PAHINA 22


Herezett's Pov:

Unti unti kong minulat ang aking mga mata isang may edad na lalaki ang nakaupo sa aking harapan. Nakangisi siya at nagliliwanag ang kanyang mga mata. Pakiramdam ko ay tumayo ang aking mga balahibo sa takot.

"S-sino k-ka?"

"Napakagandang binibini hindi nakakapagtaka kung bakit napaibig mo si Zeroel." sabi nito sabay hawak sa aking baba.

"A-ano b-bang k-kailangan m-mo s-sakin?" pinipilit kong pigilan ang aking luha.

"Kailangan kita para mawala na si Zeroel sa aking landas. At ikaw ang iaalay ko upang makabalik sa mundong ito ang tanging nilalang na makakatalo sa kanya." humalakhak siya na tila nasisiraan ng bait.

"S-sino k-ka b-ba t-talaga at gusto mong saktan si Primo." sa pagkakataong ito tila nahimasmasan ako at nagkaroon ng lakas ulit.

"Ako si Leandro Frost binibini ngunit mas kilala ako bilang si Leandro Silverstone."

Leandro Silverstone?? Hindi hindi naman sana siya ang iniisip ko?

"Kung ano mang iniisip mo binibini marahil ay tama ka. Ako ang ama ng mga magkakapatid na Silverstone at ng iyong kababatang si Calix." nakangisi niyang sabi.

"Bakit??? Ang sama niyo!! Pano niyo naaatim na gawin ito sa anak niyo!" naiiyak kong sabi.

Ang sama niya pano niya nagawa ito sa kanila.

"Para sa kapangyarihan binibini at yang nasa loob mo. Yang nakatagong kakayahan mo ang magbibigay saakin ng walang hanggang kapangyarihan."

"Nakatagong kakayahan? Wala akong kakayahan tulad ng sino man sa inyo!!"

"Hindi ba nasabi sayo ng mga magulang mo ang totoo?"

"Anong katotohanan?"

"Hahahaha ang iyong mga magulang ay isa ding Ifrit ngunit mas pinili nilang mamuhay bilang isang mortal. Natago man nila ang kakayahan nila at pati na din ang nasa sayo ngunit darating ang oras na lalabas din ang mga nakatago niyong kakayahan."

Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya. Lahit ganun sina Mama alam kong hindi nila magagawang maglihim sakin. At lalong hindi sila Ifrit! Naiyak na lamang ako di ko alam ang sasabihin ko.

"Kahit anong gawin mong pagiyak hindi nun mababago ang katotohanan binibini."

Ayoko siyang pakinggan! Ayoko siyang marinig! Narinig kong tumawa siya at narinig ko ding parang may tinawag siyang kung sino. May nakita ako babaeng pumasok.

"Miyaki.." mahina kong sambit.

"Bihisan at ayusan mo na siya." sabi niya tsaka umalis.

Kaming dalawa na lang ni Miyaki dito dahan dahan siyang lumapit sakin.

"Ally..."

Naiyak ako sa takot tsaka ko naramdamang may yumakap saakin.

"Sshh wag kang umiyak Ally tutulungan kitang makalabas dito." bulong niya saakin.

"M-miyaki n-natatakot a-ako."

"Alam ko. Gagawin ko ang lahat makalabas ka lamang dito." -Miyaki

"Pe-pero pano k-ka?"

"Mailigtas lang kita Ally ayos na ako. Kahit mapaslang pa ako masiguro ko lang na ligtas ka masaya na ako."

"Hindi sabay tayong lalabas dito!" naiiyak kong sabi.

Ayokong mawalan ng kaibigan.

"Mahirap makalabas dito ayos lang kung ikaw lang ang makalabas. May utang na loob ako sayo dahil sayo buhay pa ako ngayon at hindi ako tinuluyan ni Primo. Ally ....salamat."

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mata ngunit pinahid niya agad ito. Umiiyak pa din ako. Itataya niya ang buhay niya para sakin ayoko ng ganun.

"Halika na aayusan kita."

Sabi niya sakin umiiyak ako habang inaayusan niya ako. Hindi ko mapaigilan na malungkot at masaktan sa panahong ito.

"Huwag ka ng umiyak. Maging matatag ka Ally kailangang maging matatag ka hindi ka matutulungan ng luha mo hindi ka makakalabas kung ganyan ka. Ipangako mo sakin na kahit anong mangyari magiging matatag at malakas ka hindi ka basta basta magiging ganyan. Mangako ka sakin Ally."

