PAHINA 23


Primo/Zeroel's Pov:

*10years ago*

Bagong lipat kami sa isang malayong lugar. Wala masyadong tao doon alam kong lugar ito ng mga mortal. Wala man lang din akong makalaro maliit pa ang kapatid ko.

"A-aray!" may nadinig akong boses ng isang batang babae sa di kalayuan.

Lumapit ako at sumilay sa likod ng mga halaman. Nakita ko siya nakaupo sa lupa at may gasgas sa tuhod tsaka nakataas pa ang kanyang tuhod tinitignan niya ang kanyang sugat kung kayat nakita ko ang pangibaba niya.

"Hoy ibaba mo nga yang paa mo nakikita yung pangibaba mo." sita ko sa kanya.

Di ko naman sinasadyang makita yun. Agad niyang ibinaba ang kanyang tuhod.

"Eh bakit mo tinignan?" naiiyak at naiinis niyang sabi.

"May mata kasi ako kaya nakita ko. Tumayo ka nga dyan iyakin."

"Ang sama mo! Huhuhuhu."

Aist umiyak nanaman siya iyakin talaga. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Tayo na." sabi ko sa kanya.

Umiiyak niyang inabot ang kamay ko at tinulungan ko siyang tumayo.

"Wag ka nang umiyak para kang ewan konting sugat lang yan eh."

"Masakit eh! Sino ka ba?" inis niyang tanong.

"Ako si Zeroel. Ikaw?"

"Ako si---"

"Allyson! Asan ka?!"

"Ha! Si mama yun sige alis na ako." sabi niya sabay takbo.

"Sandali di mo pa sinasabi ang pangalan mo." pagpigil ko sa kanya.

Huminto siya at humarap ulit.

"Herezett Allyson yan ang pangalan ko."

At tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko.

Simula ng araw na iyon bumabalik ako dun baka makita ko ulit yung batang babae na yun. Pero di ko na siya nakita.

*4years ago*

Hinanap ko ang babaeng iyon lahat ng pwedeng lugar na kanyang puntahan ay pinuntahan ko. Hindi ko aakalaing ang babaeng iyon ay ang makapangyarihang Amarith. Nahanap ko siya sa isang bayan at malaki na ang pinagbago niya. Matagal akong napatitig sa kanyang mukha. Siya ay napakaganda hindi ko napigilan na gumamit ng konting kapangyarihan. Humangin ng malakas at mas lalo akong humanga sa kanyang mukha habang nililipad ng hangin ang kanyang buhok.

Ngayon alam ko na ang dapat kong kailangan ko siyang alagaan. Napansin kong napatingin siya sa gawi ko kaya mabilis akong nagtago.

Ilang buwan akong pabalikbalik dun sa lugar na tinitirhan niya. Isang gabi nakaramdam ako na may umaaligid sa paligid ng kanilang bahay. Agad akong naglibot doon at saktong nakita ko na may kung sino sa may harap ng kanilang terasa. Agad akong tumalon papunta doon.

"Lapastangan." mahina kong sabi.

Agad naman siyang humarap sakin. Isang Craos tama nga ang hinala ko nagsisimula na silang kumilos.

Naglabas siya ng espada at akmang aatake ngunit naunahan ko na siya. Agad na naging abo ang katawan niya at kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto ng terasa. Tsk! Naloko na nagising siya.

"S-sino ka?" takot niyang sabi.

Tinignan ko lamang siya at muli ay ginamita ko siya ng kapangyarihan. Pinatulog ko siya hinila ko siya ng bahagya upang hindi siya matumba tsaka ko siya binuhat papasok ng kanyang silid. Inihiga ko siya at kinumutan binura ko din ang kanyang alala na nakita niya ako. Mas mabuting hindi niya ako makilala sa ngayon. Lumabas na ako at saktong pagbaba ko nakatayo doon ang kanyang magulang.

"Zeroel Silverstone. Anong pakay mo sa anak namin." madiing sabi ng kanyang ina.

"Pinoprotektahan ko lamang siya."

"Alam ko na may kapalit ang pagprotekta mo sa kanya." sambit ng kanyang ama.

