PAHINA 25
Tamara's Pov:
Napahinto ako hindi ako makagalaw. Si Ally...hindi.
"Tamara!"
biglang may humablot sakin at sinalag ang espada ng isang Craos. Nakipaglaban siya dito at napatay niya ito.
"Hoy! Pusa!"
Alam niyo naman na sigur kung sino yun.
"Si A-ally...." tumulo ang aking mga luha.
Hindi siya pwedeng mawala hindi!!!
"Putik! TAMARA!!"
Nabalik ako sa realidad nakita kong may papalapit na craos sakin at akmang patatamaan ako ng kanyang espada. Hindi na ako nakagalaw pa sa sobrang lapit na niya. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ng mabuti kung may tatamang espada sakin pero bakit wala. Muli ay minulat ko ang aking mga mata napaatras ako ng konti. Ilang sentimetro na lamang ang agwat ng espada sakin.
Lahat ay nahinto maliban samin,at kina tiyo. Lahat ng mabababang craos lamang ang nahinto. Pero pano? Tumingin ako sa gawi ni Kuya Primo. Nakakatakot ang kanyang presensya at ang dati niyang kulay lilang mga mata naging kulay pula na. Umaapaw ang kanyang kapangyarihan,ang kulay lilang awra. Naglakad siya hanggang makalapit na siya ng konti sa altar na iyon. Biglang kumawala ang kanyang kapangyarihan. Tumilapon ako sa lakas nun at naramdaman ko na may kamay na yumakap sa beywang ko. Napatigil kami sa pagtilapon ng maramdaman kong bumangga siya sa isang matigas na bagay. Natumba kami pareho agad akong humarap sa kanya.
"Trilt ayos ka lang?"
"Oo tsk! "
Nilibot ko ang tingin ko para hanapin ang iba maging sila tumilapon din. Wala na yung mga mabababang craos kanina. Naging abo na silang lahat.
"Kahanga hangang kapangyarihan." dinig kong sabi nung babaeng parang usok.
Siya na ba ang sinasabi nilang isinumpang Ifrit na si Dravia?
"MAGBABAYAD KA SA GINAWA MONG ITO!!" dinig kong sigaw mula sa kabilang dulo.
Nakita kong lumipad ang ina ni Ally patungo sa altar.
"Tita Sandra!" -Calix
Nagtungo naman din kami agad sa gitna. Hinding hindi ko sila mapapatawad. Ipinikit ko ang mata ko at inilabas ang aking awra. Nakita kong ganun din ang ginawa ng iba. Palapit sana kami ng harangin kami nina Leila at nung panget na si Kaein.
"Samin muna kayo dumaan." nakangising sabi ni Leila.
"Hindi kami pumapatol sa mga babae." dinig kong sabi ni Viel.
"Kami ng bahala sa kanila." -Shav
"Tama hayaan niyong kaming mga babae ang lumaban din sa kanila." pagsangayon ko sa sinabi ni Shaviel.
"Sigurado kayo?" -Zyfer.
"Oo tulungan niyo na lamang sila doon mas malakas ang kalaban doon kesa dito sa mga maaarteng ito." -Shav
"Anong sabi mo?" inis na sabi nung Kaein.
Tumango lang kami sa kanila at nagtungo na agad sila papalapit din dun sa altar. Akmang haharangan sa na sila ulit ngunit kumilos na kami ni Shav at kami mismo ang humarap sa kanilang dalawa. Mabilis akong gumalaw at ngayon ay nasa harapan na ako ni Leila nagulat pa siya ng kaunti pero napalitan din agad ito ng inis. Walang ano ano ay sinipa ko agad siya dahilan upang tumalsik siya sa may pader na ikinawasak nito. Nakita ko na sinuntok ni Shav si Kaein at dumugo ang labi nito. Tumabi sakin si Shav at nakaharap kami kay Kaein maya maya pa ay galit din na lumapit si Leila na kakabangon lang mula sa mga nabitak na mga bato.
"Humanda ka sakin!" galit na sigaw ni Leila.
Mas lalong pumanget ang mukha niya.
"Matagal na kaming handa." sabi ko.
Nagkatinginan kami ni Shav at tumango sa isat isa. Sabay na sumugod si Leila at Kaein. Naghiwalay kami ni Shav at itinuon ang mga palad namin sa kanila. Nagpakawala kami pareho ng malakidlat na awra ngunit mabilis din silang nakaiwas. Hindi na din masama para sa kanila. Naramdaman kong may presensya sa likod ko nakita ko si Leila na nakangisi at agad niya akong nasipa sa sikmura. Aray ko po!
"Akala mo maiisahan mo ako!" nakangisi niyang sabi.
"Parang isang tama pa nga lang ang nagawa mo nagmamalaki ka na? Masyado kanyang kompyansa sa sarili mo mahina ka naman." sabi ko sa kanya.
Lalo pang nagdilim ang awra niya mabilis siyang umatake sakin ng suntok umiwas ako at hinawakan ang kamay niya sabay balibag sa kanya sa sahig na ikinawasak ulit nito. Sinipa ko din siya sa sikmura at tumilapon ulit siya. Masyado siyang parelax akala niya ba magpapatalo ako sa kanya? Hinding hindi galit ako ngayon siya ang dumukot kay Ally magbabayad siya sakin.
*****
Shaviel's Pov:
Napaatras ako ng itulak ako ni Kaein gamit ang kanyang tungkod. Itinulak ko ang sarili ko pataas at sinipa ang kanyang dibdib. Napaatras lang siya ng konti pagkatapos ay pinaikot niya ang kanyang tungkod at pinatamaan ako sa mukha. Nalasahan ko yung dugo sa labi ko pinahid ko iyon.
Akmang patatamaan niya ulit ako sa sikmura pero sinalag ko iyon at sinuntok siya. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at kinuryente siya dahilan upang tumalsik siya. Napakatagal ko ng hindi nakakalaban ng ganito. Igaganti kita Ally mananagot sila samin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top