PAHINA 12


Herezett's Pov:

"Ate mmmm di ka po kakain?" tanong ni Victoria

"Hindi na busog pa ako." sabi ko sa kanya.

Pinagpatuloy niya na lang kanyang pagkain.

"Victoria may mga kapatid ka ba?" tanong ko.

Syempre alam ko na may mga kapatid siya. Pagpapanggap lang ba.

"Ahmm opo apat po kami at nag-iisang babae lang po ako." paliwanag niya.

Patango tangi naman ako kunwari ay di ko alam. Niligpit ko agad ang pinagkainan niya.

"Oh babalik na ako dun ah dito ka lang okay?" paalala ko ulit.

"Opo." nakangiti niyang sagot.

Iniwan ko na siya dun at pumunta na ako sa susunod kong klase.

"Ally di ka pumasok sa ikalawang klase natin kanina, Anong nangyari sayo?" bungad na tanong ni Miyaki.

"Ahmmm sumama yung pakiramdam ko kaya pinahinga ko muna. Ayos nanaman ako ngayon." ako na talaga ang dakilang sinungaling.

"Si Primo din hindi pumasok." singit ni Shav.

Naiinis talaga ako kapag naririnig ko ang pangalan ng halimaw na yun.

"Zet!"

Napalingon ako sa tumawag sakin naglalakad papalapit sakin si Calix.

"Nawala ka na lang kanina bigla san ka pumunta?" halata sa boses niyang ang pagaalala.

"Pasensya na ha nabanyo kasi ako nung oras na yun kaya ayun. Pasensya na." huhuhu ako na talaga! T^T

"Haha ayos lang naiintindihan ko." nakangiti niyang sabi.

"AHHEEMMM." napatingin agad ako sa tumikhim.

"Baka may balak kang ipakilala siya samin." -Tamara.

"Ay oo nga pala. Ahmm Calix sila sina Shaviel,Miyaki at Tamara. Mga binibini siya naman si Calix ang nawawala kong kababata." pagpapakilala ko sa kanila.

"Masaya akong makilala kayo." -Calix

"Kami din." sabay na sabi ng tatlo.

Naguusap usap kaming tatlo sa isang mesa sa gilid ng silid aralan ng sumulpot si Zyfer.

"Shaviel pwede ba tayong magusap?" sabi niya.

"Oo naman. Sige mamaya na lang ulit ha." paalam ni Shav.

Nakita kong nakatitig si Zyfer kay Calix bago sila umalis. Nasa dugo ba nila na ayaw nila kay Calix ano bang problema nila?

(forward)

Wala daw kaming klase ngayon dahil may mahalagang pagpupulong ang lahat ng mga guro. Kung kaya't andito ako sa aking silid,nakikipaglaro ako kay Victoria. Nagugupit kami ng mga hugis mula sa papel.

"Sana makilala mo ang Kuya ko." bigla niyang sabi habang nagugupit.

Naku lang Victoria nakilala ko na siya.

"Ahmm sana nga." sagot ko.

"Alam mo Ate may binabanggit na babae si Kuya palagi ewan ko kung sino yun." inosente niyang sabi.

Ewan ko pero kumirot ng konti ang dibdib ko.

"Baka gusto niya yun. Hayaan mo na yung Kuya mo malaki nanaman siya eh. Ikaw pag laki mo ganun ka din siguro eh." nakangiti kong sabi.

"Edi dapat ipakilala niya sakin." nakanguso niyang sabi.

Ang cute niya.

"Ipapakilala din niya sayo kung sino man yun." sabi ko.

"Sana talaga ikaw na lang maging ate ko. Gusto kita para sa kuya ko." nakangisi niyang sabi.

Adik din ba ang batang to? Ang halimaw na yun? Naku lang!

"Ahhm sa tingin ko di kami bagay nun. Hehe."

"Bakit naman po?"

"Ehh kasi......"

Hala! Di ko alam ang sasabihin kong paliwanag T^T

"Mabait naman po si Kuya tapos maalaga din pero may oras nga lang na sinusumpong siya ng kasungitan. Hihihi."

Ngumiti na lang ako sa kanya. Ayoko ng magsalita parte sa kuya niya naiinis lang ako kapag naaalala ko ang masungit na halimaw na yun. Marami-rami na din ang nagugupit namin ng tupahinto si Victoria sa pagupit at napatingin sa pinto.

