakahiya.

"Pangako hindi kita iiwan,Mahal." sabi ko.

Niyakap niya ako at ganun din ang ginawa ko. Sobrang nahuhulog ako sa kanya ewan ko ba.

****

Oras na ng pagtitipon madami na ding nagsisidatingang tao,hindi mga Ifrit pala. Kinabahan ako bigla hindi ko mawari kung bakit pero nakakakaba.

"Ally,ayos ka lang?" napalingon ako kay Tamara.

"Oo kinabahan lang ako bigla ewan ko kung bakit." sagot ko sa kanya.

"Kinakabahan ka lang ata kasi makikilala ka na ng buong angkan." natatawang sabi ni Tamara.

Ngumiti lang ako sa kanya. Baka ganun lang nga siguro. Malamang ikaw ba naman ipakilala sa buong angkan di ba? Nakatayo ako sa gilid ng isang poste kasama si Tamara na umiinom ng kung ano man. Nakatingin lang ako sa kanila na nauusap usap. Mararangyang mga kasuotan,mga kumikinang na aksesorya. Totoo ngang marangya ang pamumuhay nina Primo base sa mga taong nakapaligid sa kanila.

"Ally sandali lang ha? Kukuha lang ulit ako ng maiinom." pagpaalam niya.

Tumango lang ako sa kanya at umalis na siya nakatayona lang ako ng magisa dito. Asan ba siya?Matiim lang akong nakatingin sa kanila na naguusap usap ng kanya kanyang mga paksa. Nakaramdam ako na may tumabi saakin ngunit di ko siya pinansin dahil alam kong hindi naman siya si Primo. Alam ko kapag si Primo ang katabi ko madami kasi siyang ginagawang nakakagulat sakin. Hibang na ata ako sa kanya o talagang nakikilala ko lang talaga siya dahil sa sobrang tagal na naming magkasama.

"Bakit hindi ka nakikipagsaya sa kanila binibini?" dinig kong sabi niya.

Isang lalaki. Tinignan ko lang siya saglit at nakita ko ang kanyang asul na asul na mga mata.

"Mamaya na." maikli kong tugon.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Ano namang nakakatawa.

"Kilala mo ba si Zeroel?" ang tanong niyang iyon ang nagtulak sakin upang humarap sa kanya ng tuluyan. Anong kailangan niya kay Primo?

"Anong kailangan mo sa kanya?" taas kilay kong tanong.

"Wala naman nagtata---"

"Sa iba ka na lang magtanong. Hindi siya tanungan ng mga hinahanap."

Napahinto sa pagsasalita yunglalaki ng may magsalita sa likod ko kaya napaharap ako at nakita ang nakakunot noong si Primo. Agad niya akong hinila papunta sa tabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Sino ka?" walang emosyong sabi ni Primo.

Ewan ko kung matatawa ba ako o kililigin sa inaasta niya. Seloso masyado.

"Croxe Quinzel. Nagagalak akong makilala kayo." nakangiting sabi nung lalaki.

"Hindi naman ako nagagalak na makilala ka." sabi ni Primo at hinila ako palayo dun sa lalaki.

Pero bago pa man kami makalayo ay may narinig akong sinabi niya.

"Ashren .."

"Kainis!" dinig kong bulong ni Primo.

Pfft! Namumula yung tenga niya.

Huminto kami sa bandang sulok na di dinadaanan ng mga tao. Humarap siya sakin ngunit hawak niya pa din ang aking kamay. Kita ko ang kunot niya noo.

"Kilala mo ba yun?" walang emosyon niyang sabi.

"Hindi,lumapit lang yun eh."

"Bakit kayo naguusap?"

"Eh? Di naman kami nagusap talaga tinanong niya kasi kung kilala kita."

"Ano namang kailangan niya sakin?"

"Hindi ko alam...teka nga lang. Nagseselos ka ba dun?" taas kilay kong sabi.

"Tsk!" tanging tugon niya sabay iwas ng tingin.

Hay naku! Sarap niya tuloy kurutin.

"Wala ka namang dapat ikaselos dun." sabi ko sa kanya at pinisil ang kanyang kamay.

"Kahit na." sabi niya ngunit di man lang tumingin sakin.

"Primo...."

"Hmmm.." di pa din siya humaharap sakin.

"Mahal...."

Bigla siyang humarap sakin. Sabi na nga ba eh.

"Bakit?" nakanguso pa siya ng konti.

"Huwag ka na magselos dun."

"Halikan mo muna ako."

O/////O

"H-ha??.."

"Ayaw mo? Edi dun ka sa lala---"

*tsup*

"Ayan na po oh."

Sana walang may nakakita nung ginawa ko. Nahihiya ako eh. Ngumiti siya bigla sakin. Naku lang naiihi ako sa kilig tsk! Hinapit niya ako sa beywang at pinatalikod sa kanya habang nasa beywang ko pa din ang kamay niya. Naramdaman ko din ang kanyang hininga sa aking tenga.

"Ngayong gabi lahat ng nilalang na nakikita mo dito ay mapapasailalim sa iyo. Magutos ka lang sa kanila mahal kahit ano susundin nila dahil pag hindi sakin sila mananagot."

"Pero hindi ako marunong mamuno sa tulad nila."

Kinakabahan akong humawak ng mga tulad nila. Ayoko kasing makagawa ng mali lalo na't si Primo mismo ang nagkatiwala sakin ng obligasyong ito. Ayokong sa kanya masisi ang pagkakamaling magawa ko. Ayokong madungisan ang kanyang pangalan ng dahil sakin.