"Sa ngayon ay hindi ko pa kukunin ang kapalit dahil dadating ang panahon na ang mismong kapalit ang siyang lalapit sakin."

Sabi ko tsaka naglakad ngunit nahinto ako ng tutukan nila ako pareho ng espada.

"Hindi mo makukuha ang anak namin Silverstone."

"Pagaari ko na siya."

"Hindi mo siya pagaari at mas lalong hindi mo siya makukuha."

Sabay silang umatake kaya mabilis akong gumalaw at umiwas sa kanilang espada. Ginamitan ko sila ng kapangyarihan upang mapatigil sa paggalaw.

"Batid ko na nakaselyo ang inyong mga kapangyarihan kaya wala kayong magagawa. At kahit na may kapangyarihan pa kayo alam niyong hindi niyo ako matatapatan."

"Si Allyson lang ang nagiisang kayamanan namin. Hinding hindi mo siya makukuha." naluluhang sabi ng ginang.

"Kayamanan ko din siya simula nung nakita ko ulit siya."

Pinakawalan ko sila at binitawan nila ang kanilang espada.

"Alam niyo na nasa delikadong situasyon ang buhay niya. At tinutulungan ko kayo upang protektahan siya."

Hindi sila umimik nagkatinginan lamang sila.

"Kung gusto niyong maprotektahan siya pagaralin niyo siya sa paaralang pinapasukan ko. Batid kong alam niyo ang paaralang tinutukoy ko. Pag isipan niyo munang mabuti."

At umalis na ako. 

Matagal ko ding inantay na pumasok siya sa eskwelahang pinapasukan ko ngunit wala pa din. Siguro ay talagang inilalayo nila siya sakin nagpupunta pa din ako doon sa kanila kapag gabi. Ilang taon na ang nakalipas mula nun. Naiinis ako sa tuwing nagpunta ako doon wala siya minsan. Dinadala nila siya sa kung saang lugar na malayong mahahanap ko. Inuubos talaga ng mag-asawang yun ang pasensya ko. Kung hindi lang dahil sa kanya matagal ko na silang tinapos muntik pa nila akong patayin. Hindi ako nakabalik sa paaralan ng medyo matagal dahil sa mga importanteng bagay na ginawa.

Nang makabalik ako may isang envelope na iniabot sakin si Zyfer sabi niya sakin may naghatid daw na babae dito sabi ni Amelia. Tsk ayoko talaga na nandirito ang babaeng yun ang ingay niya masyado. Binuksan ko iyon at nakita ang mga papeles ng isang estudyante.

"Herezett Allyson Crisford......yan yung bago naming kaklase Kuya ah." tinignan ko agad siya.

"Pasensya na Kuya nakibasa lang hehe." kamot ulo niyang sabi..

Nandito na siya? Lihim ako napangiti sa supresang nakita ko.

Nalampasan niya ang ilusyong boses na nakapalibot sa Black House. Dahil sa kagustuhan kong makita siya ay nagtungo ako sa kanyang silid ng kinagabihan ngunit hindi ako nagpakita sa kanya. Lihim kong pinagmasdan ang kanyang mamong mukha habang natutulog.

Mas lalo akong humanga sa kanya ng iniligtas niya si Victoria. Mas tumindi ngayong ang paghanga ko sa kanya.

Hindi ako papayag na mawala siya sakin ulit dahil lang sa isang traydor. Mananagot siya sakin kapag may nangyaring masama sa babaeng pinakamamahal ko.


******


Herezett's Pov:

Biglang may nagbukas ng pintuan ng silid na dalawang lalaki at may dalawa pang nakatayo sa labas.

"Pinapatawag na siya ni Pinuno." sabi ng isa.

Napatingin ako kay Miyaki tumango lang siya saakin. Eto na kinakabahan ako. Nakakatakot ang mga pangyayaring ito.

Tumayo na ako at naglakad kami ni Miyaki palabas. Nauna na ang dalawang lalaki at kasunod yung dalawa pa sa lukuran namin. Naglalakad kami sa isang mahabang pasilyo na pinaiilawan ng mga sulo. Napakapit ako sa braso ni Miyaki at hinawakan niya ang kamay ko. Mabagal kaming naglalakad naghahanap kami ng tyempo para matakasan sila.