"Victoria ayos ka lang ba?" alala kong tanong.

"May...may paparating na Craos."

Craos??

"May ano?" naguguluhan na ako.

Ifrit tapos Craos?? Ang mundo talaga puno ng hiwaga.

"Sila ang mga isinumpa. Kapag ang mga Ifrit ay pumanaw at binuhay muli nagiging Craos sila. Dahil sa kanilang pagbabalik lalamunin ng kadiliman ang kanilang katawan at kaluluwa. At Ate nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagpatay."

Napahigpit ang hawak ko sa gunting. Kung mamamatay tao sila possibleng delikado kami dito.

"Victoria possible bang maramdaman ka din nila?" alalang tanong ko.

"Opo pero kaya kong itago ang amoy ng aking kakayahan at ang pagiging isang Ifrit." sabi niya.

"Kung ganun gawin mo na bilis." sabi ko sa kanya.

Tumango siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Kasabay ng pagmulat niya ang siya din mismong pagliwanag ng kanyang mata naging kulay rosas ito. Maya maya pa ay bumalik ito sa dati. Nagawa na niya sigurong itago ang pagiging Ifrit niya.

*tok tok tok*

Sabay kaming napatingin sa pinto. Yan na ba ang sinasabi niyang Craos? Pinalapit ko si Victoria sakin at niyakap. Ano kayang kailangan ng nilalang na yan dito?

*tok tok tok*

Napahigpit ang yakap ni Victoria saakin.

"Kuya" naiiyak niyang sabi.

Hinawakan ko lang siya ng mahigpit.

"Zet?!" dinig kong sabi ng nilalang sa labas.

Teka si Calix ba yun? Pero ang sabi ni Victoria isang Craos ang paparating?

"*tok tok* Andyan ka ba Zet?" muli nitong sabi.

Siya nga pero...

"Dito ka lang." sabi ko kay Victoria.

Tumango lang siya lumapit agad ako sa pinto at dahan dahan itong binuksan.

Si Calix nga ang nasa labas.

"Calix? A-anong kailangan mo?" pilit kong kinalma ang sarili ko.

"Ahmm ayain sana kitang magtanghalian mamaya. Pwede ka ba?" nakangiti niyang sabi.

Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Si Calix siya hindi siya isang Craos.

"Zet ayos ka lang ba?" alala niyang sabi.

"Ah oo ayos lang ako." sabi ko.

"Ang putla mo ata ngayon. Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya ulit.

"Hindi ayos lang ako. Sige magtanghalian tayo mamaya. Kita na lang tayo sa canteen." sabi ko sakanya.

"Sige antayin kita dun mamaya." sabi niya tsaka umalis.

Nakahinga na din ako ng maluwang. Pumasok ulit ako at naupo sa kama. Lumapit sakin si Victoria.

"Ate kilala mo ang Craos na yun?" sabi niya sakin.

"Kababata ko siya Victoria. Hindi naman ata siya isang Craos."

"Ate wag kang maniniwala sa iyong nakikita ang isang Craos ay mapanlinlang kahit kaano ano ka pa man ng isang Craos kaya ka niyang saktan." hinawakan niya ang kamay ko.

Kailangan kong alamin ang totoo kailangan ko ng patunay sa sinasabi ni Victoria saakin. Mamanmanan ko si Calix simula mamaya. Aalami ko kung siya pa ba talaga ang Calix na nakilala ko dati.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa canteen. Kinakabahan ako paano kapag totoo ang sinabi ni Victoria tungkol kay Calix. Possible kasi matagal din siyang nawala pero baka naman may pinuntahan lang siya o di kaya nagibang bansa. Habang papalapit ako sa canteen papalakas din ang tibok ng puso ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Si Calix lang yun. Si Calix na kababata ko. Pagtapat ko sa pinto ng canteen napahinto muna ako. Makikipagtanghalian ba ako sa kanya? O sasabihin ko na masama pakiramdam ko. Nanginginig ang kamay ko ng inabot ko ang hawakan ng pinto ng canteen. Nang biglang may bumangga sakin.

