PAHINA 20
Herezett's POV:
Nauuhaw ako hay! Bumangon ako tsaka ko tinignan ang orasan sa pader ng silid.
1:26 am
Ala una pa lang? Tumayo ako at lumabas ng silid. Nagdahan dahan lang ako tulog na kasi sila malamang. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa kusina. Pagdating ko nagsalin ako ng tubing sa baso tsaka ko iyon ininom. Napahinto ako ng may narinig akong kung ano sa labas ng bahay. Inilapag ko ang baso sa may hugasan at sumilip sa binta. Wala namang tao,kita naman ang labas maliwanag kasi ang buwan. Nagkibit balikat lang ako at hinugasan ang ginamit kong baso. Nang matapos ko iyong hugasan nakarinig ulit ako ng kung ano sa labas.
'Ano ba yun?'
Nagpunas ako ng kamay tsaka ako nagtungo sa pinto ng kusina na palabas ng bahay. Pagbukas ko ng pinto malakas na ihip ng malamig na hangin ang bumungad sakin. Ang lamig sinubukan kong aninagin ang paligid ngunit wala namang kung sino ang nandoon. Isasara ko na sana ulit ang pinto ng may humablot sakin palabas at hinawakan ako sa leeg.
"Hindi ko na pala kailangang pasukin ka sa iyong silid." boses ng isang babae.
"S-sino ka?"
Kinakabahan ako parang gusto kong sumigaw at humingi ng tulong.
"Nakalimutan mo na agad ako. Pwes ipapakilala ko ulit ang sarili ko."
Pagkasabi niya nun ay pinaharap niya agad ako sa kanya.
O_O
"I-ikaw yung n-nanggulo dito nung nakaraan."
"Tama ako nga at Leila Arcenal ang pangalan ko."
Nakangisi siya sakin at nagliliwanag ang kanyang mga mata.
"Kung ako lang ang masusunod pinaslang na kita nung paglabas mo ngunit sa kasamaang palad may isang nilalang ang nangangailangan ng buhay mong presensya."
Nanlamig ang buong katawan ko sa kanyang sinabi. Papaslangin niya ako pero bakit? Ano bang ginawa ko?
"A-ano b-bang k-kailangan mo sakin?"
"Gagawin kitang pain kay Zeroel." matiim niya akong tinignan.
Kay Primo? Ano namang kinalaman niya?
"Alam kong ililigtas ka niya at sa oras na iligtas ka niya yun na din ang magiging katapusan niya." napatawa siya ng mahina.
Akma akong tatakbo ng hilahin niya ang buhok ko. Ang sakit gusto kong sumigaw pero wala nanamang hangin na pumapasok sa katawan ko.
"Hindi ka ba makahingi ng tulong? Hahaaha kaawa awa ka."
Hindi ang nilalang na to. Sinubukan kong makawala sa kanya. Nasipa ko siya sa tyan dahilan para mapabitaw siya.
"Arrgg Ikaw!!" galit niyang saad
Hindi pa din ako makapagsalita wala pa ding hangin. Tumakbo ako patungo sa pintuan ngunit hindi ako nakaabot. Napakabilis ng pangyayari masakit ang aking likuran ng tumilapon ako papasok sa gubat. Mahapdi ang aking tuhod at braso. Ang babaeng yun wala siyang kaluluwa. Nakatayo siya sa harapan ko habang ako ay nakaupo sa lupa. Bigla siyang naglabas ng espada at iwinasiwas iyon saakin dahilan upang magkaroon ako ng malalim na sugat sa balikat at sa paa.
'Pakiusap tulong.'
Ramdam kong namamasa na ang aking mga mata.
"Huwag mo ng subukang tumakas masasaktan ka lamang."
Naiyak na ako ng tuluyan. Walang makakatulong sakin gayong pinipigilan ng babaeng ito na makasigaw ako at makahingi ng tulong. Muli niyang hinablot ang aking buhok at kasabay nun ay sinipa niya ako sa tyan. Napahiga ako sa sakit
'Tulungan niyo ko.' iyak ko sa isip ko.
Sunod-sunod niya akong sinipa ng malakas. Hanggang sa maramdaman kong nangmamanhid ang aking katawan. Tumigil siya at kasabay nun ay dumilim ang lahat.