"Huwag kang mag-alala gagabayan kita mahal. Ako ang aalalay sayo. Alam mo namang nangangailangan ako ng katuwang sa pamamalakad sa mga Ifrit hindi ba? Ikaw ang nais kong maging katuwang sa lahat."

Tila mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ganyan niya ba talaga ako kagusto? Lihim akong napangiti.

"Susubukan ko mahal."

"Huwag mo lang subukan gawin mo mahal." pagkasabi niya nung ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"Halika na ipapakilala kita sa kanila." sabi niya at inakay ako papunta sa mga mesa sa gitna.

Kinakabahan pa din ako ano ba talaga ang ikinakakakaba ko? Di ko maintindihan.

Dinala niya ako sa pinipuwestuhan ng aming mga kasama. Sinalubong nila kami ng kanilang matatamis na mga ngiti kung kaya't ginantihan ko din ito.

"Kanina pa namin kayo inaantay san nanaman ba kayo nagpunta?" tanong ni Ginang Stella.

"Oo nga wala ka na dun sa kinatatayuan mo kanina nung bumalik ako." nakangusong sabi ni Tamara.

"Pasensya na Tamara."

"Ayos lang kung si Kuya Primo naman ang dahilan walang problema sakin yun." natatawang sabi niya.

"Upo na kayo." pag-anyaya ni Shaviel.

Upo na ako habang si Primo ay nakatayo sa likuran ko habang nakahawak ang kamay sa sandalan ng inuupuan ko. Hindi ba siya napapagod kakatayo? Napalingon ako ng may kumalabit sa gilid ko. Si Victoria.

"Ate nakita ko kanina ang ginawa mo." ngumisi siya ng napakalawak.

"H-ha? Ang alin?"

Lumapit siya sakin at bumulong sa tenga ko.

"Hinalikan mo si Kuya."

O/////O

Parang gusto kong magpalamon sa lupa ngayon din. Nakakahiya bata pa yung nakakita nun. Hindi ako nakapagsalita.

"Hihi huwag kang mag-alala ate sekreto lang natin yun." kumindat pa siya sakin.

Naku naman!

"Ano namang sinabi mo sa kanya Victoria?" dinig kong tanong ni Primo mula sa aking likuran.

"Wala naman po Kuya." inosente niyang sabi.

"Victoria." seryosong saad ni Primo.

Agad na ngumuso si Victoria at humarap sa kanya. Nagtitigan sila mata sa mata na tila ba ay naguusap. Itinuon ko ang aking isip sa kanila at napatakip ako bigla ng aking bibig.

'Naguusap sila sa kanilang isip'

Pero labis kong ikinagulat ay naririnig ko silang naguusap.

Umayos ako ng upo agad agad.

"Ikaw talaga." sabi ni Primo at ginulo ng konti ang buhok ni Victoria.

Ako pa naman ng ayos niyan eh!!

"Eeehh Kuya naman. Inayos ni Ate yan eh." angal ni Victoria.

"Ang bata mo pa para sa ganyan ah."

"Di ko naman sinasadyang makita yun Kuya eh."

Nakita kong nakatingin si Primo sakin. Eh?

"Bakit?"

Lumapit siya ng konti sa tenga ko ng nakangisi.

"Anong nabasa mo sa mga isip namin mahal?" bulong niya sakin

Panong? O—O

"Hindi mo pa masyadong alam gamitin ang kakayahan mong yan ka madaling kang mahuhuli kapag sinubukan mong magbasa o pumasok sa isipan ng kung sino man."

"Patawad." nakayuko kong sabi sa kanya.

"Ayos lang tuturuan kita." naramdaman ko ang banayad niyang halik sa akong leeg.

Waaaahhh naiihi na talaga ako!! >////<

"WAAAHHHHH!"

Napatingin agad kami kay Tamara na tumayo at tumili.

"Tamara ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Trilt.

"Oo."

"Bakit ka tumili?" tanong ni Shaviel.

"May langgam kasi eh." -Tamara.

"Ha? Langgam? Nasaan?"-Shaviel.

Agad niyang inangat ang kanyang kamay sabay turo sakin...hindi samin pala ni Primo.

"Nasa kanilang dalawa. Nakita ko yun!!" nakangusong sabi niyang.

Narinig kong tinawanan siya nina Shaviel. Ewan ko kung matatawa ba ako o mahihiya. Bat ba kasi ang sobrang lambing ni Primo. 

******

Someone's Pov:

"Sasabihin na ba natin sa kanya ang totoo?"

"Hindi ko alam natatakot ako ayokong mawala siya saatin napamahal na siya sakin." nakayuko kong sabi.

Alam kong dadating ang oras na ito,na kailangang malaman niya na ang katotohanan sa kanyang pagkatao. Subalit natatakot akong mawala siya saakin. Tinuring na namin siyang parang tunay naming anak.

"Alam mong hindi natin maitatago ito ng habang buhay. Alam ko ding mahirap sayo ito at ganun din saakin ngunit naiisip mo din ba na habang pinapatagal natin ang lihim na ito ay masasaktan siya."

Napatigil ako sa kanyang sinabi. May punto siya,ayoko ding saktan ang kanyang damdamin ngunit ayoko ding mawala siya. Ayoko mang maging makasarili pero minahal ko na siya bilang anak ko. Hindi ko na kasalanang iniwan niya ang anak niya saamin kahit sabihin pang taga silbi lang nila kami nangako kaming pangangalagaan namin siya pero ito na yong pinakakinatatakutan ko ang malaman niya ang katotohanan at iwan kami,hindi ko kayang malayo siya.


Patawad sa inyo Iveon at Ellisa Quinzel.


Lalo na sayo Allyson.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top