"Wag kang paharangharang dyan hindi lang ikaw ang dumadaan." malamig niyang sabi.

Kahit nakatalikod alam ko kung sino ang lalaking iyon. Parang gusto ko siyang lapitan at magtanong pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Hindi din ako makapagsalita pinanuod ko lang siyang maglakad. Biglang may pumulupot na babae sa kanyang braso. Sino yun? Nainis na lang ako bigla. Bigla siyang lumingon sa gawi ko at walang emosyong tumitig sakin. Lumingon din sa gawi ko ang babe. Teka parang pamilyar yung babae,.tama si Amelia Cross. Ngumisi si Amelia sakin at naglakad sila papunta sa isang upuan sa pinakagilid.

"Zet!"

"Ay kalabaw!" napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

"Nakatulala ka dyan ah." bungad ni Calix.

"Sana naman di mo ko ginulat." inirapan ko siya.

"Suplada mo ngayon ah." taas kilay niyang sabi.

"Tss kain na nga lang tayo." sabi ko sa kanya at hinila siya papunta sa counter.

Pagkabili namin umupo agad kami sa may bakanteng upuan.

"Zet baliw ka ba?" bigla niyang tanong.

"Bakit?" walang emosyon kong sabi.

"Kanina pagdating ko sa silid mo namumutla ka at parang takot ngayon naman ay naiinis ka." paliwanag niya

Sa sobrang inis ko nakalimutan ko kung bakit ako nakipagtanghalian kay Calix. Hayaan ko na muna yun wala ako sa mood ngayon. Nakakainis bakit niya kasama ang babaeng yun. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanila.

"Gusto mo ba yung lalaking yun?" nakangising sabi ni Calix.

"Hindi ah." inis kong sagot.

Bat naman ako magkakagusto sa halimaw na yun. Tsaka ano nga bang pakialam ko kung sino ang dapat niyang kasama di ko naman siya kaanu-ano.

"Nakikita kong sobrang inis ka habang tinititigan mo sila." pabulong na sbi ni Calix sakin.

Tinignan ko ng masama si Calix pero tinawanan niya lang ako. Kumain na lang ako at di ko muna sila pinansin. Bibilhan ko si Victoria ng makakain niya. Nang maubos ko ang pagakain ko di ko mapigilang hindi lumingon sa kinauupuan nila Primo at Amelia ngunit wala na sila dun. Saan naman sila nagpunta? At bakit ko ba iniisip kung saan sila pupunta? Bahala sila dun.

"Nga pala Zet." napalingon naman ako kay Calix.

"Bakit?"

"Napadalhan ka na ba ng imbetasyon?" napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Imbetasyon? Para saan?"

"May gaganapin na pagdiriwang sa darating na sabado. At dadalo ang lahat ng nasa rose class."

"Ba't hindi ko ata alam yung tungkol dyan."

"Wala ka kasi nun noong sinabi ng guro natin na may gaganaping pagdiriwang." paliwanag niya sakin.

Tumango lang ako sa kanya. Pinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. Tinitigan ko siya habang sumusubo.

"May dumi ba ako sa mukha?" takhang tanong niya.

"Wala naman. Nga pala saan ka ba nagpunta at nawala ka na lang bigla ng walang pasabi."

"Ah pasensya ka na ha kasi biglaan yun. Inasign kasi si Papa noon sa ibang bansa kaya lumipat kami dun." paliwanag niya.

"Talaga lang ha!" sabi ko sa kanya.

"Oo nga." natatawa niyang sabi.

Nagkibit balikat na lang ako habang aiya naman ay tawa ng tawa. May nakita akong grupo ng mga estudyante na natataranta at tumatakbo. Ano kayang nangyari?

"MAY SUNOG SA DORMITORYO NG MGA BABAE!!" sigaw ng isang estudyante.

O_O

May sunog daw sa dormitoryo ng mga babae. Si Victoria!!! Napatayo agaad ako at napatakbo. Narinig kong tinatawag pa ako ni Calix pero di ko siya pinansin pa. Hindi sana naman walang may nangyari sa kanya. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Sana ayos ka lang Victoria.


