PAHINA 29
Third Person's Pov:
Halos mag-iisang taon na mula ng mangyari ang labanan sa pagitan ng mga Craos at Ifrit. Kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit sina Tamara,Shaviel,Zyfer at Trilt.
"Trilt bilisan mo naman dyan!!" sabi sa kanya ni Tamara.
"Teka lang naman! Mabigat po kasi tulungan mo kaya ako di ba!" inis na tugon nito.
"Aba akala mo sakin utusan mo?!" taas kilay na sabi ni Tamara.
"Ooooooo-tama na yan!! Nakakarindi na yang away niyo eh." iling ni Shaviel.
Tumawa lamang si Zyfer sa kanila. Binuhat nina Trilt at Zyfer ang mga gamit at inilagay sa likod ng sasakyan. Agad silang sumakay at umalis na. Tahimik nilang tinahak ang daan patungo sa kung saan,maingat namang minamaneho ni Trilt ang sasakyan. Makalipas ang mahigit tatlumpong minutong byahe ay nakarating din sila sa kanilang paroroonan. Isang malaking mansyon sa tabi ng dagat. Bumukas ang tarangkahan ng mansyon kung kaya't pumasok agad sila at ipinarada ni Trilt ang sasakyan sa bandang gilid ng mansyon at bumaba sila. Nag-unat sina Tamara at Shaviel.
"Sa wakas nakarating din tayo!" sabi ni Shaviel.
"Nakakapagod ang sakit sa likod. Ba't kasi dito nila naisipang pumunta." sabi ni Zyfer.
Agad na may lumapit na isang katulong ng mansyon.
"Maligayang pagdating po sa inyo Master Zyfer." magalang na bati nito.
"Salamat andyan ba sila sa loob?" tanong ni Zyfer sa katulong.
"Opo kanina pa po nila kayo inaantay hali na po kayo." sabi nito at inakay sila papasok ng mansyon.
Pagtapat nila sa pinto ay binuksan ito ng katulong. Pagpasok nila ay idineretso sila sa isang silid muli ay binuksan ng katulong ang isang pintuan at bumungad sa kanila sina Victoria na naglalaro kasama ang kanyang ina at Kuya Axiel. Napahinto si Victoria sabay takbo papalapit kay Zyfer at yumakap.
"Kuya! namiss po kita!" sabi nito.
"Ako din munting binibini."
"Ate Tamara,Ate Shav at Kuya Trilt. Kamusta po" -Victoria
"Ayos lang Victoria." -Shaviel
"Ayos na ayos naman." -Tamara
"Hindi masyadong maayos." iling ni Trilt.
Napatingin naman sila kay Trilt at palihim na tumawa. Lumapit si Ginang Stella sa kanila at niyakap din si Zyfer.
"Oh anak kamusta ang camping niyo?" agad na tanong nito.
"Maayos naman po may konting problema lang may nawala kasing isang estudyante buti na lang nahanap siya agad." paliwanag nito.
Tumango lamang ang kanyang ina.
"Halina kayo alam kong gutom na kayo." pag-aaya nito.
Agad silang dumiretso sa kusina at pinaghandaan sila ng mga katulong ng makakain. Habang kumakain sila ay may isang paru-paro ang lumipad lipad sa tabi ni Victoria at dumapo sa kanyang balikat. Maya maya ay umalis din ito sa kanyang balikat.
"Ina pauwi na po sila Kuya." sabi nito.
"Ah sige saan nanaman daw sila nagpunta?" tanong ng ina.
"Di ko po alam di naman po sinabi." kibit balikat niyang sabi.
"Si Kuya Primo ba yung nagpadala nung paru-paro?" tanong ni Zyfer.
"Opo."
"Nga pala Tiya kamusta na po sila?" tanong ni Tamara.
"Maayos na maayos na silang dalawa. Kita mo nga kung saan saan na sila nagpupupunta." natatawang sabi ng Ginang.
Natawa din sila sa pahayag ng Ginang.
"Mukhang nagkakasayahan kayo dito ah?"
Napahinto sila sa pagakain ng may dumating. Agad na tumayo si Tamara at tumakbo sa nagsalita.
"WAaaaaaaaahhhh Ally!!!! Namiss kita!!!" tili nito.
"Ang sakit sa tenga wag ka namang sumigaw andito lang naman ako eh." natatawang sabi ni Herezett.
Tama si Herezett ay nabuhay. Kung paano?
*Flashback*
Hawak hawak ni Primo ang hindi na humihingang katawan ni Herezett. Tuloy tuloy din sa pagpatak ang kanmyang mga luha habang niyayakap ito.
"G-gumising k-ka p-pakiusap." bulong nito sa dalaga.
Kinakausap niya ang dalaga kahit hindi niya alam kung naririnig pa ba siya nito o hindi na. Tuloy din sa pag-iyak ang iba pa lalo na ang mga magulang ni Herezett. Sa kabilang banda unti unti na ding bumabagal ang hininga ni Calix dahil sa kanyang natamong sugat. Katabi niya si Tamara na umiiyak hinawakan niya ang kamay ni Tamara dahilan upang lumingon ito sa kanya.
"I-i-la-pit n-ni-yo a-ako s-sa k-ka-ni-la." habol hininga niyang sabi.
Agad naman siyang inakay nina Trilt at Viel papunta sa kinaroroonan nina Primo at Herezett. Pinaupo nila siya ngunit inaalalayan nila ito sa likod dahil masyado na siyang mahina.
"K-ku-ya h-haya-an m-mong big-yan k-ki-ta ng pa-tu-nay u-pang ma-tanggap ako." agad niyang hinawakan ang kamay ni Herezet.
"P-pa-ra sa-yo Ku-ya at pa-ra na din k-kay Z-zet."
Agad na nagliwanag ang kaniyang katawan at inilabas ang lahat ng natitira niyang enerhiya isinalin niya ito kay Herezett.
"C-calix a-nong ginagawa mo?" tanong ng ina ni Herezett.
"W-wag k-ka-yong mag-alala ti-ta ibi-ni-bigay ko l-lang ang na-ra-ra-pat." huling sabi niya bago tuluyang isinalin lahat lahat kay Herezett.
"Ikaw...Calixian Ciel Frost...tinatanggap kita bilang..kapatid ko." diretsong sabi ni Primo.
Ngumiti lamang si Calix bilang tugon bago siya nawala ng tuluyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top