********
Third Person's Pov:
Nagising si Victoria at bumangon patungo sa silid ni Herezett. Tuwing nagigising siya ng ganoong oras ay nagtutungo siya doon upang tumabi sa binibini. Pagdating niya sa harap ng pintuan ay nagtaka siya kung bakit nakabukas ito. Pumasok siya at nakita niyang wala ang binibini doon.
"Asan si Ate?" sabi niya sa sarili..
Dagli siyang bumaba at nagtungo sa bulwagan ngunit wala doon. Ganoon din sa aklatan agad siyang nagtungo sa kusina at nakita niyang nakabukas ang pinto doon. Sumilip siya ngunit wala doon napahinto siya ng makaramdam ng maitim na awra. Napaatras siya at tumakbo patungo sa harapan ng hagdan tsaka niya pinaliwanag ang kanyang mga mata at naglabas ng malakas na enerhiya. Ilang minuto lamang ay nagsilabasan ang lahat sa kanikanilang silid.
"Victoria! Anong nangyari?" nagaalalang tanong ni Zyfer.
."M-may naramdaman akong Craos sa labas."
Agad silang nagsibabaan at dinamdam ang paligid.
"Wala naman." -Tamara.
"Meron dito kanina." mangiyak ngitmyak niyang sabi.
"Sshh ayos lang wag kang umiyak." -Zyfer.
"Si Ally nga pala?" -Trilt
"Alam mong hindi siya tulad natin kaya hindi niya naramdaman ang ginawa ni Victoria." -Shaviel.
"Wala si Ate sa kanyang silid."
"Ano?/Ha?" sabay sabay nilang sabi.
"Nagpunta ako dun kanina *huk* wala siya."
Agad na pumanhik sa taas si Tamara upang tignan ang silid ni Herezett.
"Maglilibot kami sa labas." -Trilt.
"Mag-ingat kayo." -Zyfer.
Umalis sina Trilt at Shaviel palabas ng bahay. Nakayap pa din si Vuctoria sa kanyang kuya. Maya maya pa ay bumaba sina Primo at Axiel.
"Kuya Zy anong nagyayari?" -Axiel
"Nakaramdam ng Craos si Victoria sa labas. Nagikot na sina Trilt at Shav sa labas para tignan." -Zyfer.
"Kuya Primo!" lumapit si Victoria kay Primo at yumakap sa paa nito
"Bakit?" -Primo
"Si A-ate na*huk*wawala."
"Ano?"
Napatingin ang magkakapatid sa humahangos na si Tamara.
"Wala si Ally sa silid niya kahit saan sa taas wala siya!" hinihingal niyang sabi.
"Baka nasa labas siya." -Axiel
"Ano namang gagawin niya dun?" -Tamara
"Malay ko di naman ako siya." -Axiel
Sinamaan siya ng tingin ni Tamara. Natigil sila ng lumitaw si Shaviel. Naluluha siya na namamawis at namumutla. Agad na lumapit si Zyfer sa kanya.
"Shav ayos ka lang? Anong nangyari sayo?" nagaalala nitong tanong.
"M-may kailangan k-kayong makita." saad niya.
Sumunod sila kay Shaviel patungo sa medyo papasuking bahagi ng gubat.
"Shav ano ba yung nakita mo?" -Tamara
"Ayan." wala sa sarili niyang sabi habang nakatingin sa isang bahagi ng lupa na maraming dugo.
"Anong--" -Zyfer.
Napayakap naman ng mahigpit si Victoria kay Primo.
"Kaninong dugo yan?" halos pabulong na sabi ni Tamara.
"Isang dugo ng mortal." -Axiel
Sumulpot din bigla si Tril at may hawak na kung ano.
"Trilt ano yan?" -Tamara
Ipinakita niya ang isang kwintas na may dugo.
"K-kay Ally yan." mahinang sabi ni Shaviel.
Lahat sila ay nabalot ng kaba at takot sa kanilang nakita. Ngunit si Primo naman ay binabalot na ng galit.
"N-nasan si Ally!" nangingiyak na sabi ni Tamara.
Walang may nagsalita sa kanila natahimik ang lahat at gulong gulong ang kanilang mga isip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top