Mabilis akong tumakbo papunta sa dormitoryo. Kung gaano kabilis ang takbo ko mas mabilis pa dun ang kabog ng dibdib ko. Nangako ako na babantayan ko si Victoria hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya. Habol hininga akong tumigil sandali halos kalahati na ng gusali ang nasusunog.

"MAY TAO PA ATA SA LOOB!!!MAY UMIIYAK DUN!!" dinig kong sigaw ng isang estudyante.

Hindi na ako nagatubili pa natumakbo papasok ng nasusunog na gusali. Nadinig kong tinatawag ako ng iba ngunit di ko sila pinansin. Tanging nasa isip ko lang ay si Victoria. Tinakpan ko ang aking ilong sa kapal ng usok. Hinanap ko agad ang kwarto ko mabilis akong lumapit sa pinto ng kwarto ko at sinubukang buksan ito.

'Hindi maaari nakasara?'

Pinuwersa kong buksan ito ngunit ayaw pa din. Sinipa ko ang pinto ng buong lakas ng paulit ulit. Nakaramdam ako ng panginginig ng paa perp hindi ko iyon ininda. Unti unti na ding nanghihina ang katawan ko dahil sa pakapal na ng pakapal ang usok.

Bumukas ka ng letcheng pinto ka!!!! Ginamit ko ang buong lakas ko para sipain ulit ang pinto. Sa wakas na buksan ko din. Dali akong pumasok sa loob. Buti at di pa umaapoy sa loob nito.

"VICTORIA!!!" tawag ko.

Hinanap siya agad ng mga mata ko. Nang may narinig akong hikbi galing sa closet ko. Patakbo kong nilapitan ang closet at binuksan iyon.

"Victoria!" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Ate!!" niyakap niya ako bigla.

"Sshhh tahan na andito na ako." niyakap ko din siya.

Salamat at ligtas siya.

"Na-ta-takot a-ko a-te." iyak niya.

"Wag kang matakot lalabas tayo dito. "sabi ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya at akmang papaalis na kami ng biglang may sumakal sakin.

"Ate!!" dinig kong iyak ni Victoria.

Hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng hawak niya sa leeg ko. Sinubukan kong tignan kung sino iyon. Halos maiyak ako ng malaman ko kung sino ang sumasakal sakin.

"Mi-ya-ki." habol hininga kong sabi.

"Kailangan mong mawala sisirain mo ang plano namin." pagkasabi niya nun ay binalibag niya ako sa pader ng kwarto.

Ramdam ko ang sakit sa likod at leeg ko. Pilit akong huminga ng lumapit sakin si Victoria na umiiyak. Humakbang si Miyaki papalapit samin. Pilit akong bumangon at isinandal ang sarili ko.

"Uunahan na namin sila bago ka pa man nila makuha. Hindi dapat manaig ang mga Ifrit laban saming mga Craos." at biglang lumitaw ang isang espada mula sa kamay niya.

"LUMAYO KA SAMIN!!" sigaw ni Victoria at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa harap.

Nagliwanag ito ng kulay rosas at bigla na lang ay tumilapon si Miyaki ng matamaan siya nito. Dahan dahan akong tumayo at hinila si Victoria palabas habang hindi pa nakakatayo si Miyaki. Malakas na ang apoy paglabas namin. May nalalaglag na na mga bahagi ng gusali.

"HINDI KAYO MAKAKATAKAS!!" isang galit na sigaw ang narinig ko mula sa likod.

Napaharap ako at nakaramdam na lang ako ng kirot sa bandang tiyan ko. Tinignan ko at nakita ko ang kanyang espada na nakatarak doon. Napaluhod ako sa panghihina at kirot na naramdaman ko.

"Ate!!!"

"Uma-lis k-a n-a." habol hininga kong sabi.

"Hindi Ate." hagugol niya.

"Si-ge na. A-li-s na." patulak kong sabi.

"Ayoko!!"

"Ta-k-bo hu-mi-ngi k-a ng tu-lo-ng sa mga ku-ya m-o. Bi-lis na Vic-to-ria."

Umiiyak niya akong iniwan na nakahiga sa sahig. Sobrang sakit na ang nararamdaman ko at hinang hina na ako. Naramdaman kong may tumulong luha galing sa mga mata ko. Dito na ba matatapos ang buhay ko. Unti unting bumigat ang mga mata ko. At nagdilim na ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top