"Ally...humanda ka na." bulong ni Miyaki sakin.

Binigyan niya ako ng punyal kanina panlaban ko daw kung sakali. Tumango lang ako humawak ako ng mahigpit sa kanya.

"Ngayon na Ally!"

Sabi niya at sabay na inilabas ang kanyang espada at pinatamaan ang dalawa sa aming likuran. Ako naman inilabas ko ang punyal at itinarak sa isa sa lalaking nasa harapan. Tinuruan ako ni Miyaki kanina kung paano ito gamitin kahit ang kanyang espada pinagamit niya din saakin. Nakita kong aatake ang isa kung kayat isinalag ko ang punyal. Napaatras ako sa lakas niya.

"Hindi kayo makakatakas." madiin niyang sabi.

Pinilit ko siyang itinulak. Hindi ako matutulungan ni Miyaki abala siya sa isa pang kalaban. Nahagip ng mata ko ang isang espada sa gilid. Pilit ko itong inabot habang pinipilit kong abutin siya ding paglapit ng espada ng kalaban sa aking leeg.

Hindi ako pwedeng mamatay ng ganito na hindi ko man lang alam kung ano ba talaga ang dahilan.

Naabot ko na ang espada isinaksak ko ito sa kanya at maya maya pa ay naging abo na siya. Bawat labas ng hangin sa aking katawan ay siya ring pagbilis ng kabog ng aking dibdib.

"Ally..."

Napatingin ako kay Miyaki.

"Miyaki may sugat ka."

"Wala ito maliit na sugat lang ito. Halika na marahil ay papunta na ang iba pa dito."

Tumango lamang ako sa kanya. Hawak kamay kaming tumakbo upang hanapin ang labasan. Bitbit ko ang espada at itinago ko naman ang punyal. Lumiko kami sa isang bahagi ng pasilyo ngunit napahinto kami ng may dumaang mga kalaban nagtago kami sa likod ng poste ng pasilyo. Maya maya pa ay wala na sila kung kaya't tumakbo ulit kami hanggang sa marating namin ang dulo ng pasilyo. Nakakita ako ng mga puno sa dulo nun.

"Ayun na Miyaki." hingal kong sabi.

"Tama tara na malapit na." binilisan pa namin ang pagtakbo.

Naabot nanamin ang dulo at tuloy tuloy lang kami sa pagtakbo. Nasa labas na kami malapit na kami sa kakahuyan ng mabitiwan ako ni Miyaki. Isang palaso ang tumama sa kanyang likuran.

"Miyaki!" inalalayan ko siya.

Naluluha na ako. Kailangan naming makalabas dito. Napalingon ako sa likod at nakita ko na may tao sa tuktok ng gusali at nakapunterya saamin ang kanyang pana.

"Miyaki wag kang bibitaw tatakas tayo pareho di ba." tuluyan na akong naiyak sa pagkakataong ito.

"Tumakas ka na Ally." mahina niyang sabi.

"Hindi kita iiwan."

Inakay ko siya upang makalayo kami ngunit hindi pa man kami nakalayo ay biglang kumirot sa aking likuran dahilan upang matumba kami pareho ni Miyaki.

"A-ally.." umiiyak niyang sabi.

Kinapa ko ang likod ko naramdaman kong may nakatusok dito. Tinamaan din ako naging mabigat na ang paghinga namin pareho. Nakarinig ako ng mga yabag papalapit samin. Maya maya pa ay may bumuhat samin.

"Tatakas pa kayo ha." nakangising sa bi ng isang babae.

"Wala ka talagang kwenta Leila." nanghihinang sabi ni Miyaki.

"At isa ka namang traydor,Shirrai. Ang dapat sayo mamatay!"

Pagkasabi niya nun ay itinarak niya ang kanyang espada kay Miyaki. Umaagos ang luha ko sa nasaksihan ko.

"Miyaki!"

"Ililigtas ka niya."

Ang huling binitawang salita ni Miyaki bago siya tuluyang naging abo. Iyak ako ng iyak kahit kumikirot ang aking likod. Pagbabayaran niyo ang pagpaslang niyo kay Miyaki,isinusumpa ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top