PAHINA 13
Shaviel's Pov:
Nakatayo kami nina Tamara,Zyfer,Trilt at Primo ngayon sa labas ng nasusunog na gusali. Kanina ko pa hinahanap si Ally ganoon din si Miyaki. Nagaalala ako baka kasi nasa loob pa sila. Si Miyaki alam kong matalino siya at kaya niyang makalabas pero kung si Ally hindi ko alam. Nakaramdam ako ng isang madilim na presensya sa loob ng nasusunog na gusali.
"May Craos." mahina kong wika.
"At nasa loob iyon ng gusali." wika ni Tamara.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ku-ya *huk*"
Napalingon kaming lahat sa likuran.
O_O Victoria??
Tumakbo siya papalapit kay Primo at yumakap.
"Victoria?? Bakit ka nandito at may mga galos ka?" nagaalalang tanong ni Zyfer.
"Ku-ya Pri-mo *huk* tulu-ngan mo po si Ate *huk* na-sa lo-ob pa si-ya at may ta-ma ng es-pa-da." halos hindi namin maiintindihan ang sinasabi niya.
Nakita ko ang pagbabago sa expression ng mukha ni Primo.
"Dito ka lang." sabi niya kay Victoria saka umalis.
"Kuya saan ka pupunta?" tanong ni Zyfer.
"Pumunta kayong lahat sa Black House dalhin niyo si Victoria susunod kami." at nawala na lang siya bigla.
Kami? Hind ko alam pero lumakas ang kabog sa dibdib ko. Sinunod namin ang utos niya at nagtungo na kami ng Black House.
*****
Third Person's Pov:
Madaling nakapasok sa nasusunog na gusali si Primo. At sa di kalayuan ay may naaninag siyang mga anino. Lumapit siya sa gawing iyon ng nasusunog na gusali.
"Sabi na nga ba dadating ka para sa kanya." nakangising bungad ni Miyaki sa kanya habang nakatingin sa sahig kung saan naroroon ang duguang katawan ni Herezett.
Hindi nagsalita si Primo bagkos ay nagliwanag ang kanyang mga mata at naging kulay lila ang mga ito. Nagsipaglabasan naman ang mga espada ni Miyaki at ng kanyang dalawa pang kasama.
"Hindi mo na siya maililigtas." wika ng isa sa kasama ni Miyaki.
Sa isang kisap mata nawala sa kanilang harapan si Primo. Biglang naging madilim ang paligid ang nangangalit na apoy ay nawala at napalitan ng purong kadiliman.
"Magsipaghanda kayo!" wika ni Miyaki.
Ilang segundo lamang ay nakahandusay na sa sahig ang isang kasama ni Miyaki at naging abo ito.
"Wag kang magtago sa illusyon ng kapangyarihan mo Silverstone!" galit na wika nito.
Maya maya pa kapareho ng sinapit ng isang kasama ni Miyaki sumunod na din ang isa pa. Ngayon ay nagiisa na lamang siya at desperado na siyang mapatay ang panganay ng mga Silverstone. Itinutok niya ang kanyang espada sa nakahandusay na katawan ni Herezett at akmang itatarak ito ngunit isang harang ang pumigil sa espada. Isang malakas na daloy ng kuryente ang pinakawalan ng harang kay Miyaki na siyang nagpatilapon sa kanya.
"Hindi ka nagiisip. Ganoon ka na ba kadesperado para gumawa ng ganito ka walang kwentang hakbang. Matagal ko ng alam na isang kang Craos ngunit hinayaan kita. Alam kong kaya mong itago ng lubos ang pagiging Craos mo ngunit kapalit nun ay ang iyong kapangyarihan tama ba?" malamig na sabi ni Primo sa kanya.
"Kaya kitang labanan kahit wala akong kapangyarihan!" wika nito.
Sa isang sulok lumabas si Primo mula ka kadilimang bumabalot sa kanila. Madiin niyang tinignan ang dalagang nakahandusay sa sahig at tila wala ng buhay pa.
"Wala na siya huli ka na!! Ang buhay niya ay napasaa-----"
Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay naitarak na ni Primo ang espada niya sa tiyan ni Miyaki.
"Mahina ka." tanging sabi niya.
Hinugot niya ang espada mula sa katawan ni Miyaki at tinignan ito habang nakayukod at hinahawakan ang kanyang sugat.
"Hindi kita tutuluyan. Gusto kong makita ka nila na ganyan." wika nito at binuhat ang nanlalamig na katawan ni Herezett.
Unti unti ay bumalik na ang paligid kasabay nito ay nawalan na din ng ulirat si Miyaki. Mabilis na dinala ni Primo si Herezett sa Black House.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top