PAHINA 21
Shaviel's Pov:
Ilang araw na naming hinahanap si Ally hindi namin alam kung nasaan siya o kung ano bang nangyari sa kanya. Ayokong magisip na may masamang nangyari sa kanya pero hindi ko maiwasan. May kutob ako na may kung sinong kumuha sa kanya natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Tapos si Primo hindi din namin siya makita,kinaumagahan nung gabing nawala si Ally nawala din siya. Ilang beses ko siyang sinubukang hanapin gamit ang kapangyarihan ko ngunit hinaharangan niya ako upang makita siya. Labis na makapangyarihan si Primo pero may kahinaan din siya. May mga pagkakataon din na hindi kami nakakapasok dahil hinahanap namin sila pareho.
"Shav ayos ka lang?" puno ng pagaalalang tanong ni Zyfer.
"Oo ayos lang ako. Iniisip ko lang kung bakit nawala si Ally."
Ramdam kong hinawakan niya ang aking kamay. Bahagyang naginit ang aking pisngi sa kanyang ginawa. Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi. Tinignan ko lamang siya at ngumiti ng konti.
"Wag kang magalala makikita din natin siya." -Zyfer.
"Tama pati si Primo." dugtong ni Trilt.
Natahimik nanaman kami ng biglang sumulpot si Calix.
"Nasaan si Zet?" seryoso niyang tanong samin.
Hindi nga niya pala alam na nawawala ang kababata niya. Pano ba namin sasabihin.
"Bakit anong kailangan mo sa kanya?" walang ganang tanong ni Zyfer.
Anong nangyayari bat parang may tensyon??
"Ilang araw ko na siyang di nakikita. Anong nangyari sa kanya?" -Calix
"Labas ka na dun atsaka di ba sinabihan ka na ni Kuya na wag kang lalapit kay Ally?" -Zyfer.
"Kababata ko siya!! At wala kayong pakialam kung lalapit at makikipagusap ako sa kanya!!" bahagyang napalakas ang boses ni Calix.
"Ano ba wag kayong mag-away!" saway ni Tamara.
"Kahit na alam mong minarkahan na siya ni Kuya? Lalapitan mo pa din siya? Alam mo ang mangyayari sayo kapag lumapit ka pang muli sa pagmamayari ng isang Lord Silverstone." seryosong saad ni Zyfer
Hindi ko pa nakitang ganyan ka seryoso si Zyfer ano bang meron at mainit siya kay Calix? Nakita kong bumuka ang bibig ni Calix ngunit walang boses o salitang lumabas sa kanya.
"Alam ko kung nasaan si Zet." mahina niyang sabi.
Napatingin kaming lahat sa kanya kasabay nun ang pagtayo ni Tamara at lumapit sa kanya.
"Nasaan si Ally??" mangiyak ngiyak na sabi ni Tamara
"Hawak siya ng mga Craos at...."
Hinigit ni Zyfer si Calix sa kuwelyo nito kung kaya't napatayo din ako.
"Zyfer!" hinawakan ko siya sa braso at pilit na inihiwalay kay Calix.
"SINO??"
"Ni Ama." iwas tinging sabi ni Calix.
Napatakip ako ng bibig sa narinig ko. Hindi hawak siya ng mga Craos kung ganun posibleng saktan nila si Ally. Hindi!!!
"ANO!!! BAKIT DI MO SIYA NILIGTAS KUNG GANUNG HAWAK SIYA NG AMA MO!!" galit na sabi ni Tamara.
Napatingin naman ako kay Zyfer na biglang sinuntok ang mesa.
"Sabi na nga ba! Tama si Kuya isang traydor si Ama!!!" nagngangalit na sabi niya.
Naguguluhan ako? Ama ni Calix ang kumuha kay Ally tapos ama din ni Zyfer?
"Magpaliwanag nga kayo naguguluhan ako." sabi ko.
"Magkapatid sila." sa pagkakataong iyon napatingin naman ako kay Trilt.
"Ano?"
"Sabi ko magkapatid sila sa ama nga lang." -Trilt
"Bakit hindi namin alam?" -Tamara
"Kayong dalawa ay pinaglihiman na tungkol sa bagay na iyon kahit ikaw Tamara na sariling pinsan nila." -Trilt
Wala akong masabi sa mga rebelasyong ito napakadaming bagay pa pala ang hindi namin alam.
*****
Calix's Pov:
Nagagalit ako sa sarili ko hindi ko magawang iligtas si Zet sa sarili kong ama. Nalaman ko na pinadukot niya pala si Zet kay Leila ang pangunahin niyang tagakitil ng buhay. Matagal ko ng alam na may kasamaang tinatago si Ama pero nagpapanggap ako na walang alam. Pero sa pagkakataong ito hindi na ako magbubulag-bulagan pa lalo't buhay ni Zet ang nakataya sa laro niyang ito. Hindi ako papayag na mawala si Zet dahil lang sa kagustuhan niyang makuha ang posisyon ni Kuya Primo. Tama nga ang desisyon ng nakakatandang Silverstone dati na ibigay ang posisyon kay Kuya. Matagal ko ng alam na hindi si ama ang totoong Lord Ifrit,at talagang hindi nararapat ang titulong iyon sa kanya. Kasalukuyang kasama ko sina Zyfer at oo hindi niyarin ako tanggap. Isinama nila ako sa tinatawag nilang Black House. Ito ang unang beses kong makapasok dito nakatago pala ito kaya pala hirap silang hanapin ito.
"Ano ng gagawin natin ngayon?" -sabi nung Shaviel.
"Hindi ko alam . Nasaan ba kasi si Kuya ." inis na sabi ni Zyfer.
Kung ganoon nawawala din pala si Kuya. Makapangyarihan siya at alam kong hinahanap din niya si Zet.
"Tutulungan ko kayong makapasok sa pinagtataguan nila ngayon madaming Craos ang nagkalat sa paligid ng kuta nila."
"Nakita mo ba kung saan banda nila itinago si Ally?" sabi nung Tamara
"Hindi ako sigurado pero sa tingin ko malalaman din natin kung nasaan ba talaga siya kapag mas maraming Craos ang nagbabantay sa labas."
"Pano kapag hindi pala madami ang ilalagay niyang bantay? Pano kapag pantay ang bantay sa buong paligid?" -Trilt
Napaisip din ako tama siya matalino si ama alam kong lilituhin niya ang sinumang magtatangka na iligtas si Zet.
"Kung ganun sumunod kayo sa iuutos ko."
Nabaling ang tingin ko sa malamig na boses na iyon isang pigura ng matikas na lalaki ang nakatayo sa gawing kanan.
"Kuya Primo!" -Tamara
Tama siya nga alam na din niya. Hindi siya nagsalita bagkos ay tumingin lamang siya sa labas ng bintana tila nagaalala na nalulungkot at galit ang expresyon sa kanyang mga mata.
"Hindi ko papalampasin ang kataksilang ginawa niya sakin. Kailangan siya maparusahan."
Nanlamig ako sa kanyang sinabi balak ba niyang paslangin na lamang si Ama?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top