Ayoko! lalo't alam ko na may hindi magandang mangyayari sa gagawin niyang ito. Humagulgol ako ng iyak.

"Pakiusap Ally mangako ka sakin..."

"S-su-subukan k-ko."

"Huwag mo basta subukan lang gawin mo Ally para sa sarili mo."

Tama siya walang ibang makakatulong sakin dito kundi ako mismo. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at pinahid ang aking mga luha.

"Tama yan Ally maging malakas ka. Ihanda mo ang sarili mo sa oras na ipalabas ka dito itatakas kita. At sakto lang yun para makarating din ang iba dito."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Sa tingin mo ba hahayaan ka nila dito? Sina Shaviel,Tamara,Zyfer,Trilt at si Primo? Alam kong ililigtas ka din nila."

"P-pero paano? Hindi nila alam na nandito ako!"

"Alam nila sinabi ng kababata mo."

"Si Calix? Paano?"

"Andito din siya nung nakaraan pero sa tingin ko bago pa niya masabi sa kanila ay nalaman na ni Primo."

Si Primo ...

"Gusto kong...makita ulit si Primo."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Miyaki. Ano bang mali sa sinabi ko?

"Hindi ako ang dapat magsabi nito pero mahal ka ni Primo dati pa."

Nakatingin lang ako sa kanya. Dati pa? Ilang buwan pa lang kami nagkakilala. Tapos ilang buwan pa lang din ako nagaaral dun at nangyayari sakin ang mga ganito.

"Siya nalang ang makakapagpaliwanag sayo."

Hindi na ako nagsalita o nagtanong pa. Sana makaligtas kami pareho ni Miyaki dito ayokong may maiwan samin sa lugar na ito. 


*******


Tamara's Pov:

Dapat binantayan naming mabuti si Ally. Sana mas pinalakas pa namin ang harang ng Black House. Ayokong mangyari yung nakita ko. Nasa bulwagan kaming lahat ngayon tahimik walang umiimik ni isa samin. Biglang may pumasok kaya nabaling ang tingin namin sa kanya.

o_O

Viel Cast? Ano namang kailangan niya dito? Naglalakad siya diretso kay Kuya Primo at may hawak siyang kung ano.

"Eto na ang pinapakuha mo." sabi niya sabay abot ng....

"Ang puso ng rosas?" -Shaviel.

Tama ang puso nga ng rosas. Isa itong makapangyarihang bagay dito nakalagay ang lahat ng kapangyarihan ng mga namayapang mga pinunong Ifrit. Bago mawala ang mga pinunong Ifrit ang kanyang kapangyarihan ay isinasalin sa kung tawagin ay puso ng rosas atsaka ito pangangalagaan ng susunod na pinuno. Mapapasakanya ang walang hanggang kapangyarihan upang pagharian ang buong mundo. Kaya't ganun na lang ang labis na paghahangad nila sa puso ng rosas. Ngunit hindi mailalabas ang kapangyarihang taglay nito kung wala ang kapangyarihan ng Amarith. Kung kaya't ganun na lamang ang pagaalagang ginagawa ni Kuya Primo kay Ally at ganun din kami. Alam ko na hindi ko pa lubos na alam ang pagkatao ni Ally pero nalalagay sa matinding panganib ang kanyang buhay,natatakot ako para sa kanya.

"Bakit ka nandito?" -Trilt

"Nautusan lang akala mo paparito ako na walang dahilan?" pilosopo niyang sabi.

Naguusap sila ng kung ano ayokong makinig sa kung anong pinaguusapan nila. May kakaiba akong nararamdaman at tila may kung sinong gumagamit ng kapangyarihan. Isang Ifrit,napatayo ako at nilibot ang aking mga mata. Kami lang ang nandirito at wala namang may gumagamit ng kapangyarihan samin. Nabaling ang tingin ko sa mesa sa gilid ngunit ang nakalagay lang doon ay ang kwintas ni Ally.

"Nanggagaling yun sa kwintas ni Ate." napatingin naman ako kay Victoria.

"Naramdaman mo din?"

Lumapit siya doon sa mesa.

"Victoria lumayo ka dyan." saway ko sa kanya.

