PAHINA 26



Third Person's Pov:

Nagngangalit na nakaharap si Zeroel sa kanyang ama at kay Dravia. Biglang lumitaw ang ina ni Herezett sa ere at inatake ang dalawa. Nakaiwas si Leandro sa atakeng iyon. Si Dravia naman ay nakatayo lamang doon pinatamaan siya ni Sandra ngunit hindi ito tumalab. Tumatagos lamang ito sa malausok na anyo ni Dravia.

"Hahaha hindi ako matatablan niyan."

"Hindi ka nga natatablan ng kanyang espada ngunit matatablan ka nito." malamig na sabi ni Zeroel.

Muli ay mas lalong nagliwanag ang kanyang nga mata. Isang bola ng kapangyarihan ang kanyang pinakawalan kay Dravia.

"AAAHHHH!! IKAW!! MAGBABAYAD KA SILVERSTONE!" galit na sigaw ni Dravia habang iniinda ang sakit.

Biglang lumitaw si Leandro sa likod ni Zeroel at akmang sasaksakin niya ito ng lumitaw si Calix at sinalag ang espada ng ama. Nadaplisan si Calix sa braso agad niyang itinulak ang ama palayo kay Zeroel.

"Kahit labag sa loob ko ngunit kailangan mong magbayad ama." seryosong sabi ni Calix.

"Kahit kailan hindi talaga kita maaasahan! Mahina ka!"

"Kung may mahina man dito ikaw yun ama. Duwag ka ginamit mo si Ally para lang sa walang kwenta mong ambisyon." galit na singit ni Zyfer.

Ngayon ay napapalibutan si Leandro nina Zyfer,Calix,Trilt at Viel. Inilabas ni Leandro ang kanyang kapangyarihan at ganun din ang ginawa ng mga binata.

"Kahit ilan pa kayong magtulong tulong wala na kayong magagawa!!" sabi niya at sinugod si Zyfer.

Sinalag ni Zyfer ang espada nagbuno sila ng lakas naglabas pa ng isang espada si Leandro sa kanyang kabilang kamay at nasaksak niya si Zyfer sa tagiliran nito. Agad na tumulong ang iba pa. Hinawakan ni Trilt si Leandro sa braso at hinila palayo kasabay nun ay sinipa nila ni Viel si Leandro dahila upang tumalsik ito at lumusot sa pader. Agad na inalalayan ni Calix si Zyfer.

Samantala abala din ang mga binibini sa pakikipaglaban kina Leila at Kaein ng mahagip ng mata ni Shaviel si Zyfer na sugatan. Napahinto siya sandali dahilan upang matamaan siya ni Kaein at masugatan sa braso. Agad niyang minadali ang laban niya kay Kaein dahil nangangailang magamit si Zyfer. Inilabas niya ang buong lakas at malakuryenteng awra ang dumadaloy sa kanyang katawan. Lumutang siya sa ere at mabilis na kumilos papalapit kay Kaein. Sinuntok niya ito pagkatapos ay sinipa at ibinalibag sa kung saan saan. Puno na ng pasa ang katawan ni Kaein pilit pa din siyang tumayo at inilabas niya din ang buong lakas.

"Katapusan mo na!" galit niyang sabi.

"Hindi ako ikaw!!" ganti ni Shaviel.

Mabilis na umatake si Kaein nagbuo siya ng malaapoy na awra sa kanyang palad at inasinta si Shaviel ngunit mabilis ang binibini at sa isang kisap lamang ay nasa likuran na siya ni Kaein. Mabilis niyang pinorma na isang espada ang kanyang awra at pinatagos ito sa katawan ni Kaein.

"Wag mo akong minamaliit hindi ka na nararapat pang mabuhay muli." huling sambit ni Shaviel bago unti unting naging abo si Kaein.

Lumapit siya agad kay Zyfe at tinignan ang sugat nito. Isang medyo malalim na hiwa sa kanyang tagiliran ang labis na nagdurugo. Agad na inilapat ni Shaviel ang kanyang palad sa sugat ni Zyfer kasabay nun ay ang pagpatak ng kanyang mga luha dahil sa sitwasyon ng kanyang kasintahan. Hinawakan ni Zyfer ang kanyang kamay at inilapat nito ang kanyang noo sa noo ng dalaga.

"H-huwag kang u-umiyak. A-ayos lang ako." mahinang sabi ni Zyfer.

"Huwag mo kong---"

Hindi natapos ni Shaviel ang kanyang sasabihin ng isang malakas na pagsabog ulit ang narinig nila. Si Zeroel at si Dravia matiim na naglalaban. Sina Sandra at Niel naman ay siya ng humarap kay Leandro.

"Calix ,kunin niyo na si Ally sa altar bilis!" sabi ni Shaviel.