Patuloy pa din siya sa paglalakad huminto siya at dahandahang hinawakan ang kwintas ni Ally. Bigla itong nagliwanag kung kayat mabilis kong kinuha si Victoria palayo roon. Nagkumpulan kami sa isang sulok hinahanda ang aming sarili sa kung ano man ang laman nito. Napapikit ako ng humangin ng napakalakas ng maramdaman kong medyo payapa na minulat ko ang aking mata at kasabay nun ay ang pagtambad ng isang babae.

O_O Tita Stella?

"M-mama." dinig kong sabi ni Victoria.

"Mga anak ko." naiiyak niyang sabi.

"Ina." si Axiel iyon.

Ngunit paanong? Nakita kong lumapit at yumakap si Victoria at Axiel sa kanilang ina. Lumapit na din si Zyfer. Nabaling ang kanyang tingin kay Kuya Primo.

"Zeroel.."

"Ina..."

"Tita Stella..." mahina kong sambit.

"Tamara napakalaki mo na."

Pinipigilan kong umiyak.

"Ina akala ko wala ka na." naiiyak na sabi ni Axiel.

"Hindi siya nawala nakakulong lamang siya." seryosong sabi ni Kuya Primo.

Kung ganun alam niya? Pero bakit niya nilihim?

"Batid kong alam mo ang tunay na nangyari Zeroel."

"Bakit? Bakit nilihim mo ito samin?! Alam mong nangungulila kami sa ating ina pagkatapos ililihim mo na buhay pala siya? Ilang taon kaming nasaktan dahil sa pagkawala niya. Bakit Kuya?" galit na sabi ni Zyfer.

"Kapag pinaalam ko ba sainyo may magagawa kayo? Kung pinakawalan ko agad siya sa kwintas na yan mas lalong di na natin siya makakasama. Tandaan mo Zyfer ang kahit ano mang mahalaga sa isang Silverstone ay ang kanya ding kahinaan." seryosong sagot ni Kuya Primo.

"Pero kahit na Kuya hindi mo pa din dapat hinayaan na makulong siya doon ng napakatagal!"

Bigla na lamang dumikit sa pader si Zyfer.

"Kuya tama na!" naiiyak na sabi ni Victoria.

"Tama na huwag na kayong magaway." saway ni Tita.

Agad namang binitawan ni Kuya Primo si Zyfer.

"Zyfer huwag mong sisihin ang Kuya mo. Alam ko na alam mo na tama ang kanyang ginagawa. Kayo mismo naranasan niyo na ang bunga ng ginawa ng inyong Kuya. Para sa kaligtasan niyong lahat." mahinahong pagpapaliwanag niya.

"Pero ina.."

"Pasalamat ka at hindi ang pinakamahalaga sayo ang nawawala ngayon Zyfer." may halong inis na sabi ni Kuya Primo.

"Paumanhin po ngunit paano kayo napunta sa kwintas ni Ally?" -Shav

"Nahanap niya ang aking kwintas na itinago sa aklatan. Siya lamang ang tanging nakabukas ng pinagtaguan at siya lamang din ang nakabasa mg tagong salita upang mapalabas ako ng panandalian."

"Kung ganun po matagal na kayong nakakausap ni Ally?" sabat ko.

"Oo iha ngunit pinilit ko ang inyong binibini na ilihim ang tungkol saakin."

"Kung ganun po nakita niyo din kung sino ang kumuha sa kanya?" -Trilt

"Oo nakita ko at patawad Lord Silverstone hindi ko man lang natulungan ang iyong binibini sa kamay ni Leila." malungkot na saad niya.

Si Leila Arcenal? Ang taksil na iyon? Magbabayad siya sakin kapag nagkaharap na kami!!

"Hindi niyo kasalanan siya talaga ang pakay nila." -Kuya Primo.

"Ina namiss po kita." -Victoria

"Namiss din kita munti kong binibini." sabi nito sabay halik sa noo ni Victoria.

"Ciel..." muling banggit ni Tita

"Lady Stella nagagalak po akong makita kayo ulit." -Calix

"Ako din napakalaki na ng pinagbago mo."

Ngumiti lang ng konti si Calix sa sinabi ni Tita.

"Batid ko na hindi pa kayo magkakabating magkakapatid. Sana naman ay matanggap niyo na rin si Calix. Axiel,Zyfer..........Zeroel." mahinahon nitong sabi.

"Patunayan niya muna ang kanyang sarili." -Kuya Primo.

Nagkaroon ng samdaling katahimikan ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Ako na ang magbubukas." presinta ni Trilt.

Pagbukas niya ng pinto ay agad pumasok ang isang hindi inaasahang bisita.

Si Ginang Claw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top