Agad naman kumilos si Calix kasunod niya si Trilt at Viel. Nasa may altar na sila ng biglang may kidlat na nagtama sa kinatatayuan nila mabuti na lamang ay nakaiwas sila.

"Hindi niyo siya makukuha!" nakangising sabi ni Leila.

"Ako ang kalaban mo dito!" galit na sabi ni Tamara at sinuntok sa sikmura si Leila.

Senigundahan niya pa ito ng sipa sa mukha dahilan upang matumba ito. Pumaitaas siya kay Leila at walang hinto itong pinagsusuntok sa mukha.

"Ito para sa panggugulo mo *sapak* ito para sa araw na sinugod mo ang Black House at sinaktan si Ally *sapak* ito naman para sa pagdukot at pananakit muli kay Ally! *sapak* ito ay para kay Miyaki *sapak* at ito...."

Naglabas ng nagngangalit na apoy sa palad si Tamara.

"Ulila." nakangising sabi ni Leila na puro na din pasa ang mukha.

"PARA TO SA SAKIT NA IDINULOT NINYO SAAMING LAHAT!!! AARGGHHH!!!" buong galit niyang idiniin ang apoy sa katawan ni Leila.

"Aahhhhhhh!" daing nito.

Binalot ng apoy ang buong katawan ni Leila at tuluyan na din itong naging abo. Habol hinigang napaupo sa lapag si Tamara. Masyado na ding madaming enerhiya ang kanyang nagamit.

Sa kabilang banda si Zeroel ay kasalukuyang hinaharap si Dravia. Hindi makalaban ng maayos si Dravia

dahil hindi pa buo ang kanyang katawan kailangan niya ng makuha ang katawan ni Herezett.

"Hindi mo na siya maililigtas Zeroel. Tignan mo wala na siyang buhay pa isa na siyang malamig na bangkay."

Imbis na sagutin siya ni Zeroel ay ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at napunta sila ni Dravia sa isang lugar.

"Ikaw Dravia ...may kinatatakutan ka din hindi ba?." malamig na sabi ni Zeroel.

"Wala akong kinatatakutan Zeroel."

"Talaga? Kung ganun naaalala mo ang pangyayaring ito?"

Isang imahe ng batang babae ang umiiyak sa sulok habang may isang ginoo ang papalapit sa kanya at may hawak na patalim na puno ng dugo.

"Huwag po maawa po kayo sakin!" umiiyak na nagsusumamo ang batang babae.

Ngunit hindi siya pinakinggan ng ginoo bagkos ay hinawakan siya sa braso at hinila. Gamit ang punyal na hawak nito minarkahan niya ng ekis ang likod ng batang babae. Malakas ang iyak ng batang babae. Maya maya pa ay nagliwanag ang kanyang mga mata at bigla na lamang tumilapon ang ginoo. Naglakad ang batang babae papalapit sa ginoo.

"Halimaw isa kang halimaw!!" sigaw ng ginoo bago siya nalagutan ng hininga dahil sa hindi mabilang na patalim ang itinarak sa kanyang katawan. Nang makita ng batang babae ang nangyari sa ginoo at agad na lamang siya napatakbo dahil alam niya na siya ang may gawa nun.

Nawala na ang imahe ng mga nilalang na iyon.

"Wala ka palang kinatatakutan?"

"Dati pa yan Zeroel! Hindi na ako ganyan ngayon!"

"Talagang hindi ka na gaya ng dati pero...hindi ka na din kinatatakutan ngayon dahil...."

Biglang naging madilim ang paligid purong kadiliman ngunit ang nakakatakot na mga mata ni Zeroel ay nagliliwanag pa din. Nabalot ng kaba si Dravia dahil batid niya na isang makaoangyarihang Ifrit ang kaharap niya. Biglang nawala ang liwanag ng mga mata ni Zeroel.

"Ang totoong takot ay ako." bulong nito kay Dravia sabay nitong sinakal ng pagkalakas lakas.

Nahahawakan niya si Dravia dahil sa singsing na binasbasan upang mahawakan ang isang kaluluwa. Ngunit isa lamang itong lihim,ang alam lang ng lahat ay tanging mga itinakdang Lord Ifrit lamang ang may kakayahang makahawak ng isang kaluluwa ngunit hindi nila alam na dahil lang iyon sa singsing.

"Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa Amarith."

"Hahaha p-pag-ibig yan ang kahinaan mo Zeroel yan din ang papatay sa iyo!" biglang nawala si Dravia sa kanyang kamay

Nagbalik na sa dati ang lahat nakita niyang binubuhat na ni Calix si Herezett pero nagpakitang muli si Dravia at sinaksak si Calix sa dibdib. Dahan dahang natumba si Calix pero hindi niya pa din nabitawan ang katawan ni Herezett. Agad na kumilos si Zeroel ngunit huli na siya mas mabilis na nakakilos si Dravia.

At kanya ng naangkin ang katawan ni Herezett.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top